Share

Chapter 1

"Good morning anak! ang aga mo yata nagising may lakad ka ba?"

"Opo ma, may interview po ako ngayon."

"Ano?!" Nakita kong namilog ang mata ni mama. "Sige, kumain kana para maaga ka makarating sa pupuntahan mo."

Dali dali na akong naligo. Ramdam na ramdam ko pa ang malamig na tubig na tumatama sa aking balat. Nagsuot ako ng kulay itim na palda na hanggang tuhod ang haba at pormal na puting polo. Kulay itim naman ang bag na kinuha kasama ang malaking sunglasses.

"Ang ganda - ganda naman ng dalaga ko." Tinanggal naman ni mama ang suot kong sunglasses.

"Hayan mas maganda na, sigurado maraming manliligaw sayo roon," wika ni mama sabay yakap sa sa'kin at naramdam ko ang paghaplos niya sa aking buhok.

"Thank you, Ma." Humalik naman ako kay mama sa pisngi at lumabas na ng bahay.

Sumakay na agad ako ng tricycle para makaiwas sa traffic. Nang makalabas na ako sa tricycle ay humakbang na ako patungo sa building kung saan ako papasok.

"Manong guard for interview po."

"Liko ka, makikita mo ang elevator." Tumango lang ako kay manong at naglakad papunta sa elevator. Pinindot ko yung twenty one floor ng bumukas ito ay lumapit agad ako sa receptionist.

"Hi for interview po, Alyssa Fajardo." Isinenyas ng receptionist na maupo muna ako sa bench.

Nang makaupo, bigla namang may lumapit sa akin na lalaki. Gwapo, Kulay brown ang buhok.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin.

" May interview ako," ngiting wika ko sa kanya.

"Miss Alyssa pwede kana po pumasok."

"Goodluck!" bulong ni David.

Seryosong mukha ng nag-interview ang bumungad sa sa akin. Siya na siguro ang tumawag sa akin sa telepono.

"You may sit. Tell me about yourself."

My name is Alyssa Fajardo. I am 22 years old and graduate in Bachelor of Computer Science. We have our own family business but I want to work in a different company to prove myself.

"You're so pretty, By the way I ask you something? Do you have a boyfriend?"

"No ma'am."

"Really? Just wait, I'll be back."

Nang maiwan ako sa loob ay bumuntong hininga agad ako ng malalim. Ilang minuto lang ay bumalik rin ang babae sa conference room.

"Miss Alyssa, you can start tomorrow. Goodluck! by the way, you will be the secretary of Mr. Monteverde."

Tumango naman ako sa kanya. Nang nakaramdam ako ng gutom ay nag punta ako sa canteen. Naalala ko naman bigla ang lalaki mag iisang buwan na ang nakalipas.

"Nakakainis!" napabuntong hininga na lang ako. Hanep, kakaibang kumpanya pati boyfriend tinatanong na sa interview. Nakita kong palapit si David sa direksyon ko.

"Can I sit here? When will you start?" Hindi pa man ako pumapayag na maupo siya ay kinuha niya agad ang silya at umupo sa tabi ko.

"Bukas, secretary daw ako ni Mr Monteverde."

"What?" Gulat na gulat siya at muntik na niyang maibuga ang sago sa kaniyang bibig.

"Seriously?!" Bigla siyang natawa ng malakas na parang baliw. "I can't believe this si Ate kukuha nang isang kagaya mo para gawing secretary ni Aiden."

"Anong nakakatawa? Bakit mukha ba akong halimaw?" Sa inis ay binatukan ko siya at tumayo na para layasan siya.

Nagpasya na akong lumabas ng building, maaga pa naman kaya pwede pa ako maglakad. Tumingala lang ako saglit sa langit. Minsan nakakaramdam ako ng hilo. Mukhang masama ang pakiramdam ko. Excited pa naman na akong sabihin kay mama na may trabaho na ako.

"Narito kana pala anak kamusta?"

"Tanggap na po ako."

"Congrats anak." narinig kong sabi ni mama.

Nagtungo agad ako sa aking kwarto at mabilis naman akong nagpalit ng suot dahil naiinitan na ako. Napapikit ako at biglang naalala ang nangyari isang buwan na ang nakalipas pero nasa isipan ko pa rin ang mukha ng lalaking 'yon. I know it was a mistake kaya sana mawala na siya sa isip ko.

Napatayo ako ng may maramdaman akong umiikot sa tiyan ko. Naduwal ako sa cr at nakaramdam ulit ng konting hilo. Napaisip ako kung ano ang nakain kanina.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naghanap ako ng pwedeng kainin. Tumingin ako sa refrigerator at may nakita akong kumpol kumpol na mga prutas. Binuksan ko ang isang naka supot at naka langhap ako ng isang mabahong amoy. Humangos ako papunta sa lababo at naduwal. Nakita ko ang itsura ni mama na naka pamaywang ang dalawang kamay at masama ang tingin sa akin.

Dumiretso ako sa sofa at humiga na lamang. Nakita ko ang mata ni mama na masama pa rin ang tingin sa'kin. Lumapit si mama at umupo sa harapan ko. Nakakunot pa rin ang noo.

"Alyssa!"

"Y-yes Ma?" nauutal kong wika kay mama.

"Buntis ka ba?" Inilihis ko ng tingin ang aking mata kay mama dahil alam kong galit siya sa akin.

"Hindi Ma, May nakain lang akong hindi nagustuhan ng tiyan ko." Nakita ko ang pagtalikod ni mama sa akin. Nakahinga naman ako ng malalim.

Hala! Bakit ganon parang kinakabahan ako ng marinig kong sinabi ni mama na bun-- Hindi pwede! Nakaramdam ulit ako ng gutom kaya naglagay ako sa plato ng kanin at sinigang na nasa tasa. Hmmm ang sarap naman ng ulam, paborito ko ito. Napansin kong nakatutok pa rin ang tingin sakin ni mama habang kumakain ako.

"Mukhang gutom ka ha?" Napatingin ako sa plato at napansin ko na madami pala akong nalagay.

"Mama naman siyempre, pagod ako eh!" Tumango lang si mama. Ako naman ay patuloy pa rin sa pagkain. Mukhang napadami yata ang kain ko. Sa sobrang kabusugan ay napadighay na lang ako. Nag vibrate ang phone kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. Nakita kong nag-alarm na dahil mag alas otso na pala ng gabi.

Pumasok ako sa aking kwarto. Lumapit ako sa bintana at tiningnan ang mga bituin. Ang ganda, mukhang ang saya - saya nilang pagmasdan.

Humiga na ako sa aking kama habang pinipigilan ang aking antok. Kinuha ko ang phone ko at nag search. Hindi ko tuloy maiwasan na haplosin ang aking tiyan dahil sa mga nalaman ko. Baka nga masama lang talaga ang pakiramdam ko. Ano kaya ang itsura ng magiging boss ko? Gwapo kaya o baka naman matanda na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status