共有

Chapter 14

作者: RGA.Write
last update 公開日: 2025-07-23 11:08:48
Kumabog ng malakas ang dibdib ko at pakiramdam ko ay parang hindi aircon ang bumabati sa balat ko kundi init na galing sa lalaking halos dumikit na sa tabi ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili. Bumaling ako sa kanya at nagsalita, medyo pabulong pero puno ng inis.

“Pwede ba, lumayo ka nga? Para kang multo ng kahapon eh.”

Napalingon siya sa akin. Hindi agad nagsalita. Nakangisi lang. ‘Yung ngising may alam. Nakakairita. Nakakakaba. Nakakaloko.

“Bakit?” aniya, dahan-dahang inabot ang throw pillow n
RGA.Write

Iba na 'yan Evelyn.

| 3
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 83

    Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa naging reaksyon ni Mommy matapos ang biro ni Terrence. Sa gitna ng takot at tensyon, nagawa pa rin niyang pagaanin ang sitwasyon, na para bang wala kami sa gitna ng isang delikadong sitwasyon. Nakita ko kung paano bahagyang nag-relax ang mukha ni Mommy, at kahit sandali lang iyon, sapat na para kumalma ang dibdib ko.Hinuli ni Terrence ang kamay ko matapos ko siyang hampasin, saka iyon marahang pinisil. Walang salita, pero malinaw ang mensahe—nandito siya, at hindi niya ako pababayaan.Napailing na lang ako, pero hindi ko maitatanggi na sa kabila ng lahat, mas lumalakas ang loob ko dahil sa kanya.Gayunpaman, hindi pwedeng manatili kami sa ganoong estado. Hindi pwedeng magpaka-komportable sa isang lugar na malinaw nang hindi ligtas.Muling bumalik ang seryosong ekspresyon sa mukha ko habang nakatingin kay Terrence. “We need to move her,” mahinahon kong sabi, pero may bigat ang bawat salita. “As soon as possible.”Hindi siya nag-atubiling

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 82

    Hindi ko gustong umalis.Kahit ilang araw na akong halos hindi natutulog, kahit paulit-ulit na akong kinakausap ni Terrence na magpahinga, may parte sa akin na tumatanggi. Parang may kung anong mali na naghihintay na mangyari sa sandaling iwan ko ang silid ni Mommy.Tahimik siyang natutulog nang mga oras na iyon, payapa ang mukha, malayo sa takot na nakita ko sa kanya ilang araw na ang nakalipas. Pero kahit ganon, hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.“Baby…”Marahan akong napalingon kay Terrence na nakatayo sa likod ko. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay nang ipatong niya iyon sa balikat ko.“Kailangan mong magpahinga,” mahinahon niyang sabi. “Hindi ka na nakakabawi.”Hindi agad ako sumagot, napatingin lang ako ulit kay Mommy.“May mga tao sa labas,” dagdag niya. “Naka-brief na ang lahat. Walang makakalapit sa kanya.”Saglit akong napapikit.Dalawang bodyguard ang nakapwesto sa labas ng silid. May naka-assign din sa hallway. Alam kong hindi siya nagkulang sa pag-iingat.At hi

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 81

    Isang linggo ang lumipas.Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming araw ng kaba at paghihintay, unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Mommy.Hindi pa rin siya ganap na malakas, pero kitang-kita ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan. Mas malinaw na ang kanyang mga mata, mas maayos na ang kanyang paghinga, at nagagawa na niyang makipag-usap nang hindi agad napapagod.Sa mga nakaraang araw, sinigurado ni Terrence na hindi kami mawawalan ng proteksyon.May dalawang bodyguards na palaging nakapwesto sa labas ng silid. May isa pang nakabantay sa dulo ng hallway. At ayon kay Terrence, may isa pang team na palihim na nagmo-monitor sa paligid ng hospital.Hindi niya sinasabi nang detalyado ang lahat, pero alam kong ginagawa niya ang lahat para sa kaligtasan naming mag-ina.Ngayong gabi, tahimik ang hospital room.Ako ay nakaupo sa tabi ng kama ni Mommy habang hawak ang kanyang kamay. Sa kabilang side naman ng kama ay nakaupo si Terrence, nakasandal nang bahagya sa upuan habang pinag

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 80

    Lumipas ang ilang araw na halos pare-pareho ang takbo.Tahimik. Maingat. At puno ng paghihintay.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napatingin sa pintuan ng hospital room, parang may inaasahang biglang papasok na hindi ko naman alam kung sino.Simula nang sabihin ni Terrence na may posibilidad na may taong gustong patahimikin si Mommy, hindi na nawala sa isip ko ang posibilidad na may nagmamasid sa amin.Kaya naman kahit hindi ko nakikita, alam kong may mga tao sa labas ng silid.Mga bodyguard na ipinadala ni Terrence.Hindi niya iyon ipinagmamalaki, pero nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa bawat maliit na detalye. Mula sa pag-check ng CCTV sa hallway hanggang sa pagtiyak na iisa lang ang nurse na papasok sa room ni Mommy.At higit sa lahat, patuloy niyang pinapanatili ang lihim na nagising na si Mommy.Sa lahat ng tao sa hospital, tanging si Dr. Guerrero at ang dalawang nurse na pinagkakatiwalaan nito ang may alam ng totoo.Sa paningin ng lahat ay nasa coma pa rin ang aki

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 79

    Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng mga kamay ko kahit makalipas ang ilang minuto mula nang muling mawalan ng malay si Mommy.Tahimik ang silid, pero pakiramdam ko ang lakas ng ingay sa loob ng ulo ko na parang may sirang speaker na paulit-ulit ang tugtog.Your step-uncle.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Kahit pilitin kong huwag isipin, kusang bumabalik.Hindi puwede, hindi tama, at mas lalong hindi kapani-paniwala.Pero ang sarili ko ng ina ang may sabi. At kumpara sa iba ang salita niya ang talagang may bigat sa akin at higit sa lahat ang tangi kong papaniwalaan.“Baby… breathe.”Napansin kong hawak na pala ni Terrence ang magkabilang balikat ko. Hindi ko man lang namalayang lumalalim na pala ang paghinga ko at parang nahihilo na ako sa dami ng iniisip.Marahan niya akong inupo sa couch sa gilid ng silid habang pinipilit kong kumalma.“Hinga ka muna,” bulong niya, marahang hinahaplos ang likod ko. “One step at a time. Nandito lang ako.”Pinikit

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 78

    Hindi ako iniwanan ni Terrence. Hindi na rin siya pumasok muna sa trabaho kahit anong pilit ko na bumalik na siya sa office.“Gusto ko na magkasama tayong makikita ni Mommy when she wakes up again,” sabi niya habang nakayapos pa rin sa akin. “Ayaw kong isipin niya na mag-isa ka sa mga oras na ‘to. Aba, bigyan mo naman ng chance ang asawa mo na ‘to para magka-points sa aking mother-in-law.”Natawa ako nang mahina, saka ko siya tinitigan nang matagal—yung tipong ayokong kumurap dahil gusto kong tandaan ang moment na ito.“Baka naman matunaw na ako niyan, baby…” tukso niya nang mapansin ang titig ko.“Masaya lang ako,” sagot ko, halos pabulong. “Hindi pa rin ako makapaniwala na talagang nandito ka sa tabi ko. Terrence… thank you for taking care of my mother.”Sumilay ang totoong ngiti sa mga labi niya—yung ngiting hindi pilit, hindi scripted. Ramdam na ramdam. Dahan-dahan niyang pinisil ang pisngi ko, parang gusto niyang burahin ang lungkot na matagal nang naka-ukit doon.“You don’t need

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 59

    “What’s going on?” tanong ko, medyo mataas ang boses. Sabay pa silang napatingin sa akin. Sabay talaga, as in synchronized swimming level. Lalo lang akong naghinala. Para silang mga batang nahuli na may ginawang kalokohan sa likod ng school building. 'Yon ang pakiramdam ko.“Terrence!” this time ma

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 58

    “Anong nangyayari dito?”Bigla akong natigilan sa aking kinatatayuan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang baritonong boses na hindi ko inaasahan.“S-Sir…” halos sabay-sabay na tugon ng mga kasamahan ko. Nagtunguhan silang lahat, mabilis na nagsitayo, halatang hindi alam kun

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 57

    Maayos ang naging takbo ng trabaho namin ni Terrence. May mga usap-usapan akong naririnig tungkol sa lalaki at sa mga babaeng nauugnay dito, puro bulung-bulungan na sigurado akong nagmula pa sa mga empleyado ng MHI. Wala namang chika noong nakahiwalay pa ang Nylerret, kaya obvious na sa opisina ng

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 56

    Monday, back to work na ulit ako. Kagaya ng sinabi ni Terrence, magkasama nga kami sa opisina niya. Like, legit magkatabi lang ang mga table namin. Honestly, first time ko lang makakita ng personal assistant na nakaupo sa office ng boss mismo. Usually kasi nasa labas, diba? Pero ano pa nga ba ang m

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status