Share

Status: Enemies with Benefits
Status: Enemies with Benefits
Penulis: RGA.Write

Chapter 1

Penulis: RGA.Write
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-11 10:15:39

“Evelyn, I'm really sorry about this. Alam ko na ginagawa mo ang lahat ngunit lumobo na ng husto ang bill ng mommy mo at halos isang taon ka na rin na hindi nakakapag-bawas man lang sa balance,” mahinahon ang pagkakasabi ng doktor, halatang iniiwasan din niya na masaktan ang damdamin ko.

“‘Wag kang mag-alala Dok Mikee, may bago na akong trabaho na di hamak na mas malaki ang sahod. Makakabawas na ako ng utang ko at kung papalarin ay baka magkaroon ako ng chance na maka-loan after kong ma-regular. Nakakahiya man, sana ay mapagbigyan pa rin ako.”

Huminga ng malalim ang doktor. Sa tuwina ay siya ang kumakausap sa akin pagdating sa aking bayarin. Nahihiya na rin ako sa kanya dahil alam ko na siya lang din ang pumipigil sa hospital para gawan ng aksyon ang kaso ko.

“Kung ganon, gagawin ko ang lahat para mapigilan pa ang hospital. Makikiusap ako para sayo,” tugon niya.

Gusto kong maiyak dahil sa kahirapan na dinaranas ko. Pero kailangan kong maging matatag para sa Mommy ko. Hindi ko siya pwedeng sukuan dahil siya na lang ang meron ako.

“Maraming salamat, Doc Mikee. Tatanawin kong malaking utang na loob ito.”

“Kung makakatulong ako, bakit hindi. Masaya ako na kahit papaano ay gumaan man lang ang dalahin mo.”

Kahit papaano ay magaan na ang kalooban ko ng umalis ng hospital. Dumalaw lang ako kay Mommy para sana ipaalam sa kanya na may bago na nga akong trabaho tapos nasingil pa ako ni Doc. Hindi naman sa ayaw ko, alam ko naman na kailangan kong magbayad dahil kahit papaano ay may pag-asa pa akong makasama ang aking ina. Buti na lang talaga at natanggap ako sa inaplayan kong trabaho nitong nakaraang linggo. 

Bukas ay magsisimula na ako bilang PA or personal assistant ng CEO ng Nylerret IT Corp. Dalawang taon pa lang ang kumpanya pero sikat na sikat na ito. 

Sinasabi na napakagaling daw ng CEO kaya naman looking forward ako na makilala siya bukas.

Dumating ang kaibigan kong si Casey at naupo sa sofa na nasa harap ko habang nakangiting nakatingin sa akin. Diretso uwi ako dahil wala naman akong panggala. Isa pa, naalala ko na may gagawin pa ako.

Kasalukuyan akong nagtitiklop ng nilabhan kong damit kasama na rin ang sa kaibigan ko. Iyon man lang ay magawa ko kapalit ng pagiging mabuti niya sa akin kaya kahit anong pigil niya ay nagpupumilit pa rin ako.

“Mukhang masaya ka, ah! May nangyari ba?”

“Wala naman, usual date lang namin ni Orion.”

“Bakit maaga ka yatang umuwi?” tanong ko pa. 

“Syempre, excited ako para sa first day of work mo bukas.” Napailing ako sa sinabi niya. “Gusto ko na magkakwentuhan tayo dahil baka hindi na natin ito magawa kapag nagsisimula ka na lalo at indefinite ang working hours mo.”

“Nasiguro mo na maaga ako ngayon dito?” nakangiti kong tanong.

“Syempre naman, we're bestfriends kaya kilala na kita.” Napangiti ako sa sinabi niya. Next to my Mom, siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

“Kamusta si Tita?” tanong niya na puno ng pag-aalala.

Two years ago ay nangailangan ako ng pera para kay Mommy at dahil wala daw siyang maipapahiram na malaking halaga ay sa kanya na lang daw ako tumira kaya magkasama kami ngayon. Pero kapag nagkakaroon ako ng extra ay binibigyan ko siya, hindi bayad kung hindi bilang pasasalamat.

Marami akong kaibigan na nautangan ko na para pambayad sa hospital bill ni Mommy at napakalaki na rin non. Pasalamat na lang ako na hindi nila ako pinupwersang magbayad. Ngunit hindi ko na dinagdagan pa ang hiniram ko dahil sobra na ang hiyang nararamdaman ko.

“Okay naman, pero sinisingil na ako ni Dok Mikee. Nahihiya na rin ako dahil malamang ay hindi na naman niya malaman kung paano ako ipagtatanggol sa hospital.”

“Public naman ‘yon,” tugon niya.

“Alam ko. Pero kahit pampublikong hospital ay nangangailangan din naman ng bayad, lalo na at dalawang taon ng nakahiga si Mommy doon.”

Napansin ko ang paglamlam ng kanyang mga mata at alam ko ang dahilan non.

“Kung hindi dahil sa nangyari sa Daddy mo ay hindi mangyayari ito sayo ngayon. Ano na ang gagawin mo? Hindi mo mapatunayan ang kainosentihan ni Tito dahil mas kailangan mong unahin si Tita?”

“Darating din ako dyan. Ngayong maganda na ang sahod ko, higit pa sa inaasahan ko ay sigurado na may mag-i-improve na rin sa buhay ko. At kapag nalaman ko na may kinalaman nga ang pamilya ni Terrence Montemayor sa issue ng Daddy ko ay hindi ako titigil hanggat hindi ko sila napagbabayad.”

Si Terrence Montemayor ang lalaki na junior high school pa lang ay sinumpa ko na dahil hindi siya patas. At kagaya ng sinabi ko na, ang kanyang ama ay hinihinala kong isa sa dahilan ng mga paratang sa aking ama noon.

Maging okay lang si Mommy ay sisiguraduhin ko na paglalaanan ko ng oras at pera ang kaso ng aking ama. Lilinisin ko ang pangalan niya na sinira ng Montemayor Holdings Inc.

Nagkakwentuhan pa kami ni Casey bago ako nagpaalam na magpapahinga na. Ayaw kong ma-late sa first day of work. First impressions last eka nga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda para sa aking pagpasok. Medyo malayo ang apartment ni Casey sa kumpanya kaya kailangan kong maglaan talaga ng extra time para sa traffic.

Naka business suit ako, skirt na below the knee at blazer na black na tinernuhan ko ng white na inner tops. Hindi ko na kailangan na mag-stocking kaya diretso ko ng sinuot ang aking high heels.

Dahil ayaw ko ngang magpahuli ay nagdesisyon na akong magbook ng ride para fresh pa rin ako kaya hindi nagtagal ay nasa building na ako kung saan nagre-rent ng office ang Nylerret IT Corp.

Isang forty storey ang building at ang aming opisina ay sinasakop ang 8th-10th floor kung nasaan ang office ng CEO. Sumakay na ako ng elevator at saktong pagbukas non ay nakatanggap din ako ng chat mula kay Casey.

Napailing ako na may kasamang pagngiti dahil sigurado akong chika lang ang hatid niya.

“Bestie, dumating na pala kahapon si Terrence! At guess what, siya na ang hahawak ng Montemayor Holdings!”

“Ano naman ang nakakagulat don?” reply ko sa mabilis na pagta-type habang naglalakad. Hindi man niya nakikita ay alam kong alam na niyang nakataas na ang kilay ko.

“Kinikilala siya ngayon bilang double CEO dahil bukod sa Montemayor Holdings ay may sarili rin siyang negosyo na nasimulan.” Lalong tumaas ang kilay ko sa reply niya. Ibang klase din naman talaga at mukhang mas lalo pang gumanda ang buhay ng hayop na ‘yon.

“Wala akong pakialam sa kanya, hindi ko ikayayaman kung may malaman akong kahit na anong balita tungkol sa lalaking ‘yon.” Pinindot ko ang send button. At dahil napansin ko na may mga tao na sa paligid ko ay nagdesisyon akong mag-type ulit.

“Sige na Bestie at need ko ng maghanda for work. See you later!”

Binalik ko sa bag ang aking phone at nagsimula ng lumapit sa lalaki na natatandaan kong isa sa mga nag-interview sa akin. Ano nga ulit ang pangalan niya?

Ah… alam ko na!

“Good morning, Sir Warren…” Ngumiti ako ng ubod tamis pero punong-puno ng paggalang. Ayaw kong isipin na may ibang kahulugan ang ginawa kong iyon.

Bumaling naman siya ng tingin sa akin at ngumiti rin bago nagsalita.

“Good morning din, Miss Evelyn. You can call me Warren, hindi mo kailangang maging formal.”

“Okay po,” mabilis kong tugon. Hindi naman kasi ako yung tipo na madaling ma-intimidate kaya isang sabi lang talaga ay agree na ako.

“Mabuti at maaga ka, padating na si Sir kaya sana ay ready ka na.”

“Yes, Warren.”

“Good,” nakangiti niyang sabi. Tapos ay nagsimula na siyang tawagin ang ibang staff sa office of the CEO at nagsihilera na rin sila. “Dito ka, Evelyn.”

Pinatayo niya ako sa tabi niya, tapos ay ginaya ko na ang posture niya na ready na rin to meet our CEO.

Hindi nagtagal at narinig na namin ang pagtunog ng elevator na nagsasabing bumukas iyon. Yumuko pa ako para tingnan kung maayos ba ang damit ko dahil sabi ni Warren noong isang linggo ay gusto ng aming boss na laging mukhang presentable at kagalang-galang ang kanyang mga staff.

Inayos ko pa ng konti ang aking ID at tsaka nakangiting nag-angat ng tingin. Ngunit ganon na lang ang pagkamaang ko ng makita ang isa sa dalawang lalaki na naglalakad na palapit sa amin.

Ang nauuna ay ang lalaking ni hindi ko gugustuhin marinig man lang ang boses pero heto at seryosong nakatingin sa akin. Dapat ay magulat siya na kagaya ko, pero bakit parang wala man lang epekto sa kanya ang pagtatama ng aming mga mata?

Hindi ba niya ako natatandaan? Ganon ba kaliit ang tingin niya sa akin para makalimutan ng ganon lang? Nagtagis ang bagang ko dahil sa naisip ko.

Ngayon ay alam ko na, siya ang aking boss. Ang lalaking ayaw kong makita kahit sa huling hininga ko. Ang lalaking pagbabayarin ko ng mahal dahil sa nangyari sa aking pamilya.

Si Terrence Montemayor!

RGA.Write

Hello, welcome po sa aking first story! Medyo slow po ito pero sana ay magustuhan niyo. I'm still learning kaya po kung may mapansin po kayo ay feel free to tell me sa comment I would be happy to know your thoughts. Thank you.

| 9
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 62

    Dahil sa nalaman ko, nagdesisyon akong lakasan ang loob ko. Hindi naman pwedeng siya na lang lagi ang nagbibigay. Kahit nahihiya ako, kailangan ko ring gampanan ang duties and responsibilities ko bilang asawa ni Terrence. This time, gusto kong maramdaman niyang kaya ko rin.Nagsimula akong magplano ng mga gagawin ko. Kahit na nakakadama ako ng hiya ay sinikap ko na kitlin 'yon.Mas maaga kaysa normal kaming umuwi. Naisip ko, tamang tama sa plano ko. Pero pagdating sa condo, trabaho pa rin agad ang inatupag ni Terrence. Napairap ako nang bahagya, sabay inikot ang mga mata ko sa kanya. Parang hindi man lang napagod.“What’s wrong? Anong kinagagalit mo?” tanong niya, clueless talaga. Seriously, how can he be so dense?“Kakarating lang natin mula sa office. Ni hindi ka pa nga nakapagpalit ng damit, trabaho na naman?” may halong inis at tampo kong sabi.Hinubad lang niya ang coat, sinipa sa gilid ang sapatos, at isinunod pa ang medyas bago umupo sa sofa. Agad niyang inayos ang laptop sa ce

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 61

    “Good morning, baby…” nakangiting bati sa akin ni Terrence pagdating niya sa dining area, bitbit pa ang bango ng bagong ligo at amoy ng cologne niya na parang sinadya talagang manggulo ng umaga ko. Ngumiti ako, pilit man, at bumati rin sabay iwas ng tingin.“Good morning, baby.”Nilapag ko ang niluto kong bacon, ham, at egg sa mesa. Kumpleto na sana ang almusal namin, siya na lang talaga ang kulang. Umupo ako at nag-ayos ng upuan, pero napansin kong hindi pa rin siya kumikilos.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin. Diretso. Parang may gusto siyang basahin sa mukha ko.“What’s wrong?” tanong ko, nagtataka pero medyo kinakabahan.“You.”Napakunot ang noo ko. “Why? What did I do?”“Not do. Say.”“Ah…” Pinilit kong ngumiti. “What about it?”“You just called me baby.”Tumaas ang kilay ko, nagkunwaring chill kahit medyo nag-init ang pisngi ko. “Ayaw mo? Okay, fine.”“No!” mabilis niyang sagot, halos sabay pa sa pagtawa. “Gusto ko. Gustong-gusto, actually. Nagulat lang ako dahil—”“Wala nama

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 60

    Hindi ko akalain na sobrang dami ng pamimili namin. At mas lalong hindi ko akalaing puro para sa akin pala iyon. Napanganga na lang ako habang isa-isa niyang ipinapasa sa saleslady ang mga napupusuan niya. Parang wala na akong karapatan pang tumanggi. Bawat “Ay, bagay ‘to sa’yo, hija” niya ay may kasunod agad na “Bill it.”Ang ending? Ako ‘yung parang mannequin na sinusubukan ng lahat ng best finds ni Donya Teresita. Literal na shopping spree na parang ako ang project of the day.“Maraming salamat, hija,” sabi niya habang inaayos ang suot niyang pearl earrings, very classy pa rin kahit pagod na. “Alam kong naiilang ka pa sa ngayon dahil bago pa lang kayo mag-asawa ni Terrence. Pero wala kang dapat alalahanin dahil seryoso sayo ang anak ko.”Halos mabilaukan ako sa sinabi niya.Totoo lang ha… seryoso? Siya? ‘Yung hambog na ‘yon?Nasa dulo na ng dila ko ang “Yun ang tingin niyo,” pero syempre, hindi ko magagawang isaboses. Hindi rin naman niya alam ang tungkol sa kontrata namin. At kahi

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 59

    “What’s going on?” tanong ko, medyo mataas ang boses. Sabay pa silang napatingin sa akin. Sabay talaga, as in synchronized swimming level. Lalo lang akong naghinala. Para silang mga batang nahuli na may ginawang kalokohan sa likod ng school building. 'Yon ang pakiramdam ko.“Terrence!” this time mas malakas na ang pagtawag ko sa pangalan niya. Ramdam ko yung init na umakyat sa pisngi ko hindi dahil nahihiya ako, kundi dahil naiinis ako sa kanya at sa partner in crime niyang si Warren.“Relax, Baby. Wala pa ngang sinasabi si Warren oh,” sagot niya sabay ngisi. Normally, ang cute niya kapag ganon, yung tipong nakakatunaw ng matigas na puso. Pero ngayon? Hindi ko makita yung ka-cute-an na sinasabi ng universe. Ang nakikita ko lang ay isang lalaking may tinatago at proud pa kaya nangingibabaw sa akin ang inis.“Wag mo akong ma-‘baby baby’ d’yan, Terrence. Kahit anong pagtatago mo, sigurado akong meron something.” Sinabayan ko pa ng matalim na tingin na parang sinasabi, subukan mo pa akong

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 58

    “Anong nangyayari dito?”Bigla akong natigilan sa aking kinatatayuan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang baritonong boses na hindi ko inaasahan.“S-Sir…” halos sabay-sabay na tugon ng mga kasamahan ko. Nagtunguhan silang lahat, mabilis na nagsitayo, halatang hindi alam kung saan ilalagay ang sarili.“I’m asking, anong nangyayari dito?” Ulit ni Terrence, this time mas mababa ang tono, mas nakaka-pressure. Ramdam kong kumakabog ang dibdib ng lahat, pati na rin ako.“Wala po, Sir.” Nakakabilib din si Carmie. Dire-diretso niyang tinitigan si Terrence na para bang wala siyang ibinato kanina lang. Para siyang actress sa teleserye, kalma sa labas pero siguradong nagpa-panic na sa loob.“Hindi ko gusto na nagkakaroon ng kahit anong tsismisan sa loob ng opisina,” madiin na sabi ni Terrence, dry and straight. “Sinasahuran kayo para magtrabaho, hindi para pag-usapan ang inyong colleague.”“Y-Yes, Sir,” halos sabay-sabay na sagot ng mga secretary, parang mga estudyanteng

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 57

    Maayos ang naging takbo ng trabaho namin ni Terrence. May mga usap-usapan akong naririnig tungkol sa lalaki at sa mga babaeng nauugnay dito, puro bulung-bulungan na sigurado akong nagmula pa sa mga empleyado ng MHI. Wala namang chika noong nakahiwalay pa ang Nylerret, kaya obvious na sa opisina ng family business nila nagsimula ‘yang mga yan.Pinagkibit-balikat ko na lang. Pinanghawakan ko pa rin ang salita ni Terrence; alam kong hindi niya ako lolokohin. May weird na kapanatagan sa dibdib ko tuwing naiisip ko ’yun, parang may maliit na apoy sa ilalim ng paniniwala na hindi basta-basta mawawala dahil sinabi naman niya sa akin na hindi niya ako lolokohin.“Ang pogi talaga ni Sir, ang swerte ni Miss Evelyn dahil magkasama sila sa office…” usal ng isa sa mga secretary habang kumakain sa pantry. Si Terrence, yeah. Hindi naman pangkaraniwan, pero hindi rin ako nahuhulog sa tipo niyang popularidad. Still, nakakapanibago.“Ano bang swerte?” mataray na sabat ni Carmie, bakas sa tinig niya ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status