Share

Chapter 46

Author: RGA.Write
last update Last Updated: 2025-09-09 22:49:55
“She’s fine. Sa ngayon, ligtas na siya sa panganib.” Biglang lumuwag ang dibdib ko sa sinabi ni Dok Mikee. Para akong nakalabas sa isang madilim na kwarto na walang hangin, tapos biglang may bintana pang bumukas.

“Anong nangyari, Dok? Bakit bigla na lang nagkaroon ng problema sa condition ni Mommy?” Hindi ko mapigilan ang pagkabasag ng boses ko, halos pabulong pero may halong kaba. Ligtas man na sa kritikal na kondisyon ang aking ina, hindi pa rin nawawala ang katotohanan na nalagay siya sa panganib na pwedeng mangyari ulit kung hindi magiging maingat.

Umiling si Dok Mikee habang tinitingnan ang chart. “Honestly, hindi pa rin namin alam. Palaging normal ang lahat ng vitals niya, ever since, at alam mo ‘yan. First time na nangyari ‘tong ganito, na inatake siya ng ganyan.”

“Pero… wala namang sakit sa puso si Mommy,” sagot ko, halos may pagmamakaawa. Pakiramdam ko, kahit ilang beses ko pang sabihin, hindi magbabago ang totoo.

Ramdam ko ang mainit na kamay ni Terrence nang pisilin niya ang
RGA.Write

Mukhang nasa panganib ang Mommy mo, Evelyn.

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 46

    “She’s fine. Sa ngayon, ligtas na siya sa panganib.” Biglang lumuwag ang dibdib ko sa sinabi ni Dok Mikee. Para akong nakalabas sa isang madilim na kwarto na walang hangin, tapos biglang may bintana pang bumukas.“Anong nangyari, Dok? Bakit bigla na lang nagkaroon ng problema sa condition ni Mommy?” Hindi ko mapigilan ang pagkabasag ng boses ko, halos pabulong pero may halong kaba. Ligtas man na sa kritikal na kondisyon ang aking ina, hindi pa rin nawawala ang katotohanan na nalagay siya sa panganib na pwedeng mangyari ulit kung hindi magiging maingat.Umiling si Dok Mikee habang tinitingnan ang chart. “Honestly, hindi pa rin namin alam. Palaging normal ang lahat ng vitals niya, ever since, at alam mo ‘yan. First time na nangyari ‘tong ganito, na inatake siya ng ganyan.”“Pero… wala namang sakit sa puso si Mommy,” sagot ko, halos may pagmamakaawa. Pakiramdam ko, kahit ilang beses ko pang sabihin, hindi magbabago ang totoo.Ramdam ko ang mainit na kamay ni Terrence nang pisilin niya ang

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 45

    Hindi ko na tinanggihan ang offer ni Terrence. Sino ba naman ako para umangal, kung deep inside alam ko namang para kay Mommy rin ang lahat? Kahit medyo nakakailang tanggapin ang ganon kalaking tulong, mas nangingibabaw pa rin sakin yung peace of mind na hindi ko na kailangang mag-worry sa pambayad para sa dekalidad na medikasyon para sa aking ina. Ang kailangan ko na lang gawin ay dalawin si Mommy at siguraduhin na maayos siya, dahil alam kong may mag-aasikaso sa kanya.Maaga pa lang, gising na ako. Hindi ito ordinaryong araw, kahit hindi Sunday, parang may bigat at excitement na sabay na bumangon sa dibdib ko. Naka-bihis agad ako, hindi para pumasok o makipag-socialize, kundi para puntahan si Doc Mikee.Si Doc Mikee… isa siya sa mga taong never kong makakalimutan. Mabait siya, parang kuya na rin minsan, at sa loob ng dalawang taon na halos mabulok ako sa kakahanap ng paraan para sa gamutan ni Mommy, andun siya. Siya yung tipo ng tao na hindi ka huhusgahan kahit paulit-ulit kang humih

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 44

    Isang linggo akong naka-rest mode, literal. Hindi niya ako pinapagalaw, lalo na sa work, at mas lalong hindi na niya ako ginalaw ulit. Pero grabe, hindi rin siya tumigil sa paghalik at pagyakap sa’kin, tipong every chance he gets, aagawin niya ako sa reality tapos ibabalot niya ako sa init ng mga braso niya.Sa mga araw na ‘yon, never niya akong iniwan. Like, paano nangyari ‘yon? Ang isang Terrence Montemayor, ‘yung guy na kilala ko as the ultimate bully, mayabang, matapobre, at laging may dalang bribe, ngayon biglang nagre-reincarnate bilang Mr. Sweet and Caring. As in, hindi ko ma-process.“Mainit ka na naman,” bulong niya isang gabi, ramdam ko ang worried na tono. Hinawakan niya ‘yung noo ko, tapos halos panic mode agad. Kinuha niya ‘yung bimpo, binasa, at saka marahan na pinunasan ‘yung balat ko na para bang priceless artifact.Nililinisan niya ako, pinapalitan ng damit. Minsan naiilang ako, kaya sabi ko,

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 43

    Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Mabigat ang aking talukap, pati na ang bawat bahagi ng katawan ko ay parang tinatapalan ng tingga. Mainit at nakakabaliw na init na gumagapang sa ilalim ng balat ko na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling. Para akong sinusunog mula sa loob.“Terrence…” pilit kong tinawag ang pangalan niya, pero ang lumabas ay tila bulong na hindi man lang umabot sa hangin.“Baby, I’m here…” mabilis na tugon niya. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya, malalim, nanginginig, parang natataranta pero pilit pinapakalma ang sarili.“I feel… hot,” mahina kong sabi, halos hindi ko makontrol ang panginginig ng labi ko.“Because you are hot, baby. May lagnat ka.” Mahigpit ang hawak niya sa akin, para bang kung bibitaw siya ay mawawala ako. Narinig ko pa ang isa niyang tinig na halos pabulong, ngunit malinaw: “Doc, please take a look at her.”Doc? Kumabog ang dibdib ko. Tumawag siya ng doktor? Nasa condo pa ba kami?“Am I… in the hospital?” tanong ko, pilit na

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 42

    Nakabalik na rin kami sa condo ni Terrence. Pagkapasok pa lang, halos pabagsak akong naupo sa sofa. Sumandal ako, ipinikit ang mga mata, at hinayaan na lang ang sarili kong malunod sa bigat ng pagod na hindi ko maintindihan. Bakasyon naman ’di ba? Pero bakit parang drained na drained ako?“Tired, baby?” Nagmulat ako at agad siyang nakita, si Terrence, kakaupo lang sa tabi ko, nakasandal ang siko sa tuhod habang nakatitig sa akin. May halong pag-aalala sa mga mata niya. For a moment, nagulat ako. Hindi ko alam kung maiirita ba ako sa sobrang clingy niya o matutuwa kasi parang sincere naman talaga.Pinili ko na lang matuwa. Kahit papaano, ang hirap talagang magtampo kapag ganyan ang titig sa’yo.“Hindi naman,” sagot ko, sabay iwas ng tingin para lang hindi niya makita na medyo kinikilig din ako.“Pahinga ka kung gusto mo. I know na napagod kita ng husto.” Inabot niya ang pisngi ko at marahang hinaplos. Ramdam ko agad ang init na kumalat sa mukha ko, parang may kuryente sa bawat galaw ng

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 41

    Walang ginawa si Terrence kung hindi ang yumungyong sa akin. Para siyang linta na palaging nakapulupot ang mga kamay sa katawan ko habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko, tipong parang wala nang bukas. Hindi ko in-expect na ganito siya ka-clingy, as in nakakapanibago.“Ano ba ang ginagawa mo, Terrence?” tanong ko, sabay irap kahit ramdam kong medyo kinikilig din ako. Nasa lanai kami at supposedly nag-aalmusal, pero ayaw talaga niya akong bitawan. Nakakandong na naman ako sa kanya samantalang andiyan na sa mesa ang pagkain namin, nakahain at naghihintay na lang kainin.Ang kulit. Hindi ba siya nagugutom?Ngayon ang last day namin dito sa Batangas at masasabi kong super nag-e-enjoy ako. Pero syempre, hindi mawawala si Nadine na laging bigla na lang sumusulpot, lalo na kapag oras ng lambingan naming dalawa. Hindi naman sa gusto kong maging maldita, pero ilang beses na niya kaming naabutan sa sobrang awkward na posisyon. Like, hello, pwede ba? At kahit nahuli na siya, ni hiya ay hindi man

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status