Pagbukas pa lang ng elevator doors, parang sumabog sa mukha ko ‘yung init ng inis na kanina ko pa pilit nilulunok. Ugh, nakakairita talaga si Terrence. ‘Yung tipong gusto mong sampalin ng unan at sabay yakapin pagkatapos. Hindi ko alam kung iiyak ba ako, matatawa, o gusto ko na lang siyang itulak palabas ng bintana habang nakangiti.Pagdating ko sa tapat ng unit ni Casey, halos sabay kaming nagbukas ng pinto. Parang naramdaman na agad ng bestie ko na may bagyo akong dala.“Oh my God, girl, what happened to you?” agad niyang sabi habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nakataas ‘yung isang kilay niya, as if she’s scanning for emotional damage. Naka-bun ang buhok ko, medyo basa pa, at halatang wala akong kaayos-ayos — para akong contestant sa “Best in Heartbreak Look.”“Don’t ask,” sabi ko sabay tulak papasok, halos ibagsak ang bag ko sa sahig. Hinubad ko ang sandals ko at dumiretso sa couch na parang ako ang may-ari ng condo niya.“Hoy, excuse me, may renta ‘tong sofa na ‘yan ha,”
Dahil sa nalaman ko, nagdesisyon akong lakasan ang loob ko. Hindi naman pwedeng siya na lang lagi ang nagbibigay. Kahit nahihiya ako, kailangan ko ring gampanan ang duties and responsibilities ko bilang asawa ni Terrence. This time, gusto kong maramdaman niyang kaya ko rin.Nagsimula akong magplano ng mga gagawin ko. Kahit na nakakadama ako ng hiya ay sinikap ko na kitlin 'yon.Mas maaga kaysa normal kaming umuwi. Naisip ko, tamang tama sa plano ko. Pero pagdating sa condo, trabaho pa rin agad ang inatupag ni Terrence. Napairap ako nang bahagya, sabay inikot ang mga mata ko sa kanya. Parang hindi man lang napagod.“What’s wrong? Anong kinagagalit mo?” tanong niya, clueless talaga. Seriously, how can he be so dense?“Kakarating lang natin mula sa office. Ni hindi ka pa nga nakapagpalit ng damit, trabaho na naman?” may halong inis at tampo kong sabi.Hinubad lang niya ang coat, sinipa sa gilid ang sapatos, at isinunod pa ang medyas bago umupo sa sofa. Agad niyang inayos ang laptop sa ce
“Good morning, baby…” nakangiting bati sa akin ni Terrence pagdating niya sa dining area, bitbit pa ang bango ng bagong ligo at amoy ng cologne niya na parang sinadya talagang manggulo ng umaga ko. Ngumiti ako, pilit man, at bumati rin sabay iwas ng tingin.“Good morning, baby.”Nilapag ko ang niluto kong bacon, ham, at egg sa mesa. Kumpleto na sana ang almusal namin, siya na lang talaga ang kulang. Umupo ako at nag-ayos ng upuan, pero napansin kong hindi pa rin siya kumikilos.Paglingon ko, nakatitig siya sa akin. Diretso. Parang may gusto siyang basahin sa mukha ko.“What’s wrong?” tanong ko, nagtataka pero medyo kinakabahan.“You.”Napakunot ang noo ko. “Why? What did I do?”“Not do. Say.”“Ah…” Pinilit kong ngumiti. “What about it?”“You just called me baby.”Tumaas ang kilay ko, nagkunwaring chill kahit medyo nag-init ang pisngi ko. “Ayaw mo? Okay, fine.”“No!” mabilis niyang sagot, halos sabay pa sa pagtawa. “Gusto ko. Gustong-gusto, actually. Nagulat lang ako dahil—”“Wala nama
Hindi ko akalain na sobrang dami ng pamimili namin. At mas lalong hindi ko akalaing puro para sa akin pala iyon. Napanganga na lang ako habang isa-isa niyang ipinapasa sa saleslady ang mga napupusuan niya. Parang wala na akong karapatan pang tumanggi. Bawat “Ay, bagay ‘to sa’yo, hija” niya ay may kasunod agad na “Bill it.”Ang ending? Ako ‘yung parang mannequin na sinusubukan ng lahat ng best finds ni Donya Teresita. Literal na shopping spree na parang ako ang project of the day.“Maraming salamat, hija,” sabi niya habang inaayos ang suot niyang pearl earrings, very classy pa rin kahit pagod na. “Alam kong naiilang ka pa sa ngayon dahil bago pa lang kayo mag-asawa ni Terrence. Pero wala kang dapat alalahanin dahil seryoso sayo ang anak ko.”Halos mabilaukan ako sa sinabi niya.Totoo lang ha… seryoso? Siya? ‘Yung hambog na ‘yon?Nasa dulo na ng dila ko ang “Yun ang tingin niyo,” pero syempre, hindi ko magagawang isaboses. Hindi rin naman niya alam ang tungkol sa kontrata namin. At kahi
“What’s going on?” tanong ko, medyo mataas ang boses. Sabay pa silang napatingin sa akin. Sabay talaga, as in synchronized swimming level. Lalo lang akong naghinala. Para silang mga batang nahuli na may ginawang kalokohan sa likod ng school building. 'Yon ang pakiramdam ko.“Terrence!” this time mas malakas na ang pagtawag ko sa pangalan niya. Ramdam ko yung init na umakyat sa pisngi ko hindi dahil nahihiya ako, kundi dahil naiinis ako sa kanya at sa partner in crime niyang si Warren.“Relax, Baby. Wala pa ngang sinasabi si Warren oh,” sagot niya sabay ngisi. Normally, ang cute niya kapag ganon, yung tipong nakakatunaw ng matigas na puso. Pero ngayon? Hindi ko makita yung ka-cute-an na sinasabi ng universe. Ang nakikita ko lang ay isang lalaking may tinatago at proud pa kaya nangingibabaw sa akin ang inis.“Wag mo akong ma-‘baby baby’ d’yan, Terrence. Kahit anong pagtatago mo, sigurado akong meron something.” Sinabayan ko pa ng matalim na tingin na parang sinasabi, subukan mo pa akong
“Anong nangyayari dito?”Bigla akong natigilan sa aking kinatatayuan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang baritonong boses na hindi ko inaasahan.“S-Sir…” halos sabay-sabay na tugon ng mga kasamahan ko. Nagtunguhan silang lahat, mabilis na nagsitayo, halatang hindi alam kung saan ilalagay ang sarili.“I’m asking, anong nangyayari dito?” Ulit ni Terrence, this time mas mababa ang tono, mas nakaka-pressure. Ramdam kong kumakabog ang dibdib ng lahat, pati na rin ako.“Wala po, Sir.” Nakakabilib din si Carmie. Dire-diretso niyang tinitigan si Terrence na para bang wala siyang ibinato kanina lang. Para siyang actress sa teleserye, kalma sa labas pero siguradong nagpa-panic na sa loob.“Hindi ko gusto na nagkakaroon ng kahit anong tsismisan sa loob ng opisina,” madiin na sabi ni Terrence, dry and straight. “Sinasahuran kayo para magtrabaho, hindi para pag-usapan ang inyong colleague.”“Y-Yes, Sir,” halos sabay-sabay na sagot ng mga secretary, parang mga estudyanteng