Kamusta po.. Ito po ang una kong story, sana ay magustuhan ninyo. Kung may nais po kayong iparating ay pwede po kayong mag-comment o kaya naman ay idagdag niyo ako sa face book. Rga Write po ang name ko. Salamat.
Iilang araw pa lang akong nagtatrabaho kay Terrence pero grabe na ang emotional stress na nararanasan ko lalo na sa katotohanan na sa iisang bubong kami nakatira.Matapos ipaalam sa lahat ng empleyado ang tungkol sa paglipat ng aming opisina sa MHI Building ay naging super excited sila. Matagal na pala nilang gusto na mangyari iyon dahil sa totoo lang din naman ay di hamak na maganda doon.“Evie, make sure na makipag-coordinate ka kay Carmie, ang aking executive assistant sa MHI para sa renovation ng aking opisina doon.”“Yes, Sir.”“Alam mo na ba ang number niya?” tanong pa ng hambog na hindi man lang ako tinitignan. Hanga din naman ako dahil nagagawa niyang mag-utos habang sige ang pagtipa niya sa keyboard ng kanyang laptop.“Hihingin ko na lang kay Warren.”“Here, nandyan ang contact number. Hanapin mo lang ang pangalan niya,” tugon niya sabay kuha ng kanyang cellphone na nakapatong sa kaliwang side ng kanyang table at iniaabot sa akin. Natigilan ako dahil parang hindi ako makapani
“Turn around,” sabi ni Terrence ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Yung mata ko ay talagang tumirik at inakala kong hindi niya iyon nakita dahil nakatagilid na ako ng gawin ko ‘yon at wala din siyang sinabi.“Masyadong malalim ang pagka-backless, Claire.” Grabe naman! Hindi din ako mahilig sa revealing na dress pero sa palagay ko ay hindi naman masyado. Kalahati lang ng likod ko ang nakalitaw at alam ko yon dahil dama ko ang lamig ng aircon.“Sige, I'll let her try another one.”Pagkasabi ni Claire non ay muli niyang sinara ang kurtina ay tinulungan akong hubarin ang suot ko.Maganda sana iyon. Parang filipiniana ang dating dahil sa manggas nito. Ang neckline ay hindi rin malalim, sapat para malagyan ng accessory ang leeg ko kagaya ng kwintas o kaya naman ay choker.Hapit din iyon sa katawan ko pero dahil sa elegant design nito ay hindi malaswa ang dating kahit na nga malaki ang aking dibdib, balakang at pang-upo.Ang pinaka-skirt ay humahagod pababa. Masikip, papaluwag hanggang sa
“Sir, sa Saturday na po ang party para sa formal announcement ng pagiging CEO mo ng Montemayor Holdings. Gusto ng Daddy niyo na mailipat na rin ang office ng Nylerret sa building ng MHI para hindi ka na raw mahirapan.” Nasa receiving area kami ng office ni Terrence bandang alas diyes ng umaga. Breaktime sana, pero itong amo ko ay gustong sulitin ang binabayad sa akin kaya coffee break with meeting ang peg namin. “Ayaw ko sana doon,” tugon ng hambog. “Sa palagay ko ay mabuti kung doon na rin ang office natin, Sir. Mas madali makipag-coordinate. Sa pagkakaalam ko rin ay nasa anim na palapag pa ang bakante sa building. Baka ito na rin ang oras para sa plano mong expansion na game development.” Sa palagay ko ay may punto si Warren. Makakatipid pa si Terrence sa expenses dahil pag-aari nga nila ang building at higit sa lahat, ang pagkakaalam ko ay maganda ang facility ng building ng Montemayor Holdings kaya hindi na siguro ako makakaranas na mahintuan ng elevator dahil sa power shorta
Shit, nakakagigil. Alas otso pa ang time pero putik, alas kwatro pa lang ay ginising na ako ng hambog. Mag-e-exercise daw siya at gusto niya na pagnatapos siya ay handa na ang agahan.“Why don’t you eat?” tanong pa sa akin ng magsimula siyang sumubo.“Pagkatapos mo na, SIR.”“Masama ba ang loob mo na ginising kita ng maaga?” Nagtanong pa talaga ang hambog. Pero syempre, hindi ko pwedeng sabihin na “oo”.“Bakit naman sasama ang loob ko eh bayad ako?” Binitawan niya kutsara at tinidor at tsaka ako tinitigan.“Kung hindi ka kakain ay umalis ka sa harapan ko,” madiin niyang sabi. At bakit ko naman tatanggihan ‘yon? Mabilis akong tumalikod at nagpunta sa aking silid.Dahil wala naman akong ibang gagawin ay nagdesisyon na lang akong magsimula ng gumayak para pumasok. Naligo na ako ngunit pambahay pa rin ang sinuot ko. Alas singko y medya pa lang naman kasi.Paglabas ko ng aking silid ay binalikan ko sa dining area si Terrence at napansin kong nandoon pa rin siya.“Anong susuotin mo, SIR?” M
“‘Wag mo akong tingnan ng ganyan,” sabi ko kay Casey habang isa-isa kong nilalagay ang aking mga damit sa maleta. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ng Terrence Montemayor na ‘yon.“Nag-aalala lang naman ako sayo,” mahina niyang tugon. “Pero naiintindihan ko dahil nakakalula talaga ang sweldo mo kaya ang hirap pakawalan lalo at sinisingil ka na rin ng hospital. Kaya lang Bestie, sure ka ba na kakayanin mo? Paano kung pahirapan ka ng Terrence na yon?”Huminga ako ng malalim at tsaka nag-isip. ‘Yan din ang inaalala ko, pero kahapon maghapon ay hindi ko naramdaman na pinersonal niya ako.“Hindi naman ako papayag sa hindi makatwirang pagtrato and I'm sure alam nya rin ‘yon.”“Sabagay, mapagpatol ka pa naman. Nang magsabog yata ng pasensya ang Diyos ay nagpayong ka na, nagkapote ka pa. Ayan hindi ka man lang naambunan at kahit konti ay wala kang nasalo.”Tinawanan ko na lang ang sinabi niya dahil may katotohanan naman din. Kaya kung iniisip ng hambog na ‘yon na maalipusta
“Hindi ko akalain na marami ka pa lang kasama, Mr. Montemayor.” Ngumiti si Terrence sa sinabi ng matandang negosyante na kaharap namin ngayon.“I always bring my assistants sa tuwing may client meeting. Mas gusto ko na alam nila ang mga bagay bagay para hindi sila natutulog sa pansitan kapag kinakausap ko sila.”“Marami kang assistant,” puna ng matanda na kung makatingin sa akin ay akala mo may nais ipahiwatig na hindi ko nagustuhan.“Warren has been with me ng simulan ko ang Nylerret, while Evelyn started today so don't scare her, ayaw ko ng papalit-palit ng staff o magkaroon ng kahit na anong hindi magandang relasyon sa aming kliyente.” Seryoso ang mukha ng hambog at kahit na di hamak na napakabata niya kumpara sa kaharap ay napansin ko ang pangingilag ng matanda matapos siyang magsalita. Pero teka, anong hindi magandang relasyon ang sinasabi niya? Iniisip ba niya na pwede akong lumandi sa matandang ito?O baka naman napansin din niya ang tingin na pinupukol sa akin ng kliyente kay