LOGINLiteral na napako ako sa upuan ko, habang ang kamay ko sa ilalim ng lamesa ay nakakuyom na at halos bumaon na sa palad ko ang kuko ko. Sister-in-law. The word tasted like poison. Of all the elite families sa bansa, bakit sa Altamirano pa? At bakit kapatid pa ng mismong lalaking papakasalan ko?
"Are you okay, Francesca? Bigla kang namutla," bulong ni Harold. Kahit na cold at monotonous ang boses niya, may halong concern ang tingin niya sa akin.
"I'm... I'm fine. Medyo naninibago lang sa air conditioning," pilit kong sagot. I forced a polite smile kahit na ang totoo ay gusto ko nang magpalamon sa lupa ngayon din.
"You should try the steak, Francesca. Masarap 'yan," singit ni Hansell mula sa tapat namin. Naka-cross ang mga braso niya habang sumasandal sa upuan, looking like a predator cornering its prey. "Right, Bro? High-quality meat. Sinisiguro talaga ng pamilya natin na we get what we pay for... every single centavo."
Nabilaokan si Dad sa iniinom niyang tubig, habang si Don Hernan naman ay natawa. "Hansell, stop teasing your sister-in-law. Baka mailang si Francesca sa 'yo."
"I'm not teasing, Dad. I'm just stating facts," sagot ng bwisit habang dahan-dahang humihigop ng wine. Sobrang mapang-asar ang titig niya sa akin, looking at me as if he knew exactly how much panic was running through my veins.
The rest of the dinner was pure torture. Every time na magtatama ang tingin namin ni Hansell, lagi siyang may pahabol na pilyong ngiti. Pinilit ko na lang ibuhos ang atensyon ko sa pakikipag-usap kay Harold tungkol sa logistics at business expansion. To be fair, Harold was professional. He discussed the merger rationally, treating it strictly as a corporate partnership, which I highly appreciated. Mas madaling kausap ang pader kaysa sa mapaglarong kapatid niya na nasa tabi niya.
"Francesca, hija," tawag sa akin ni Doña Mathilda pagkatapos ng dessert. "Why don't you let Harold or Hansell show you around our pocket garden? Paramdam niyo naman kay Francesca ang hospitality nating mga Altamirano."
"Ako na, Ma" mabilis na prisinta ni Hansell bago pa man makapagsalita si Harold. Tumayo siya at inayos ang Neck tie niya. "Harold looks tired from his board meeting kaninang hapon. Ako na ang mag-e-entertain sa future bride niya."
"That's very nice of you, Hansell," nakangiting sabi ni Dad. If only he knew.
Gusto ko sanang tumanggi, pero doing so would look incredibly rude at baka makahalata ang mga magulang namin. No choice. Tumayo ako, keeping my posture rigid and professional. "Thank you. Lead the way."
Sumunod ako sa kanya habang naglalakad kami palabas ng dining hall at tinatahak ang isang glass corridor patungo sa malawak na garden sa likod ng mansyon. The moment the glass doors shut behind us at tuluyan na kaming nakalayo sa pandinig ng mga magulang namin, binitawan ko na ang pagiging sibilisado.
Mabilis ko siyang nilagpasan, humarap sa kanya, at hinarang ko ang daan niya.
"What the hell do you think you're doing, Hansell?" matalim kong bulong. I made sure na sapat lang ang lakas ng boses ko para marinig niya pero hindi aabot sa loob. "Kung nandito ka para i-blackmail ako o gumawa ng eksena, pakiusap, huwag ngayon."
Hansell stopped in his tracks. He didn't look threatened at all. Instead, he took a step forward, capturing my space until I could smell the familiar, intoxicating scent of his cologne. He looked down at me, pulling something out from his inner suit pocket.
Isang pamilyar na puting envelope.
"I believe this belongs to you, My Francesca" bulong niya. Pinatalbog niya ang envelope ng pera sa palad niya.
My Francesca? Gago ba siya?!
"Gusto ko lang namang isoli ang... professional f*e ko. Frankly, I was quite offended. Hindi ko alam na ganoon lang pala kababa ang tingin mo sa isang Altamirano."
Namula ang buong mukha ko sa halo-halong hiya at galit. "I didn't know who you were! Akala ko—"
"Akala mo call boy ako?" he interrupted, cutting me off with a low, husky chuckle. He leaned in closer, his warm breath fanning against my ear. "Sinasabi ko sa 'yo, sweetheart... my services are way more expensive than a bundle of cash. At ngayon na magiging magkakapatid na tayo sa batas... tingin ko, mas magiging exciting ang mga susunod na gabi natin."
Francesca's POV...Nanatili akong nakasubsob sa dibdib ni Hansell. Ang kanyang maiinit at malalaking braso na nakapalupot sa aking katawan ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin sa totoong mundo. Naririnig ko ang mabilis, malakas, at halos magwala niyang tibok ng puso sa aking tainga—isang patunay na narito siya, na hindi ako nanaginip, at na pinalaya niya ako mula sa huling gabi ng aking bangungot."Hansell..." hikbi ko, my trembling hands clutching the back of his shirt as if I was afraid he would vanish if I loosened my grip. "Si Francell... Si Francell, nasaan—""Ligtas si Francell, Francesca," pabulong at nanginginig niyang sagot, his lips gently pressing against my forehead, my hair, and my wet cheeks. "Kasama siya ni Manang Ising sa private residence ko sa Makati. May tatlong security guards na nagbabantay sa kanila. Ligtas siya... Walang sinumang makakahawak sa kanya."Isang napakalalim na paghinga ng ginhawa ang pinakawalan ko. Pumikit ako nang madiin habang patuloy na bu
Francesca's POV...Malamig at madilim ang loob ng dating kwarto ko sa mansyon ng mga Altamirano. Nakatitig lang ako sa pinto, nakabaluktot sa ibabaw ng kutson ng malaking kama habang nananatiling nakatali ang aking mga pulso ng malambot pero matibay na telang lubid. Bawat paghinga ko ay may kasamang matinding kirot sa aking sikmura mula sa pagkakasuntok ni Harold sa akin sa shop.Tumunog ang double lock ng pinto at dahan-dahan itong bumukas. Pumasok si Harold na may hawak na baso ng alak. Nakatitig siya sa akin nang may nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kama."Umiyak ka na naman, Francesca," malamig niyang wika, taking a slow sip from his glass. "Huwag ka nang mag-alala. Tumawag na ang mga tauhan ko sa Cebu. Papunta na sila sa airport kasama ang anak natin."Nagtama ang mga mata namin at mabilis na bumuhos ang panibagong maiinit na luha sa aking mga pisngi. "Harold... magmakaawa ako sa 'yo. Ako na lang ang parusahan mo. 'Wag mo nang idama
May mali. Isang matinding gut feeling ang pumupukpok sa dibdib ko habang pabilis nang pabilis ang paghakbang ko papasok sa Luxe & Co.The morning air in Bogo was unusually chilly, but my forehead was already covered in a thin layer of cold sweat. Nakatikom ang mga kamao ko sa loob ng mga bulsa ng aking slacks. Pinilit ko ang sarili kong maging kalmado, telling myself that everything was fine, that my lawyers were taking care of the legal dissolution in Manila, and that Francesca was safe.Pero noong itinulak ko ang main glass door ng boutique, bumungad sa akin ang isang napakatahimik at napakabigat na kapaligiran.Walang tao sa showroom floor.Ang dalawang junior staff, ay nakatayo sa likod ng reception desk. Hinding-hindi ko makakalimutan ang hitsura ng mga mukha nila noong pumasok ako. Walang mga ngiti. Namumutla ang kanilang mga labi, at nanginginig ang kanilang mga kamay habang hawak ang ilang kapirasong tela. Nang magtama ang mga mata namin, mabilis na pumatak ang luha mula sa m
Mabigat. Malamig. At napakasakit. Pilit kong iminulat ang aking mga mata, pero ang buo kong katawan ay matinding nanghihina. Ang matinding sakit sa aking sikmura ay patuloy na pumupulsyon, bawat paghinga ko ay may kasamang matalas at nakakairitang kirot.Nang tuluyan kong maidilat ang aking paningin, pumasok sa aking mata ang napakalaki, pamilyar, at napakalalamig na kristal na chandelier sa kisame.Napasinghap ako. Nanlamig ang dugo ko sa aking mga ugat.No. No, God, please no...Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo habang nanginginig ang buo kong katawan. Nakahiga ako sa gitna ng napakalaking kama na nakabalot sa mamahaling silk sheets. Ang pamilyar na amoy ng mamahaling cigar, antique wood, at maalat na pabango ay agad na sumampal sa akin.Nasa Maynila ako. Nasa master's bedroom ako ng mansyon ng mga Altamirano, ang mismong impyerno na pinagdaanan at pinagtiisan ko."Gising ka na pala, Francesca."Napaupo ako nang mabilis kahit na kumirot nang matindi ang aking tiyan.Nakatayo si
"LILIENNE, PLEASE! HUWAG!"Humahagulgol kong hiyaw habang nagmamakaawang nakaluhod sa malamig na semento ng kanyang opisina. Sinubukan kong abutin ang kanyang mga binti, pero marahas niyang inilayo ang kanyang sarili at malamig na tinakpan ang pinto ng kanyang executive office sa aking likuran.Harold.Ang pangalang iyon ay parang isang matalim na kutsilyo na muling bumabaon sa aking puso, na nagpabalik ng lahat ng pinakamatinding bangungot, sakit, at takot na sinubukan kong takasan.Nalaman na ni Harold ang kinaroroonan namin. Alam na niya na nasa San Remigio kami.Nanginig ang buo kong katawan habang dahan-dahan akong tumatayo mula sa sahig. Napahawak ako sa gilid ng desk para hindi bumagsak ang aking mga binti. Ang dalawang junior staff sa labas ng opisina ay nanlalaki ang mga mata sa matinding gulat at takot habang nakatitig sa akin sa kabila ng glass wall, pero wala na akong pakialam sa kanila.Si Francell.Iyon lang ang tanging bagay na pumasok sa utak ko. Hindi ko pwedeng hayaa
Maaga akong nagising para maaga akong makarating sa Bogo. Pagpasok ko sa Luxe & Co., agad kong naramdaman ang pagbabago sa buong showroom. Ang mga junior staff ay tahimik na nag-aayos ng mga display racks, habang ang pinto ng executive office ni Lilienne ay nakasara."Good morning, Che..." mahinang bati sa akin ng isang sales associate, her voice barely a whisper. "Maagang dumating si Ma'am Lilienne ngayon. Mukhang... hindi maganda ang timpla niya."Napatigil ako. Nanlamig ang mga kamay ko habang inilalapag ang aking handbag sa desk."Bakit? Anong nangyari?" tanong ko, trying to keep my voice flat and casual."Dumating daw kasi rito 'yung mga abogado ni Sir Hansell bago ka pumasok," bulong niya habang nakatitig sa pinto ng opisina. "May iniwan silang mga pormal na dokumento para sa pamilya ni Ma'am Lilienne. Pagkaalis ng mga abogado, biglang nagkulong si Ma'am sa loob. Narinig pa nga namin siyang may kaaway sa telepono—yung Private Investigator niya ata mula sa Maynila."Nanigas ako s







