LOGINELENAPagdating ko sa mansion, ramdam ko agad yung bigat ng hangin. Habang pababa ako ng taxi, napatingin ako sa malaking gate na dati ay parang simbolo ng comfort at seguridad para sa akin, pero ngayon parang isang lugar na puno ng tensyon at gulo ang naghihintay sa loob.Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang bumaba. Kinuha ko ang bag ko at inayos ang sarili ko kahit papaano. Kahit alam kong hindi ako maayos tignan, pinilit kong itaas ang noo ko. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan, lalo na sa harap ng mga taong siguradong huhusga sa akin.Pag-angat ko ng tingin, nanigas ako saglit.Nandoon si Sonya, nakaabang sa may gate, naka-cross arms habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Halatang hinihintay niya ako. Halatang ready na siya para sa gulo.Pero imbes na umatras o matakot, mas lalo kong tinaas ang noo ko at dire-diretso akong naglakad papasok.“Wow,” sabi niya agad, may halong sarkasmo ang boses. “Narito na pala ang babaeng nanloko kay George.”Huminto ako sa harap
MARKMukha na akong pulubi at taong grasa, pero sa totoo lang wala na akong pakielam. Kung dati iniisip ko pa kung maayos ba ang itsura ko o may respeto pa ba sa akin ang mga tao, ngayon wala na. Ang mahalaga lang sa akin ay makakuha ng pera. Yun lang. Yun ang laman ng isip ko araw at gabi.Lulong na ako sa sugal. Kahit wala na akong pambayad, kahit alam kong wala na akong mapapala, hinahanap pa rin ng katawan ko yung thrill. Yung pakiramdam na baka sakali, baka bumawi, baka manalo ulit. Pero sa totoo lang, sunod-sunod lang ang talo ko hanggang sa wala na talagang natira.Ilang araw na akong nagtatago sa labas ng mansion ni Don George. Hindi ako pwedeng basta pumasok dahil siguradong ipapahuli niya ako. Kahit yung mga gwardya pa lang, hindi na ako papalusutin. Kaya ang ginagawa ko, paikot-ikot lang ako sa malapit, nagtatago sa mga puno, minsan sa gilid ng kalsada, parang aso na naghihintay ng tira.Inaabangan ko si Elena.Sigurado akong babalik siya dito. Wala na siyang ibang pupuntah
ELENAGulat na gulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko habang nakahiga ako sa mumurahing kama ng motel na kinuha ko. Tahimik ang paligid, tanging ugong lang ng aircon at ingay ng sasakyan sa labas ang maririnig, kaya halos mapaigtad ako sa lakas ng ringtone. Napatingin ako sa screen at lalo akong kinabahan nang makita ko ang pangalan ni Cassandra.Agad ko iyong sinagot. “Hello? Anak?”“Ma… Pumayag na si Don George na bumalik ka.”Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong napabangon mula sa higaan dahil sa sobrang gulat.“Talaga, anak?” halos nanginginig kong tanong, hindi ko mapigilan ang excitement at kaba na maghalo sa dibdib ko. “Sigurado ka ba?”“Hindi, ma,” sagot niya. “Pero… hindi ka pa rin niya napapatawad. Pumayag lang dahil sa pakiusap ko per anytime pwede pa rin magbago ang isip niya lalo na kung hindi ka pa rin nagbago.”Hindi ko na halos narinig yung kasunod niyang sinabi dahil sa sobrang saya na biglang sumabog sa dibdib ko. Napahawak ako sa bibig ko h
SONYAPagdating namin sa mansion galing hospital, ramdam ko agad ang bigat ng hangin sa loob ng bahay. Tinulak ni Gabriel ang wheelchair ni Gigi habang ako naman ay diretso lang ang lakad, iniisip ko pa rin kung paano namin gagamitin ang nangyari para mas tuluyan naming maalis si Cassandra.“Mom, I think effective naman yung nangyari,” bulong ni Gigi habang nakaupo sa wheelchair, “Kita mo naman si Dad nag-aalala siya sa akin.”Tumango ako, “Of course. That’s the point, anak. Kailangan niya makita kung sino talaga ang dapat niyang protektahan.”Pero bago pa kami tuluyang makapasok sa sala, sinalubong na kami ni George. Nakatayo siya doon, seryoso ang mukha, parang matagal na kaming hinihintay.“I need to talk to all of you,” sabi niya, diretso ang tingin sa amin.Nagkatinginan kami nina Gigi at Gabriel. Sa loob-loob ko, napangisi ako. Ito na siguro yun. Finally, napuno na siya. Akala ko sasabihin na niya na paaalisin na si Cassandra.“Sure, Dad,” sagot ni Gabriel habang itinutulak si G
ElenaPagpasok ko sa maliit at mumurahing motel na nakuha ko, parang biglang bumagsak lahat ng pagod sa katawan ko. Mabaho ng konti ang kwarto, may amoy na halo ng sigarilyo at lumang tela, at yung ilaw sa kisame parang mahina na rin. Hindi ito yung nakasanayan kong lugar, hindi ito yung buhay na gusto ko… pero wala na akong choice.Ibinagsak ko ang bag ko sa kama at umupo ako sa gilid. Tahimik. Sobrang tahimik. Wala si Mark, wala ang ingay ng casino, wala ang luho na nakasanayan ko nitong mga nakaraang linggo. Ako lang… at ang mga maling desisyon ko.Napahawak ako sa noo ko at napapikit. “Paano ba ako napunta dito…” bulong ko sa sarili ko.Unti-unti, pumasok sa isip ko si George.Bigla akong natahimik.Bakit nga ba?Bakit ko pa siya niloko?Kung iisipin ko, nasa kanya na lahat. May pera, may respeto, maayos ang buhay, at higit sa lahat… binigyan niya ako ng pagkakataon. Hindi naman ako pinabayaan. Hindi naman niya ako sinaktan.At ako?Niloko ko siya. Ninakawan ko pa.Napatawa ako ng
CASSANDRAPagdating ko sa mansion ay napahinga ako ng maluwag nang malaman ko na wala roon sina Madam Sonya, Gigi, at Gabriel. Sabi ng isa sa mga katulong, sinamahan daw nila si Gigi sa check up. Para akong nabunutan ng tinik dahil kahit papaano, may konting katahimikan sa loob ng bahay. Hindi ko muna kailangan harapin ang mga mata nilang puno ng duda at galit.Agad akong dumiretso sa loob at hinanap si Don George. Nakita ko siya sa sala, may hawak na tablet at mukhang may binabasa pero halata sa mukha niya na hindi siya ganun ka-focus. Parang may iniisip din.“Don George…” tawag ko.Napatingin siya sa akin at agad nagbago ang expression niya. “Cassandra, you’re back.”Tumango ako at medyo nag-alangan bago nagsalita ulit. “Pwede ba tayo mag usap tayo?”Hindi na siya nagtanong pa. Tumayo siya agad at tumango. “Let’s go to my room.”Habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung h







