Share

PROLOGUE:

Author: Michelle Vito
last update publish date: 2026-05-27 21:20:42

TAKANG TAKA SIYA nang pagdating niya mula sa eskwelahan ay madatnang may commotion na nagaganap, may mga nakikiusyusong mga kapitbahay, mga pulis at ilang mga kamag-anak. Tumakbo siya sa sentro ng kaguluhan. Napatingala siya sa kanyang ina na nakalambitin sa kwarto, l***t ang dila.

"Diyos ko," narinig niyang sigaw ng Tiya Biya niya na kaagad siyang hinila palabas ng silid, "Amelia. . ." humihikbi ito habang hinahagod ang mukha niya.  Walong taong gulang pa lamang siya ngunit waring naiintindihan na niya kung ano ang nangyari sa kanyang ina kung kaya't kahit hindi nito ipaliwanag kung ano ang kanyang nakita ay bigla siyang napaiyak.

"Mommy!!!!" Malakas na sigaw niya, gusto niyang muling bumalik sa kwarto ng mga magulang ngunit hindi na siya pinapasok duon ng mga pulis.  Lumapit ang Kuya Danny niya sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. 

"Kuya. . ." humihikbing sambit niya dito.  Inakay siya ng Kuya Danny niya sa veranda, magkatabi silang naupo at sabay silang umiyak.

Ten years ang gap nila ng Kuya Danny niya.  Dalawa lang silang magkapatid kaya very close sila sa isa't-isa.  Ang kanyang ama ay isang Geodetic Engineer kung kaya't madalas ay nadedestino ito sa malalayong lugar at buwanan lamang kung umuwi habang ang Mommy niya ay nagresign na sa pagtratrabaho at itinuon na lamang sa pag-aalaga sa kanilang magkapatid ang buong buhay nito.

Ang daming tumatakbo sa utak niya habang umiiyak.  Punong-puno siya ng takot.  "Ano ng mangyayari sa atin, Kuya?" 

Wala siyang narinig na sagot mula dito, tahimik na tahimik lamang ito habang nakakuyom ang mga kamao.  Nilingon niya ang mga pulis habang pinapaalis ang mga taong nakikiusyuso. Ilang sandali pa ay may dumating nang ambulasya. Humihikbing tiningnan niya ang Kuya Danny niya. Tumayo ito at pinagsusuntok ang pader ng kanilang bahay na waring duon gustong ilabas ang lahat ng paghihinagpis na nararamdaman.

Nilapitan siya ng Tiya Biya niya. Panganay na kapatid ito ng kanyang Daddy. Hinagod nito ang kanyang hanggang balikat na buhok.

“Tinawagan ko na ang Daddy mo. Nagbook na siya ng ticket. First flight daw bukas,” sabi nito sa kanilang magkapatid. Nilapitan nito ang Kuya Danny niya at tinapik sa balikat. Humahagulhol na yumakap dito ang Kuya niya.

“Bakit nya kami iniwan? Bakit?” waring magkahalo ang galit at pagdaramdam na tanong ng kuya niya. Wala namang maisagot ang Tiya Biya niya.

HANGGANG sa mailibing ang Mommy niya ay hindi pa rin malinaw sa kanya kung anong dahilan ng pagpapakamatay nito. Ngunit isang araw ay narinig niya ang Daddy niya at ang Kuya Danny niya na nagtatalo.

“Daddy, nagpakamatay si Mommy dahil sa lalaking iyon at mananahimik na lang tayo?” anang Kuya Danny niya, “Papayag na lang tayong babuyin ng mga hayup na iyon ang pamilya natin?”

“Anong laban natin sa pamilya nila? Hindi lang mapepera ang kalaban natin. Mga halang din ang kaluluwa nila!”

Nagtago siya sa isang sulok upang makinig sa pinag uusapan ng mga ito.

“At saka anong ikakatwiran natin? Danny, nagpakamatay ang Mommy mo. Siya ang tumapos sa buhay nya! Sya ang nagdesisyon para sa sarili nya!” sigaw nito saka umiiyak na lumabas ng bahay. Mula sa ilalim ng mesa ay tumakbo siya kasunod ng ama.

“Daddy, sinong kalaban ni Mommy? Sinong me kagagawan bakit sya nagpakamatay?” Tanong niya dito.  Isang buwan nang naiilibing ang Mommy niya and yet hindi pa rin mamatay matay ang tsismis na naging kabit ito ng bilyonaryong si Don Ignacio. Maski nga sa school ay binu bully siya ng mga kaklase niya. Malandi raw ang Mommy niya. Hindi na lamang siya nagsusumbong sa Kuya at Daddy niya ngunit madalas ay ayaw na niyang pumasok dahil sa kanyang mga kaklase. Masakit na nga para sa kanyang mawalan ng ina pero sa halip na simpatya ay ito pa ang dinaranas niya sa school.

Hindi siya sinagot ng ama, sa halip ay sumakay ito sa kotse at mabilis iyong punaharurot. Parang nahuhulaan na niyang magdamag na naman ito sa inuman kasama ng mga kumpare nito. 

Binalikan niya ang Kuya Danny niya. “K kuya, bakit nagpakamatay si Mommy? Sinong kaaway ni Mommy?” 

Atubiling tiningnan siya ng Kuya Danny niya. Lumuhod ito at hinawakan siya samagkabilang balikat.

“Pinatay siya ng isang taong walang kaluluwa at ito ang tandaan mo.Hindi tayo papayag na hindi managot ang taong iyon. Tutulungan mo ako, Amelia. Tutulungan mo akonf pagbayaran ni Don Ignacio ang ginawa niya kay Mommy.”

Kahit hindi niya naiintindihan ang ibig sabihin ng kapatid ay tumango na lamang siya.

Niyakap siya ng kapatid. “Paghahandaan natin ang araw na makakapaghiganti tayo sa buong pamilya ni Don Ignacio.”

“Sino. . .S-Sino ba si Don Ignacio?” Maang na tanong niya sa kanyang Kuya Danny.

“Balang araw, makikilala mo rin siya. Sa ngayon,hayaan muna nating planuhin kung anong gagawin natin.”

IYAK NG iyak si Maynard habang nakatingin sa puntod ng asawa. Mahal na mahal niya si Luisa kaya kahit may nararamdaman na siyang kakaiba sa pakikitungo nito sa kanya ay nagbubulagbulagan na lamang siya. Ang totoo, hindi lang mga kamag anak ang nagsasabi sa kanya. Mismong siya ang nakakita sa kataksilan ni Luisa. 

“Ganyan ka na ba kamuhi sa akin na mas pinili mo pang tapusin ang iyong buhay kesa makasama kami ng mga anak mo? Bakit, Luisa? Bakit mo ito nagawa saakin?” Waring nagsisikip ang dibdib no Maynard. Hindi niya alam kung kanino ibubunton ang lahat ng galit na nararamdaman niya. Gusto na rin sana niyang mamatay. Ngayong wala na si Luisa ay hindi na niya alam kung paano pa ang mabuhay. Nagtangis ang kanyang mga bagang. Tama ang panganay niya. Hindi siya dapat pumayag na apihin ng walang hiya na si Don Ignacio. Ngunit sa paanong paraan ba siya makakaganti?

“TAMA ka, anak, hindi ko papayagang ipagsawalang kibo na lamang ang nangyaring ito sa Mommy mo. Tama na ang pagiging mabait,” Narinig ni Danny na sabi sa kanya ng ama, “Makikipagtulungan ako saiyo. Babawi tayo. Sisiguraduhin kong pagsisihan ni Don Ignacio ang nangyaring ito sa Mommy mo.”

“Hindi lang si Don Ignacio ang magbabayad sa mangyaring ito kay Mommy, Daddy. Buong angkan nya ang pagbabayarin ko.” Paniniyak niya sa ama, “Sa kahit na anong paraan?” Giit pa niya. Hindi nila napansing nakasilip pala sa may pinto si Amelia at nakikinig sa pinag uusapan nila.

“Sino si Don Ignacio? Anong kinalaman nya sa pagpapakamatay ni Mommy?” Umiiyak na tanong nito sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan silang mag-ama. Pareho nilang hindi alam kung paano ipapaliwanag kay Amelia ang nangyari. 

“Sabi ng mga classmate ko, malandi raw si Mommy. May asawa na pero. . .”

Tinampal niya ang bibig ng kapatid bago pa nito maituloy ang sasabihin, “Hindi masamang babae si Mommy. Huwag kang magpapaniwala sa mga tsismosa mong kaklase, okay?”

Ang Daddy niya ay nagmamadaling lumabas ng kwarto. Napahinga siya ng malalim. Alam niyang labis labis ang sakit na nararamdaman ng Daddy niya. Namatayan na nga ito ng asawa ay kinukutya pa ito ng mga kapitbahay at mga kamag anak dahil pumayag raw itong magpa ipot sa ulo.

Pero sa ganang kanya ay hindi niya matatanggap na isang masamang babae ang kanyang Mommy. Lumuhod siya sa harapan ng kapatid, “I’m sorry. Ayoko lang na nagpapaniwala ka sa mga tsismosa mong classmate. Kahit kailan hindi naging malandi si Mommy, okay? Kapag may narinig ka uling masama tungkol kay Mommy, awayin mo sila. Huwag kang papayag na dungisan nila ang reputasyon ni Mommy, okay?”

Tumango ito sa kanya saka kumunot ang nuo, “Sino si Don Ignacio, Kuya? Anong ginawa nya kay Mommy?” Inosenteng tanong nito sa kanya.

Hindi niya alam kung sa paanong paraan niya dito ipapaliwanag ang tungkol kay Don Ignacio na hindi niya madudungisan ang alaala ng ina. Ngunit ngayon pa lang ay itatanim na niya kay Amelia na sama sama sila ng Daddy niya para makapaghiganti. Matalino si Amelia. At gaya niya ay mahal na mahal rin nito ang kanilang mga magulang.

“Si Don Ignacio ang dahilan kaya namatay si Mommy. At ito ang tandaan mo, Amelia. Paghahandaan natin ang araw na makakaganti tayo sa taong iyon. Mangako ka sa aking tutulungan mo kami ni Daddy na makamit ang hustisya!”

ISANG taon matapos ang mga nangyari sa kanyang Mommy ay napagpasyahan ng Daddy niya na duon na sila manirahan sa Maynila, malayo sa mga alaala ng nakaraan. Pero araw araw pa ring ipinaaalala sa kanya ng Kuya Danny niya at Daddy niya na hindi sila titigil hanggat hindi sila nakakabawi kay Don Ignacio. Sa katunayan ay niligawan ng Kuya Danny niya ang bunsong anak ni Don Ignacio. Ang plano ng Kuya niya ay paiibigin ng husto ang dalaga, bubuntisin pagkatapos ay iiwanang luhaan. Ngunit hindi raw sapat iyon kapalit ng buhay ng Mommy nila. Ang daming plano ng Kuya at Daddy niya. At habang lumalaki, mas lalong lumalalim ang galit at gigil niya na balang araw ay makakatulong na rin siya sa mga plano ng mga ito. . .Kung paano, wala pa siyang ideya. Basta di siya papayag na manunuood lamang sa Kuya Danny at Daddy niya.

Kailangang makapag contribute rin siya.

Kailangang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mommy niya. 

"Iyan ang panganay na apo ni Don Ignacio. Si Justin. Ayon sa impormasyong nakalap ko, he's six years older than you." Sabi ng Kuya Danny niya habang nasa park sila. Ilang buwan na nilang minamanmanan ang bawat miyembro ng pamilya ni Don Ignacio. "Balita ko rin siya ang pinakapaboritong apo ng matanda, palibahasa ay ito lang ang magbibitbit ng apelyido nito."

Tumango lang siya sa Kuya Danny niya saka pasimpleng sinipat si Justin. Cute ito. Actually kung hindi lang ito apo ng lalaking dahilan ng pagkamatay ng Mommy niya, baka magka crush siya dito.

Napansin niya ang lalaking kalaro nito, "Eh sino naman sya, Kuya?"

"Siya si Ethan. Pinsan ni Justin. Apo rin sya ni Don Ignacio but since ang ina nito ang anak ni Don Ignacio, hindi Jensen ang surname nito."

"Gano ba kahalaga sa mga mayayaman ang apelyido nila, ha Kuya? Pansin ko kasi sa mga teleseryeng napapanuod ko, palaging factor ang apelyido sa kanila."

"Malaking bagay kasi yan. Kumbaga iyong apelyido nila ang magpapanatili ng kanilang immortality."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 81

    "AMELIA. . ." Paulit-ulit na sambit ni Justin, may mga alaalang nagbabalik sa kanya ngunit hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan. Nang lapitan siya ni Pamela ay hinawakan niya ito nang mahigpit sa braso, "Sino si Amelia? Gusto ko siyang makita!"Nakita niyang nataranta si Pamela, hindi kaagad makasagot sa kanya."Anak, nakalimutan mo na bang seven years na kayong hiwalay ng babaeng iyon? Si Amelia ay ang dati mong asawa pero matagal na kayong hiwalay. . .pinalayas mo siya sa bahay mo, natatandaan mo ba, ha anak?" Sabi ng ina niya sa kanya.Umiling siya."Malaki ang atraso ng babaeng iyon saiyo," si Pamela, "Pinagplanuhan niyang pabagsakin ang kompanya mo. Ninakaw nilang magkapatid ang mga files mo at inagaw nila saiyo ang pinakamalaki mong kliyete then nagtayo sila ng sarili nilang kompanya, k-kasama ni Miguel," paalala ni Pamela sa kanya.Masakit na masakit ang ulo niya habang ina-absorb ang lahat ng information na sinasabi sa kanya ni Pamela. Pero wala pa rin si

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 80

    NAPAATRAS SI PAMELA MULA SA KINATATAYUAN NANG MARINIG ANG PANGALANG binanggit ni Justin. Napuno ng takot ang kanyang mukha. Hindi siya makapagsalita. Maging sina Jadine, Auntie Criselda at ang ina nito ay nagkatinginan. "Amelia. . ." tila hinahanap ni Justin sa mga mukha nila kung sino si Amelia. Hindi niya alam kung naalala na nito ang lahat, pero kinakabahan siyang may maalala na ito tungkol kay Amelia. Nilapitan ito ng ina ni Justin."Anak. . .nagbabalik na ba ang lahat mong mga alaala?" Halos paanas lamang na tanong nito sa lalaki. Parang blangko ang mukha ni Justin habang nakatingin sa ina. Kahit na paano ay nakahinga siya. Hindi pa rin ganap na bumabalik ang memorya nito.Lumabas ng kuwarto nito si Auntie Criselda, sinundan ito ni Jadine. Naiwan siya sa loob ng kuwarto kasama ng ina ni Justin. Hindi siya komportable ng mga sandaling iyon. Kapag nagkaalaman, tiyak na damay siya dahil kasabwat siya ni Gabby sa lahat ng mga nangyayaring ito kay Justin. Kailangan niyan

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 79

    PARANG MASISIRAAN NG BAIT SI JUSTIN. MASAKIT na masakit ang ulo niya at hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nanggagaling. Nagpatingin na siya sa espesyalista, pumunta pa nga siya sa ibang bansa para sa hindi niya maipaliwanag na karamdaman ngunit walang makapagpaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanya. Maging ang pagpapatakbo niya sa kompanya ay naapektuhan na dahil sa madalas niyang pagkakasakit. May mga bagay rin tungkol sa kanyang nakaraan na hindi na nya maalala. Pero ramdam niya, may mali sa pagsasama nilang ito ni Pamela. Pakiramdam niya ay may isang bagay ang kulang sa buhay niya ngunit hindi naman niya matukoy kung ano. Dalawang taon na silang kasal ni Pamela ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya?Parang may isang bagay sa kanyang nakalipas ang nais niyang balikan. What is going on with me? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa bagay na ito, aniya sa sarili sa pagitan ng pagsakit ng kanyang ulo.Tumayo siya, ni hindi niya maisubo ang

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 78

    DALAWANG TAON ang matuling lumipas. Sa pagpupursige ni Gabby at sa pagiging consistent nito na patunayang mahal na mahal sila nito, naging malapit na muli ang loob ni Winter dito. Sa katunayan, naging katuwang ni Gabby si Winter sa panunuyo sa kanya.Sa huli ay napapayag na rin siyang makipagbalikan dito. At next week nga ay nakatakda na ang kanilang nalalapit na kasal. Pero may mga sandaling parang gusto niyang umatras. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naman siya ganuon kasigurado ng nararamdaman niya para kay Gabby. Sabagay, wala naman siyang ibang minahal talaga kundi si Justin. At hanggang ngayon, sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang mag-ina, hindi niya ito magawang iwaksi sa puso niya.Nagagalit siya kay Justin.Nasusuklam siya dito lalo na bigla na lamang itong naglaho at pinutol ang komunikasyon kay Winter ng ganun-ganun na lang. Pero deep inside, nangungulila pa rin siya sa pagmamahal nito. Bakit nga ba hindi niya magawang tuluyang mapoot sa lalaking iyon?Bak

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 77

    ISANG PAGKAKATAON PA, sabi ni Amelia sa kanyang sarili habang kinakabahan siyang pumunta sa opisina ni Justin. Nagbabakasakali na magkakausap sila ng maayos ni Justin. Kung siya lang sana, hindi na niya ito hahanapin pa. Ngunit nagkakasakit na si Winter dahil sa labis na pag-iisip sa ama. Gustong-gusto na nga niyang umalis, muling magpakalayo-layo silang mag-ina at hindi na bumalik pa dito sa Pilipinas.Ngunit ayaw ng pumayag pa ni Winter. Hindi naman maaring siya lang ang magdesisyon para sa kanilang dalawa. Nirerespeto niya ang kanyang anak. "Mommy, kinakabahan po ako." Bulong ni Winter sa kanya habang naghihintay sila sa loob ng opisina ni Justin.Maging siya ay kinakabahan rin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Justin ngunit hindi na niya iyon isinatinig sa anak. Ilang sandali pa ay lumabas na ang sekretarya nito, "I'm sorry Ma'am pero hindi papasok sa opisina ngayon si Sir. Ipinaalam ko na rin po na andito kayo pero sorry daw, marami siyang kailangang a

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 76

    "SABI KO NAMAN SAIYO, walang ibang magmamahal saiyo ng kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko saiyo, Amelia." Sabi ni Gabby sa kanya nang pasyalan siya nito sa bahay. May dala itong mga bulaklak at chocolates para sa kanya, mga laruan naman para kay Winter. Hindi na gaya ng dati, malayo na ang loob ni Winter kay Gabby. Hindi naman niya ito pipilitin na maging close muli kay Gabby kaya hinahayaan lang niya ang anak. Ngunit kinausap na niya ito nang maayos na huwag nang umasa pang magpapakitang muli si Justin sa kanila.Ang lakas nga ng iyak ni Winter. Ngunit mas mainam ng tapatin niya ito kaysa naman umaasa lang ito sa wala. Mas lalo lamang itong masasaktan."I was right when I told you na ginagamit lang niya ang bata para makaganti saiyo. See, pinaasa lang kayong mag-ina ng lalaking iyon?""Gabby, pwede bang huwag na lang natin siyang pag-usapan." Sabi niya rito."I'm sorry," sabi nitong ginagap ang mga kamay niya, "Sana naman, narealize mo ng ako ang kailangan mo, Amelia. . ."H

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 14:

    "GUSTO ko lang ipaalala sa iyo ang lahat ng mga plano natin, Amelia. Huwag ka sanang mawawala o malilito sa totoong pakay mo kaya mo pinakasalan ang lalaking yan!" Paalala ng Kuya Danny niya nang tawagan siya nito sa telepono para humingi ng update."Kuya, one week pa lang kaming ikinakasal. Give m

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 5:

    IKINAGULAT NI AMELIA ang sinabing iyon ng Kuya Danny niya, "K-Kuya. . ." Nagproprotesta ang kanyang mukha nang bumaling siya sa kapatid. "Hey, I did not force Amelia to do it!" Mariing sagot naman ni Justin, "Amelia, ano ito? Alam mong walang nangyaring sapilitan sa. . .""Pananagutan mo si Ameli

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 4:

    MASAKIT NA MASAKIT ANG BUONG KATAWAN NI AMELIA NANG MAGISING kinabukasan. Ngunit tila nahimasmasan siya nang tuluyang mabalik ang kanyang buong kamalayan at makita sa tabi niya si Justin, pareho silang hubo't hubad. Nagmamadali siyang bumangon, dinampot ang kanyang mga damit na nagkalag sa sahig

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 3:

    "PAMELA, WHY ARE YOU DOING THIS TO ME? Bakit parang masayang-masaya kang makita akong nasasaktan?"Hindi makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Amelia, ramdam niya ang sakit na nararamdaman sa tinig ng lalaking nagsasalita. Kahit hindi maliwanag ang naaninag niyang tao habang ito ay nagsasalita

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status