Share

CHAPTER 5:

Author: Michelle Vito
last update publish date: 2026-06-02 13:43:09

IKINAGULAT NI AMELIA ang sinabing iyon ng Kuya Danny niya, "K-Kuya. . ." Nagproprotesta ang kanyang mukha nang bumaling siya sa kapatid. 

"Hey, I did not force Amelia to do it!" Mariing sagot naman ni Justin, "Amelia, ano ito?  Alam mong walang nangyaring sapilitan sa. . ."

"Pananagutan mo si Amelia or gusto mong sampahan kita ng kaso at makaladkad ang pangalan mo at ang kompanya mo sa eskandalo!" Giit ng Kuya Danny niya saka mabilis na itong lumabas ng condo unit ni Justin.

"What the hell!" Narinig niyang sigaw ni Justin.  Siya naman ay nagmamadaling sinundan ang Kuya Danny niya.  Hindi kasama ito sa kanilang mga plano.  Parang susobra na ang Kuya Danny niya.  Pakakasalan niya si Justin para lamang maisakatuparan ang kanilang mga plano?  

"Kuya, this is insane!  Wala sa usapan natin ito," halos pabulong lamang na sabi niya dito ngunit wala siyang narinig na kahit ano mula sa kanyang kapatid.  

"DAMN AUNTIE, THIS IS CRAZY!  Ano bang pumasok sa lalaking iyon para pilitin nya akong pakasalan ang kapatid nya?  I did not rape her!  Kusa siyang sumama sa akin dito!" Parang gusto niyang magwala habang nagpapaliwanag sa kanyang Auntie Criselda.

"Calm down, kakausapin ko si Danny tungkol dito, okay?" Mahinahong sabi sa kanya nito.  

Huminga ng malalim si Justin saka naupo sa couch.

"Aayusin ko ito, okay?  Pero sana kasi, hindi si Amelia ang pinagbuntunan mo ng desperation mo kay Pamela!" Tila nanunumbat na sabi nito, bago pa siya makapagpaliwanag ay nagmamadali na nitong sinundan sina Danny.

Naiwan siyang gulong-gulo ang isipan.  Paanong nauwi sa ganito ang lahat?  Kagabi lang ay nag-eenoy sila.  Kung alam lamang niyang mahahantong sa ganito ang mga pangyayari, iniwasan na sana niya ang babaeng iyon.

Tumunog ang kanyang phone.  Ang pinsan niyang si Antonette ang nasa phone, "Hey, Kuya Justin. Have you heard? Pamela and Miguel are finally official.  Naka post sa social media nila!"

Biglang nagdilim ang paningin niya.  Parang gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon.  Kinumpirma lang ng ibinalitang iyon ng kanyang pinsan ang matagal na niyang hinala.  Nuon pa man, nararamdaman niyang may pagtingin ang kanyang kaibigang si Miguel kay Pamela.  Naghihimagsik ang kalooban niya.  Hindi niya alam kung saan siya mas nagagalit.  Sa pagtraydor sa kanya ng dalawa o ang katotohanang mas pinili ito ni Pamela kaysa sa kanya.

"KUYA DANNY, WALA sa usapan natin ito.  Hindi mo kailangang pilitin si Justin na pakasalan ako," sabi ni Amelia sa kapatid nang makaalis na si Criselda.  Narinig niya ang pagtatalo ng dalawa kanina.  Maging si Criselda ay hindi sang-ayon sa gustong mangyari ng Kuya niya.

Tiningnan siya ng matiim ng kapatid, "Wala rin sa usapan natin na basta mo na lamang ibibigay ang iyong sarili sa lalaking iyon!"

Napatungo siya.  Ramdam niya ang matinding galit ng kapatid niya.  At hindi niya alam kung paano ito pakakalmahin.  Alam niyang may tama naman ang Kuya niya.

"Ang plano natin, maghihiganti tayo sa kanila.  Sa tingin mo, mapapaibig mo pa si Justin kung basta mo na lamang ibinigay ang sarili mo ng walang kahirap-hirap, ha?" Sumbat nito sa kanya, "Talaga bang hindi ka nag-iisip?"

Hindi siya makasalita.

"Pero mabuti na rin itong nangyari.  Mas mabilis nating maiisagawa ang plano dahil hindi makakahindi si Justin sa proposal ko.  Or else, idedemanda ko siya at sisirain ko ang pangalan ng kanyang kompanya. Isa pa, you just turned 18 last month. . .madali namang idiniin na lango ka sa alak!  Madali nang gumawa ng mga fake news ngayon."

"Kuya. . ."

"Pero ito ang tandaan mo, huwag na huwag kang iibig sa lalaking iyon!  Mapapatawad kita sa nangyari ngayon.  But don't forget na ginagawa natin ito para kay Mommy.  Sasaktan mo si Justin and not the other way around!" Paalala nito sa kanya.

"BAKIT KAILANGAN MO SILANG PILITIN, DANNY?" Tanong ni Criselda sa lalaki.  Alam niyang hindi makatarungan ang ginagawa nito dahil hindi naman nagmamahalan sina Amelia at Justin.  "Hindi mo ba naiisip na inilalagay mo sa alanganin ang kapatid mo sa ginagawa mong ito? Hindi naman lingid sa iyo na mahal na mahal ni Justin si Pamela at. . ."

"Mas maganda namang di hamak ang kapatid ko sa Pamela na iyon!  Matutunan rin nilang mahalin ang isa't-isa.  Besides, hindi ka ba masayang magkatuluyan ang dalawa?  At least, matinong babae ang kapatid ko!"

Napabuntong hininga na lamang ng malalim si Criselda.  Sabagay, kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang si Amelia ang makatuluyan ng pamangkin niya kaysa naman kay Pamela na parang napakahirap pagkatiwalaan.  Ngunit kilala niya si Justin.  

Ayaw niyang masaktan ni Justin si Amelia dahil hindi na iba ang dalaga sa kanya.  Nabasag ang katahimikan nang tumunog ang kanyang phone.  Si Justin ang nasa kabilang linya.  Nag-aalalang napatingin siya kay Danny.  Hindi ito kumibo.  Sinagot niya ang tawag ni Justin.

"Payag na akong pakasal kay Amelia!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 81

    "AMELIA. . ." Paulit-ulit na sambit ni Justin, may mga alaalang nagbabalik sa kanya ngunit hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan. Nang lapitan siya ni Pamela ay hinawakan niya ito nang mahigpit sa braso, "Sino si Amelia? Gusto ko siyang makita!"Nakita niyang nataranta si Pamela, hindi kaagad makasagot sa kanya."Anak, nakalimutan mo na bang seven years na kayong hiwalay ng babaeng iyon? Si Amelia ay ang dati mong asawa pero matagal na kayong hiwalay. . .pinalayas mo siya sa bahay mo, natatandaan mo ba, ha anak?" Sabi ng ina niya sa kanya.Umiling siya."Malaki ang atraso ng babaeng iyon saiyo," si Pamela, "Pinagplanuhan niyang pabagsakin ang kompanya mo. Ninakaw nilang magkapatid ang mga files mo at inagaw nila saiyo ang pinakamalaki mong kliyete then nagtayo sila ng sarili nilang kompanya, k-kasama ni Miguel," paalala ni Pamela sa kanya.Masakit na masakit ang ulo niya habang ina-absorb ang lahat ng information na sinasabi sa kanya ni Pamela. Pero wala pa rin si

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 80

    NAPAATRAS SI PAMELA MULA SA KINATATAYUAN NANG MARINIG ANG PANGALANG binanggit ni Justin. Napuno ng takot ang kanyang mukha. Hindi siya makapagsalita. Maging sina Jadine, Auntie Criselda at ang ina nito ay nagkatinginan. "Amelia. . ." tila hinahanap ni Justin sa mga mukha nila kung sino si Amelia. Hindi niya alam kung naalala na nito ang lahat, pero kinakabahan siyang may maalala na ito tungkol kay Amelia. Nilapitan ito ng ina ni Justin."Anak. . .nagbabalik na ba ang lahat mong mga alaala?" Halos paanas lamang na tanong nito sa lalaki. Parang blangko ang mukha ni Justin habang nakatingin sa ina. Kahit na paano ay nakahinga siya. Hindi pa rin ganap na bumabalik ang memorya nito.Lumabas ng kuwarto nito si Auntie Criselda, sinundan ito ni Jadine. Naiwan siya sa loob ng kuwarto kasama ng ina ni Justin. Hindi siya komportable ng mga sandaling iyon. Kapag nagkaalaman, tiyak na damay siya dahil kasabwat siya ni Gabby sa lahat ng mga nangyayaring ito kay Justin. Kailangan niyan

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 79

    PARANG MASISIRAAN NG BAIT SI JUSTIN. MASAKIT na masakit ang ulo niya at hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nanggagaling. Nagpatingin na siya sa espesyalista, pumunta pa nga siya sa ibang bansa para sa hindi niya maipaliwanag na karamdaman ngunit walang makapagpaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanya. Maging ang pagpapatakbo niya sa kompanya ay naapektuhan na dahil sa madalas niyang pagkakasakit. May mga bagay rin tungkol sa kanyang nakaraan na hindi na nya maalala. Pero ramdam niya, may mali sa pagsasama nilang ito ni Pamela. Pakiramdam niya ay may isang bagay ang kulang sa buhay niya ngunit hindi naman niya matukoy kung ano. Dalawang taon na silang kasal ni Pamela ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya?Parang may isang bagay sa kanyang nakalipas ang nais niyang balikan. What is going on with me? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa bagay na ito, aniya sa sarili sa pagitan ng pagsakit ng kanyang ulo.Tumayo siya, ni hindi niya maisubo ang

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 78

    DALAWANG TAON ang matuling lumipas. Sa pagpupursige ni Gabby at sa pagiging consistent nito na patunayang mahal na mahal sila nito, naging malapit na muli ang loob ni Winter dito. Sa katunayan, naging katuwang ni Gabby si Winter sa panunuyo sa kanya.Sa huli ay napapayag na rin siyang makipagbalikan dito. At next week nga ay nakatakda na ang kanilang nalalapit na kasal. Pero may mga sandaling parang gusto niyang umatras. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naman siya ganuon kasigurado ng nararamdaman niya para kay Gabby. Sabagay, wala naman siyang ibang minahal talaga kundi si Justin. At hanggang ngayon, sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang mag-ina, hindi niya ito magawang iwaksi sa puso niya.Nagagalit siya kay Justin.Nasusuklam siya dito lalo na bigla na lamang itong naglaho at pinutol ang komunikasyon kay Winter ng ganun-ganun na lang. Pero deep inside, nangungulila pa rin siya sa pagmamahal nito. Bakit nga ba hindi niya magawang tuluyang mapoot sa lalaking iyon?Bak

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 77

    ISANG PAGKAKATAON PA, sabi ni Amelia sa kanyang sarili habang kinakabahan siyang pumunta sa opisina ni Justin. Nagbabakasakali na magkakausap sila ng maayos ni Justin. Kung siya lang sana, hindi na niya ito hahanapin pa. Ngunit nagkakasakit na si Winter dahil sa labis na pag-iisip sa ama. Gustong-gusto na nga niyang umalis, muling magpakalayo-layo silang mag-ina at hindi na bumalik pa dito sa Pilipinas.Ngunit ayaw ng pumayag pa ni Winter. Hindi naman maaring siya lang ang magdesisyon para sa kanilang dalawa. Nirerespeto niya ang kanyang anak. "Mommy, kinakabahan po ako." Bulong ni Winter sa kanya habang naghihintay sila sa loob ng opisina ni Justin.Maging siya ay kinakabahan rin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Justin ngunit hindi na niya iyon isinatinig sa anak. Ilang sandali pa ay lumabas na ang sekretarya nito, "I'm sorry Ma'am pero hindi papasok sa opisina ngayon si Sir. Ipinaalam ko na rin po na andito kayo pero sorry daw, marami siyang kailangang a

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 76

    "SABI KO NAMAN SAIYO, walang ibang magmamahal saiyo ng kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko saiyo, Amelia." Sabi ni Gabby sa kanya nang pasyalan siya nito sa bahay. May dala itong mga bulaklak at chocolates para sa kanya, mga laruan naman para kay Winter. Hindi na gaya ng dati, malayo na ang loob ni Winter kay Gabby. Hindi naman niya ito pipilitin na maging close muli kay Gabby kaya hinahayaan lang niya ang anak. Ngunit kinausap na niya ito nang maayos na huwag nang umasa pang magpapakitang muli si Justin sa kanila.Ang lakas nga ng iyak ni Winter. Ngunit mas mainam ng tapatin niya ito kaysa naman umaasa lang ito sa wala. Mas lalo lamang itong masasaktan."I was right when I told you na ginagamit lang niya ang bata para makaganti saiyo. See, pinaasa lang kayong mag-ina ng lalaking iyon?""Gabby, pwede bang huwag na lang natin siyang pag-usapan." Sabi niya rito."I'm sorry," sabi nitong ginagap ang mga kamay niya, "Sana naman, narealize mo ng ako ang kailangan mo, Amelia. . ."H

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 14:

    "GUSTO ko lang ipaalala sa iyo ang lahat ng mga plano natin, Amelia. Huwag ka sanang mawawala o malilito sa totoong pakay mo kaya mo pinakasalan ang lalaking yan!" Paalala ng Kuya Danny niya nang tawagan siya nito sa telepono para humingi ng update."Kuya, one week pa lang kaming ikinakasal. Give m

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 1:

    MATAGAL niyang pinaghandaan ang araw na ito. Sampong taon rin niyang hinintay ito. Last month, nang sumapit ang kanyang eighteenth birthday, binigyan na siya ng basbas ng Kuya Danny niya para sa kanyang plano. Alam na niya kung sino ang pakay niya. Ilang years na niyang inaaral ang pagkatao ng subj

  • Still In Love With My Ex Husband   PROLOGUE:

    TAKANG TAKA SIYA nang pagdating niya mula sa eskwelahan ay madatnang may commotion na nagaganap, may mga nakikiusyusong mga kapitbahay, mga pulis at ilang mga kamag-anak. Tumakbo siya sa sentro ng kaguluhan. Napatingala siya sa kanyang ina na nakalambitin sa kwarto, lawit ang dila."Diyos ko," na

  • Still In Love With My Ex Husband   TEASER

    PARA SIYANG NAISTWATWA mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung saan ipapaling ang mga mata para sana makaiwas ngunit alam niyang huli na ang lahat. Hindi na siya makakapagtago pa. Heto at nasa kanyang harapan ngayon ang lalaking ayaw na sana niyang makita pa. God knows

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status