Mag-log inMASAKIT NA MASAKIT ANG BUONG KATAWAN NI AMELIA NANG MAGISING kinabukasan. Ngunit tila nahimasmasan siya nang tuluyang mabalik ang kanyang buong kamalayan at makita sa tabi niya si Justin, pareho silang hubo't hubad.
Nagmamadali siyang bumangon, dinampot ang kanyang mga damit na nagkalag sa sahig at tumakbo sa loob ng banyo habang pilit na ni-re-recall ang mga pangyayari kagabi. Naalala niya, dumiretso sila sa bachelor's pad nito na ni wala man lamang pagtutol siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Sa halip ay buong puso, buong kaluluwa niyang ibinigay dito ang kanyang sarili. Gusto niyang murahin ang kanyang sarili. God, wala ito sa kanilang mga plano ng Kuya Danny niya. Mas lalong hindi kailanman niya naisip na ibibigay niya ang kanyang virginity sa lalaking ito, ang apo ng taong kinamumuhian niya!
Paglabas niya ng banyo ay nakita niya si Justin na may kausap sa telepono. Tumayo ito, napapikit siya nang makita ang hubo't hubad nitong katawan, ni walang pag-aalinlangan na makita niya ang maselang parte ng katawan nito. Sabagay, ngayon pa ba siya mag-iinarte eh kagabi lang, ibinigay niya ang kanyang sarili dito? Pulang-pula ang mukhang umiwas siya ng tingin dito, nahagip ng kanyang mga mata ang sumilay na ngisi sa mga labi nito, "Kuya Danny mo, nasa telepono."
Rumihistro ang takot sa mukha niya. The mere fact na si Justin ang tinawagan nito at hindi siya, alam na ng Kuya Danny niya kung saan siya nagpalipas ng buong magdamag.
"K-Kuya. . ." halos paanas lamang na sambit niya.
"Huwag kang aalis diyan, papunta na kami ni Criselda." Anang Kuya Danny niya. Nataranta siya. Ano bang bnabalak ng Kuya Danny niya?
"Kuya. . ." Ngunit bago pa siya makasalita ay nawala na eto sa ere. Walang kibong iniabot niya kay Justin ang phone nito habang nakatungo, "Pwede bang magsuot ka na ng damit. P-papunta si Kuya Danny dito." Pabulong na sabi niya rito.
"What for?" Tanong nito, "Pwede naman kitang ikuha ng grab. Huwag ka nang magpasundo," sabi nito habang isa-isang dinadampot ang mga damit nito. Hindi siya umimik. Pakiramdam niya ay iba ang pakay ng Kuya Danny niya kaya gusto siya nitong puntahan sa condo ni Justin.
Nanlalamig ang kanyang mga talampakan at pinagpapawisan ang kanyang mga kamay. Hindi siya makapag-isip ng tama. Napakagat labi siya nang madako ang tingin niya sa dugong nakakalat sa bed sheet. Nagpapaalala iyon kung paano niya isinuko ng ganun ganun na lamang kay Justin ang buong pagkababae niya.
Shit.
Ganito ba kababa ang pagkatao niya para basta na lamang siyang bumigay dito? Bakit sa halip na maisahan niya ito, ito yata ang nakaisa sa kanya.
HABANG NASA BANYO ay sumasagi sa isipan ni Justin ang nagdaang gabi. Hindi niya maintindihan kung bakit ni hindi ito pumalag nang yayain niya kagabi sa kanyang unit. Akala niya, ganun talaga ito kaya nagulat siya nang malamang siya ang kauna-unahang lalaki na nakaniig nito.
Hah, siguro ay nalasing talaga ito kaya ibinigay ang pagkakababae sa kanya. Anyway, hindi naman niya ito pinilit kaya di siya dapat na ma-guilty.
Naligo siya ngunit di maalis-alis sa isipan niya ang namagitan sa kanila ni Amelia. Aminado siyang nag-enjoy siya ng husto. Yeah, alam niyang sa umpisa ay nasaktan si Amelia dahil first time nito iyon. Pero ang pangalawang beses, tiyak nyang nag-enjoy na ito. Para tuloy muling nag-iinit ang kanyang katawan habang naalala ang mahihinang mga ungol nito habang naglalabas masok siya sa basang-basa nitong pagkababae.
Pinaspasan na niya ang paliligo. Nang lumabas siya, nasa salas na si Amelia. Wala itong imik, tila napakalalim ng iniisip. Marahil ay pinagsisihan na nito ngayon na ibinigay nito ang pagkababae sa kanya. Ngunit hindi siya dapat na ma-guilty. Bukod sa hindi naman niya ito pinilit sa nangyari sa kanila kagabi, nasa wastong edad na ito kaya wala siyang magiging atraso kung sakali.
"Tatawag ako ng taxi para. . ." Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin dahil narinig niya ang sunod-sunod na door bell sa labas ng pinto. Pagbukas niya, nakita niya ang nagtatangis na mga bagang ni Danny habang ang Auntie Criselda naman niya ay waring nanunumbat ang pagkakatingin sa kanya.
Mabilis na nilapitan ni Danny si Amelia, saka muling bumaling sa kanya, "What happend?" Nagtatanong ang mga mata nito, seryoso, at halatang may galit.
Nagkibit balikat siya, na para bang gusto niyang sabihin, "Ano pa ba sa palagay mo ang nangyari sa amin ng kapatid mo? Alangan namang nagbasa kami ng Bible buong magdamag?" Chill lang siya habang nakatingin dito. Alam naman nila pareho ni Amelia na walang sapilitan na nangyari kagabi.
Kaya nagulat siya sa kasunod na sinabi ni Danny, "Kailangang panagutan mo si Amelia!"
"AMELIA. . ." Paulit-ulit na sambit ni Justin, may mga alaalang nagbabalik sa kanya ngunit hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan. Nang lapitan siya ni Pamela ay hinawakan niya ito nang mahigpit sa braso, "Sino si Amelia? Gusto ko siyang makita!"Nakita niyang nataranta si Pamela, hindi kaagad makasagot sa kanya."Anak, nakalimutan mo na bang seven years na kayong hiwalay ng babaeng iyon? Si Amelia ay ang dati mong asawa pero matagal na kayong hiwalay. . .pinalayas mo siya sa bahay mo, natatandaan mo ba, ha anak?" Sabi ng ina niya sa kanya.Umiling siya."Malaki ang atraso ng babaeng iyon saiyo," si Pamela, "Pinagplanuhan niyang pabagsakin ang kompanya mo. Ninakaw nilang magkapatid ang mga files mo at inagaw nila saiyo ang pinakamalaki mong kliyete then nagtayo sila ng sarili nilang kompanya, k-kasama ni Miguel," paalala ni Pamela sa kanya.Masakit na masakit ang ulo niya habang ina-absorb ang lahat ng information na sinasabi sa kanya ni Pamela. Pero wala pa rin si
NAPAATRAS SI PAMELA MULA SA KINATATAYUAN NANG MARINIG ANG PANGALANG binanggit ni Justin. Napuno ng takot ang kanyang mukha. Hindi siya makapagsalita. Maging sina Jadine, Auntie Criselda at ang ina nito ay nagkatinginan. "Amelia. . ." tila hinahanap ni Justin sa mga mukha nila kung sino si Amelia. Hindi niya alam kung naalala na nito ang lahat, pero kinakabahan siyang may maalala na ito tungkol kay Amelia. Nilapitan ito ng ina ni Justin."Anak. . .nagbabalik na ba ang lahat mong mga alaala?" Halos paanas lamang na tanong nito sa lalaki. Parang blangko ang mukha ni Justin habang nakatingin sa ina. Kahit na paano ay nakahinga siya. Hindi pa rin ganap na bumabalik ang memorya nito.Lumabas ng kuwarto nito si Auntie Criselda, sinundan ito ni Jadine. Naiwan siya sa loob ng kuwarto kasama ng ina ni Justin. Hindi siya komportable ng mga sandaling iyon. Kapag nagkaalaman, tiyak na damay siya dahil kasabwat siya ni Gabby sa lahat ng mga nangyayaring ito kay Justin. Kailangan niyan
PARANG MASISIRAAN NG BAIT SI JUSTIN. MASAKIT na masakit ang ulo niya at hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nanggagaling. Nagpatingin na siya sa espesyalista, pumunta pa nga siya sa ibang bansa para sa hindi niya maipaliwanag na karamdaman ngunit walang makapagpaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanya. Maging ang pagpapatakbo niya sa kompanya ay naapektuhan na dahil sa madalas niyang pagkakasakit. May mga bagay rin tungkol sa kanyang nakaraan na hindi na nya maalala. Pero ramdam niya, may mali sa pagsasama nilang ito ni Pamela. Pakiramdam niya ay may isang bagay ang kulang sa buhay niya ngunit hindi naman niya matukoy kung ano. Dalawang taon na silang kasal ni Pamela ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya?Parang may isang bagay sa kanyang nakalipas ang nais niyang balikan. What is going on with me? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa bagay na ito, aniya sa sarili sa pagitan ng pagsakit ng kanyang ulo.Tumayo siya, ni hindi niya maisubo ang
DALAWANG TAON ang matuling lumipas. Sa pagpupursige ni Gabby at sa pagiging consistent nito na patunayang mahal na mahal sila nito, naging malapit na muli ang loob ni Winter dito. Sa katunayan, naging katuwang ni Gabby si Winter sa panunuyo sa kanya.Sa huli ay napapayag na rin siyang makipagbalikan dito. At next week nga ay nakatakda na ang kanilang nalalapit na kasal. Pero may mga sandaling parang gusto niyang umatras. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naman siya ganuon kasigurado ng nararamdaman niya para kay Gabby. Sabagay, wala naman siyang ibang minahal talaga kundi si Justin. At hanggang ngayon, sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang mag-ina, hindi niya ito magawang iwaksi sa puso niya.Nagagalit siya kay Justin.Nasusuklam siya dito lalo na bigla na lamang itong naglaho at pinutol ang komunikasyon kay Winter ng ganun-ganun na lang. Pero deep inside, nangungulila pa rin siya sa pagmamahal nito. Bakit nga ba hindi niya magawang tuluyang mapoot sa lalaking iyon?Bak
ISANG PAGKAKATAON PA, sabi ni Amelia sa kanyang sarili habang kinakabahan siyang pumunta sa opisina ni Justin. Nagbabakasakali na magkakausap sila ng maayos ni Justin. Kung siya lang sana, hindi na niya ito hahanapin pa. Ngunit nagkakasakit na si Winter dahil sa labis na pag-iisip sa ama. Gustong-gusto na nga niyang umalis, muling magpakalayo-layo silang mag-ina at hindi na bumalik pa dito sa Pilipinas.Ngunit ayaw ng pumayag pa ni Winter. Hindi naman maaring siya lang ang magdesisyon para sa kanilang dalawa. Nirerespeto niya ang kanyang anak. "Mommy, kinakabahan po ako." Bulong ni Winter sa kanya habang naghihintay sila sa loob ng opisina ni Justin.Maging siya ay kinakabahan rin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Justin ngunit hindi na niya iyon isinatinig sa anak. Ilang sandali pa ay lumabas na ang sekretarya nito, "I'm sorry Ma'am pero hindi papasok sa opisina ngayon si Sir. Ipinaalam ko na rin po na andito kayo pero sorry daw, marami siyang kailangang a
"SABI KO NAMAN SAIYO, walang ibang magmamahal saiyo ng kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko saiyo, Amelia." Sabi ni Gabby sa kanya nang pasyalan siya nito sa bahay. May dala itong mga bulaklak at chocolates para sa kanya, mga laruan naman para kay Winter. Hindi na gaya ng dati, malayo na ang loob ni Winter kay Gabby. Hindi naman niya ito pipilitin na maging close muli kay Gabby kaya hinahayaan lang niya ang anak. Ngunit kinausap na niya ito nang maayos na huwag nang umasa pang magpapakitang muli si Justin sa kanila.Ang lakas nga ng iyak ni Winter. Ngunit mas mainam ng tapatin niya ito kaysa naman umaasa lang ito sa wala. Mas lalo lamang itong masasaktan."I was right when I told you na ginagamit lang niya ang bata para makaganti saiyo. See, pinaasa lang kayong mag-ina ng lalaking iyon?""Gabby, pwede bang huwag na lang natin siyang pag-usapan." Sabi niya rito."I'm sorry," sabi nitong ginagap ang mga kamay niya, "Sana naman, narealize mo ng ako ang kailangan mo, Amelia. . ."H
IKINAGULAT NI AMELIA ang sinabing iyon ng Kuya Danny niya, "K-Kuya. . ." Nagproprotesta ang kanyang mukha nang bumaling siya sa kapatid. "Hey, I did not force Amelia to do it!" Mariing sagot naman ni Justin, "Amelia, ano ito? Alam mong walang nangyaring sapilitan sa. . .""Pananagutan mo si Ameli
"PAMELA, WHY ARE YOU DOING THIS TO ME? Bakit parang masayang-masaya kang makita akong nasasaktan?"Hindi makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Amelia, ramdam niya ang sakit na nararamdaman sa tinig ng lalaking nagsasalita. Kahit hindi maliwanag ang naaninag niyang tao habang ito ay nagsasalita
MATAGAL niyang pinaghandaan ang araw na ito. Sampong taon rin niyang hinintay ito. Last month, nang sumapit ang kanyang eighteenth birthday, binigyan na siya ng basbas ng Kuya Danny niya para sa kanyang plano. Alam na niya kung sino ang pakay niya. Ilang years na niyang inaaral ang pagkatao ng subj
SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay nakaharap ni Amelia si Don Ignacio, ang lalaking lumapastangan sa kanyang ina. Ang taong naging dahilan kung bakit nito tinapos ang buhay. Ramdam niya ang pangangatal ng kanyang mga kalamnan. “Amelia, what’s wrong?” Tanong ni Criselda nang mapansing tila natahimik si







