Mag-log in
PARA SIYANG NAISTWATWA mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung saan ipapaling ang mga mata para sana makaiwas ngunit alam niyang huli na ang lahat. Hindi na siya makakapagtago pa.
Heto at nasa kanyang harapan ngayon ang lalaking ayaw na sana niyang makita pa. God knows kung anu-anong mga paraan ang ginawa niya para lang makalimutan ang lalaking ito. Nagtagumpay nga ba siya?
Gusto niyang murahin ang sarili dahil ganito pa rin ang effect ng presence ni Justin sa kanyang buong pagkatao.As usual, natataranta, nagpapanic at hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan ngayong magkaharap na naman sila nito. Ito ang pinakahuling nanaisin niyang mangyari, ang muling magsalubong ang landas nila ng lalaki. Ngunit di na siya makakaiwas pa.
“L-long time no see, Justin,” iyon lamang ang tanging nasabi niya, pilit na pilit ang kanyang ngiti. Nagpapanggap siyang kalmado kahit ang totoo, gusto ng bumigay kanina pa ng mga tuhod niya. Napilitan siyang tingnan ito, at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mabasa ang reaksyong naka-plaster sa mukha nito. Pero ewan ba niya kung guni-guni lamang niya ang piping pananabik na nakita niya sa mga mata nito nang tingnan siya. Saglit na saglit lang kaya marahil ay delusional lamang siya. Paano itong mananabik na makita siya?
Sa pagkakaalam niya, galit ang nararamdaman nito nang maghiwalay sila five years ago, kaya imposibleng mangyari iyon.
“Hey!” Dinig niyang sigaw ng isang babae. May kirot siyang naramdaman nang mapagtantong si Pamela iyon. Bahagya siyang napaatras nang tuluyan nang makalapit sa kanila ang babae, kumapit ito sa isang braso ni Justin habang nakangiti sa kanya. Waring gustong iparating sa kanya ang ganito; This man is mine. Sa huli, ako pa rin ang nagwagi! Iyon ang parang gustong ipagsigawan sa kanya ni Pamela, or paranoid lang talaga siya?
So sila pa rin pala ang nagkatuluyan?
Parang may matalas na punyal na gumuhit sa kanyang dibdib habang naiisip na kahit naman kailan, hindi naging sa kanya si Justin.
Matagal siyang nawala sa sirkulasyon, hangga’t maari ay ayaw niyang makabalita ng kahit na ano tungkol kay Justin kaya hindi niya alam kung anong mga ganap sa buhay nito pagkatapos niyang umalis.
“What a small world. Akalain mong dito pa tayo magkikita?” Nakangiting bati sa kanya ni Pamela, itinaas nito ang kaliwang kamay sa harapan niya para ipakita ang engagement ring na suot nito, “Thanks to you, sa hinabahaba ng prusisyon, sa simbahan rin ang tuloy, sabi nga.” Tila nagmamalaking sabi nito sa kanya, “ Invited ka sa wedding namin ha? Wala pa lang exact date kung kelan pero within this year!”
“S-sure, for old time’s sake,” very casual na sagot niya. Gusto niyang tapikin sa balikat ang sarili dahil nasabi niya iyon nang hindi man lang umiiyak. Kahit pa ang totoo ay parang dinudurog ang puso niya ng mga sandaling ito.
Alam naman niyang si Pamela talaga ang totoong mahal ni Justin. Pero bakit parang ang sakit pa ring marinig na habang pinipilit niya itong kalimutan, heto at masaya na ito sa piling ni Pamela? That they will live happily ever after.
Pero hinding-hindi siya iiyak sa harapan ng lalaking ito. Mas lalong hinding-hindi niya aamin na ang sakit-sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na ito.
Parang hinahalungkat ang sikmura niya na ewan..
“I. . .I have to go, baka hinahanap na ko ng mga kasama ko, nice to see you guys and congrats on your engagement!” Tiniyak niyang abot tenga ang kanyang ngiti kahit pa nga naririnig niya ang sarili boses, ang plastic mo!
“Mommy!!!!” Tumatakbong sigaw ni Summer, sa likod nito ay ang humahangos sa paghabol na si Manang Frida. Yumapos ang bata sa binti niya nang makalapit sa kanya. Kahit malamig ay pinagpawisan siyang bigla. Ayaw niyang mangyari ang kinatatakutan niya. “Mommy, let’s go, excited na kong mag-watch ng movie!”
Ngunit bago pa niya maihakbang ang kanyang mga paa palayo ay narinig niyang nagsalita si Justin, “Anak mo?”
Iniabot niya ang anak kay Manang Frida, “Hintayin nyo na lang ako sa kotse, Manang.” Utos niya sa matanda, kung pwede lang ay patakbuhin niya ito para mailayo ang kanyang anak kay Justin. Huminga siya ng malalim para duon kumuha ng lakas na muling salubungin ang mga mata ng lalaki.
“Yes she is my daughter. Hindi naman siguro nakakapagtaka dahil babae ako,” may halo ng sarcasm ang tonong sagot niya rito.
“Wow, ikaw pala ang maraming dapat ikwento samin tungkol sa love life mo,” nakatawang sabi ni Pamela sa kanya.
Naiirita na siya. Hindi na niya kayang itago ang inis na nararamdaman, “I don’t think we’re that close para ikwento ko sa inyo ang tungkol sa personal kong buhay, sorry, I don’t want to be rude. Pero wala akong matandaang araw na naging mabuti ka sakin.” Paismid na sabi niya kay Pamela saka muling bumaling kay Justin, “And if you’ll excuse me, I really have to go. See you when I see you,” mabilis na niyang tinalikuran ang mga ito.
Nang tuluyan na siyang makalayo ay saka niya hinayaang makawala ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.
Bakit kailangang magkrus pang muli ang mga landas natin?
Bakit kailangang makita ko pa kayong dalawa na masaya?
Bakit kailangang malaman ko pa na ikakasal na kayo? And for God’s sake, bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin ako ng presensya mo?
“HOW RUDE,” Dinig ni Justin na bulong ni Pamela ngunit hindi niya ito pinansin, ang kanyang buong atensyon ay naka-focus sa papalayong babae. Parang may kung anong nagbubulong sa kanya para habulin si Amelia ngunit bago pa niya ito masundan ay pinigilan na siya ni Pamela, “What? Susundan mo sya? Para ano? Para aminin sa kanyang mahal mo sya? My God Justin! Hindi pa ba sapat na makita mong may anak na sya? Malamang kasama nya rin ang asawa nya ngayon!”
Hindi siya nakakibo.
“Gusto mo bang mapagtawanan ka ng mga iyon? Maghahabol ka sa isang babaeng pamilyado? Ganyan ka na ba ka-desperate, ha Mr. Justin Jensen?”
Hindi siya umimik ngunit nagtangis ang kanyang mga bagang sa naisip. Magmumukha siyang sira-ulo kapag ginawa niya iyon. Besides, baka kung ano lang ang magawa niya kapag nakita niya si Amelia kasama ng iba.
Five years. Ayaw man niyang aminin ay hindi na naging gaya ng dati ang buhay niya matapos nilang magkahiwalay. Aaminin niyang may mga gabing nagigising na lamang siya at hinahanap niya si Amelia sa tabi niya.
Damn, gusto niyang pagsisihan na mas pinairal niya ang kanyang pride at galit. Pero hindi ba at tama lang naman ang naging desisyon niya? Sa nagdaang mga taon ay pinatunayan lang naman ng mga sunod-sunod na pangyayari na hindi nga siya nagkamali ng kanyang sapantaha sa babaeng iyon?
And yet, kahit alam niyang niloko lamang siya nito, bakit ito pa rin ang totoong hinahanap ng puso niya? Bakit kahit nagagalit siya, hindi niya magawang tuluyan itong burahin sa kanyang utak?
Si Pamela ang kasama niya and yet may maliit na bahagi sa puso niya ang tila gustong magwala at pagalitan siya, kailan ba siya magpapakatotoo?
Kailan ba niya lulunukin ang kanyang pride at aaminin sa sarili na niloloko lamang niya ang kanyang sarili sa patuloy na pakikipagrelasyon kay Pamela?
“Tayo na, Justin. Umuwi na tayo.”
"PARANG HINDI KITA ASAWA AH, kumain ka ng mag-isa ni hindi mo man lang ako tinawag," yamot na sita ni Justin kay Amelia, napairap siya nang makitang halos maubos na nito ang laman ng pinggan nito, "Baka isipin ng iba hindi kita pinapakain!""Eh ano namang gusto mong gawin ko? Mukhang bising-bisi ka sa pagmamaktol sa ex girlfriend mo, alangan namang hintayin pa kita, nagugutom na ako. Sa for sure kapag inalok kita ng pagkain susungitan mo lang ako!" Katwiran nito sa kanya.Napaismid siya saka kumunot ang nuo, "Wag kang masyadong maglalapit kay Ethan. Matinik iyon sa mga babae. Saka magaling iyong mambola kaya wag kang magpapaniwala sa mga sinasabi nya." dagdag pa niya dito."Naku, masyado ka namang paranoid. Bakit naman ako popormahan ng pinsan mo eh alam naman na niyang mag-asawa tayo?""Basta, iwasan mo sya at wag kang papabola sa kanya!" Yamot na sabi niya dito saka mabilis na siyang tumayo. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-make face ni Amelia habang sinusundan siya ng tingin.
HALATANG WALA NAMAN SA MOOD SI JUSTIN habang nasa birthday party sila. Ni hindi nga siya nito pinapansin at parang gusto na lamang magmaktol sa isang sulok habang tahimik na umiinom ng beer. "Bahala ka na nga sa buhay mo, nagugutom ako at di ko palalampasin ang mga masasarap na pagkaing ito," sa loob-loob niya habang naglalaway sa mararangyang pagkaing nakahain sa pagkahaba-habang mesa. May mga waitress na na nag-aaasist sa mga bisita ngunit hindi na niya hinintay pa iyon, sumandok na siya ng lahat ng gusto niyang mga pagkain. Kahit naman kasi ang daming pera ng Kuya Danny niya ay tipid na tipid ito sa paggastos kaya bibihira siyang makatikim ng mamahaling mga pagkain. Nuon pa nga siya curious malasahan ang caviar, pati na rin ang truffle, lobsters etc."Maalat pala ito," pabulong na sabi niya nang matikman ang caviar. Naparami ang kuha niya, nilingon niya ang dalaga sa tabi niya. Napansin niyang konti lamang ang pagkain nito sa pinggan compare sa kanya. Bigla ay na-consicous s
"DITO TAYO PUPUNTA? Invited ba tayo dito?" Tanong ni Amelia kay Justin nang bumaba sila sa isang mansion kung saan ay maraming nagkakatipon-tipon. She found out na ika-75th birthday iyon ng Lolo ni Pamela. "Hindi ba gate crasher tayo dito?""Tumahimik ka na lang, okay?" Sita ni Justin sa kanya, "Close ako kay Lolo Simon kaya hindi na kailangan ng imbitasyon para batiin ko sya sa birthday nya. Besides nuong wedding ko si Pamela lang naman ang imbitado ko pero binitbit nya si Miguel kaya. . .""So, kaya mo ako pinag-ayos ng ganito para iparating kay Pamela na masaya tayo as husband and wife? Na talagang naka-move on ka na? Iyon ba ang reason mo kaya napapayag kang magpakasal tayo?" Ewan ni Amelia pero nasasaktan siya habang nare-realize na ginagamit rin siya ni Justin. Na pareho lang naman silang naggagamitan."Hey, will you just shut your mouth!" Iritadong sagot ng lalaki sa kanya. Hinila siya nito sa birthday celebrant, automatic na nag-iba ang timpla ng katawan nito, parang bi
"ANO BA YANG TASTE MO?" Singhal sa kanya ni Justin nang lumabas siya mula sa fitting room, napasimangot siya. Nakailang fitting na siya ng damit at ni isa ay wala itong magustuhan sa mga napipili niya. Hindi naman kasi ako pasosyal na gaya ng ex mo, ano? Gusto sana niyang sabihin dito pero hindi na lamang siya nagreklamo pa. Aminado rin naman kasi siyang may kabaduyan siyang manamit. Sabi nga ng mga kaibigan niya, may pagka-manang siya sa pagpili ng kanyang susuotin. Hindi naman kasi siya komportableng may nakikitang balat sa kanya. Kung siya nga lamang ang masusunod, gusto niyang bihis ay long sleeve at at maong jeans lang. Tila naubusan na ito ng pasensya kaya tumayo ito mula sa couch at ito na ang pumili ng mga damit na isusukat niya, nilingon din nito ang babaeng nag-aasist sa kanya, "Pakitulungan na lang siya, galing kasi sa kumbento ang babaeng ito!" May sarcasm na sabi nito, tiningnan pa siya ng masama.Sinimangutan lang niya ito. Ang sales lady naman na nag-aasist sa k
GINISING SI JUSTIN ng ingay mula sa kusina. Pinasok ba siya ng magnanakaw? Nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng kanyang kuwarto. Napabuntong hininga siya nang malalim nang makita si Amelia sa kusina, naghahanda ng almusal. Oo nga pala, hindi na niya solo ang unit na ito. He is living with this woman!Damn, hindi nya alam kung ano ang eksaktong mararamdaman. Nagpakasal siya sa babaeng hindi naman niya lubusang nakikilala, and worse, wala naman siyang nararamdamang pag-ibig para dito. Napasubo siya, hindi lamang dahil ayaw niya ng gulo kundi dahil gusto niyang ipamukha kay Pamela na kung kaya nitong basta na lamang siya ipagpalit kay Miguel, kaya rin niya itong ipagpalit sa kahit na ilan pang mga babae! Hah, ni hindi nga official ang paghihiwalay nilang dalawa ni Pamela, pagkatapos ay bigla na lamang nitong iaanunsyo sa social media nito na offically dating na ito, at sa itinuturing pa niyang isang matalik na kaibigan?Kung tutuusin, kulang pa ang suntok na ibinigay niya di
KANINA pa tapos ang kanilang kasal, nakaalis na ang lahat ng mga bisita ngunit hindi pa rin umaalis si Justin sa kinauupuan nito habang nilulunod ang sarili sa alak. Inaantok na siya kung kayat nilapitan niya ito. "I'm going home. Tinawagan ko na rin ang driver mo at. . .""San ka kamo pupunta?" Maangas ang pagkakatanong nito sa kanya."Uuwi na sa bahay namin. . .""Uy, nakalimutan mo bang mag asawa na tayo ngayon kaya sa bahay ko na ikaw uuwi!" Nakangising sabi nito sa kanya, iniabot nito ang susi ng sasakyan, "Lasing ako kaya ikaw na ang magdrive."Nagproprotesta ang itsura niya habang nakatingin dito. Oo nga pala. Mag asawa na sila ng lalaking ito. Nataranta siya lalo pa at para siya nitong pinagnanasaan habang pinagmamasdan.Nag init tuloy ang kanyang mga pisngi."Oh bakit parang gulat na gulat kang marinig na sa bahay ko na ikaw titira? Hindi mo ba alam na dapat magkasama sa bahay ang mag asawa?" Pangisi ngisi nitong tanong sa kanya, "Hindi ba ginusto mo naman ito?""Hindi ko gin







