LOGINMATAGAL niyang pinaghandaan ang araw na ito. Sampong taon rin niyang hinintay ito. Last month, nang sumapit ang kanyang eighteenth birthday, binigyan na siya ng basbas ng Kuya Danny niya para sa kanyang plano. Alam na niya kung sino ang pakay niya. Ilang years na niyang inaaral ang pagkatao ng subject of interest niya. Lahat ng nakarelasyon nito ay alam niya. Weaknesses, hobby at kung anu ano pa.
Si Justin Jensen. Ang panganay na apo ni Don Ignacio. Ito ang CEO ng Jensen & Jensen Corporation. Isang beses na silang nagkasama sa isang okasyon, sa araw na namanhikan ang Kuya Danny niya kay Creselda na tita nito. Hindi niya makakalimutan ang encounter niya dito. Ang totoo, kinabahan siya ng magsalubong ang kanilang mga mata. Paano ba naman, mukha itong greek god kahit hindi niya kinakitaang ngumiti man lang. That time ay dine date rin nito si Pamela Rivas, isang sikat na model at mukhang diyosa sa ganda. Pero ayon sa Kuya niya, nagkakalabuan ang dalawa. Tinanggihan rin daw ni Pamela ang marriage proposal ni Justin dahil hindi pa ito handang mag asawa. Mas priority raw nito ang career. Sabi pa ng Kuya niya, now is the best time na pumasok siya sa eksena since very vulnerable ngayon ang binata.
Biruin mo, isang Justin Jensen, tinanggihan ang marriage proposal? Sabi pa ng Kuya niya, ma pride si Justin. Ayaw nito ng rejection. Pano ba naman, bukod sa tall, dark and handsome pa ito, dami ring babaeng nagkakandarapa. Idagdag pang ubod ng yaman. Pagkatapos nireject lang ng isang Pamela Rivas?
Na check na niya ang background ni Pamela Rivas. Oo, sikat itong modelo, ngunit bukod sa ganda, wala naman itong ibang maipagmamalaki. Magulo ang pamilya nito at di rin ito nakatapos ng pag aaral. Wala ring yaman na pwedeng itapat kay Justin. Balita nga niya, hindi ito gusto ng mga magulang ni Justin ngunit wala lang magawa since very stubborn si Justin. At kung totoo mang nagkakalabuan na ang dalawa, malamang ay masayang masaya ang mga magulang nito sa nangyayari ngayon.Naputol ang daloy ng mga iniisip niya nang marinig ang Kuya Danny niya sa labas ng kanyang kuwarto.
"Ready?" Nakangising tanong nito sa kanya. Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa, "Mukha kang artista." Puri nito sa kanya, "Tiyak na makukuha mo ang atensyon ni Justin."
Isang tipid na ngiti lang ang sinukli niya. Alam naman niyang maganda siya. Ilang beses na ngang may lumapit na talent scout sa kanya, inaalok siyang maganda siya artista, o sumali sa mga beauty pagent or mag model. Pero hindi siya interesado. Ayaw niyang madistract ang mga plano niya. Besides busy siya sa pag aaral. Saka di naman niya kailangang magtrabaho dahil malaki ang allowance na natatanggap niya mula sa Kuya niya.
Pati nga Daddy nila ay pinahinto na sa pagtratrabaho ng Kuya Danny niya. Marami kasi itong mga malalaking projects. Civil Engineer ang Kuya niya. Bukod duon ay may mga itinayo rin itong negosyo na pawang matatagumpay.
Humalik siya sa nuo ng Daddy niya, "Dad, alis na po kami."
Tumango ito at tumitig sa kanya, alanganin ang mukha. Maya maya ay nagsalita, "Sigurado ka na ba? Hindi mo naman kailangang gawin ito kung. . ."
Ngunit bago pa nito matapos ang sasabihin ay sumabat na ang Kuya Danny niya, "Pambihira Dad, tagal nating pinaghandaan at pinagplanuhan ito. Wala ng atrasan ito!" Sabi nito sa kanila.
"Don't worry Dad, handang handa na po ako," pagbibigay assurance niya sa ama. Hindi na ito nagsalita pa. Sabay na silang umalis ng Kuya Danny niya. Never pa niyang na me meet si Don Ignacio at ewan niya kung gusto niyang makaharap ngayon ang matanda.
Baka kung anong magawa niya kapag nakita niya ang taong naging dahilan ng pagpapakamatay ng Mommy niya.
Nilingon niya ang Kuya Danny niya. Ano kayang gagawin ni Don Ignacio kapag nalaman nitong anak sila ni Luisa Palabrica. Ang babaeng hinalay nito at hinarass kaya nagpakamatay!
Parang naninikip ang dibdib niya habang naiisip ang ginawa ng lalaking iyon sa Mommy niya. Kulang pang pambayad ang buong angkan nito sa lahat ng sakit na naramdaman nila sa pagkawala ng ina.
"Kuya, paano kung tuluyan ka nang mainlab kay Criselda? She's very lovely at. . ."
Muntik na siyang mauntog nang tapakan ng Kuya Danny niya ang break, "Ilang beses ko bang ipapaintindi saiyo na bawal ang distractions! Utak ang ginagamit ko, okay? Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na saiyo, utak ang pagaganahin mo para manalo ka sa laro ng buhay! Subukan mo lang na pumalpak ka sa mga plano natin, malilintikan ka sa akin!"
Nabigla siya sa nakitang poot sa mga mata ng kapatid. Nakaramdam rin siya ng takot. Alam niyang sa oras na sirain niya ang mga plano, handa siya nitong kalabanin. Ganuon katindi ang galit na nararamdaman nito kay Fon Ignacio at sa buong pamilya nito.
Tumango siya, "Wag kang mag alala Kuya, nakatanim sa puso at isipan ko ang lahat ng mga nangyari at gaya mo, gusto kong pagbayaran ng taong iyon ang nangyari kay Mommy."
"Dapat lang. Ilang taon rin natin itong pinaghandaan." Giit nito sa kanya.TAHIMIK habang umiinom si Maynard habang naiisip ang mga plano ng kanyang mga anak. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magbunyi dahil ang mga anak niya ang gumagawa ng mga bagay na hindi niya nagawa.
Ngunit kamumuhian ba siya ng mga ito kapag nalaman ng mga ito ang totoong dahilan kung bakit nagpakamatay si Luisa?
Pero nagagalit siya kay Don Ignacio at kapag naiisip niya ang kataksilang ginawa ni Luisa at ni Don Ignacio ay naiisip niyang tama lang ang itinanim niyang imahe tungkol kay Don Ignacio at kay Luisa.
Iniputan siya sa ulo ni Luisa nang dahil sa lalaking iyon. Tama lang na kapootan ito ng kanyang mga anak. Tama lang na gugulin ng mga ito ang buong buhay sa paghihiganti.
Nagtangis ang kanyang mga bagang. "Luisa, tingnan mo kung anong gulo at iniakyat mo sa buhay namin ng mga anak mo? Hindi ko alam kung natatahimik ka sa mga ginawa mo! ! ! Minahal kita ng sobra pero anong sinukli mo? Anong ginawa mong hayup ka!!!! Kaya wag na wag mo akong sisihin kung masisira ang buhay ng mga anak natin dahil sa matinding galit!"
"AMELIA. . ." Paulit-ulit na sambit ni Justin, may mga alaalang nagbabalik sa kanya ngunit hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan. Nang lapitan siya ni Pamela ay hinawakan niya ito nang mahigpit sa braso, "Sino si Amelia? Gusto ko siyang makita!"Nakita niyang nataranta si Pamela, hindi kaagad makasagot sa kanya."Anak, nakalimutan mo na bang seven years na kayong hiwalay ng babaeng iyon? Si Amelia ay ang dati mong asawa pero matagal na kayong hiwalay. . .pinalayas mo siya sa bahay mo, natatandaan mo ba, ha anak?" Sabi ng ina niya sa kanya.Umiling siya."Malaki ang atraso ng babaeng iyon saiyo," si Pamela, "Pinagplanuhan niyang pabagsakin ang kompanya mo. Ninakaw nilang magkapatid ang mga files mo at inagaw nila saiyo ang pinakamalaki mong kliyete then nagtayo sila ng sarili nilang kompanya, k-kasama ni Miguel," paalala ni Pamela sa kanya.Masakit na masakit ang ulo niya habang ina-absorb ang lahat ng information na sinasabi sa kanya ni Pamela. Pero wala pa rin si
NAPAATRAS SI PAMELA MULA SA KINATATAYUAN NANG MARINIG ANG PANGALANG binanggit ni Justin. Napuno ng takot ang kanyang mukha. Hindi siya makapagsalita. Maging sina Jadine, Auntie Criselda at ang ina nito ay nagkatinginan. "Amelia. . ." tila hinahanap ni Justin sa mga mukha nila kung sino si Amelia. Hindi niya alam kung naalala na nito ang lahat, pero kinakabahan siyang may maalala na ito tungkol kay Amelia. Nilapitan ito ng ina ni Justin."Anak. . .nagbabalik na ba ang lahat mong mga alaala?" Halos paanas lamang na tanong nito sa lalaki. Parang blangko ang mukha ni Justin habang nakatingin sa ina. Kahit na paano ay nakahinga siya. Hindi pa rin ganap na bumabalik ang memorya nito.Lumabas ng kuwarto nito si Auntie Criselda, sinundan ito ni Jadine. Naiwan siya sa loob ng kuwarto kasama ng ina ni Justin. Hindi siya komportable ng mga sandaling iyon. Kapag nagkaalaman, tiyak na damay siya dahil kasabwat siya ni Gabby sa lahat ng mga nangyayaring ito kay Justin. Kailangan niyan
PARANG MASISIRAAN NG BAIT SI JUSTIN. MASAKIT na masakit ang ulo niya at hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nanggagaling. Nagpatingin na siya sa espesyalista, pumunta pa nga siya sa ibang bansa para sa hindi niya maipaliwanag na karamdaman ngunit walang makapagpaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanya. Maging ang pagpapatakbo niya sa kompanya ay naapektuhan na dahil sa madalas niyang pagkakasakit. May mga bagay rin tungkol sa kanyang nakaraan na hindi na nya maalala. Pero ramdam niya, may mali sa pagsasama nilang ito ni Pamela. Pakiramdam niya ay may isang bagay ang kulang sa buhay niya ngunit hindi naman niya matukoy kung ano. Dalawang taon na silang kasal ni Pamela ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya?Parang may isang bagay sa kanyang nakalipas ang nais niyang balikan. What is going on with me? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa bagay na ito, aniya sa sarili sa pagitan ng pagsakit ng kanyang ulo.Tumayo siya, ni hindi niya maisubo ang
DALAWANG TAON ang matuling lumipas. Sa pagpupursige ni Gabby at sa pagiging consistent nito na patunayang mahal na mahal sila nito, naging malapit na muli ang loob ni Winter dito. Sa katunayan, naging katuwang ni Gabby si Winter sa panunuyo sa kanya.Sa huli ay napapayag na rin siyang makipagbalikan dito. At next week nga ay nakatakda na ang kanilang nalalapit na kasal. Pero may mga sandaling parang gusto niyang umatras. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naman siya ganuon kasigurado ng nararamdaman niya para kay Gabby. Sabagay, wala naman siyang ibang minahal talaga kundi si Justin. At hanggang ngayon, sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang mag-ina, hindi niya ito magawang iwaksi sa puso niya.Nagagalit siya kay Justin.Nasusuklam siya dito lalo na bigla na lamang itong naglaho at pinutol ang komunikasyon kay Winter ng ganun-ganun na lang. Pero deep inside, nangungulila pa rin siya sa pagmamahal nito. Bakit nga ba hindi niya magawang tuluyang mapoot sa lalaking iyon?Bak
ISANG PAGKAKATAON PA, sabi ni Amelia sa kanyang sarili habang kinakabahan siyang pumunta sa opisina ni Justin. Nagbabakasakali na magkakausap sila ng maayos ni Justin. Kung siya lang sana, hindi na niya ito hahanapin pa. Ngunit nagkakasakit na si Winter dahil sa labis na pag-iisip sa ama. Gustong-gusto na nga niyang umalis, muling magpakalayo-layo silang mag-ina at hindi na bumalik pa dito sa Pilipinas.Ngunit ayaw ng pumayag pa ni Winter. Hindi naman maaring siya lang ang magdesisyon para sa kanilang dalawa. Nirerespeto niya ang kanyang anak. "Mommy, kinakabahan po ako." Bulong ni Winter sa kanya habang naghihintay sila sa loob ng opisina ni Justin.Maging siya ay kinakabahan rin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Justin ngunit hindi na niya iyon isinatinig sa anak. Ilang sandali pa ay lumabas na ang sekretarya nito, "I'm sorry Ma'am pero hindi papasok sa opisina ngayon si Sir. Ipinaalam ko na rin po na andito kayo pero sorry daw, marami siyang kailangang a
"SABI KO NAMAN SAIYO, walang ibang magmamahal saiyo ng kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko saiyo, Amelia." Sabi ni Gabby sa kanya nang pasyalan siya nito sa bahay. May dala itong mga bulaklak at chocolates para sa kanya, mga laruan naman para kay Winter. Hindi na gaya ng dati, malayo na ang loob ni Winter kay Gabby. Hindi naman niya ito pipilitin na maging close muli kay Gabby kaya hinahayaan lang niya ang anak. Ngunit kinausap na niya ito nang maayos na huwag nang umasa pang magpapakitang muli si Justin sa kanila.Ang lakas nga ng iyak ni Winter. Ngunit mas mainam ng tapatin niya ito kaysa naman umaasa lang ito sa wala. Mas lalo lamang itong masasaktan."I was right when I told you na ginagamit lang niya ang bata para makaganti saiyo. See, pinaasa lang kayong mag-ina ng lalaking iyon?""Gabby, pwede bang huwag na lang natin siyang pag-usapan." Sabi niya rito."I'm sorry," sabi nitong ginagap ang mga kamay niya, "Sana naman, narealize mo ng ako ang kailangan mo, Amelia. . ."H
IKINAGULAT NI AMELIA ang sinabing iyon ng Kuya Danny niya, "K-Kuya. . ." Nagproprotesta ang kanyang mukha nang bumaling siya sa kapatid. "Hey, I did not force Amelia to do it!" Mariing sagot naman ni Justin, "Amelia, ano ito? Alam mong walang nangyaring sapilitan sa. . .""Pananagutan mo si Ameli
MASAKIT NA MASAKIT ANG BUONG KATAWAN NI AMELIA NANG MAGISING kinabukasan. Ngunit tila nahimasmasan siya nang tuluyang mabalik ang kanyang buong kamalayan at makita sa tabi niya si Justin, pareho silang hubo't hubad. Nagmamadali siyang bumangon, dinampot ang kanyang mga damit na nagkalag sa sahig
"PAMELA, WHY ARE YOU DOING THIS TO ME? Bakit parang masayang-masaya kang makita akong nasasaktan?"Hindi makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Amelia, ramdam niya ang sakit na nararamdaman sa tinig ng lalaking nagsasalita. Kahit hindi maliwanag ang naaninag niyang tao habang ito ay nagsasalita
SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay nakaharap ni Amelia si Don Ignacio, ang lalaking lumapastangan sa kanyang ina. Ang taong naging dahilan kung bakit nito tinapos ang buhay. Ramdam niya ang pangangatal ng kanyang mga kalamnan. “Amelia, what’s wrong?” Tanong ni Criselda nang mapansing tila natahimik si







