Share

Kabanata 7

last update publish date: 2026-03-31 21:09:10

Dasha POV

Seven thirty eight ng gabi ako nakarating dito sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang gate. ‘Yung tipong hindi nila maririnig na nandito na ako. Nang makalagpas ako sa gate, dahan-dahan din akong naglakad papasok sa loob. Sa labas palang ng pinto, dinig ko na ang kalansing ng mga kutsara at tinidor sa hapagkainan. Kasalukuyan palang silang kumakain ng dinner. At sure akong kasabay na nila Nanay Susie at Tatay Darwin si Elco sa pagkain ng hapunan.

Huminto ako saglit sa likod ng pinto
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 160

    Dasha POVMatapos kong makausap sina Nanay at Tatay, wala na, kalmado na ang lahat, pero imbes na magpahinga ako, lumabas ako ng bahay at pumunta rito sa garden ko.May mga kailangan pa kasing ayusin. May mga ligaw na damo, kaya pinagtatanggal ko muna. Marami-rami rin iyon kaya nalibang ako.Habang naglilinis ako doon, nagulat ako Calista na biglang lumitaw sa gate namin.“OMG, totoo nga!” sabi niya, kaya muntik ko nang maibato sa kaniya ang pasong hawak ko.“Nakakaloka ka naman, Calista!” sita ko sa kaniya.“Nag-chat kasi sa GC namin si Elco. Sinabi niyang nandito ka na sa probinsya, kaya ngayong papasok na ako sa work, naisipan kong daanan ka, eh, oh, totoo nga, nandito ka na, nakauwi ka na,” masaya niyang sabi, sabay tingin sa tiyan ko. “Kumusta, alam na ba nila?” tanong pa niya.“Oo, alam na nilang buntis ako pero hindi pa alam kung sinong ama, kaya shut up ka muna diyan at baka marinig ka nila,” sita ko ulit sa kaniya.Bigla naman niyang inabot sa akin ang isang slice ng cake. “O

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 159

    Dasha POVPaglabas ko ng building ng Goodnovel Ink, dala ko pa rin sa isip ko ang sinabi ni Madam Imelda na magiging movie na ang The Cut That Always Bleed.Hindi ko pa rin lubos maisip na napakabilis ng mga pangyayari. Paulit-ulit kong binabalikan sa isip ang bawat sinabi niya habang naglalakad ako papunta sa entrance. Gusto kong tumalon sa saya. Gusto kong tawagan agad si Elco at sabihin sa kaniya ang magandang balitang ito, pero bago pa ako tuluyang makalabas ng building, bigla akong natigilan sa nakita ko. May pamilyar na dalawang taong nakatayo sa labas. Sa unang tingin pa lang ay kilala ko na.“N-nay…”Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nandito si Nanay Susie habang katabi niya si Tatay Darwin. Pareho silang mangiyak-ngiyak, habang ako ay halos hindi naman ako makagalaw.Ilang buwan ko silang tinakasan. Ilang buwan kong piniling mag-isa dahil natatakot akong harapin sila.At ngayon ay mukhang wala na akong takas.“Dasha?!”Tinawag ako ni Nanay.Napaatras agad ako. Ang una ko

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 158

    Dasha POVNagmamadali akong kumain ng lunch dahil may mahalaga akong lakad ngayon. Kanina pa kasi umiikot sa isip ko ang message ni Madam Imelda Radonza.“Dasha, pumunta ka sa office ko ngayong hapon. May mahalaga tayong pagmi-meeting-an.”Ilang beses ko iyong binasa bago ako tuluyang bumangon kaninang umaga. Nagtataka ako. Kapag kasi nagpatawag siya sa office, may bad news o may good news, pero madalas ay good news naman. Isang beses palang kasi ako napapatawad kapag may bad news. Ang bad news na iyon ay ang pagsagot ko raw sa mga basher noong panahong nag-aaway pa kami ni Mr. Night Bloom sa social media. Sinita lang ako ni Madam Imelda na huwag makipag-away sa socmed, iyon lang naman, dahil hindi raw maganda sa image ng mga author ng Goodnovel ink na nakikipag-away sa mga readers. Kaya simula nun ay hindi ko na ginawa, hinayaan ko na lang na puksain ako ng mga basher. Actually, naging maganda pa nga ang hindi ko pagsagot dahil kusa rin silang tumigil.Muli akong napatingin sa messag

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 157

    Elco POVHindi ko namamalayang nakangiti pala ako ng husto habang naglalakad palabas ng Grand Dadonza Hotel.“Good night, Sir Elco!” Masiglang bati sa akin ng isa sa mga staff ko.Ngumiti naman ako at tumango. “Good night, ingat kayo sa pag-uwi,” sagot ko naman.Napapatingin pa sa akin ang ilan. Siguro ay nagtataka sila kung bakit parang ang gaan ng mood ko nitong mga nakaraang araw. Hindi na kasi ako katulad noon na palaging tahimik, stress at wla sa mood. Lahat kasi sila noon ay pansin na pansin ang pagiging matamlay ko at tulala dahil sa pag-iisip ko palagi kay Dasha.Ngayon, oakiramdam ko, gusto ko nang matapos agad ang bawat working day ko. Hindi dahil tinatamad akong magtrabaho, ah, kundi dahil may inuuwian na ulit ako ngayon. May naghihintay na ulit sa akin na alam kong maghapon din akong hinihintay,Pagkasakay ko sa sasakyan, hindi muna ako dumiretso sa condo ni Dasha. May dinaanan pa ako. Huminto ako sa isang café.“Good evening, sir,” nakangiting bati ng cashier.“Good eveni

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 156

    Elco POVMadaling-araw na ako nakauwi sa amin. Gising na si Dasha nung magpaalam akong uuwi muna para gumayak sa pagpasok ko sa work.Nang iparada ko ang sasakyan sa garahe, sumulyap ako sa relo. Sakto lang siguro ang ganitong oras, alam naman ni mama na galing ako sa Tagaytay.Pero sa mga oras na ito, sigurado akong tulog pa si Mama, kaya tahimik akong pumasok sa bahay.Maingat ko pang isinara ang pinto para hindi ako makagising, pero paglingon ko sa sala ay napahinto ako.Para akong nakakita ng multo dahil napamilog ang mga mata ko nang makita ko si Mama na gising na pala.Tahimik itong nakaupo sa sofa habang may hawak na tasa ng tsaa. Diretso ang tingin niya sa akin. Parang kanina pa ako hinihintay.“Ma…” halos pabulong kong sambit sa kaniya.Napangiti siya nang bahagya. “Mabuti naman at nandito ka na,” seryoso niyang sabi.Tumango ako. “Opo, kakauwi lang po dahil kailangan kong gumayak para sa work ko.”Akala ko ay magtatanong lang siya kung bakit ako inumag ng uwi o baka pagsasab

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 154

    Dasha POVPagbalik namin sa Manila, parang unti-unti na ring bumabalik ang katahimikan sa buhay ko. Hindi na katulad noong mga nakaraang buwan na bawat paggising ko ay may kasamang lungkot at takot.Ngayon, may kasama na ako.Pagkatapos naming ihatid si Ivy sa terminal, mahigpit niya muna akong niyakap.“Alagaan mo ang sarili mo,” sabi niya habang kita ang lungkot sa mukha niya.Ngumiti ako. “Ikaw rin, saka, salamat sa ilang araw na pagsama sa akin, super na-enjoy ko ang bonding natin, sobrang na-miss din kita.”Napatingin siya kay Elco. “Ayusin mo rin, Elco. Na sa’yo na ulit ang kaibigan ko, kaya ayusin mo na ngayon.”Napangiti si Elco. “Opo, pangako, hindi ko na siya pababayaan.”Tumango si Ivy. “Wag mong sisirain ang pangakong ‘yan. Tuparin mo, kundi, lagot ka na talaga sa akin,”dagdag pa niya.Bago sumakay ng bus si Ivy, sinabi pa niyang babalikan niya ang sasakyan niya soon, kainis kasi dahil nasira ang makina bigla. Hindi namin alam kung anong nangyari, kaya doon muna ito sa par

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 45

    Dasha POVMaaga akong nagising kasi ang ingay nila Nanay at Tatay habang gumagayak. Sa tingin ko, madaling-araw ay dinaanan na sila ng van na sasakyan nila. Isang linggo silang mawawala, bongga kasi papunta sila sa Baguio. Kaya naman isang linggo na puro si Elco lang ang kasama ko rito sa bahay.Nu

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 44

    Elco POVPawisan, pagod at uhaw na uhaw ako. Kakatapos lang naming mag-basketball, malapit na kasi ang mismong liga. pag-uwi ko sa bahay, nagulat ako dahil nasa garden si Dasha, abala sa pagdidilig ng mga halaman niya.Huminto ako doon. “Maaga ka atang umuwi ngayon, Cousin?”Napalingon siya sa akin

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 2

    Dasha POVNagulat si Ivy kasi bumalik ako sa flower shop. Pagkakita ko sa mukha ng pinsan kong si Elco, dali-dali akong lumabas sa pinto ng likod ng bahay namin. Doon ako dumaan para makabalik dito sa flower shop ni Ivy. Hindi ko nga alam kung ilang oras ko itong tinakbo, basta nung makita ko ang m

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 1

    Dasha POV“Bakit ba nagmamadali ka sa trabaho mo ngayon, Dasha?” tanong ni Ivy.Kaibigan ko siya at sa kaniya ako nagtatrabaho bilang flower shop assistant. Oo, siya rin ang may-ari nitong flower shop.“Sorry, Ivy, need ko talagang mag-half day ngayon. Kailangan ko pa kasing mag-update sa on-going

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status