FAZER LOGINTwyla POVHindi ko napigilang mapangiti habang inililipat ko ang mga gamit ko sa tabi ng bagong tent ni Kentaro.Sa wakas, hindi ko na kailangang matulog nang mag-isa sa may tabing-dagat. Hindi ko na rin kailangang mag-alala kung sakaling magkaroon ulit ng malakas na ulan at hangin. At higit sa lahat, hindi ko na kailangang maglakad nang malayo kung gusto kong makipag-usap sa nag-iisang taong kasama ko sa islang ito. “Ilalagay ko na lang ba rito?” tanong ko habang hawak ang isang nakatiklop na kumot. Itinuro ko ang bakanteng bahagi sa gilid ng tent na ginawa niya.“Oo. Sa gilid mo na lang ilagay,” sagot niya habang inaayos ang ilang kahoy sa labas. Sinunod ko naman iyon. Inilapag ko ang kumot, mga damit, at iba pang gamit na naipon ko mula sa kahong inanod sa dalampasigan. Inayos ko rin ang mga solar light na dala ko para hindi magkagulo ang mga gamit namin.Mas malaki ang tent na ginawa ni Kentaro kumpara sa una niyang ginawa. Makakapal ang mga kahoy na ginamit niya bilang suporta.
Kentaro POVHalos isang oras ding naghintay bago tuluyang maluto ni Twyla ang pugita. Habang naghihintay, ilang beses ko siyang nakitang bumabalik sa apoy para tingnan kung pantay na ang pagkakaluto ng bawat bahagi ng pugita. Maingat niyang iniikot ang mga galamay gamit ang dalawang patpat. Paminsan-minsan, nilalagyan niya rin ng kaunting tubig ang ilang bahagi para hindi agad matuyo habang iniihaw.Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang pasensiya sa mga ganitong bagay. Kung ako ang tatanungin, matagal na akong nawalan ng gana sa paghihintay. Pero siya, parang masaya pang pagmasdan ang ginagawa niya.“Kentaro, luto na!”Napalingon ako nang marinig ang masigla niyang boses. Inilapag niya sa isang malinis na dahon ang inihaw na pugita. Bahagya pang umuusok iyon at may amoy na agad na nakapagpagutom sa akin.Napatingin ako sa pagkain. “Wow,” hindi ko napigilang sabi.Ngumiti si Twyla. “Ang bango, ‘di ba?”Hindi ko pa alam kung ano ang magiging lasa niyon, pero mukhang masarap na agad.
Twyla POVNaisipan kong subukan namang manghuli ng ibang lamang-dagat. Hindi naman puwedeng puro isda na lang ang kinakain ko, marami namang pagpipilian, kaya magta-try ako ng bago.Kinuha ko ang matibay kong patpat at ang improvised basket na ginagamit ko sa pangingisda. Naglakad ako sa bahaging mababaw ang tubig, kung saan maraming bato at maliliit na siwang na maaaring pinagtataguan ng mga lamang-dagat.Maingat akong naglakad dahil madulas ang ilang bato. Ayokong madulas at masugatan pa. Wala naman akong doktor na matatakbuhan dito.Habang sinisilip ko ang ilalim ng tubig, may ilang maliliit na isdang mabilis na nagtatago sa pagitan ng mga bato. May nakita rin akong mga alimango, pero napakabilis nilang tumakbo palayo sa tuwing sinusubukan kong hulihin.“Ang bilis ninyo naman!” reklamo ko habang nakatingin sa isang alimangong nakatakas na naman.Nagpatuloy pa ako sa paghahanap. Ilang minuto pa ang lumipas nang may mapansin akong kakaibang galaw sa ilalim ng isang malaking bato.Hum
Kentaro POVPagkatapos akong tulungang humanap ni Twyla ng mas maayos na puwesto sa loob ng isla, agad kong sinimulan ang paghahanda para sa bago kong silungan. Hindi ko na gustong maulit ang nangyari kagabi.Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin kung paano ako halos mawalan ng pag-asa nang tangayin ng malakas na hangin ang bubong ng una kong ginawa. Ilang oras akong nagpagod para lang magkaroon ng matutulugan, pero isang gabing malakas na ulan lang pala ang katapat nito.Kung hindi ako pinatuloy ni Twyla sa tent niya, malamang ay buong gabi akong nakabilad sa ulan. Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang lamig at kung ano ang magiging kalagayan ko ngayong umaga kung hindi niya ako tinulungan.Kaya ngayon, sisiguraduhin kong mas matibay ang itatayo ko. Hindi na ako gagamit ng maninipis na kahoy na madaling mabali. Kailangan kong humanap ng malalaki at matatabang puno na puwedeng gawing poste. Gusto kong matatag ang pagkakabaon ng mga iyon sa lupa para hindi basta matumba kahit malakas an
Twyla POV“Sigurado ka bang okay na rito?”Napatingin ako kay Kentaro na kasalukuyang nakatayo sa harap ko habang sinusuri ang paligid. Nasa loob kami ngayon nitong isla, sa bahaging napapalibutan ng malalaking puno. Mas malamig dito kumpara sa dalampasigan dahil halos natatakpan ng makakapal na dahon ang kalangitan. Hindi rin gaanong malakas ang hangin dahil nagsisilbing panangga ang mga puno sa paligid. Iyon ang dahilan kung bakit naisip ko na dito na lang magtayo ng bagong tent si Kentaro.“Oo naman,” sagot ko habang nakatingin sa patag na bahagi ng lupa. “Okay na okay na rito.”“Sigurado ka?”Tumango ako nang mabilis. “Sure na sure! Tingnan mo naman. Ang daming puno. Kapag umulan ulit at lumakas ang hangin, hindi na direktang tatamaan ng bugso ang tent mo. Mas protektado ka rito.”Tumingala ako at pinagmasdan ang makakapal na sanga at dahon sa ibabaw namin. Hindi man nito kayang pigilan ang lahat ng ulan, malaking tulong pa rin ang mga puno para mabawasan ang lakas ng hangin.“At
Kentaro POV “Konting hintay na lang,” masayang sabi niya.Hindi ako umimik. Pero hindi ko rin maikakailang nakatutok ang mga mata ko sa mga isda.Tignan mo nga naman ang pagkatataon. Dati, nung sa villa pa ako nakatira, hindi ko pinapansin ang mga isda kasi mas hilig ko ang mga steak at masasarap na pagkain. Ngayong tag-gutom dito sa isla, parang itong inihaw na simpleng isda ang pinakamasarap ngayonHabang umiinit ang mga iyon, unti-unting kumalat ang mabangong amoy sa paligid. Napalunok na naman ako ng laway. Itong-ito ‘yung naaamoy ko kagabi. Halos gusto ko nang itanong kung puwede nang kainin, pero pinigilan ko ang sarili ko.Ayokong magmukhang gutom na gutom. Kahit na iyon naman talaga ang totoo.Ilang minuto pa ang lumipas bago niya inalis ang mga isda sa apoy. Hinipan niya muna ang mga iyon para hindi kami mapaso at saka inilapag sa isang malinis na dahon.“Heto na!” Umupo siya sa harap ko at inabot ang isang isda. “Oh, ito ang para sa iyo.”Tiningnan ko ang isda bago siya tin







