Share

Chapter 10: Emotions in his eyes

“Pasensya na kung kailangang dito pa tayo magkita, ayaw ko kasi na makuha ang atensyon ng mga reporter at malaman nila ang tungkol kay mama lalo na ngayon na nasa ICU sya. Isa pa ay baka guluhin nila pati ang kapatid ko masyado ng iyon na stress sa mga nangyayari.” Agad na paliwanag ni Danica pagkarating pa lamang nito sa lugar kung saan pinili nilang magkita ni Isaac para pag-usapan ang tungkol sa bagong project niya.

“it’s okay. Mas ayos na rin na dito tayo nagkita para makapag-usap tayo ng mas maayos,” sagot ni Isaac habang nakangiti. Isa pa ay, bakit tatanggi ang binata sa ganitong set-up kung para silang nasa date habang tinatakasan ang mga reporters.

“Ano ba ang dahilan bakit gusto mo na magkita tayo ngayon? Kung nag-aalala ka pa rin sakin dahil sa mga nangyayari, hindi mo naman kailangan makipagkita sa personal.”

“Hindi naman ito tungkol doon, sa totoo nga ay good news ito para sayo kaya hindi na ako mapaghintay na ibalita at ayaw ko rin naman sa text o tawag ko lang sabihin.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status