Share

Strange Addiction(Tagalog)
Strange Addiction(Tagalog)
Author: Liesta

Chapter 1: Nasira na pangalan.

Sabi nila, pag naabot mo na ang pangarap mo huwag mo hahayaan na masira at mawala sayo ng basta-basta lalo na kung may mga bagay ka na binitawan para dito. Pero paano kung mga taong nakapaligid at mismo na tadhana na ang gumagawa ng paraan para unti-unti itong mawala sayo?

“Miss Danica, please look at the camera! It is true na gumagamit ka ng drugs at ginagamit mo ang katawan mo para mabigyan ka ng mas malaking project at maraming series?” Mabilis na tanong ng isang babae na reporter dahilan para agad din na magsilapitan ang iba pa at sunod-sunod na ang mga ito sa pagtatanong sa aktres na hindi alam kung paano iiwasan ang mga ito.

“Miss Danica, ano ang masasabi mo na sa kumakalat na pictures mo kasama ang director ng bagong movie kung saan ikaw ang bidang babae? Totoo ba may lihim kayong relasyon?” Muling tanong naman ng isa.

“Miss Danica, totoo ba na kaya ikaw ang naging lead lady sa movie ay dahil ang director na ang mismong kumuha sayo at kaya ba wala ng audition na naganap para sa pwesto ng lead lady dahil matagal nyo ng napag-usapan ang tungkol dito?” Sigaw naman ng isa sa mga ito.

“Miss Danica, anong masasabi mo sa mga comment sa internet tungkol sayo? Hindi ka ba nahihiya na lumabas ng bahay mo matapos ang issue?”

Siksikan at mga nagtutulakan ang bawat reporter para makakuha ng magandang pwesto at angulo at kani-kaniya ang mga ito sa pag-video at pagkuha ng mga litrato na halos sumakit ang mata ng babae sa sunod-sunod na flash ng camera sa harapan niya.

“Miss Danica…”

“Danica… Please look at the camera!”

Samot-sari ang mga tanong nang mga reporters sa sikat na aktres na kabababa lamang sa kaniyang van papasok sa agency niya, halos hindi na nga sila makadaan ng kaniyang manager sa sobrang dami nang mga taong gustong makapanayam siya.

Pero kahit isa sa mga tanong ay wala siyang sinagot, tuloy-tuloy lang siyang naglakad habang nakayuko at tinatago ang mukha mula sa nagkikislapan na mga camera.

“Danica, bear with it a little longer. This fucking guards does not even try to help us.” Tiim bagang na bulong ng manager niya, kung tutuusin ay dapat nga ay may mga security guard ngayon na tumutulong sa kanilang hawiin ang mga reporters, pero mukhang kahit ang mismong agency ay tinalikuran sila sa pagkakataon na ito.

“Why did we even bother to go here, Isaac? Alam mo naman na hindi nila tayo tutulungan kahit lumuhod tayo sa harapan nila.” Matapang na sabi ng dalaga ngunit hindi maitatago ang panginginig ng buo niyang katawan dala ng kaba dahil sa mga reporters.

“Hindi naman natin pwedeng hayaan na wala silang gagawin tungkol dito, after all ikaw ang nakapagbigay ng maraming pera sa company na ito kaya may karapatan tayong mag reklamo at humingi ng tulong para linisin ang pangalan mo.” Kunot ang noo ng binata ng sumagot ito sa kaniya kaya mas pinili na lang niyang tumahimik bago sa kaniya mabunton ang inis nito.

Mabuti na lang at ng malapit na sila sa entrance ng company ng agency ay tumulong na rin sa wakas ang mga guards pigilan ang mga reporters. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin nakaligtas ang dalaga sa mga haters mula sa ibang artista na hindi nagdalawang isip na hilain siya sa braso at batuhin ng mga bulok na kamatis.

“Wala kang kwentang artista! Umalis ka na sa entertainment industry, sinisira mo lang ang imahe ng ibang artista! Madami ang mas karapat-dapat sa mga tagumpay na natatamo mo ngayon, mag retired ka na!” Sigaw ng isa sa mga ito.

“Mag-retired ka na!” Sigaw ng ibang haters sa gilid, may iilan na pumipigil na mga ito mula sa fans ng dalaga ngunit kulang iyon para pigilan ang mga kamatis at itlog papunta sa pwesto ng niya.

“Fuck! What is wrong with these people. Look at your arms, it’s bleeding.” Natatarantang kinuha ni Isaac ang panyo sa bulsa at pinunasan ang kaunting dugo na tumutulo sa maputi at makinis na braso ni Danica.

“Huwag lang masyadong mag-alala, malayo naman ito sa bituka ang sugat. Mabuti pa ay tumuloy na tayo sa office ni Mr. Reyes.” Alangan na sabi ng dalaga, alam niya kung gaano kagalit ngayon ang manager niya dahil sa mga nangyayari.

Ito lamang ang naniniwala na hindi totoo ang kumakalat na balita, hindi nga nila alam kung paano nabuo ang ganoon na issue dahil hindi naman siya madalas lumalabas at nakikisalamuha sa ibang mga artista. Halos hindi nga niya magawang dalawin ang pamilya sa sobrang busy ng schedule na meron siya this year.

“Mabilis na napukaw nila ang atensyon ng lalakeng hinihilot ang sintido, halos hindi na yata ito natulog buong magdamag dahil sa itim na nasa ilalim ng mata nito.

“Anong ginagawa nyo dito?! Hindi nyo ba natanggap ang message ko na huwag kayong lalabas ng bahay?!” Galit na sabi nito at tumayo, mabilis nitong tinignan ang braso ng dalaga kung saan nakatali ang panyo ni Isaac. “Look! Ipapahamak mo ba talaga ang sarili mo?”

Hindi ito ang inaasahan ni Danica na magiging reaction ng CEO ng entertainment company niya, hindi niya akalain na gumagawa ito ng paraan para linisin ang pangalan na meron siya.

“Gusto lang naman naming malaman kung ano ba talaga ang nangyari! Wala kaming kaalam-alam sa kung saan nagsimula ang issue, wala naman kaming pinuntahan na magiging dahilan ng scandal na ganito.” Ramdam ni Danica ang kagustuhan ng manager niya na malaman ang buong nangyari at ganoon rin naman siya.

Pilit niyang ginawa ang lahat para maingatan ito, pero hindi niya pa rin naiwasan ang ganitong problema. Kung kailan kailangan na kailangan niya ito ngayon para kumita ng pera.

“Isa pa nga iyan sa problema ko, here tignan nyo.” Inabot ni Mr. Reyes ang Ipad niya sa dalawa kung saan naglalaman ito ng isang video sa loob ng isang medyo ngunit hindi ganoon kadiliman na kwarto. “Andiyan ang director ng bagong movie kung saan ikaw ang magiging leading lady, andiyan rin sa video ang ibang cast ng movie. Lahat sila ay iisa ang sinasabi, ang drugs na makikita sa video na nasa ibabaw ng lamesa ay ikaw ang may dala.” Pagpapaliwanag nito.

“That bullshit! Andoon ako hanggang matapos ang inuman para sa pagsisimula ng shooting.” Hindi mapigilan na tumaas ang boses ni Isaac dahil sa narinig.

“Pero hindi ka nakikita sa video, Isaac, at kung makikita ka man ay walang maniniwala sa lahat ng sasabihin mo dahil manager ka ni Danica.”

“How about the CCTV sa labas ng VIP room na iyon? At itong nasa video na ito ay hindi ko nakitang nangyari! Hindi niya niyakap ang director kahit isang beses man lang.” Saglit na napahinto ang manager niya at napahampas sa lamesa, “this people set up everything! Lumabas ako saglit para mag CR pero pagbalik ko ay wala ng malay si Danica kahit na ng bago ko siya iwan ay nasa maayos na wisyo pa siya!”

“But why?” Danica can’t help but to stare to them, hindi niya akalain na darating ang panahon na masisira ang career na pinaghirapan niya ng ilang taon para maabot.

“We don’t know either, you know how people in this industry when they set their eyes sa isang taong magiging hindrance sa pag-angat nila and to think of it right now, hindi magiging malabo na iyon ang maging dahilan para sirain ka nila.” Sagot ng CEO.

“Pero bakit pati ang director ay ako ang tinuturo? Kung simple na tao lang ang may pakana ng lahat ay hindi niya magagawang kausapin at mapapayag ang lahat para sisihin at sirain ako.” Hindi na mapigilan ng dalaga na magsalita patungkol sa issue na kinasasangkutan niya.

Masakit para sa kaniya na ganoon na lang masisira ang pangalan niya dahil lamang sa issue na hindi naman talaga niya ginawa at ang hindi niya matanggap ay ang pinagkaisahan lang siya ng mga tao sa paligid niya.

Halos pag artista ang bumubuhay ngayon sa pamilya niya at patuloy na nagiging daan para mapagamot ang mama niya, kung mawawala ang kasikatan na meron siya ngayon ay hindi niya alam kung saang basurahan sila pupuluting buong pamilya.

“Mayaman o ordinaryong tao ang may gawa nito, pareho nilang kayang gawin iyon lalo na kung may sponsor ang tao na iyon na kayang-kaya na ibigay ang gusto ng artista na hawak niya.” Bumuntong hininga ang CEO at tumingin ng seryoso sa dalaga, “speaking of sponsor, meron akong pwedeng hingian ng tulong at pwede mo na maging sponsor.”

“Are you insane, Shun?! Gusto mo siyang bigyan ng sponsor kahit ang issue nya ay paggamit ng katawan niya para sumikat?!” Singhal na sabi naman ng manager ng dalaga.

“Iyon na lang ang natitirang paraan para masalba ang career nya, Isaac! Alam mo naman na acting CEO pa lang ako dito at hindi ako pwedeng mag desisyon ng basta-basta without my father’s approval.”

Sponsor?

Minsan ng narinig ng dalaga ang usapan tungkol sa sponsor ngunit hindi siya ganoon ka-aware kung ano nga ba ito at kung bakit ganoon na lang ang reaction ni Isaac ng banggitin ito ni Shun.

“Iyon na lang ba talaga ang natitirang paraan para masalba ko ang career na meron ako?” Nag-aalangan man ay nagtanong na siya, kung may paraan pa para maligtas niya ang posisyon at r***k ng narrating niya ngayon, para sa pamilya niya ay bakit hindi niya gagawin?

“Yes, and I know he’s willing to help a dedicated and talented artist like you.” Shun smile at her with assurance.

“No! Danica, please maybe there is another way but don’t do it.” Nakikiusap ang tono ng manager ng dalaga sa kaniya ngunit hindi niya kailangang maging mapili ngayon. Tulad nga ng kasabihan, beggars have no choice to be choosy.

“No, I will do it.” Seryosong sabi nito at ngumiti, “malalampasan ko ito, magtiwala lang kayo.”

“Great, then Isaac can you lend her to me for this day?”

“What do you mean? Huwag mo sabihin na ngayon mismo ay ipapakilala mo siya sa sponsor na sinasabi mo.” Hindi pa rin naaalis ang galit na expression sa mukha nito habang matalim na nakatingin kay Shun.

“Bakit hindi? Hanggang maaga pa ay kailangan na nating gumawa ng paraan habang hindi pa ganoon kasira ang pangalan niya.” Seryosong sabi nito, kaya kahit ayaw man ni Isaac ay wala itong nagawa kung hindi ang umalis sa office.

“Isaac!” Tawag ng dalaga dito ngunit hindi man lang ito lumingon, naiintindihan ng dalaga ang manager niya. Pareho silang bagong salta sa industriya walong taon na ang lumipas at sabay nilang hinarap ang mga pagsubok, tulad niya ay nagsumikap rin ito para manatili sa entertainment industry.

“Kailangan lang ng oras siguro ni Isaac para makapag-isip, let’s go?” Sabi ni Shun habang nakatingin kay Danica.

“Let’s go.” Sagot ng dalaga at sumunod sa binata, kahit hindi alam kung ano ang naghihintay sa kaniya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Glenda Doctor
Danica, hugs hu hu
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status