Share

Chapter 2: Ang sponsor!

“We are here,” Sabi ni Shun pagkahinto pa lamang ng kotse sa tapat ng isang mataas na building, hindi naman makapaniwalang tiningala ito ni Danica mula sa kinatatayuan niya. Mukhang napaka-imposible naman yata na isang may-ari ng ganito kalaking company ay papayag na tulungan siya para linisin ang nasira niyang pangalan at career.

“Shun, seryoso ka ba dito? Hindi ko yata kayang kumbinsihin ang isang CEO ng ganitong kalaking company para lang maging sponsor ko.”

“What do you mean? I already inform the secretary and she’s waiting for us, so let’s go before they change their mind.”

Lumabas na si Shun ng kotse at pinagbuksan ang dalaga ng pintuan, kahit nagdadalawang isip man ay wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod.

Dahil na rin sa suot niyang mask at sa normal na kasuotan ay hindi siya gaanong nakilala ng mga employees na nasa entrance ng building, na ipinagpapasalamat naman niya. Kung nagkataon ay malaking issue na naman ang mabubuo kung makikita siyang narito.

“Here, come inside.” Naagaw ni Shun ang atensyon niya ng tawagin siya nito para pumasok na sa elevator, mabuti na rin at ganitong oras sila nagpunta at walang gaanong mga employees na gumagamit nito, kung hindi ay mahihirapan siyang itago ang identity niya lalo na kung nasa limitadong space lamang sila.

“Kinakabahan ako.” Hindi niya mapigilang bulalas ng magsarado na ang pintuan ng elevator, ramdam na ramdam niya ang panlalambot ng mga binti.

“Wala ka namang dahilan para kabahan, Danica. I already inform them about it and they say na naghihintay na siya sa office.”

Ngunit kahit gaano man ang gawin pagpapagaan ng loob ni Shun sa dalaga ay wala itong epekto, halos hindi na nga siya maintindihan nito, dahil na rin siguro sa nerbyos na nararamdaman ay parang nabibingi na siya.

“Seventh floor ang office niya pero ang sabi ng secretary niya ay sa top floor raw tayo tumuloy para sa meeting tungkol dito, maganda na rin iyon para walang ibang makakakita sayo kung hindi sila lang.”

“Top floor? You mean, tayo-tayo lang ang andoon at wala ng iba?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kasama.

Mabilis namang tumango si Shun, “Yes and that means, this meeting will be secret to anyone. Even though, alam ni Isaac na may i-meeting ka for sponsorship ay hindi naman niya alam kung sino ito kaya wala kang pwedeng pagsabihan kahit na sino.”

Lalo naman nadagdagan ang kabang nararamdaman ngayon ni Danica, paano kung isa pa lang matanda ang sponsor na pupuntahan nila at kung ano ang hiningiin sa kaniyang kapalit?

“Sir… I mean, Shun, sure ka ba na safe ang tao na iyan? Baka naman kung ano ang hingiin sakin bilang kapalit ng pagtulong nya.”

Sasagot pa sana ang lalake ng tumunog na ang elevator bilang tanda na nakarating na sila sa top floor. Isang babae na seryoso agad ang bumati sa kanila paglabas pa lamang ng elevator, mabilis na yumuko si Danica para magbigay bati sa pag aakala na ito na ang sinasabing mag sponsor sa kaniya.

“Good evening, sorry for this suddenly visit.” Saad ni Shun sa babae.

“No worries, Mr. Reyes. We truly understand that this matter is very important for you.” Tumingin saglit ang babae kay Danica bago ito muling tumingin kay Shun, “This way, Mr. Reyes. Your friend is already waiting inside.”

“Thank you for your hard work!” Sagot naman ng binate at ngumiti, “let’s go, Danica kanina pa pala siya naghihintay sa atin.” Sabi nito.

Doon napagtanto na hindi pa pala iyon ang taong tinutukoy ni Shun na tutulong sa kaniya, mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang buong paligid bago sumunod sa binata. Bawat tunog ng takong niya sa sahig ay ganoon rin lakas ng pagtibok ng puso niya.

“Shun, huwag na lang kaya natin ituloy to?” Sabi niya sabay hawak sa dulo ng damit ng binatang nasa unahan niya.

Kunot-noo namang napaharap ito sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, “Danica, yung totoo ano ba talaga ang balak mo sa buhay? Andito na tayo at ilang hakbang na lang tapos magbabago pa ang isip mo?” Pigilan man ni Shun ay hindi niya maitatago ang medyo pagkainis dahil sa pabago-bagong desisyon ng taong kasama niya ngayon.

Kung meron lang kasi siyang magagawa ay hindi rin niya ito hahayaan na pumunta dito, pero dahil sa Ama niya ay wala siyang magagawa kung hindi ang itulak ang dalaga sa sponsor.

“Sorry,” nahihiyang sagot ni Danica rito at napayuko. Akala rin naman kasi niya ay buo na ang loob niya para gawin ang lahat para sa career niya, pero hindi pa rin niya maiwasan na matakot at kabahan.

Huminga na lang ng malalim si Shun at bumalik sa paglalakad hanggang makarating ito sa harap ng pintuan kung saan siya tinuro ng secretary. Bubuksan n asana niya ito ng tumunog ang cellphone niya sa bulsa.

Makikita ni Danica ang gulat sa mga mata nito at pag-aalala.

“Danica, I’m really sorry but si Dane naaksidente. Just message me pag tapos na ang meeting nyo at ipapasundo kita, I am really sorry.” Tumakbo ito ng hindi man lang hinihintay ang sagot ng talaga.

Naiwang tulala ang dalaga dahil doon, kanina nga na may kasama siya ay grabi na ang kabang nararamdaman niya ay paano na lang ngayon na umalis pa si Shun? May pagkakataon pa naman siguro para hindi siya tumuloy, hindi pa naman siya nakakapasok sa kwarto at nakikita ang sponsor.

Humakbang siya paatras at akmang tatalikod na nang biglang bumukas ang pintuan, tumambad sa kaniya ang isang lalake na matangkad, may katamtamang kapal ng kilay, matangos na ilong, at idagdag pa ang bigote nito na nakakadagdag ng p*********i nito, ang halimuyak ng cologne nito na kahit siguro nasa ilang kilometro pa ang layo ay maaamoy pa rin.

Hindi maiwasang mapapikit ng isang mat ani Danica ng kumislap ang relong suot-suot nito dahil sa pagtama ng ilaw.

“Where do you think you are going? After wasting my time to wait for you, aalis ka without a word? Isn’t that the thing you also did eight years ago?” May pangungutya nitong saad sa dalaga, “come inside, unless may iba ka pang paraan para iligtas ang isang bagay na gustong-gusto mon a makuha.”

Naikuyom ni Danica ang mga palad, hindi niya akalain na darating ang pagkakataon na muli niyang makikita ang lalake. Maraming beses niyang inisip ang mga pwedeng mangyari at ang mga salitang una niyang sasabihin pag nangyari ang ganoong pagkakataon.

Pero hindi niya akalain na sa ganitong sitwasyon niya ito muling makakaharap at makakausap, para tuloy siyang isang tanga na hindi man lang makapag-react o salita man lang sa harapan ng lalakeng minsan niyang nagging nobyo para sa pangarap niyang maging artista.

Dahan-dahan siyang lumakad papasok sa loob ng room kung saan naghihintay ang lalake, seryoso itong nakatingin sa kaniya na wari’y bawat kilos ay pinapanuod nito.

“Tell me, why do you have to use some drugs and seduce old geezer for the sake of your career?” Parang nagpantig ang tenga ni Danica dahil sa narinig. Hindi niya akalain na maririnig niya iyon sa lalake, alam niya na maaring galit ito o inis dahil sa ginawa niya noon pero wala itong karapatan para husgahan siya.

Bilang ex-boyfriend ay dapat ito mismo ang mas nakakaalam na hindi totoo ang paratang sa kaniya., pero imbis ay mas masakit pa pala ang matatanggap niyang salita ditto.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo, hindi ako nag seduce ng kahit na sino at hindi rin ako gumagamit ng sinasabi ninyong drugs. Nagpunta ako dito sa pagaakalang tulong ang makukuha ko hindi panglalait.” Nasasaktan man siya ay hindi siya nagpasindak sa binatang kaharap.

“Hindi mo alam? Huwag ka ng mag maang-maangan, Danica kitang-kita sa video paano ka kumandong sa matandang director na iyon.” Tumalim ang tingin nito sa dalaga, “kung hindi pang-aakit ang ganoon, ibig ba na sabihin ay may relasyon talaga kayo?”

Pagkagat sa labi ang tanging nagawa ni Danica, hindi niya alam kung paano niya pipigilan ang sarili na hindi murahin ang binatang nasa harapan niya.

“Wala kaming relasyon at wala akong dapat linawin sa nangyari sa video. Kung hindi moa ko tutulungan ay mabuti pa na umalis na lang ako rito.”

“Go, umalis ka. Madaming artista ang naghahanap ng sponsor na pwedeng-pwede lumapit sakin at handa akong pasikatin sila, yung sikat na matatakpan ang liwanag mo.” May diin na saad nito, doon pa lang ay alam na ni Danica na may galit ito sa kaniya.

“Jiro, matagal na ang kasalanan ko sayo pero hanggang ngayon ay galit na galit ka pa rin? Ganon ko ba napahiya ang p*********i mo o baka naman ganoon mo ako kamahal kaya hanggang ngayon ay bitter ka pa rin?”

Hindi sumagot ang lalake sa bagkus ay tumawa ito ng pagak at lumakad papalapit sa kaniya, hinala siya nito at tinulak sa sofa. Dahil sa pagkabigla ay hindi na nakapalag ang dalaga ay hinayaan na lang na mapahiga siya dito.

Mabilis na pinatong ng lalake ang tuhod niya sa ibabaw ng sofa sa tapat ng nakabukang hita ng dalaga, “tell me, Danica… Did you know what sponsor means sa isang katulad mo na artista na kailangan na kailangan ng tulong?” Mahina ang boses nito na para siyang inaakit. “You offering yourself as their prostitute, now tell me, are you going to accept my sponsorship and willing to be my prostitute hm?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status