Share

Chapter 3: Ang huling pag-asa~

“Are you going to accept my sponsorship and willing to be my prostitute?” Bulong nito sa dalaga.

Bukod sa nakapatong ang binata kay Danica ay napakalapit pa mukha nito sa kaniya dahilan para hindi niya alam kung tama ba ang mga salitang narinig nito rito.

“Anong ibig mo na sabihin?” Pilit niyang kinalma ang sarili at mabilis na tinulak ang binata, “prostitute? Anong akala mo sakin, gagawin ang ganoong bagay?”

“Pfft! Bakit? Ano ba ang pinunta mo dito, hindi ba para humingi ng sponsorship sa akin at para maligtas ang pangalan mo na unti-unting nasisira dahil sa issue mo ng paggamit ng drugs at pagbebenta ng katawan kapalit ng magagandang project from those old geezers?” Pang-uuyam nito.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata, masyado ng pagod ang utak ni Danica para tiisin pa ang mga salita nito patungkol sa issue.

“You dare to slap me? Seriously, Danica sa tingin mo ba ay may karapatan ka pa para umakto ng ganiyan? Hindi ako ang mawawalan kundi ikaw, baka nakakalimutan mo iyon.” Namumula ang mukha dahil sa galit ng lalake. “Ikaw ang lumapit hindi ako, kaya hindi ko kailangan i-baby talk ka dahil lang nasa gilid ka na ng bangin.”

“Alam ko yun! Alam ko na kailangan ko ng tulong para malinis ang pangalan ko pero hindi ko kailangan ang isang tulad mo!”

“Hah! Then get out, get out in this room and never ever try to ask my help again. Even you crawl in front of me, I will never extend my hand to pull you up.” Sagot naman ni Jiro, seryoso at may paninindigan na sabi nito.

Hindi nagaksaya pa ng laway at oras ang babae at agad na lumabas ng kwarto at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa elevator, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon.

Lungkot, hiya o galit dahil sa lalake, lungkot dahil naging ganoon ang pakikitungo sa kaniya ng lalake, nakakapanibago dahil napakamahinahon at sweet ang boses nito noong sila pa ng nag-aaral sila, hiya dahil nagkita sila na ganito ang sitwasyon na at namamalimos ng tungkol sa ibang tao o galit dahil nakatanggap siya ng ganoong mga salita.

Matatanggap niya kung ibang tao pa ang trumato sa kaniya ng ganoon, ngunit ang lalake na minsan siyang tinignan ng may magmamahal at minsan siyang pinrotektahan ay ngayon ay siyang nang-iinsulto ng pagkatao niya.

Pero ano nga ba ang karapatan niyang magreklamo, kahit naman sino siguro ay magbabago ang pakikitungo matapos ang ginawa niya eight years ago bago sila maghiwalay ng lalake. Pero hindi ba masyado naman yata itong galit sa kaniya dahil lang umalis siya ng walang paalam at tanging isang mensahe lang ang iniwan niya?

Napalingon siya sa repleksyon ng sarili sa loob ng elevator at ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya ng mapansin na hindi na pala niya suot ang mask, nais man niyang itago ang sarili ay hindi niya alam kung paano dahil wala siyang dala kahit panyo man lang.

“Bakit ang tanga-tanga mo, Danica.” Naiiyak niyang bulong sa sarili, kahit pagkakataon talaga ay hindi umaayon sa kaniya, at kahit gusto man niyang ihinto ang elevator ay Malabo iyong mangyari ngayon.

Ngayon, wala siyang ibang nararamdaman kung hindi ang kaba kung anong magiging reaksyon ng mga tao pag Nakita siyang andito, natatakot siya kung anong issue ang susunod na lalabas tungkol sa kaniya.

Siguro ay kakalat na inaakit naman niya ngayon ang CEO ng company na ito para isalba ang pangalan niya, pero kung ganoon man nga ang mangyayari ay hindi iyon buong kasinungaling dahil sinubukan nga naman niyang alukin ito bilang sponsor niya.

Ting!

Nagbalik lang siya sa ulirat ng marinig niya ang tunog ng elevator bilang tanda na nasa first floor na siya ng building, ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan nito ay parang nagging mabilis kay Danica na wala siyang ibang nagawa kung hindi ang yumuko habang naglalakad.

“Be careful!” Isang pamilyar na boses ang nakapagpatigil kay Danica sa paglalakad, kabado man ay hindi niya maiwasan na mapatingin kung saan nanggaling iyon.

Isang lalake na matangkad, maputi, at napaka-amo ng mukha ang natanaw niya sa hindi kalayuan. Hindi man ganoon kahalata ay kani-kaniyang picture ang mga babae sa gilid.

Isa ito sa mga actor na kasali sa movie na dapat ay pagbibidahan ni Danica ngunit biglang lumabas ang issue dahil sa video na kumalat. Makikita ang mukha ng lalake sa video ngunit mabilis na naglabas ng statement ang entertainment company ng lalake.

Siguro ay dahil hindi naman masyado itong nakita sa video at nahapyawan lang ang mukha kaya hindi ganoon kalaki ang issue nito, tanging siya lamang ang nagging focus sa mga mata ng media dahil sa siya nga ang lead lady at front ng camera that night.

“Excuse me, Daniel can you tell us what really happened that night, we see your face on the video. Did Danica really have relationship with that man or did she really bring some drugs to the party?” Isa sa mga ito ang bigla na lang nagtanong patungkol sa video.

“Danica…”

Hindi na niya narinig ang sagot ng lalake ng isang kamay ang humila sa kaniya at sinuotan siya ng isang hoodie jacket para maitago ang mukha niya. Ang pamilyar na amoy ng pabango nito ay humalimuyak sa ilong ng dalaga.

“Why do you want to hear his answer? You know all of them will point their fingers to you now kahit hindi naman talaga nila alam ang totoo at kung sino ang may dala ng drugs na iyon.” Naiinis nitong sabi at binuksan ang pintuan ng kotse. “Go inside, I will drive you home.”

“Bakit ako pa? Bakit sa dinami-rami ng mga artista na pwedeng masangkot sa ganitong issue ako pa talaga? Bakit ang bilis nila akong i-judge dahil lang sa isang video na ako mismo ay hindi ko alam ang nangyayari?”

Ang kanina pa niya pinipigilan na mga luha ay sunod-sunod na bumuhos palabas sa mga mata niya, wala na yata talaga siyang pag-asa para maisalba pa ang pangalan niya.

“Danica, let’s go. We can talk about it inside, right now this is not the right place.” Sabi nito at lumingon-lingon sa paligid.

Nanginginig man ang tuhod sa kaba, pagod at panghihina dahil sa mga nangyayari ay dahan-dahang naglakad si Danica papasok sa kotse. Mabilis naming sumunod sa kanina ang binate at sinumulan na mag pagmamaneho.

“Paano mo nga palang nalaman na andito ako?” Sumisinghot na tanong ni Danica sa lalake.

“Bilang manager mo, normal lang naman sigurong sundan ko kung saan kayo pupunta at kung sinong tao ang makakausap nyo para sa sponsor na sinasabi ni Shun? Ngayon na nakaharap mon a siya, siguro naman alam mo na kung bakit ayaw ko na tumuloy ka rito.”

“Yes, alam ko na kung anong ibig sabihin ng sponsor at kung bakit ganoon na lang ang reaksyon mo.” Mahinang sagot ng dalaga, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit masyado siyang disappointment.

Kung alam lang niya na si Jiro ang lalakeng tinutukoy ni Shun bilang sponsor niya at tutulong para isalba ang career na unti-unting nasisira dahil sa issue ay hindi siya tutuloy, kahit nagbago o hindi nagbago ang lalake sa pakikitungo sa kaniya ay hindi dapat  nito nakita ang nalagayan niya ngayon. Kahihiyan lang ang tanging nangingibabaw pag naaalala niya ang nangyari.

“So, did you meet him and talk to him about sponsorship?” Mapaklang tanong ni Isaac sa kaniya.

“No, we did talk but I think hindi na matutuloy ang sponsorship between me and him.”

“What?” Halata kay Isaac na nakahinga ito ng maluwag sa nangyari, hindi man alam ni Danica kung bakit ay napangiti na lang siya. Siguro ay ayaw lang talaga ng manager niya na gawin niya ang ganoong bagay. “You mean, hindi ka na maghahanap ng sponsor, right?”

Meron nga ba siyang karapatan para tumangi sa isang sponsor?

“I still don’t know, Isaac. Alam mo naman ang situation ko ngayon at wala akong magagawa kung sa bandang huli ay sponsorship na lang talaga ang natitirang sagot sa problema ko pero kung may mahahanap akong ibang paraan ay iyon ang gagawin ko.” Iyon ang sagot niya pero kung hindi na talaga niya maisasalba ay siguro’y mas maganda kung iiwan niya ang pangarap para mag trabaho para sa pamilya.

Pero hindi naman niya pwede iyong sabihin sa manager niya agad-agad. Pero kung iyon ang matitirang paraan para matigil na ang lahat ng issue ay iiwan na lang niya ang pag-aartista.

“Sa hospital mo na lang ako ihatid, Isaac. Babantayan ko si Mama hanggang hindi naayos ang issue.” Sabi niya rito at tumango na lang ang binata sa tabi.

Mabilis niyang sinuot ang bagong mask galling sa manager niya at ang hoodie para maitago ang mukha niya, sikat man siya ay walang nakakaalam tungkol sa Ina niyang nakataray ngayon sa hospital. Ang kapatid niyang nag-aaral sa college ang umaasikaso rito para na rin sa katahimikan niya.

Mabuti na lang at naka screen name siya kaya mas naging madali para sa kaniya na itago ang lahat sa mga tao, kung maglalaman man ng mga ito ang tungkol sa kapatid at Ina niya ay baka idamay ito ng mga haters niya.

Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay sumalubong na sa kaniya ang umiiyak na kapatid, “ate, mabuti na lang nagpunta ka dito ngayon!” Lalake ito pero malapit sila sa isa’t-isa.

“Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” Mabilis niyang tanong at inalo ang kapatid.

“Kanina, in-arrest si mama. Ang sabi ng doctor kung hindi daw o-operahan ngayon ay wala ng pag-asang mabuhay pa sya. Ate, anong gagawin natin?” Nanginginig ang buong katawan ng kapatid niya. “Pero tinignan ko ang balance ng bank account mo at kulang pa yun sa operation, paano pa ang pangbayad natin sa araw-araw para sa ICU? Fifty thousand every day daw doon.”

“Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan. Siguro naman ay papayag sila na kalahati lang muna ang ibayad para simulan ang operasyon.”

Pagpapagaan ng loob niya sa kapatid ngunit kahit mismong siya ay hindi alam kung ano nga ba ang gagawin, tanging isang paraan na lang talaga ang naiisip niya para mapadali ang pasok ng pera sa kaniya.

Sponsorship.    

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Glenda Doctor
gusto kong yapusin si Danica :(
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status