Share

Kabanata 16

Penulis: Asiana Asia
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-13 21:08:51

Ilang minuto ang lumipas nang bumitaw na rin si Khalil. Hinaplos niya ang pisngi ni Holly habang mataman itong tinitingnan sa mga mata.

Napatitig naman si Holly sa lalaki. Gusto niya ng sagot.

"Gusto mo rin ba ako?" tanong niya.

Pero sa halip ay nag-iwas ito ng tingin. "Ihahatid na kita."

Napatango s'ya ng tipid. Ano pala ang ibig sabihin ng halik na 'yon?

"Kung gano'n, bakit mo ako hinalikan?" Hinawakan niya si Khalil sa braso at saka ito pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata.

"I'm sorry," sabi lang nito at saka tumayo. "It's late. Kailangan mo ng umuwi."

Malamya s'yang tumayo at sumakay na rin. At habang nasa byahe ay walang umiimik. Hanggang sa makarating ay tahimik pa rin silang dalawa. Umasa s'yang sasabihin nito na gusto rin s'ya nito at 'yon ang ibig sabihin ng halik na 'yon.

"T-Thank you," sabi ni Holly. 

"Huwag kang magpasalamat."

Kinapitan ulit niya ito na

Asiana Asia

An: Alpha Vampire- the very first vampire and the progenitor of all other vampires.

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Stranger's Secret   Kabanata 20

    ✖-✖-✖-✖ Gabi na'y lumalangoy pa rin si Holly sa pool. Hindi s'ya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Liza kanina. Paano nito nasabi 'yon? May alam kaya ito tungkol sa kaniya? Nang mapagod ay umahon s'ya at sinuot ang roba. Umupo s'ya sa upuan na nandoon at binuksan ang isang canned beer. Kanina ay sinubukan niyang tanungin ang Papa niya tungkol doon pero katulad ng dati'y wala s'yang nakuhang sagot. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa tubig habang ang kamay ay pinaglalaruan ang lata ng beer nang maramdaman niyang may umupo sa katabing upuan. "Malamig na, why aren't you getting inside?" tanong ni Justine at saka nagbukas ng beer. "I'm sorry about Liza's attitude earlier." Napabuntong-hininga naman s'ya at saka ito tiningnan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na h'wag kang hihingi ng pasensya para sa kapatid mo." "Kahit ako, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang ganoong walang katotoha

  • Stranger's Secret   Kabanata 19

    60 years ago..."A-Ayokong umalis... p-please... dito lang ako... pinatay nila ang mama at papa ko..." iyak ng batang si Marlon. Narinig kasi ng batang lalaki ang usapan ng mga ito na ilalabas na ito mula sa lugar na iyon."Hindi maaari. Kailangan mo ng umuwi. Hindi ka ligtas sa lugar na ito," ani Dexter."Ayaw ko, p-papatayin din nila ako..."Nagkatinginan ang tatlo."Mas nakakatakot sa lugar na ito," ani Alexandre."Ako ang maghahatid sa'yo. Huwag ka ng umiyak," si Joaquin.Mas lalo lang umiyak ang bata. "Ayaw ko! Dito lang ako! Gawin niyo rin akong katulad niyo! Ayaw kong umuwi!"Nagkatinginan na naman ang tatlo."Bakit? Ano ba kami?"Agad na nagtago ang bata sa likod ni Dexter at natatakot na tiningnan si Alexandre.Natawa naman si Alexandre. "H'wag kang matakot sa'kin. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi mo iyon." At saka ito ngumiti pero ang bata'y mas lalo pang nagtago.Kinapit

  • Stranger's Secret   Kabanata 18

    Nang makapagpaalam sa isa't isa'y pinauna ni Holly na umalis ang mga kasama. Sinadya niya talaga 'yon para kausapin si Jin."Alam mo ba na ako ang ipagkakasundo sa'yo?" tanong niya sa binata na katabi lamang niya. Katulad niya'y pinauna rin nito ang mga magulang.Hinarap niya ito. Ito naman ay parang nag-aalinlangan na sumagot. Hindi naman niya ito sinisisi dahil katulad niya ay wala rin itong magagawa pwera na lamang kung tumanggi ito. Hindi naman sa naga-aasume pero hindi lingid sa kaniya ang ibig sabihin ng ikinikilos nito pero para sa kaniya ay kaibigan lang ang tingin niya dito."Y-Yes," sagot nito. "I'm sorry."Napabuntong-hininga naman s'ya. "Don't say sorry. Gusto ko lang naman malaman ang sagot sa itinanong ko. By the way, thank you." Siguro nga ay s'ya dapat ang magpasalamat dahil pumayag ang binata. "But I want to be honest Jin, pumayag lamang ako sa kagustuhan ng Papa ko dahil sa kalusugan niya." She doesn't want to give him false hope.

  • Stranger's Secret   Kabanata 17

    60 years ago...Suot ang isang pangkarinawang kasuotan , tumakbo si Dexter sa loob ng kakahuyan at tinahak ang isang makipot na duluhan at pagkalabas doon ay isang malawak na kaparangan na tinatabunan ng lilim ng mga nagkakapalang mga dahon ng mga puno. Limang-daang taon na s'yang namumuhay pero sa hitsura niya'y para lamang s'yang nasa bente-singko. Matikas ang pangangatawan. Hindi rin nakakatakot ang kaniyang aura, hindi katulad ng mga sumunod na henerasyon. At kahit na bampira ay mayroon s'yang malambot na puso.Siya ang Alpha- ang kauna-unahang bampira na nabuhay sa mundo at ang pinagmulan ng iba pang mga bampira. Ngunit wala pang nakakakita sa tunay niyang hitsura.Sa tuwing umaalis s'ya mula sa tahanan ay nagsusuot s'ya ng damit kagaya lang ng mga nasa mababang antas ng kanilang lipunan.Maya-maya pa ay dumating si Alexandre, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Sumunod si Joaquin na dumating, ito ang ginawa niyang mensahero ng kanilang a

  • Stranger's Secret   Kabanata 16

    Ilang minuto ang lumipas nang bumitaw na rin si Khalil. Hinaplos niya ang pisngi ni Holly habang mataman itong tinitingnan sa mga mata. Napatitig naman si Holly sa lalaki. Gusto niya ng sagot. "Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. Pero sa halip ay nag-iwas ito ng tingin. "Ihahatid na kita." Napatango s'ya ng tipid. Ano pala ang ibig sabihin ng halik na 'yon? "Kung gano'n, bakit mo ako hinalikan?" Hinawakan niya si Khalil sa braso at saka ito pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata. "I'm sorry," sabi lang nito at saka tumayo. "It's late. Kailangan mo ng umuwi." Malamya s'yang tumayo at sumakay na rin. At habang nasa byahe ay walang umiimik. Hanggang sa makarating ay tahimik pa rin silang dalawa. Umasa s'yang sasabihin nito na gusto rin s'ya nito at 'yon ang ibig sabihin ng halik na 'yon. "T-Thank you," sabi ni Holly. "Huwag kang magpasalamat." Kinapitan ulit niya ito na

  • Stranger's Secret   Kabanata 15

    Hindi pa man nasisimulan ni Holly ang pagkain niya para sa umagahan ay biglang sumugod si manang Celesta sa kaniya at sinabing tumatawag si Locel. Hindi niya sana ito kukunin pero nabasa niya ang reaksyon sa mukha ng matanda at mukhang importante ang tawag. "Holly," bungad ni Locel. "Kailangan mo ng umuwi." Napataas ang kilay ni Holly. "Why?" walang gana niyang tanong. "Ang Papa mo, dinala sa hospital." Doon natigilan si Holly. "B-Bakit, anong nangyari sa kaniya?" "Hindi naman ito urgent pero if you still care, umuwi ka dito, 'yon ay kung gusto mo pang umuwi at malaman kung ano ang nangyari sa kaniya." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Locel. Matapos ang tawag ay hindi na s'ya magkandaugagang umakyat sa kwarto para kunin ang susi ng kotse. "Kailangan ko na hong umuwi manang Celesta." "Oh, s-sige... basta ay mag-iingat ka." Sumakay na agad s'ya sa kotse pagkalabas at saka 'yon pinaandar. Abot-abot ang kaba ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status