Share

Kabanata 8

"T-teka, teka lang." Binawi ni Holly ang braso mula kay Khalil. "Ikaw, sinusundan mo ba ako ha?" tanong niya.  Ngunit sa halip na sagutin ay muli na naman siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang umupo sa passenger seat.

"H-hoy, bakit pakiramdam ko kilala mo na ako."

Umupo sa driver seat si Khalil at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ihahatid na kita."

Tinaas ni Holly ang kaliwang kamay. "D-don't. Dito lang muna ako."

"It's late."

 "W-wala namang naghihitay sa'kin sa bahay kaya d-dito lang muna ako." 

Sumunod ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. 

"Hayyyy, ang sayyyyaaaa sayyyyaaaa namannnn..." ungot ni Holly maya-maya habang ang ulo ay nakahilig sa braso niyang nakapatong sa nakabukas na bintana na kotse.

Tiningnan ni Khalil ang babae. Namumungay ang mga mata nitong diretso lang na nakatingin sa kung saan. At kahit nakatagilid ang mukha nito mula sa kaniya ay mababakas mo pa rin ang lungkot.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status