Share

Kabanata 17

60 years ago...

Suot ang isang pangkarinawang kasuotan , tumakbo si Dexter sa loob ng kakahuyan at tinahak ang isang makipot na duluhan at pagkalabas doon ay isang malawak na kaparangan na tinatabunan ng lilim ng mga nagkakapalang mga dahon ng mga puno. Limang-daang taon na s'yang namumuhay pero sa hitsura niya'y para lamang s'yang nasa bente-singko. Matikas ang pangangatawan. Hindi rin nakakatakot ang kaniyang aura, hindi katulad ng mga sumunod na henerasyon. At kahit na bampira ay mayroon s'yang malambot na puso.

Siya ang Alpha- ang kauna-unahang bampira na nabuhay sa mundo at ang pinagmulan ng iba pang mga bampira. Ngunit wala pang nakakakita sa tunay niyang hitsura.

Sa tuwing umaalis s'ya mula sa tahanan ay nagsusuot s'ya ng damit kagaya lang ng mga nasa mababang antas ng kanilang lipunan.

Maya-maya pa ay dumating si Alexandre, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Sumunod si Joaquin na dumating, ito ang ginawa niyang mensahero ng kanilang a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status