✖-✖-✖-✖
Nagtatangis ang mga ngiping umupo si Khalil sa kahoy na sofa ng inuukupahang kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawa ang simpleng utos sa kaniya ng Alpha. Nahihirapan siyang kumilos gayong magiging madali lamang naman sa kaniya ang lahat. Walang kahirap-hirap na niyang nagawa ang unang utos sa kaniya, ngunit ang isang 'to ay mukhang nahihirapan siya.
Kapalit ng posisyon na maging kanang kamay ng Alpha, binigyan siya nito ng misyon upang mapatunayan na karapat-dapat siya sa posisyong 'yon. Hinanap niya ang babaeng nagtraydor sa Alpha na minsan na ring minahal nito. Nahirapan s'yang hanapin ang babae dahil sa bagay na ninakaw nito na pag-aari ng buong angkan na magagamit upang mamuhay bilang isang normal na tao.
Ngunit nalaman nilang may anak ito at inutos sa kaniyang paslangin din ito katulad ng kaniyang ina. Ngunit hindi madali para sa kaniyang gawin 'yon dahil nasisiguro niya ang isang bagay...
"Kailangan ko muna siyang iharap sa Alpha."
Biglang sumulpot sa harap niya ang nakababatang kapatid na si Tyron.
"Sino ang ihaharap mo sa kaniya, mahal kong Kuya?" Umupo ito sa katabing sofa habang nakangisi. "Alalahanin mong hindi ka p'wedeng makialam sa iba pang bagay maliban sa utos niya."
"Anong ginagawa mo dito?"
Nilabanan niya ang tingin nito. "Why are you here?" pag-uulit niya sa tanong nang hindi ito sumagot.
"Dinalaw lang kita, masyado ka nang natatagalan." Nakakainsulto itong tumawa.
"Umalis ka na."
"Hindi mo ako kailangang utusan. Bilisan mo ang pagkilos mo."
"Bakit, anong gagawin mo?" nanlilisik ang mga matang tanong niya. Hindi niya nagugustuhan bawat salitang binibitawan nito.
Lumapit ito ng bahagya at nakipagsukatan ng tingin. "Kung hindi mo magawa ang utos sayo, ako ang gagawa para sayo, gusto lang kitang tulungan, ha ha ha."
Tinulak niya ang kapatid dahilan upang malakas na tumama ang likod nito sa pader.
Ngunit nang makahuma mula sa pagkakabagsak ay mabilis rin siya nitong sinunggaban at malakas na sinuntok.
"H'wag kang makialam," nangangalaiting sabi niya nang makabangon mula sa pagkakabagsak.
"Masyado ka nang natatagalan, hindi kaya..."
"Umalis ka na!" dumagundong ang boses niya sa buong kwarto.
"Relax ka lang, aalis ako kahit hindi mo ako utusan." Ngumisi pa ito bago tuluyang maglaho sa harap niya.
Kumuyom ang pareho niyang palad. Hindi niya kailanman naging kasundo ang nakababatang kapatid. Pareho sila ng gusto ngunit bilang panganay ay madali lamang niyang makuha 'yon. Ang posisyong maging kanang kamay ng Alpha ay nais din nito ngunit sa kaniya ito ipinagkatiwala.
Ngunit tama ito sa mga sinabi, hindi siya p'wedeng makialam tungkol sa iba pang bagay kundi ang utos lamang ng Alpha ang kailangan niyang sundin.
Ngunit paano niyang magagawa 'yon? Hindi niya kayang patayin ang babaeng 'yon dahil sa posibilidad na iniisip niya. Magagawa lang niya 'yon oras na mapatunayan na mali ang kaniyang konklusyon.
Tumayo siya malapit sa bintana ng kwartong inuukupahan. Katabi lamang ito ng bahay na tinutuluyan ng babae, hindi ito p'wedeng mawala sa paningin niya kahit alam pa niya kung saan ito nakatira.
Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang naguguluhang dalaga. Naglalakad na ito pabalik habang iginagala ang tingin sa paligid.
✖-✖-✖-✖
Nakakunot ang noo ni Holly nang umagang 'yon habang nagmamaneho. Pabalik na siya sa Manila. Kanina lang ay pinuntahan niya ang tinitirahan ni Ate Daisy ngunit walang tao. Ang sabi ay dalawang araw na rin.
Isa pa sa dumagdag sa isipin niya ay ang pag-uusap ni Manang Celesta at ng kaniyang Papa kanina bago siya umalis. Hindi naging malinaw sa kaniya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit narinig niya ang pangalan niya. Mukhang ayaw pa itong iparinig sa kaniya dahil pinutol nito agad ang tawag pagkakita sa kaniya.
Booghs!
Bigla ay nasubsob siya sa manibela.
Nang makahuma ay dinama niya ang labi nang makaramdam ng hapdi. Uminit lalo ang ulo niya. Hindi pa nga gumagaling ang mga gasgas niya ay ito naman.
Bumaba siya ng kotse. "Ano ba!"
Agad namang lumapit sa kaniya ang isang dalaga. "S-sorry po, hindi ko po s-sinasadya."
Siniringan niya ito at hindi na pinansin. Pumasok na muli siya sa kotse.
"Anong nangyari sayo ate Holly?" tanong ni Liza nang makita ang labi niyang may sugat. Nasa sala ito nang dumating siya at ito ang sumalubong sa kaniya.
"Wala 'to," kalmado niyang sagot. Pumasok siya sa kusina. Ito naman ay nakasunod sa kaniya.
"Saan ka ba kasi galing ate Holly? Nag-alala kami sayo."
Bahagya siyang napatigil sa pag-inom ng tubig. Nag-alala? Tss... nagbibiro ba siya?
"Salamat sa pag-alala."
"Teka, kumain ka na ba?"
Nayayamot niyang nilingon ito ngunit hindi pinahalata.
"Oo, kumain na ako. H'wag mo na akong sundan, magpapahinga na ako."
Sa hagdan naman ay nasalubong niya si Justine, ang kambal ni Liza.
"Where have you been?"
Nag-angat siya ng tingin dito. "Sa isang kaibigan."
Pasimple niyang pinag-aralan ang mukha nito, pero bigo siya dahil wala siyang makitang kahit na ano maliban sa nag-aalala nitong mukha. Totoo ba ang nakikita niya?
"Nag-alala kami sayo."
Nagbaba siya ng tingin at mapaklang napangiti. Pareho ang sinabi ng magkapatid, pero bakit hindi niya magawang paniwalaan?
"Salamat sa pag-alala. Magpapahinga na ako."
Hindi na siya tumingin pa dito at nagpatuloy na sa paghakbang. Ramdam pa rin niya ang tingin nito mula sa likuran ngunit hindi na siya nagbalak na lumingon pa at dumiretso na sa kwarto.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Napagdesisyunan kasi niyang pumasok na ulit sa School.
Nagpara siya ng tricycle dahil nasa pagawaan ang kotse niya. Kanina ay pinipilit siya ni Liza na sumabay sa mga ito pero nagmatigas siya.
Dumiretso siya sa kaniyang upuan nang makapasok sa class room. Hindi niya pinansin ang mga kaklase niya na ang mga mata ay nakapukol lang sa kaniya, akala mo ay nakakita ng hindi kapanipaniwalang pangyayari. Malamang ay naninibago rin sa kaniya. Dati kasi ay binabati niya ang mga ito at makikipag kwentuhan habang wala pa ang professor.
Pansin niya rin na wala si Suzzane, ang kaibigan niya. Totoo nga siguro na nagtransfer na ito abroad. Nang mamatay kasi ang mama niya ay pati ang pakikipag-communicate sa mga kaibigan ay kinatamaran na rin niya. Hindi siya tumatanggap ng kahit na anong tawag. Malamang ay may tampo ito sa kaniya hanggang sa umalis na ito ng bansa.
"Holly, sabay ka na sa'min," sabi ni Brianna nang madaanan niya ang grupo nito sa kanilang mesa ng tanghaling 'yon.
Tatanggapin na sana niya ang alok nito nang makita niyang magtaas ng kilay ang kasama nitong babae. Ang Prisedente ng kanilang classroom, si Amy.
"Hindi na."
Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ng mga ito at mag-isang kumain.
"Alam mo ba ang kumakalat na tsismis, Bri?" Panimula ni Amy habang nasa kaniya ang paningin. "Ang sabi, mayroon daw half-sister si Holly." Sinadya talaga nito 'yong sabihin at iparinig. Naglingunan din sa kanila ang mga nakarinig.
"T-talaga?"
"At tsaka ito pa. 'Di ba kakamatay lang ng Ma--"
Dinamba niya ang lamesa. "Tumigil ka na," mariin niyang sabi habang nakatingin kay Amy.
"Oh? Nand'yan ka pala? Sorry."
Sa lahat ay ayaw niyang binabanggit ang tungkol sa Mama niya at ang issue sa pamilya niya. "Nananadya ka ba?"
"Oo."
Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nila. Pinagtitinginan na rin sila ng mga naroon.
"Ano bang problema mo?"
Ngumisi ito at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Ayaw mo bang malaman nila na ang sikat na CEO mong ama ay may anak sa ibang ba--what the hell?"
Binuhusan niya ito ng juice sa mukha. "Ano naman ngayon sayo?" Anumang oras ay handa siyang makipagsabunutan dito.
"Ha! How dare you!" Binuhusan din siya ni Amy ng juice.
Nagsinghapan ang mga nanonood.
"Hoy,awatin niyo na sila. Nakakaawa si Holly oh."
"H'wag tayong makialam, baka madamay tayo ano ka ba?"
"Takot kang malaman ang totoo?" nang-aasar pang sabi Amy.
Tuluyan na siyang hindi nakapagtimpi, sinugod na niya ito at sinabunutan.
"Aray, ano ba!"
Naramdaman na rin niya ang kamay nito sa buhok niya pero mas mahigpit ang hawak niya.
"Bitawan mo ako, ano ba!"
Pabalang niya itong binitawan kaya napa-upo ito sa sahig.
"You, bitch!" Nangangangalaiti ang mukha nito at akmang susugurin rin siya nang pigilan ito ni Brianna.
"Tama na, Amy."
Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya. "We're not done yet, bitch!" sabi nito at padarag siyang tinalikuran.
Ha! At siya pa ngayon ang bitch? So what about her? Siya itong nangunguna palagi sa away.
Pilit niyang pinakalma ang naghuhurimentado niyang kalooban. Umupo siya at pinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari.
"Hoy girl, totoo ba 'yong sinabi ni Amy kanina? Mayroong half-sister si Holly?"
Nasa loob siya ng cubicle at kasalukuyang nagpapalit ng damit na nabasa ng juice kanina. Bahagya siyang napatigil sa ginagawa dahil sa narinig.
"I don't know. Who told her naman na totoo 'yon? Baka step-sister lang. You know Amy, she'll do everything para masira si Holly. Kahit ako naiinis sa kaniya. Can't she see? Mukhang hindi pa nakakamoved-on si Holly tapos siya...tss."
Medyo gumaan ang loob niya sa mga narinig. Step-sister? Bakit hindi niya naisip 'yon? May possibility nga pala na step-siblings lamang niya ang mga ito.
Nang tumahimik sa labas ay saka pa lamang siya lumabas. Tahimik niyang tinahak ang daan papuntang library. She will spend her vacant time para gawin ang mga naiwan niyang gawain, para naman mabawasan.
Kasalukuyan siyang naghahanap ng libro nang may makita siya pagitan ng mga 'yon. Si Amy at ang boyfriend nitong si Manuelo, naghahalikan. Dito pa talaga ng mga ito 'yon ginagawa.
Bumalik siya sa upuan at nagsimulang magbasa. Nagte-take down notes din siya nang bigla na lang may nagbuhos ng tubig sa kaniyang notebook.
Si Amy, nakatayo ito sa harap niya habang nakataas ang kabilang kilay at nakangisi. May hawak din itong bottled water kaya nasisiguro niyang ito ang nagbuhos. Sino pa bang iba?
Inirapan niya ito. "Ano bang problema mo?" mahina ngunit mariin niyang tanong.
"Sorry," bulong din nito bago siya talikuran.
Ha! Wala ba itong balak lubayan siya kahit isang araw lang? Naiinis na talaga siya ng sobra.
Inis niyang inayos ang gamit at bumalik na sa classroom.
Pinilit niya ang sarili na i-focus ang atensyon sa klase ngunit pilit ding pumapasok sa isip niya ang sinabi ng isang babae kanina sa Comfort Room. Umaasa siyang hindi niya totoong kapatid ang mga ito.
"So that is all for today, class dismiss."
Nang makalabas ay tumambay muna siya sa isang coffee shop malapit lang sa School. Magpapalipas siya ng oras dito bago umuwi.
Nakaupo siya sa pinakatabi ng glass wall. Ilang oras na rin siyang naroon at madilim na sa labas. Habang kumakain ng cake ay napatingin siya sa labas at sa 'di kalayuan ay nakita niya si weird guy. Prente itong nakasandal sa kotse. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. At talaga namang namangha siya sa lakas ng dating nito. Para itong artista sa suot nitong leather jacket, idadagdag mo pa ang napakagwapo nitong mukha. Kung hindi lang ito wirdo ay masasabi mo ng perpekto.
Bahagya siyang nagitla nang mag-vibrate ang cellphone. Nag-text si Liza. Tinatanong kung bakit hindi pa siya umuuwi. Hindi siya nag-reply at muling tumingin sa labas, ngunit wala na do'n si weird guy. Wirdo talaga.
Lumabas na siya at naghinatay ng taxi. At habang naghihintay ay nakita niya si Amy sa madilim na parte ng kalsada, humahangos itong tumatakbo na parang may humahabol dahil lumilingon-lingon pa ito.
Mabilis siyang naglakad para sundan ito. Napadpad siya sa isang bakanteng lote ngunit hindi na niya ito nakita. Maliwanag sa lugar dahil sa sikat ng buwan ngunit walang katao-tao.
"Mabuti at hindi mo na kami pinahirapan."
May nagsalita mula sa kaniyang likuran. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya si Manuelo na may kasama pang dalawang lalaki.
"Hey, bitch." Lumabas mula sa likuran ng mga ito si Amy. Sa mukha ng mga ito ay malalaman mong may binabalak itong masama.
Bahagya siyang napaatras nang lumapit sa kaniya si Manuelo at damahin ang pisngi niya. Naasiwa siya sa ginawa nito. Marahas niya 'yong tinabig.
"Woah! Palaban ka pala. Alam mo bang 'yan ang gusto ko sa babae?"
"Ano bang gusto niyo?" lakas loob niyang tanong.
Lumapit sa kaniya si Amy. "Nice question." Tinaas nito ang kamao sa tapat ng mukha at pinagmasdan 'yon. "Ang gusto kasi nitong kamay ko..." Nakangisi itong tumingin sa kaniya. "Ito."
Sinuntok siya nito at natumba siya.
"Ouch, ang tigas pala ng mukha mo."
Dinama niya ang hindi pa gumagaling na sugat sa labi, dumugo na naman ito.
"Hoy, ikaw," turo niya sa babae.
"Yes, bitch?"
Tumayo siya at lumapit dito kahit medyo nahihilo. Ganoon kalakas si Amy pero bibigyan niya ito ng mas doble pa.
Sinuntok niya rin ito sa mukha. Napasubsob pa ito sa lupa.
"W-what the fuck?" Dinama nito ang ilong na dumugo. "Arggh! I will kill you, bitch!"
Mabilis siyang hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang lalaking kasama ni Manuelo.
"Bitawan niyo ako," mariin niyang sabi ngunit mas humigpit pa ang kapit ng mga ito. Nasasaktan na siya.
"Lagot ka sa'king bwisit ka!"
Pak!
Sinampal siya ni Amy. "Hindi ka makaka-alis dito nang ganiyan lang ang hitsura mo!" Sinampal na naman siya nito sa kabilang pisngi. Namanhid ang mukha niya.
"Is that all you can do ha? Bitch?" pang-aasar pa niya na mukha namang effective dahil lalo pang nangalaiti sa galit ang mukha nito.
"Actually, hindi pa yan." Hinila nito ang buhok niya sa likod.
Napangiwi siya sa sakit. "Why don't you just kill me? Para naman mawala na ang inggit mo sa katawan."
"W-what did you say? Ha!Are you crazy? Ako? Maiinggit sayo?" Pabalang nitong binitawan ang buhok niya.
Shit na babaeng 'to, ang sakit ng anit niya.
"Kayo na ang bahala sa kaniya." Dumura pa ito sa harap niya bago tuluyang umalis kasama si Manuelo.
"Ang ganda mo naman, Miss."
Nangilabot ang buo niyang sistema sa sinabi nito.
Nagpumiglas siya. "Bitawan niyo ako!"
Binitawan nga siya nito ngunit nasubsob siya sa lupa. Agad siyang tumayo at sinubukang tumakbo palayo.
"Sige, tumakbo ka lang. Mas sumasarap kang tingnan. Ha ha ha!"
Mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Para na siyang kakapusin ng hininga pero hindi siya dapat tumigil.
"Huli ka!" Humarang sa harap niya ang isa dahilan ng pagkakabunggo niya dito.
"Ahhh... ang sarap ng harap mo."
Pinagpawisan siya ng malamig nang umungol ito. Nakakadiri. Umatras siya at humanap ng tyempo para sipain ang gitnang hita nito.
"Ahh!Puta kang babae ka!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit.
Tatakbo na sana siyang muli nang...
"Saan ka pupunta?" Mahigpit siyang hinawakan pa ng isang lalaki. Mas malaki ang pangangatawan nito kaysa sa isa.
"Bitawan mo ako, ano ba!"
"Huwag mong pakakawalan ang babaeng 'yan!" Nagpumilit itong tumayo at malakas siyang sinampal.
Nalalasahan na niya ang dugo na nagmumula sa labi niya. Nahihilo na rin siya. Nagsama-sama na ang pagod at ang mga suntok at sampal na tinamo niya.
"B-bitawan n'yo ako," nanghihina na niyang sabi.
Ngunit ang malalakas na halakhak lang ng mga ito ang kaniyang narinig. At mas lalo pang umikot ang paningin niya nang pagpasa-pasahan siya ng mga ito. Nawawalan na siya ng pag-asa.
"Hoy!"
Bigla ay tumigil sa ginagawa ang dalawa at binitawan siya. Nasubsob na naman siya sa lupa ngunit nabuhayan ng pag-asa.
"Anong ginagawa niyo?"
Mabilis na nagtakbuhan ang mga ito bago pa man tuluyang makalapit ang lalaking sumigaw.
"Holly? Are you okay?"
Nahihilo ngunit pilit niyang inaninag ang mukha nito. "J-jin?"
✖-✖-✖-✖Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang insidente. Nalaman ni Holly na ang pamilya ni Jin ang nagmamay-ari ng coffee shop na 'yon. Hindi niya lang ito nakikita noon dahil sa kabilang University ito nag-aaral. Nakita siya nitong tumakbo sa lugar na 'yon kaya sinundan siya nito. Nalaman din niyang nasa kulungan na ang dalawang nagtangka sa kaniya.Nagpapasalamat siya ng sobra sa binata.Biglang nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tumatawag."Hello?""Hi, Holly. Good morning," sabi sa kabilang linya."Jin?"Bahagyang itong tumawa. "I want to invite you over for a dinner. Hindi pa tapos magcelebrate ng anniversary ang parents ko. Masyado nilang mahal ang isa't isa.""Sige," nakangiti niyang sagot kahit hindi naman nakikita ng binata."Talaga?""Oo naman. Sige, see you later.""See you later."Hindi niya ito matatanggihan. Bilang pasalamat na ri
✖-✖-✖-✖Tahimik lamang si Holly habang nagbabasa ng pocket book. Nakaipit ito sa isang aklat kaya hindi pansin ng mga kagrupo. Kasalukuyan kasi silang nasa library ng tanghaling 'yon para mag-research sa assignment nila sa history. At hindi history book ang binabasa niya. It's not her first time naman na magbasa siya ng pocket book pero ito ang first time na magbasa sa gitna ng pag-aaral. Ibinabaling lamang niya ang atensiyon dito."May suggestion kayo na mas magandang topic?" tanong ni Ryan, ang leader nila.Hindi siya umimik at nagpatuloy sa pagbabasa. Hinayaan niya ang mga itong mag-usap."Ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong ni Amy at saka hinablot ang librong binabasa niya."What the hell?" bulalas nito pagkakita sa pocket book. "We're trying our best here para makahanap ng interesting topic tapos ikaw... are you even with us?""Hindi," diretsang sagot niya. Muli niyang kinuha ang libro at itinuloy ang pagbabasa.
✖-✖-✖-✖ Alam ni Khalil ang nangyayari kay Holly. Pinapanood niya ito mula sa puno katabi ng bahay nito na katapat ng kwarto ng babae. Napakabigat at alam niya ang ganoong pakiramdam. Galit na galit ang kalooban nito sa mga oras na 'yon at nais kumitil ng buhay. Mula sa pag-alis ng babae kanina at hanggang sa pag-uwi ay sinusundan niya ito. Nais niyang kumpirmahin kung totoo ang nasa isip niya bago niya isagawa ang nasabing utos sa kaniya. At sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang kakaunting patunay ngunit hindi pa ito sapat para masabing totoo nga ito. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya kung sakaling makagawa siya ng mali. Nasisigurado niyang buhay niya ang magiging kapalit at may mas hihigit pa ro'n. Ngunit kung patuloy siyang matatagalan ay maaaring hindi rin maganda ang kalabasan. Agad siyang nagkubli nang makitang sumilip sa bintana ang ama ng babae at pagkuwa'y sinarado na ang bin
"T-teka, teka lang." Binawi ni Holly ang braso mula kay Khalil. "Ikaw, sinusundan mo ba ako ha?" tanong niya. Ngunit sa halip na sagutin ay muli na naman siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang umupo sa passenger seat. "H-hoy, bakit pakiramdam ko kilala mo na ako." Umupo sa driver seat si Khalil at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ihahatid na kita." Tinaas ni Holly ang kaliwang kamay. "D-don't. Dito lang muna ako." "It's late." "W-wala namang naghihitay sa'kin sa bahay kaya d-dito lang muna ako." Sumunod ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. "Hayyyy, ang sayyyyaaaa sayyyyaaaa namannnn..." ungot ni Holly maya-maya habang ang ulo ay nakahilig sa braso niyang nakapatong sa nakabukas na bintana na kotse. Tiningnan ni Khalil ang babae. Namumungay ang mga mata nitong diretso lang na nakatingin sa kung saan. At kahit nakatagilid ang mukha nito mula sa kaniya ay mababakas mo pa rin ang lungkot.
✖-✖-✖-✖Lumabas si Khalil mula sa isa pang kwarto sa loob ng kaniyang apartment. Alam niyang nakaalis na si Holly.Kinuha niya ang kapirasong papel na nakadikit sa pinto ng kwartong tinuluyan nito kagabi. Hindi dapat niya ito dinala sa apartment niya ngunit panay ang ungot ng dalaga kagabi na kung p'wede ay hindi muna ito umuwi.'Thank you' --Iyon ang nakasulat sa papel."Oh, is that a love letter?"Napatiim bagang si Khalil nang marinig ang boses ni Tyron mula sa kaniyang likuran.Mariin niyang kinuyumos ang papel na hawak bago hinarap ang kapatid. "What are you doing here?""What did she say?" Nakangisi ito habang nakatingin sa papel na nasa kamay niya.Kinuwelyuhan niya si Tryon. "What are you doing here?" pag-uulit niya sa tanong.Hinawakan ni Tyron ang kamay niya at buong pwersa itong tinanggal mula sa mahigpit na pagkakakapit niya. "I'm just here to tell you this, bibigyan kita ng isan
"A-ano na naman?" tanong ni Holly sa babaeng kaharap."Nananadya ka ba?"Nakasandal sa isang puno sa may kadilimang bahagi ng tabing kalsada si Tyron. Akala niya ay matutuloy ang paglapit ng babae sa kaniya."Ano bang sinasabi mo? Kung tungkol ito sa break-up niyo ni Jin, wala akong alam tungkol do'n. H'wag mo akong sisihin."Nailing si Tyron, walang kwentang pinag-tatalunan."Anong ginagawa mo dito?"Nakangising nilingon niya si Khalil. "Nandito ka rin?" Kunwari ay hindi niya alam na tanong sa kapatid."Wala kang pakialam. Umalis ka na, walang dahilan para manatili ka dito."Pinakatitigan ni Tyron ang kapatid. "Ikaw, ano nga ba ang ginagawa mo dito?" tudyo pa niya.Umigting ang panga ni Khalil. Bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ay hindi niya nagugustuhan. "Huwag mong susubukang galawin ni dulo ng buhok ng babaeng 'yon. Hindi siya ang trabaho mo. Umalis ka na bago pa magbago ang
✖-✖-✖-✖Suot lamang ang kulay itim na two-piece, pinatungan ito ni Holly ng puting short shorts.Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin sa loob ng kaniyang kwarto. Bagay na bagay sa maputi at makinis niyang balat ang kulay ng suot.Dinampot niya ang kulay puting cover up knitted dress at lumabas ng kwarto at diretsong lumabas ng bahay.May mangilan-ngilang naglalangoy at pawang mga turista. Hindi pa kasi weekend kaya kakaunti pa ang tao.Nilublob n'ya ang katawan sa tubig at lumangoy papunta sa may kalalimang bahagi, sakto lamang para makabalik s'ya agad sa tabi.Sandali niyang kinalimutan ang lahat ng nangyari sa kaniya nitong mga nakaraang araw at hayaang damhin niya ang kapayapaan ng gabi.Inangat niya ang katawan upang makalanghap ng hangin.Napakaganda ng gabi at napakaraming bituin. Pati ang nagkikislapang mga ilaw ay nakadaragdag ng kagandahan at kapayapaan.Pumikit s
✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m