تسجيل الدخولThird Person’s POVMasakit ang ulo ni Mich nang unti-unti siyang magising.Para bang may martilyong paulit-ulit na pumupukpok sa sentido niya habang mabigat ang talukap ng mga mata niya. Napangiwi siya at marahang gumalaw, pero agad siyang natigilan nang maramdaman ang malamig na hangin sa hubad niyang balat.Dahan-dahan siyang napamulat.At doon tuluyang bumalik sa kaniya ang lahat.Ang private suite.Ang magulong kama.Ang nagkalat niyang damit sa sahig.At ang lalaking kasama niya kagabi.Mabilis siyang napaupo habang hinihila ang kumot papunta sa dibdib niya. Kumabog agad nang malakas ang puso niya nang makita ang black dress niyang nakahandusay malapit sa couch. Ang heels niya ay nasa gilid ng kama habang ang isang hikaw niya ay nakakalat sa carpet.“God…” mahina niyang bulong habang pinipisil ang sentido niya.Hindi iyon panaginip.Talagang may nangyari sa kanila ni Zane.Napapikit siya nang mariin nang sunod-sunod na bumalik sa isip niya ang mga alaala kagabi.Iyong elevator.I
Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya, hindi iyon ang klase ng lalaking nagbibigay agad ng impormasyon tungkol sa sarili niya.Parang punong-puno ng sikreto.At dapat siguro, doon pa lang umalis na siya.Pero hindi niya ginawa.Sa halip, mas lalo siyang lumapit sa panganib.Mas lalo pang lumalim ang gabi sa loob ng Bachelor’s Hub Bar.Mas lumalakas ang tugtog.Mas umiinit ang paligid.At habang tumatagal, mas lalong nawawala ang malinaw na pag-iisip ni Mich.Hindi niya alam kung epekto iyon ng alak o ng lalaking katabi niya.Pero pakiramdam niya, ilang oras pa lang silang magkasama ni Zane ay parang unti-unti nang nagugulo ang mundo niya.Tahimik lang itong umiinom habang paminsan-minsan ay sinusulyapan siya.At bawat tingin nito—parang may kung anong gumuguhit sa balat niya.Mainit.Delikado.Nakakakaba.“Still thinking too much?” mababa nitong tanong habang pinapaikot ang whiskey glass sa kamay nito.Napakurap si Mich bago umiwas ng tingin.“Hindi naman.”Bahagyang umanga
Zane’s POVThe bass of the music echoed across the dark walls of Bachelor’s Hub Bar habang nakaupo ako sa pinakadulong bahagi ng VIP section, hawak ang isang baso ng whiskey na ilang beses ko nang pinaikot pero hindi pa rin inuubos.Sa ibaba, nagkakagulo ang mga tao sa dance floor.Bodies pressed together.Women laughing.Liquor flowing like water.And yet none of it was enough to drown the noise inside my head."Tangina, pre. Dalawang oras ka nang ganyan," sambit ni Damon habang umuupo sa tapat ko. "Kung ayaw mo talagang magpakasal, dapat sinabi mo na lang diretso sa pamilya mo."Napailing ako bago tuluyang ininom ang laman ng baso."I already did."The first engagement party.The one I walked out from.The one everyone would probably talk about tomorrow."Nasaan si Veronica?" tanong ni Damon.I scoffed."Probably pretending she wasn’t humiliated tonight."Tahimik siyang napatingin sa akin."You don’t love her.""No."Mabilis ang sagot ko.Too quick.Too certain.Because the truth is
Mich's POVMahina kong ibinaba ang maleta sa gilid ng airport chair habang nakatitig sa malaking salamin sa harapan ko. Sa likod noon ay ang runway na nababalot ng dilim at ilaw mula sa mga eroplanong paalis at paparating.People come and go.Parang lahat may pupuntahan.May babalikan.Samantalang ako?Hindi ko alam kung ano ba talaga ang inuuwian ko.I tightened my grip on my boarding pass before closing my eyes for a second. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mata ko mula sa pag-iyak kagabi. Kahit anong retouch ko ng makeup kanina bago umalis ng apartment, halata pa rin ang pagod sa mukha ko.Hindi ko alam kung paano ko nagawang tapusin ang shift ko matapos ang nangyari kahapon sa restaurant. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang harapin ang mga katrabaho kong pilit akong tinatanong kung ayos lang ba ako.Because honestly?Hindi ko alam kung ayos pa ba ako.Everything happened too fast.One moment, I was carrying wine glasses and smiling professionally at customers
Maingay.Iyon agad ang unang pumasok sa isip ko habang nakaupo sa gitna ng engrandeng ballroom ng Villanueva Grand Hotel.Tunog ng champagne glasses. Mahihinang tugtog ng violin. Paulit-ulit na tawanan ng mga taong nagkukunwaring masaya.Nakakasakal.Humigop ako ng whiskey habang malamig na pinagmamasdan ang mga taong nakapaligid sa akin. Halos lahat ng narito ay kilala ko—mga politicians, investors, business partners, celebrities, at mga taong desperadong mapalapit sa pamilya namin.The Villanueva family.One of the most influential families in the country.And tonight? This entire event is for me. For my engagement.Napabuntong-hininga ako at niluwagan ang necktie ko. Pakiramdam ko nasasakal na ako sa sobrang higpit no’n.“Fix your posture.”Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino.Dad.Nakatayo siya sa tabi ko habang hawak ang wine glass niya. Tulad ng dati, malamig ang mukha. Walang emosyon. Parang hindi ama. Parang CEO lang na minamandohan ang empleyado niya.“Peop
Tanging ingay ng kubyertos, mahihinang usapan ng customers, tunog ng wine glasses, at sunod-sunod na tawag ng head chef ang maririnig sa loob ng Verdanza Restaurant.Elegant ang buong lugar—dim lights, mamahaling chandelier, soft piano music, at mga taong mukhang walang ibang problema kundi kung anong wine ang babagay sa steak nila.Busy ang lahat.May servers na nagmamadaling maghatid ng orders. May mga couples na nagtatawanan habang magkahawak ng kamay. May businessmen na abala sa pag-uusap tungkol sa pera at negosyo.At ako?Pakiramdam ko biglang huminto ang mundo ko.Nakatayo lang ako sa gitna ng dining area habang hawak ang tray ng mga inumin para sa table twelve. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga nang maayos. Para bang may humihigpit sa dibdib ko habang nakatitig sa eksenang nasa harap ko.Kasi nandoon siya.Si Adrian Cortez.Boyfriend ko.O… siguro ex na.Nakaharap siya sa isang babae. Maganda. Mestiza. Mahaba ang buhok at nakasuot ng mamahaling dress na siguradong hindi







