LOGINAng buong grand ballroom ay binalot ng nakakabinging katahimikan bago ito napalitan ng sunod-sunod at nakakasilaw na flash ng mga camera. Ang mga bulungan ng mga high-society guests ay parang mga bubuyog na biglang nabulabog.
"Isang leak? On her engagement night?"
"Sabi ko na nga ba, masyadong mabilis ang pag-angat ng babaeng 'yan.""Baka espiya rin siya tulad ng nauna?"Naramdaman ni Tala ang biglang paglamig ng hangin sa kaniyang paligid. Tumingin siya kay Ethan, at nakita niyang ang mga kamay ng CEO ay nakakuyom na nang mahigpit sa kaniyang tabi. Ang panga ni Ethan ay mariing nag-igting, at ang kaniyang aura ay binalot ng isang mapanganib na bagyo. Ang kaniyang pinakamalaking trauma—ang pagtataksil ng isang babae sa kaniyang corporate assets—ay tila muling nabuhay sa isang iglap dahil sa data leak na ito.
Tumingin si Ethan kay Tala, malamig at walang emosyon ang mga mata, tulad ng isang brutal na tycoon. "The data doesn't lie, Miss Banaag."
Sa isang tabi, lihim na napangiti si Cassandra habang dahan-dahang humihigop ng kaniyang champagne. Ang kaniyang patibong ay gumana nang perpekto.
"Oh, Ethan," eksena ni Cassandra, nagkukunwaring nag-aalala. "I told you. Ang mga katulad niyang galing sa hirap, gagawin ang lahat para sa pera. Binasura mo ako para sa isang impostor."
Hindi natakot si Tala sa malamig na tingin ni Ethan, at lalong hindi siya maiiyak sa harap ng mapanuring mata ng mga elite. Sa mga pinagdaanan niya sa buhay, alam niyang walang mararating ang luha. Ang kaniyang utak bilang isang top BS Entrepreneurship student ay mabilis na nag-reboot para sa isang mabilisang crisis management.
No. I am Tala Banaag. Hindi ako papayag na ma-liquidate ang reputasyon ko dahil sa maling akusa.
Huminga siya nang malalim, inayos ang kaniyang pagkakatayo, at hinarap ang bodyguard na may hawak ng emergency phone.
"Kuya, anong oras po eksakto pumasok sa system ang sinasabi mong data leak?" pormal at matatag na tanong ni Tala.
"A-Ah... Miss Tala, ayon sa ulat mula sa London office, pumasok ang unauthorized transmission sa database natin sa eksaktong alas-tres ng hapon ngayon," sagot ng bodyguard pagkatapos tingnan ang screen.
Isang matamis at kalmadong ngiti ang dahan-dahang sumungaw sa mga labi ni Tala. Hinarap niya si Ethan at si Mama Let na kasalukuyan ding nakikinig sa kanila.
"Mr. Martinez, as a CEO, you know the basic rule of corporate auditing: verify the operational timeline," pahayag ni Tala, sapat na ang lakas ng boses para marinig ng mga reporters na nakapaligid sa kanila. "Alas-tres ng hapon ngayon. Nasaan po ako, nasaan ka, at nasaan si Mama Let noong mga oras na iyon?"
Napakunot ang noo ni Ethan, ngunit mabilis na sumagot si Mama Let para sa kanila. "Aba! Magkakasama tayong tatlo sa loob ng Royal Suite ng hotel na ito simula pa kaninang ala-una ng tanghali! Pinapanood nating dalawa, Ethan, si Tala habang inaayusan ng kaniyang glam team, at bawal lumabas ang kahit sino para sa seguridad ng party!"
"Exactly," muling humarap si Tala sa media nang may buong kompyansa. "Mula ala-una hanggang bago magsimula ang party, magkakasama kami ng mismong CEO ng kumpanyang sinasabi ninyong ninakawan ko. I had zero physical privacy, zero access sa kahit anong corporate computer, at ang aking personal na telepono ay hawak pa ng organizer ng hotel para sa schedule sync. Sa madaling salita... I have a rock-solid operational alibi witnessed by the head of Martinez Holdings himself."
Dahan-dahang humupa ang galit sa mga mata ni Ethan habang nakatitig sa matikas at lohikal na pagtatanggol ni Tala sa kaniyang sarili. Naalala niya ang bawat segundo ng alas-tres ng hapon—wala ngang hinawakang kahit anong gadget si Tala.
Tumingin si Tala kay Cassandra na ang mukha ay unti-unti nang nababahala. "At bilang isang business student, alam ko po kung paano gumagana ang kumpetisyon. Kung may magse-setup sa akin gamit ang isang pekeng account sa pangalan ko, gagawin niya ito sa oras na alam niyang abala ang buong Martinez Tower. Miss Valderama, baka gusto mong ipa-audit din natin ang network access ng sarili mong kumpanya kung bakit tugma ang timing ng pagdating mo rito sa pagpasok ng leak?"
Isang malaking singhap ang nagmula sa mga panauhin. Lahat ng mata ay sabay-sabay na lumingon kay Cassandra, na ang mukha ay tuluyan nang nawalan ng kulay sa tindi ng huli sa kaniya.
"T-That's ridiculous! Sinisiraan mo lang ako!" nauutal na depensa ni Cassandra.
Humakbang si Ethan pasulong, tuluyan nang nawala ang kaniyang pagdududa kay Tala at napalitan ito ng matinding proteksyon para sa kaniyang bagong kapareha. "Security, escort Miss Valderama out of this building immediately. At tawagan ang legal team natin. We are filing a corporate sabotage lawsuit first thing tomorrow morning."
Habang pilit na inilalabas ng mga bodyguard ang nagwawalang si Cassandra, muling binalot ng malakas na palakpakan ang buong ballroom. Hangang-hanga ang mga investors sa bilis, talino, at katatagan ng magiging asawa ng Martinez Holdings CEO.
Dahan-dahang lumingon si Ethan kay Tala. Ang kaniyang mga mata ay wala nang bahid ng yelo, kundi isang malalim, seryoso, at hindi maipaliwanag na paghanga. Ang babaeng ito ay hindi tulad ng kaniyang ex; hindi ito natakot, hindi ito umatras, at ipinagtanggol nito ang kumpanya niya gamit ang purong talino.
"You really are a strategic asset, Miss Banaag," bulong ni Ethan, habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya sa tapat ng stage.
"Sabi ko sa'yo, Mr. Martinez," tugon ni Tala, pinipilit na maging kaswal kahit mabilis pa rin ang kabog ng dibdib niya. "Pero tingnan mo ang mga reporters sa harap natin. Kahit tapos na ang gulo, kailangan pa rin nila ng matinding visual proof para tuluyang manahimik ang mga tsismis bukas."
Hindi na naghintay ng iba pang kalkulasyon si Ethan. Upang tuluyang tapusin ang iskandalo, patunayan ang kaniyang buong tiwala, at ipakita sa buong mundo kung sino ang nag-iisang babaeng may hawak ng kaniyang atensyon, dahan-dahan niyang inabot ang baywang ni Tala at hinila ito nang malapit sa kaniyang katawan.
Hinarap ni Ethan ang naglalakihang micropono ng mga reporters, at sa isang baritono ngunit malambing na boses, nagsalita siya nang malakas.
"Don't worry, everyone. My fiancée just proved that she's more than capable of protecting our assets. Are you okay, Hon?"
Nanigas si Tala sa kaniyang kinatatayuan. Hon? Ang kaniyang utak ay biglang nag-lag nang marinig ang salitang iyon mula sa labi ng seryosong CEO. Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang paningin para tingnan si Ethan.
But before she could even process the look in his deep, dark eyes, Ethan had already lowered his face. He leaned down and gently pressed his lips against hers.
Nanlaki ang mga mata ni Tala. Ang kaniyang utak na laging puno ng business formulas ay biglang nag-blanko. Ang kaniyang unang halik bilang isang NBSB ay naganap sa harap ng buong high society, sa ilalim ng banayad at marahang halik ng isang billionaire tycoon.
Naramdaman niya ang init ng katawan ni Ethan at ang firm na pagkakahawak nito sa kaniyang baywang habang ang paligid ay binalot ng sunod-sunod, nakakasilaw, at walang katapusang mga flash ng mga camera ng media.
Nang dahan-dahang bumitiw si Ethan pagkatapos ng ilang segundong halik, binalot ng mas malakas na hiyawan at palakpakan ang ballroom.
Hingal na napatingin si Tala kay Ethan, ang kaniyang mukha ay mas pula pa sa pulang gown ni Cassandra kanina. Upang itago ang kaniyang matinding kilig, inilapit niya ang kaniyang mukha sa balikat ni Ethan at bumulong sa isang boses na sila lang dalawa ang makakarinig.
"Mr. Martinez... that was completely unscripted. And calling me 'Hon' plus a public kiss cost exactly fifty thousand pesos. Isasama ko 'yan sa monthly invoice mo."
Ethan looked down at her flushed, beautiful face, and for the first time, a genuine, heart-melting smile crossed his lips. He leaned in closer to her ear.
"I am a billionaire, Miss Banaag. I can afford your entire rate card for the rest of my life."
Eksaktong alas-dose na ng tanghali, natapos na rin ni Tala ang pinapagawa sa kanya ni Mr. Martinez. Tumayo siya at lumapit sa mesa ng binata hawak ang flashdrive kung saan nakasave ang kanyang report.“Excuse me, Mr. Martinez, I already sent the audit report to your work email and here’s a back-up copy for your perusal,” pilit na tinataboy ni Tala ang kabang nararamdaman.“Put it on my desk. I’ll review them shortly. It’s lunch time. Do you have a plan right now?” Casual na sabi ng binata.“No, sir,” mabilis na sagot ni Tala.Tinigil na ng binata ang anumang ginagawa at mabilis na naglakad papalapit sa dalaga.“Then, let’s go out. Eat with me, hon."Napatigagal sa narinig ang dalaga at napaatras siya ng hakbang.“Mr. Martinez, with all due respect, don’t be delusional. I’m not your honey. Moreover, we’re at work. Can we maintain our professional boundaries?” Matapang na sagot ni Tala.“We’re in my office, Hon. Tayong dalawa lang dito. Above all else, I’m the CEO of this company.” Mulin
Isinantabi ni Tala ang kung anumang agam-agam na nararamdaman niya. Nasa loob sila ng training room ni Hazel kasama ang HR supervisor upang i-orient sila tungkol sa kanilang on-the-job training sa kumpanya. Binigyan muli sila ng tig-isang kopya ng kanilang memorandum of agreement at tinalakay ito upang siguruhin na nauunawaan nila ang rules, training hours, at ang responsibilidad nila sa kumpanta, at ang expectation ng kumpanya sa kanila.Matapos ang dalawang oras, isa-isa nang tinawag ang mga pangalan ng interns upang i-deploy sa kanilang mga designated departments."Miss Hazel De Vera, here’s your internship ID card. You are assigned to the Executive Secretary's Office under Mr. Mark Gallego," anunsyo ng supervisor na nagpabaling sa tuwa ni Hazel."Here’s yours, Miss Tala Banaag..." binalingan siya ng supervisor. "Please follow me. Your designated station is at the top floor, direkta sa loob ng Chief Executive Suite."Nanlalaki ang mga mata ni Tala sa narinig. "I’m sorry, Miss. I co
“Maiba naman tayo. Ano naman ang drama ninyo ni Kyle?”Napatigil si Tala sa pagsinga sa tissue nang marinig ang tanong ng kaniyang chismosang kaibigan. Nagpakawala siya ng isang malalim na bunting-hininga bago sagutin ang tungkol sa blockmate nila.“Kay Kyle? Naku, friend, kung alam mo lang,” kumuha muli siya ng tissue upang ipahid naman sa kanyang mukha na basa pa rin ng luha. “Naalala mo yung isang Biyernes na nagpresent tayo?” Tanong niya sa kaibigan.“Oo, two weeks ago na yun ah. Ano ang hindi ko nalalaman? Sige ikwento mo.” Mataman itong nakikinig sa kanya.“Noong araw na yun, hinabol ako ni Kyle sa may drop-off zone. Nagtapat siya ng feelings sa akin… gusto niya raw ako. Syempre, first time ko na makarinig ng confession tapos nasa school pa kaya sandali akong natameme. Bago pa man ako makakilos, ang lolo mo bigla na lang iniyuko ang mukha at tinangkang halikan ako sa mismong mga labi.”“Oh my gosh! Tala! Tinangka ka niyang tukain?!” Parang nasisilihan sa pwet si Hazel sa tindi ng
“Friend, super cozy naman ng unit mo! Napakabango at napaka-relaxing dito! Para akong nasa staycation. Ang shala! Tapos may swimming pool pa sa baba.” Papuri ni Hazel habang inilalapag ang kanyang gamit sa tabi ng sofa.“Feel at home, friend.” Sabay bato niya ng isang rolyo ng tissue sa kaibigan nang makaupo ito sa sofa.“Wow ha! Uumpisahan na ba natin agad-agad? Di ba pwedeng magrelax muna tayo sandali?” Reklamo nito sa kanya nang masalo nito ang tissue.“Gagi, itabi mo lang yan sa iyo. Gagamitin natin yan mamaya, tig-isang rolyo tayo.” Sarcastic remarks niya rito.“O-kay! Pasilip sa balcony mo ah!” Pagpapaalam ni Hazel.“Kakasabi ko lang kanina, feel at home. Do as you please, friend.” Nakangiti si Tala.“Sheeeeeeeettt! Ang ganda naman ng sunset view mo rito! Palong-palo!”Tama naman talaga si Hazel. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya pinili itong unit kaysa sa iba. Ito lang kasi yung bukod tangi na may magandang view ng sunset ng Manila Bay.“Halika muna sa sala. May plano akong i
“Cleared ka na, Ms. Banaag. You have completed your onboarding requirements,” nakangiting wika ng coordinator matapos nitong i-check ang kanyang envelope. “Please wait for the memorandum of agreement within this week para sa deployment ninyo.”“Thank you, Miss,” magalang na tugon niya rito.Nakahinga ng maluwag si Tala. Maaga siyang pumasok kanina para mapanotaryo ang kanyang consent form. Hindi na kasi siya nakaabot kagabi dahil inabot lang naman siya ng ilang oras sa biyahe sa tindi ng traffic. Sa dulo ng hallway sakto namang naghihintay si Hazel. Magiliw na ngiti ang pinakita nito sa kanya.“Ano, friend, sa tingin mo kaya may pag-asa tayo makapag-OJT sa kumpanya ng jowa mo?” Excited na excited ang tono ng pagkakasabi nito sa kanya.Kung anong dalangin ko na huwag na sana magkrus pa muli ang landas namin ni Ethan, ay siya namang kabalintunaan na hiling ng aking butihing kaibigan.“Ah, malay mo. Marami namang naglalakihang kumpanya dito sa malapit lang. Laking tipid din yun para sa a
CHAPTER 27Dumating ang Sabado ng umaga. Kinailangan ni Tala na lumuwas sa kanilang probinsya sa Quezon. Ilang oras din ang kaniyang naging biyahe. Bitbit ang kaniyang backpack na may lamang documents na kailangan papirmahan sa kanyang ina. Pagbaba niya sa bus terminal, sumakay pa siya ng jeepney upang makarating sa kanilang baryo. Sariwang hangin ang nalalanghap niya sa mga oras na yon, taliwas sa nakagawian niya sa Maynila.I miss my hometown. Naisip niya sa mga oras na iyon habang nasa biyahe. Sa bakuran ng kanilang lupa, nakatayo ang kanyang ina. Nagwawalis ito ng mga tuyong dahon. Bagamat nakayuko, hindi nito napansin ang kanyang pagdating.“Nay…” sambit niya rito. Her tone carried a trace of longing. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.“Tala, anak!” Nabitawan nito ang walis tingting na hawak at mabilis na tinungo siya para yakapin. “Halika, pumasok tayo sa loob. Alam kong pagod ka sa biyahe.”“Miss na miss kita, Nay.” Yakap pa rin niya ang ina bago sila gumayak paloob n







