تسجيل الدخولBZZZ.
Napatigil si Tala sa pag-aayos ng kaniyang buhok nang marinig ang sunod-sunod na vibration ng kaniyang smartphone sa ibabaw ng lamesa. Pagka-unlock niya ng screen, halos mabitawan niya ang kaniyang suklay nang makita ang notification mula sa kaniyang online banking app.
Martinez Holdings Corp. has transferred PHP 60,000.00 to your account.
Remarks: Corporate Event PDA Rate Card Settlement.Napalunok si Tala habang paulit-ulit na binibilang ang mga zero sa screen. Anim na pung libong piso. Sampung libo para sa dessert course holding hands, at limampung libo para sa hindi inaasahang "Hon" at halik sa harap ng mga reporters kagabi.
Naramdaman na naman ni Tala ang biglang pag-init ng kaniyang mga pisngi nang maalala ang malambot at firm na labi ni Ethan sa kaniyang mga labi. Umiling siya nang marahas para gisingin ang kaniyang sarili. “Business lang ito, Tala! Sweldo mo 'yan bilang strategic asset. Huwag kang marupok,” sermon niya sa kaniyang sarili.
Ngunit bago pa man niya tuluyang ma-enjoy ang kaniyang unang kinita, pumasok ang isang tawag mula kay Mama Let.
"Tala, apo! Naka-pack na ba ang mga gamit mo?" masiglang tanong ng matanda sa kabilang linya. "Nasa labas na ang Rolls-Royce ni Ethan para sunduin ka. I already talked to Ethan, at sa bachelor pad niya ka muna titira sa guest room habang nag-aayos pa ng kasal. Ayokong mapahamak ka sa maliit mong apartment, lalo na't pinagkakaguluhan ka na ng media ngayon."
Noong una ay nahihiya at ayaw talagang pumayag ni Tala dahil hindi naman sila totoong magkasintahan ni Ethan at conservative ang kaniyang pagpapalaki. Subalit, napakapersistent ni Mama Let. Ang sabi ng matanda, itrato niya ito bilang proteksyon mula sa mga reporters at regalo mula sa isang lola na itinuturing na siyang tunay na apo. Dahil sa lambing at pag-aalala ni Mama Let, wala nang nagawa si Tala kundi ang pumayag.
Makalipas ang isang oras, nakatayo na si Tala sa gitna ng malawak at marangyang bachelor pad ni Ethan sa isang eksklusibong condominium sa Bonifacio Global City.
Contrary sa inaasahan ni Tala na isang malamig at parang opisina na mansyon, ang espasyo ni Ethan ay bagamat minimalist ay napakacozy. Ang mga dingding ay may malambot na shades ng gray at puti, may malaking leather sofa na nakaharap sa city view, at may isang mamahaling massager chair sa sulok na halatang paboritong tambayan ng CEO pagkatapos ng mahabang araw sa board meeting.
Ang kusina naman ay hindi ganoon kadambuhala, ngunit napakatipid at functional ng bawat appliances—kumpleto sa high-end espresso machine, modernong oven, at malinis na kitchen island.
"You can stay in the guest room at the end of the hallway, Miss Banaag," malamig na boses ni Ethan mula sa kaniyang likuran habang ibinababa ang kaniyang corporate folder sa counter. "Don't worry, my space is highly secured. Walang reporter na makakapasok dito. At mayroon akong isang mahalagang rule sa kusina."
"Ano 'yon, Mr. Martinez? No food in the living room?" tanong ni Tala.
"No. Huwag mong pakikialaman ang mga kitchen tools ko," seryosong sagot ni Ethan. "Contrary to what people think, I prefer cooking my own meals sometimes. It’s my way of de-stressing. I don’t like other people touching my knives."
Napataas ang dalawang kilay ni Tala sa gulat. Isang multi-billionaire tycoon na marunong at mahilig magluto? Napakabihirang hidden talent para sa isang tulad nito!
"Wow. International CEO turned chef," tawa ni Tala. "Huwag kang mag-alala, Client. Ako naman ang eksaktong kabaligtaran mo. I am a certified food eater. Mahilig akong kumain at hinding-hindi ako pihikan. Kahit anong lutuin mo, uubusin ko nang walang reklamo."
Bahagyang natigilan si Ethan sa kaswal at masayahing tugon ni Tala, bago dahan-dahang nailipat ang kaniyang tingin sa paanan ng babae. Doon ay may nakalapag na isang pirasong traveling bag—isang luma at simpleng bag na tila doon na nakasiksik ang buong buhay nito.
"Is that... everything?" kunot-noong tanong ni Ethan, itinuro ang nag-iisang bag.
"Oo," kaswal na sagot ni Tala. "Provided naman kasi karamihan ng gamit sa tinutuluyan ko dati, kaya bukod-tanging mga damit ko lang, iilang pirasong libro para sa pag-aaral ko, ang aking luma at may basag na smartphone, at ang aking laptop ang dala ko. Kasya na silang lahat dyan."
Tinitigan ni Ethan ang bag, pagkatapos ay ang lumang smartphone ni Tala na kasalukuyang nakapatong sa counter. Ang screen nito ay may malaking lamat at halatang sinaunang modelo na na halos hindi na kayang mag-load ng mga modernong aplikasyon.
Nang walang sinasabi, humakbang si Ethan patungo sa kaniyang master bedroom at pagbalik niya ay may dala na siyang isang maliit ngunit eleganteng itim na kahon. Ibinaba niya ito sa tapat ni Tala.
"Ano ito?" tanong ni Tala.
"A relocation gift," kaswal na sabi ni Ethan habang nakapamulsa. "It’s the latest flagship smartphone model. Napuna ko na halos hindi na gumagana ang gamit mo. Bilang fiancée ko sa harap ng publiko, you need a device that matches the corporate standards. I already had Mark transfer your SIM card and create a secure cloud backup."
Napatitig si Tala sa mamahaling telepono. Mas mahal pa ang halaga ng regalong ito kaysa sa kabuuang tuition f*e niya para sa isang buong taon!
"Mr. Martinez, hindi ko ito pwedeng tanggapin—"
"It’s not a personal gift, Miss Banaag. It’s a business utility item para mas mabilis mong ma-update ang Excel rate sheets mo," pagputol ni Ethan na may kasamang bahagyang mapaglarong tono sa kaniyang boses. "Now, go to your room and unpack. Bukas ay may mas malaking operational task ka kay Mama Let."
Tumingin si Tala sa kahon, pagkatapos ay kay Ethan, at sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti siya ng isang tunay at marahang ngiti na walang halong negosyo. "Salamat, Client. Gagamitin ko ito para i-compute ang susunod na invoice mo nang may high-definition resolution."
Naiwang nakatayo si Ethan habang pinapanood si Tala na masayang buhatin ang kaniyang nag-iisang bag patungo sa guest room. Sa loob-loob niya, ang kaniyang malamig at tahimik na bachelor pad ay tila biglang nagkaroon ng kaunting buhay na hindi niya inaasahan.
Eksaktong alas-dose na ng tanghali, natapos na rin ni Tala ang pinapagawa sa kanya ni Mr. Martinez. Tumayo siya at lumapit sa mesa ng binata hawak ang flashdrive kung saan nakasave ang kanyang report.“Excuse me, Mr. Martinez, I already sent the audit report to your work email and here’s a back-up copy for your perusal,” pilit na tinataboy ni Tala ang kabang nararamdaman.“Put it on my desk. I’ll review them shortly. It’s lunch time. Do you have a plan right now?” Casual na sabi ng binata.“No, sir,” mabilis na sagot ni Tala.Tinigil na ng binata ang anumang ginagawa at mabilis na naglakad papalapit sa dalaga.“Then, let’s go out. Eat with me, hon."Napatigagal sa narinig ang dalaga at napaatras siya ng hakbang.“Mr. Martinez, with all due respect, don’t be delusional. I’m not your honey. Moreover, we’re at work. Can we maintain our professional boundaries?” Matapang na sagot ni Tala.“We’re in my office, Hon. Tayong dalawa lang dito. Above all else, I’m the CEO of this company.” Mulin
Isinantabi ni Tala ang kung anumang agam-agam na nararamdaman niya. Nasa loob sila ng training room ni Hazel kasama ang HR supervisor upang i-orient sila tungkol sa kanilang on-the-job training sa kumpanya. Binigyan muli sila ng tig-isang kopya ng kanilang memorandum of agreement at tinalakay ito upang siguruhin na nauunawaan nila ang rules, training hours, at ang responsibilidad nila sa kumpanta, at ang expectation ng kumpanya sa kanila.Matapos ang dalawang oras, isa-isa nang tinawag ang mga pangalan ng interns upang i-deploy sa kanilang mga designated departments."Miss Hazel De Vera, here’s your internship ID card. You are assigned to the Executive Secretary's Office under Mr. Mark Gallego," anunsyo ng supervisor na nagpabaling sa tuwa ni Hazel."Here’s yours, Miss Tala Banaag..." binalingan siya ng supervisor. "Please follow me. Your designated station is at the top floor, direkta sa loob ng Chief Executive Suite."Nanlalaki ang mga mata ni Tala sa narinig. "I’m sorry, Miss. I co
“Maiba naman tayo. Ano naman ang drama ninyo ni Kyle?”Napatigil si Tala sa pagsinga sa tissue nang marinig ang tanong ng kaniyang chismosang kaibigan. Nagpakawala siya ng isang malalim na bunting-hininga bago sagutin ang tungkol sa blockmate nila.“Kay Kyle? Naku, friend, kung alam mo lang,” kumuha muli siya ng tissue upang ipahid naman sa kanyang mukha na basa pa rin ng luha. “Naalala mo yung isang Biyernes na nagpresent tayo?” Tanong niya sa kaibigan.“Oo, two weeks ago na yun ah. Ano ang hindi ko nalalaman? Sige ikwento mo.” Mataman itong nakikinig sa kanya.“Noong araw na yun, hinabol ako ni Kyle sa may drop-off zone. Nagtapat siya ng feelings sa akin… gusto niya raw ako. Syempre, first time ko na makarinig ng confession tapos nasa school pa kaya sandali akong natameme. Bago pa man ako makakilos, ang lolo mo bigla na lang iniyuko ang mukha at tinangkang halikan ako sa mismong mga labi.”“Oh my gosh! Tala! Tinangka ka niyang tukain?!” Parang nasisilihan sa pwet si Hazel sa tindi ng
“Friend, super cozy naman ng unit mo! Napakabango at napaka-relaxing dito! Para akong nasa staycation. Ang shala! Tapos may swimming pool pa sa baba.” Papuri ni Hazel habang inilalapag ang kanyang gamit sa tabi ng sofa.“Feel at home, friend.” Sabay bato niya ng isang rolyo ng tissue sa kaibigan nang makaupo ito sa sofa.“Wow ha! Uumpisahan na ba natin agad-agad? Di ba pwedeng magrelax muna tayo sandali?” Reklamo nito sa kanya nang masalo nito ang tissue.“Gagi, itabi mo lang yan sa iyo. Gagamitin natin yan mamaya, tig-isang rolyo tayo.” Sarcastic remarks niya rito.“O-kay! Pasilip sa balcony mo ah!” Pagpapaalam ni Hazel.“Kakasabi ko lang kanina, feel at home. Do as you please, friend.” Nakangiti si Tala.“Sheeeeeeeettt! Ang ganda naman ng sunset view mo rito! Palong-palo!”Tama naman talaga si Hazel. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya pinili itong unit kaysa sa iba. Ito lang kasi yung bukod tangi na may magandang view ng sunset ng Manila Bay.“Halika muna sa sala. May plano akong i
“Cleared ka na, Ms. Banaag. You have completed your onboarding requirements,” nakangiting wika ng coordinator matapos nitong i-check ang kanyang envelope. “Please wait for the memorandum of agreement within this week para sa deployment ninyo.”“Thank you, Miss,” magalang na tugon niya rito.Nakahinga ng maluwag si Tala. Maaga siyang pumasok kanina para mapanotaryo ang kanyang consent form. Hindi na kasi siya nakaabot kagabi dahil inabot lang naman siya ng ilang oras sa biyahe sa tindi ng traffic. Sa dulo ng hallway sakto namang naghihintay si Hazel. Magiliw na ngiti ang pinakita nito sa kanya.“Ano, friend, sa tingin mo kaya may pag-asa tayo makapag-OJT sa kumpanya ng jowa mo?” Excited na excited ang tono ng pagkakasabi nito sa kanya.Kung anong dalangin ko na huwag na sana magkrus pa muli ang landas namin ni Ethan, ay siya namang kabalintunaan na hiling ng aking butihing kaibigan.“Ah, malay mo. Marami namang naglalakihang kumpanya dito sa malapit lang. Laking tipid din yun para sa a
CHAPTER 27Dumating ang Sabado ng umaga. Kinailangan ni Tala na lumuwas sa kanilang probinsya sa Quezon. Ilang oras din ang kaniyang naging biyahe. Bitbit ang kaniyang backpack na may lamang documents na kailangan papirmahan sa kanyang ina. Pagbaba niya sa bus terminal, sumakay pa siya ng jeepney upang makarating sa kanilang baryo. Sariwang hangin ang nalalanghap niya sa mga oras na yon, taliwas sa nakagawian niya sa Maynila.I miss my hometown. Naisip niya sa mga oras na iyon habang nasa biyahe. Sa bakuran ng kanilang lupa, nakatayo ang kanyang ina. Nagwawalis ito ng mga tuyong dahon. Bagamat nakayuko, hindi nito napansin ang kanyang pagdating.“Nay…” sambit niya rito. Her tone carried a trace of longing. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.“Tala, anak!” Nabitawan nito ang walis tingting na hawak at mabilis na tinungo siya para yakapin. “Halika, pumasok tayo sa loob. Alam kong pagod ka sa biyahe.”“Miss na miss kita, Nay.” Yakap pa rin niya ang ina bago sila gumayak paloob n







