Masuk"Isang oras at apatnapung minuto," bulong ni Tala habang nakatitig sa dessert plate niyang may natitira pang kaunting blueberry cheesecake.
"What about it, Miss Banaag?" tanong ni Ethan. Nanatili itong tuwid ang upo, seryoso ang mukha habang pormal na nakikipag-usap kay Mama Let tungkol sa pamilya ng lolo Harold niya sa London. But above the table, their fingers remained intertwined—firm, warm, with no intention of letting go.
"One hour and forty minutes of continuous hand-holding," mahinang tugon ni Tala, pinipilit na huwag mautal habang mabilis na nag-e-estimate sa utak. "At ten thousand pesos flat rate for the whole dessert course... Mr. Martinez, you just accumulated a significant premium on top of our base transaction."
"I am a man of my word. I don’t mind paying for premium service," Ethan murmured back. His voice was low, smooth, and dangerously close to her ear.
Gusto sanang pumalag ni Tala at sabihing tapos na siyang kumain. Medyo naiilang na siya sa tagal ng kanilang pagkaka-holding-hands. NBSB siya. No Boyfriend Since Birth. Sa buong dalawampu't dalawang taon ng buhay niya, ang tanging hinawakan niya lang nang matagal ay mouse ng laptop, bolpen, at mga resibo.
Naramdaman ni Tala ang unti-unting pamumula ng kaniyang mga pisngi hanggang sa dulo ng kaniyang mga tainga. Ang kaniyang puso na kanina pa nakikisabay sa kakaibang kuryenteng naramdaman ni Ethan ay biglang nagpabilis ng tibok. It was a sudden, unexpected spark of kilig—isang bagay na wala sa kaniyang financial forecasts at lalong wala sa kaniyang Excel grid.
Hala, bakit ganito? sa loob-loob niya, pinagpapawisan na siya ng malamig. Business lang ito, Tala! Huwag kang marupok sa sampung libong piso!
Agad siyang uminom ng malamig na tubig gamit ang kabilang kamay para lang itago ang kaniyang matinding pagkataranta, habang si Ethan naman ay lihim na napangiti nang mapansin ang kaniyang pamumula.
Kinabukasan, isang araw bago ang malaking engagement party, isang kasaysayan ang naganap sa Martinez Holdings.
"S-Sir? Seryoso po kayo?" halos mabitawan ng kaniyang secretary na si Mark ang hawak nitong clipboard habang nakatayo sa tapat ng presidential desk ni Ethan. "It’s only three o'clock in the afternoon."
"I know what time it is, Mark," malamig na sabi ni Ethan habang isinusuot ang kaniyang business suit at pinapatay ang kaniyang desktop screen. "I am taking an undertime."
Undertime. Ang salitang kailanman ay hindi narinig sa Martinez Tower sa loob ng limang taon. Simula nang maging pinuno si Ethan sa edad na dalawampu, kilala siya bilang unang pumapasok at huling lumalabas ng building—isang workaholic na walang ibang buhay kundi ang kumpanya. Pero ngayon, dahil sa walang tigil na pangungulit at utos ni Mama Let na kailangan nitong samahan sila sa huling fitting ng engagement gown ni Tala, napilitan siyang iwan ang kaniyang mga board meetings.
Pagdating niya sa isang ultra-exclusive, high-end bridal at formal wear boutique sa Bonifacio Global City, nadatnan niya si Mama Let na masayang umiinom ng tsaa habang pumipili ng mga mamahaling hiyas.
"Oh, Ethan! Mabuti naman at nag-undertime ka para sa fiancée mo!" masayang bati ng matanda. "Sakto, lumabas ka na riyan, Tala!"
Bumukas ang malaking velvet curtain ng fitting room.
Napatigil si Ethan sa kaniyang kinatatayuan. Ang kaniyang kamay na akmang aayos ng kaniyang corporate cuffs ay napatigil sa hangin.
Si Tala ay nakatayo sa harap ng malaking salamin, suot ang isang pasadyang emerald green engagement gown na pinili ni Mama Let. Ang damit ay saktong-sakto sa kaniyang tamang hubog—hindi ito ang tipikal na revealing o masyadong mapangahas na kasuotan, kundi isang desenteng disenyo na may mahabang manggas na gawa sa mamahaling lace, ngunit yakap na yakap ang kaniyang baywang pababa. It exuded absolute, shooting elegance.
Para kay Ethan, ang simpleng estudyante na nakita niya noong isang araw na naka-oversized corporate jacket at kupas na sapatos ay biglang naglaho. Ang nakatayo sa harap niya ngayon ay isang babaeng mukhang handang mamuno sa isang imperyo sa tabi niya.
Hindi mapalis-palis ang mga mata ni Ethan kay Tala. Tinitigan niya ang bawat anggulo nito, mula sa kaniyang nakapusod na buhok hanggang sa dulo ng kaniyang gown, na nagdulot muli ng matinding kaba at pamumula kay Tala sa harap ng salamin.
"Mr. Martinez," basag ni Tala sa katahimikan, pinipilit na ibalik ang kaniyang business facade para lang hindi mahalata ang kaniyang kilig. "Baka matunaw ang gown. Isasama ko sa inventory damage f*e kapag may nasira."
Ethan cleared his throat, snapping out of his trance, bago ibinalik ang kaniyang malamig at seryosong mukha. "The design is... acceptable. It suits the Martinez brand identity."
"Naku, nagandahan ka lang, apo, dami mo pang sinabi!" tawa ni Mama Let na ikinamula ng dalawa.
Dumating ang gabi ng Engagement Day. Ang grand ballroom ng isang five-star hotel sa Makati ay napuno ng pinakamalalaking pangalan sa mundo ng negosyo, pulitika, at high society. Ang mga camera ng mga media at lifestlye reporters ay walang tigil sa pagpindot ng flash habang naglalakad sina Ethan at Tala papasok, magkahawak ang kanilang mga kamay bilang patunay ng kanilang "Opposites Attract Matrix."
Naging perpekto ang takbo ng gabi. Sinusunod ni Tala ang lahat ng kaniyang natutunan sa kaniyang sariling presentation—siya ang masayahin at madaldal na paborito ng mga matatandang investors, habang si Ethan naman ay nananatiling tahimik ngunit protective sa kaniyang tabi. Lahat ng hinala ng publiko ay unti-unting nawawala. They were winning.
Subalit, sa kalagitnaan ng gabi, biglang tumahimik ang musika sa tapat ng p***o ng ballroom. Isang matangkad, napakaganda, at eleganteng babae na nakasuot ng nagliliyab na pulang designer gown ang dahan-dahang pumasok.
Cassandra Valderama. Ang mismong ex ni Ethan na kamakailan lang niya huling nakatunggali sa cafe. Ang babaeng nagtaksil sa kaniya sa pamamagitan ng pagbebenta ng corporate secrets, na siyang dahilan kung bakit tuluyang lumalim ang trust issues at allergy ni Ethan sa mga babae.
Dire-diretsong naglakad si Cassandra patungo sa tapat ng stage kung saan nakatayo sina Ethan at Tala. May hawak itong baso ng mamahaling champagne, at may nakapaskil na mapanuring ngiti sa kaniyang mga labi.
"Congratulations, Ethan," bati ni Cassandra, ang kaniyang boses ay puno ng mapang-akit ngunit mapanganib na tamis. Tumingin siya kay Tala mula ulo hanggang paa, isang mapanghamong tingin. "I didn't know your taste in women had dropped this low. Isang hamak na student lang pala ang ipapalit mo sa akin pagkatapos natin maghiwalay?"
Naramdaman ni Tala ang biglang paghigpit ng hawak ng kamay ni Ethan sa kaniya. Ang mga kamay ng CEO ay biglang naging kasing lamig ng yelo, at ang kaniyang panga ay mariing nag-igting sa galit. Ang kaniyang allergy at trauma sa pagtataksil ng isang babae ay tila biglang umatake nang makita ang ex niya.
This is it, isip ni Tala habang nararamdaman ang panginginig ng katawan ni Ethan. The ultimate stress test of our business strategy.
Bago pa man makapagsalita nang masakit si Ethan at masira ang kanilang imahe sa harap ng media, mabilis na humakbang si Tala pasulong. Hinarap niya si Cassandra nang may matikas na tindig, itinaas ang kaniyang mukha, at binigyan ito ng isang napakakalmadong ngiti ng isang tunay na BS Entrepreneurship student na humaharap sa isang pekeng competitor.
"Miss Valderama, right?" malumanay ngunit malinaw na panimula ni Tala, sapat na para marinig ng mga reporters. "Sa business po, we don't call it 'dropping too low.' We call it asset optimization. Ethan didn't drop his taste; he simply upgraded to a partner with higher integrity and zero liability. In short... pinalitan niya ang isang kumpanyang may record ng malaking bankruptcy, para sa isang fresh startup na may malinis na kinabukasan."
Nasinghap ang mga tao sa paligid sa tapang ng sagot ni Tala. Ang mukha ni Cassandra ay biglang nagbago mula sa pagiging kampante patungo sa matinding galit.
Agad na hinawakan ni Tala ang braso ni Ethan, hinarap ito, at ngumiti nang napakatamis habang pinalalambot ang kaniyang boses. "Di ba, hon? Strictly business lang naman ang naging relasyon mo sa kaniya noon... pero sa atin, it’s a lifetime merger."
Ang matinding galit sa mga mata ni Ethan ay biglang napalitan ng gulat habang nakatitig sa matapang na pagtatanggol ni Tala sa kaniya. His heart suddenly skipped a beat. Naramdaman niya na sa unang pagkakataon, may isang babaeng tumayo sa harap niya hindi para kumuha ng pera, kundi para protektahan ang kaniyang sugat.
Ngunit hindi pa roon nagtatapos ang gulo.
Bago pa man makasagot si Cassandra, biglang lumapit ang isang bodyguard ni Ethan, may dalang emergency phone, at bumulong kay Ethan na naging sanhi ng biglang pagbabago ng kulay ng mukha ng CEO.
"Sir... ang kumpanya po natin sa London. May nag-leak po ng bagong system financial report ngayon lang... at ang pangalan po ng may-ari ng account na naglabas ng impormasyon... ay nakapangalan kay Miss Tala Banaag."
Sabay na napatingin sina Ethan at Tala sa bodyguard, habang ang mga flash ng camera ng mga reporters ay biglang nagsimulang magsunod-sunod sa direksyon ni Tala. Ang kaniyang PowerPoint strategy at Excel rate sheets ay biglang gumuho sa isang iglap.
Eksaktong alas-dose na ng tanghali, natapos na rin ni Tala ang pinapagawa sa kanya ni Mr. Martinez. Tumayo siya at lumapit sa mesa ng binata hawak ang flashdrive kung saan nakasave ang kanyang report.“Excuse me, Mr. Martinez, I already sent the audit report to your work email and here’s a back-up copy for your perusal,” pilit na tinataboy ni Tala ang kabang nararamdaman.“Put it on my desk. I’ll review them shortly. It’s lunch time. Do you have a plan right now?” Casual na sabi ng binata.“No, sir,” mabilis na sagot ni Tala.Tinigil na ng binata ang anumang ginagawa at mabilis na naglakad papalapit sa dalaga.“Then, let’s go out. Eat with me, hon."Napatigagal sa narinig ang dalaga at napaatras siya ng hakbang.“Mr. Martinez, with all due respect, don’t be delusional. I’m not your honey. Moreover, we’re at work. Can we maintain our professional boundaries?” Matapang na sagot ni Tala.“We’re in my office, Hon. Tayong dalawa lang dito. Above all else, I’m the CEO of this company.” Mulin
Isinantabi ni Tala ang kung anumang agam-agam na nararamdaman niya. Nasa loob sila ng training room ni Hazel kasama ang HR supervisor upang i-orient sila tungkol sa kanilang on-the-job training sa kumpanya. Binigyan muli sila ng tig-isang kopya ng kanilang memorandum of agreement at tinalakay ito upang siguruhin na nauunawaan nila ang rules, training hours, at ang responsibilidad nila sa kumpanta, at ang expectation ng kumpanya sa kanila.Matapos ang dalawang oras, isa-isa nang tinawag ang mga pangalan ng interns upang i-deploy sa kanilang mga designated departments."Miss Hazel De Vera, here’s your internship ID card. You are assigned to the Executive Secretary's Office under Mr. Mark Gallego," anunsyo ng supervisor na nagpabaling sa tuwa ni Hazel."Here’s yours, Miss Tala Banaag..." binalingan siya ng supervisor. "Please follow me. Your designated station is at the top floor, direkta sa loob ng Chief Executive Suite."Nanlalaki ang mga mata ni Tala sa narinig. "I’m sorry, Miss. I co
“Maiba naman tayo. Ano naman ang drama ninyo ni Kyle?”Napatigil si Tala sa pagsinga sa tissue nang marinig ang tanong ng kaniyang chismosang kaibigan. Nagpakawala siya ng isang malalim na bunting-hininga bago sagutin ang tungkol sa blockmate nila.“Kay Kyle? Naku, friend, kung alam mo lang,” kumuha muli siya ng tissue upang ipahid naman sa kanyang mukha na basa pa rin ng luha. “Naalala mo yung isang Biyernes na nagpresent tayo?” Tanong niya sa kaibigan.“Oo, two weeks ago na yun ah. Ano ang hindi ko nalalaman? Sige ikwento mo.” Mataman itong nakikinig sa kanya.“Noong araw na yun, hinabol ako ni Kyle sa may drop-off zone. Nagtapat siya ng feelings sa akin… gusto niya raw ako. Syempre, first time ko na makarinig ng confession tapos nasa school pa kaya sandali akong natameme. Bago pa man ako makakilos, ang lolo mo bigla na lang iniyuko ang mukha at tinangkang halikan ako sa mismong mga labi.”“Oh my gosh! Tala! Tinangka ka niyang tukain?!” Parang nasisilihan sa pwet si Hazel sa tindi ng
“Friend, super cozy naman ng unit mo! Napakabango at napaka-relaxing dito! Para akong nasa staycation. Ang shala! Tapos may swimming pool pa sa baba.” Papuri ni Hazel habang inilalapag ang kanyang gamit sa tabi ng sofa.“Feel at home, friend.” Sabay bato niya ng isang rolyo ng tissue sa kaibigan nang makaupo ito sa sofa.“Wow ha! Uumpisahan na ba natin agad-agad? Di ba pwedeng magrelax muna tayo sandali?” Reklamo nito sa kanya nang masalo nito ang tissue.“Gagi, itabi mo lang yan sa iyo. Gagamitin natin yan mamaya, tig-isang rolyo tayo.” Sarcastic remarks niya rito.“O-kay! Pasilip sa balcony mo ah!” Pagpapaalam ni Hazel.“Kakasabi ko lang kanina, feel at home. Do as you please, friend.” Nakangiti si Tala.“Sheeeeeeeettt! Ang ganda naman ng sunset view mo rito! Palong-palo!”Tama naman talaga si Hazel. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya pinili itong unit kaysa sa iba. Ito lang kasi yung bukod tangi na may magandang view ng sunset ng Manila Bay.“Halika muna sa sala. May plano akong i
“Cleared ka na, Ms. Banaag. You have completed your onboarding requirements,” nakangiting wika ng coordinator matapos nitong i-check ang kanyang envelope. “Please wait for the memorandum of agreement within this week para sa deployment ninyo.”“Thank you, Miss,” magalang na tugon niya rito.Nakahinga ng maluwag si Tala. Maaga siyang pumasok kanina para mapanotaryo ang kanyang consent form. Hindi na kasi siya nakaabot kagabi dahil inabot lang naman siya ng ilang oras sa biyahe sa tindi ng traffic. Sa dulo ng hallway sakto namang naghihintay si Hazel. Magiliw na ngiti ang pinakita nito sa kanya.“Ano, friend, sa tingin mo kaya may pag-asa tayo makapag-OJT sa kumpanya ng jowa mo?” Excited na excited ang tono ng pagkakasabi nito sa kanya.Kung anong dalangin ko na huwag na sana magkrus pa muli ang landas namin ni Ethan, ay siya namang kabalintunaan na hiling ng aking butihing kaibigan.“Ah, malay mo. Marami namang naglalakihang kumpanya dito sa malapit lang. Laking tipid din yun para sa a
CHAPTER 27Dumating ang Sabado ng umaga. Kinailangan ni Tala na lumuwas sa kanilang probinsya sa Quezon. Ilang oras din ang kaniyang naging biyahe. Bitbit ang kaniyang backpack na may lamang documents na kailangan papirmahan sa kanyang ina. Pagbaba niya sa bus terminal, sumakay pa siya ng jeepney upang makarating sa kanilang baryo. Sariwang hangin ang nalalanghap niya sa mga oras na yon, taliwas sa nakagawian niya sa Maynila.I miss my hometown. Naisip niya sa mga oras na iyon habang nasa biyahe. Sa bakuran ng kanilang lupa, nakatayo ang kanyang ina. Nagwawalis ito ng mga tuyong dahon. Bagamat nakayuko, hindi nito napansin ang kanyang pagdating.“Nay…” sambit niya rito. Her tone carried a trace of longing. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.“Tala, anak!” Nabitawan nito ang walis tingting na hawak at mabilis na tinungo siya para yakapin. “Halika, pumasok tayo sa loob. Alam kong pagod ka sa biyahe.”“Miss na miss kita, Nay.” Yakap pa rin niya ang ina bago sila gumayak paloob n







