Sampong dial na siguro ang ginawa ko para contact-in si Mike ngunit hanggang ngayon ay hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Pauwi na kasi ako ng bahay galing sa office ng family attorney namin, and good thing ay nagsabi naman ito sa akin ng mga kailangan kong gawin para matubos ko ang bahay namin. But I really need Mike’s cooperation. Kailangan niyang aminin sa akin kung anong dahilan niya para isangla ang bahay namin nang hindi niya ipinapaalam sa akin at kung saan niya dinala ang pera. Malaki-laki rin kasi ang presyo ng pagsasanglaan ng bahay namin sa bangko, at malaking halaga rin ng pera ang kailangan namin para matubos ito. “Andrea…” Papasok na ako sa loob ng bahay nang makasalubong ko sa pintuan si Mike na siyang papalabas naman at dala niya ang kanyang mga bag. Malaki ang sukbit niya na bag, so I’m sure mga damit niya ang laman ng mga ‘yon. “Ano ‘to?” Nagpumilit ako na tanggalin sa balikat niya ‘yong bag pero mahigpit niya ‘yong hinawakan at inilalayo sa akin ang bag. “Ano
Tila ba naging maamo bigla ang mukha ni Mike at kaagad siyang lumapit sa akin. “Please, ‘wag naman sana tayong umabot sa gan’yang punto, Andrea. Alam kong magiging mahirap na para ayusin o buuin ulit ang pamilya nating dalawa, pero ‘wag mo namang gamitin ‘yon na dahilan para manira ka ng ibang relasyon.” Gusto kong halakhakan si Mike. Kahit sakrastiko man o peke, gusto ko lang ipakita sa kanya na mas lalo lang siyang nagiging walang-kwenta sa paningin ko. Kung kaya’t para mas lalo kong maasar ang mukha niya, I smirked at him while raising my brows. “Ang unfair din naman pala ng buhay, ‘no? Ako itong nananahimik at mayroon akong sariling pamilya na pinoprotektahan. Wala akong inaagrabyadong ibang tao sa pananahimik ko pero bakit ako itong pinarurusahan ng buhay?” may halong bitterness kong sambit nang hindi ako makatingin sa mga mata ni Mike nang diretsyo. “Hindi naman ako naninira ng ibang relasyon, so bakit kailangang ako ‘yong masaktan?”Naglakad ako’t nilagpasan ko siya, at nang
Agad akong pinigilan ni Morgan nang akmang tatalikuran ko na siya upang makabalik na ako ng ospital. “Huwag kang gagawa ng padalos-dalos na desisyon, Andrea. At this moment, mas mabuti siguro kung mag-lie-low ka na muna sa gulo. Katatapos lang kasi ng nangyaring gulo nitong nakaraan, and as you know… sariwa pa ang tungkol sa isyu. Hindi p’wedeng susundan mo kaagad ng kasunod na isyu ‘yon kung ayaw mong magkapatong-patong ang poproblemahin mo.” “Wala naman akong gagawin-”“Kitang-kita ko ang panggigigil sa mukha mo, Andrea. Alam kong may plano kang sugurin si Doc Bernard ngayon that’s why I’m stopping you from here,” may pag-aalala na sambit ni Morgan as he was tightening his hold to my arm. “Nakikiusap ako sa iyo… don’t make reckless decision. Suspinde ka sa ospital ngayon for a week… and don’t make your suspension become a termination ‘pag nagpaapekto ka sa emosyon mo.”Nagpumiglas ako mula sa hawak niya. Lumapit lang ako sa kotse ko at isinandal ko roon ang katawan kong matagal na
“What do you mean-”“Ahh, kakabitan na po ng sphygmomanometer si Eloise, doc. Check po muna natin ang blood pressure niya habang naghihintay na matapos ‘yong conference ni Doc sa loob,” pagpapalusot ni Kath tiyaka siya tumawag ng nurse na mag-a-assist doon sa mag-ina. While I crossed my arms around my chest after those two have left us, masama ang titig ko sa hangin. Pagkakataon ko na kasi para ibunyag sa nanay ni Eloise ang kagagahan na ginawa niya, e lintek naman kasi si Kath… umeksena pa.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Andeng?” Binalikan na ako agad ni Kath at hinila papalabas ng ospital. “Inisip mo man lang ba nang maigi kung ito na ‘yong perfect timing na ilaglag mo si Eloise sa nanay niya?”“Kailan ba ‘yong tamang panahon?” Tinaasan ko si Kath ng kilay. Huminto ako sa paglalakad. “Hindi ba karapatan malaman ng nanay ng malanding ‘yon ang ginawa niya sa akin? I end up suffering kasi siya ang pinili ng asawa ko kaysa sa amin ni Gian! Kunwari pa ang Eloise na ‘yon na natata
“Gian, ano ba ‘tong sinasabi mo sa akin?” naguguluhan kong tanong at iniharap ko sa akin ang anak ko. “Talaga bang… nakilala mo ang babaeng ‘yon-”“May duty ka kasi sa ospital no’ng may Family day sa school po namin, ‘di ba?” Hindi makatingin sa akin nang diretsyo si Gian. “Naiintindihan ko naman ko kung bakit hindi ka po makakapunta at makakasama sa amin ni Papa sa Family day. Pero… syempre, nalulungkot ako.”“Tapos nangyari na nga po… na nilapitan ako ni Tita Eloise at itinanong niya sa akin kung bakit daw po ako malungkot. E, ang mga kaklase ko po kasi ay parehong kasama ang mga magulang nila. Ako lang po ‘yong hindi. So, inalok po niya ako kung p’wede raw bang siya muna ‘yong magiging nanay ko… sa araw lang naman po na ‘yon.” “Edi nagkakilala po sila ni Papa nang dahil sa akin, ma…” Kinuskos ni Gian ang mga mata niya. “Noong araw pa lang po na ‘yon, nakahalata na ako na parang iba ‘yong paraan ng pagtingin ni Papa kay Tita Eloise. Hindi ko lang po sinabi sa iyo kasi ayokong mag-a
Hindi ako lubos na makapaniwala sa mga nalalaman ko. Makatotohanan kasi ang pictures na ipinakita ni Kath sa akin, although hindi ko nga pala naitanong kay Kath kung saan niya ‘yon nakuha… pero paniwalang-paniwala ako roon. Akala ko kasi talaga ay totoo.Ngunit hindi ko namamalayan na ang mundo nga naman pala ay teknolohiya na ang nagpapatakbo. Kayang-kayang i-manipulate ang katotohanan. Kayang pagmukhaing totoo ang hindi. “I wonder kung naitanong mo sa kaibigan mong doktor kung saan galing ang picture na ipinakita niya sa iyo,” dagdag na tugon ni Jazz kung kaya naman napabalik ang atensyon ko sa kanya. “We’ll never know… baka nga siya pa ang nag-edit no’n para sirain ang image ko sa iyo.” “Hindi ‘yon magagawa ni Kath,” pagtatanggol ko sa kaibigan ko. “Since college ay kaibigan ko na ang babaeng ‘yon, and never niya akong tinraydor. Especially now? Hindi na kami isip-bata para magsiraan.”“Suspetsya lang naman ang mayroon ako, Andrea. Kasi ako na ang nagsasabi sa iyo… idagdag pa na
Blessing in disguise na rin siguro na nasuspinde ako pansamantala sa ospital. Right timing na mayroon akong mga bagay na kailangang ayusin at masasabi kong hindi magiging boring ang buhay ko while I’m away at work. “In this case, malaki-laki ang laban natin sa asawa mo, Andrea. Dahil kung itutuloy mo man ang pagsasampa ng Sexual Adultery sa kanya, kayang-kaya nating patunayan sa korte na nangaliwa ang asawa mo at nakipagtalik sa babaeng hindi niya asawa… and the divorce papers exists to prove our arguments were true.”“Wala pa namang pirmahan ng divorce ang nangyayari, ‘di ba?” Bilang naging sagot ko, umiling ako kay Attorney. “Great! Sa tingin ko naman ay magiging smooth itong pag-aasikaso rito sa case mo, Andrea. Madali nating mapatutunayan na hindi ka pa man opisyal na hiwalay sa asawa mo, nangaliwa na ito at nagkaroon ng anak sa kabit niya.” Kahit papaano naman ay nakahinga ako nang maluwag sa naging daloy ng usapan namin ni Attorney. Since mapilit din naman kasi si Morgan na ta
Sobrang nakakahiya ng naging sagot ko kay Morgan after niyang aminin sa akin na may feelings pa rin siya for me. Natawa lang ako at sinabing mahal ko rin siya… as a friend nga lang. Alam ko rin na nasaktan ko siya for saying that, and I make sure not to open the topic about that again. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para ipaliwanag kay Morgan na bilang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. I can’t imagine myself having a romantic relationship with him. Well, magandang lalaki naman si Morgan, matipuno, doktor din na kagaya ako at isa rin siyang part-time businessman. Ideal type siya, e. Husband-material, but… for me, hindi kasi ang kagaya ni Morgan ang type ko sa lalaki. “Well… hindi na ako nagulat,” pahayag ni Kath habang pumapapak ng tocino na natira ni Gian kanina noong siya ay nag-almusal bago pumasok sa eskwelahan. “Alam naman nating pareho na lover boy ng taon ‘yang si Morgan. Ilang years na rin siyang patay na patay sa iyo, Andeng. Kaya ngayon na hiwalay