Share

Chapter 20

Hindi ako lubos na makapaniwala sa mga nalalaman ko. Makatotohanan kasi ang pictures na ipinakita ni Kath sa akin, although hindi ko nga pala naitanong kay Kath kung saan niya ‘yon nakuha… pero paniwalang-paniwala ako roon. Akala ko kasi talaga ay totoo.

Ngunit hindi ko namamalayan na ang mundo nga naman pala ay teknolohiya na ang nagpapatakbo. Kayang-kayang i-manipulate ang katotohanan. Kayang pagmukhaing totoo ang hindi.

“I wonder kung naitanong mo sa kaibigan mong doktor kung saan galing ang picture na ipinakita niya sa iyo,” dagdag na tugon ni Jazz kung kaya naman napabalik ang atensyon ko sa kanya. “We’ll never know… baka nga siya pa ang nag-edit no’n para sirain ang image ko sa iyo.”

“Hindi ‘yon magagawa ni Kath,” pagtatanggol ko sa kaibigan ko. “Since college ay kaibigan ko na ang babaeng ‘yon, and never niya akong tinraydor. Especially now? Hindi na kami isip-bata para magsiraan.”

“Suspetsya lang naman ang mayroon ako, Andrea. Kasi ako na ang nagsasabi sa iyo… idagdag pa na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status