Kinabukasan ay maaga kaming nakarating ni Kuya Aaron sa diner na napili nina Tito Regan para sa meet-up ng aming pamilya. Si Papa nga sana ang mamimili ng lugar dahil alam naman niya ang mga gustong pagkain ni Lolo, pero mapilit si Tito Regan na doon nalang kami sa napili niya, dahil ayon sa kaniya, iyon ang paboritong kainan ni Lolo kapag pumupunta sila ng Metro Manila.“Kuya, sa tingin mo ba, ito talaga ang paboritong kainan ni Lolo?” tanong ko kay Kuya Aaron pagkababa namin ng sasakyan niya.Mataman niyang pinagmasdan ang pangalan ng diner na iyon at nag-isip.“Maybe? I don’t know. Wala naman akong gaanong alam kay Lolo dahil hindi naman ako lumaking malapit sa kaniya. You know the story, right? Lumaki ako kina Lolo Arthur kaya mas kilala ko sila kaysa kay Lolo Raoul.”Napanguso naman ako.“Ganoon ba? Sayang naman. Siguro kung hindi ako nawala, alam na alam ko na kung anong mga paborito ni Lolo Raoul.”Naningkit ang mga mata ni Kuya Aaron sa akin.“Bakit? May ginawa ba akong masama
Nakangiting tumango-tango si Lolo sa akin.“Okay. That’s settled then. Starting next month, you’ll be heading the Centre Point. I’ll be checking your progress from time to time, Gabriella.”Nahampas ni Tito Regan ang kaniyang kamay sa lamesa. Dahil sa ginawa niya, lahat kami ay napabaling nang tingin sa gawi niya. Nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Lolo Raoul. Minsan naman ay dumadaan kay Papa at kay Kuya Aaron na mukhang wala pa ring pakialam sa pinag-uusapan. Samantalang si Miss Sabrina naman ay gulat na gulat sa nangyari. Nakaalalay naman si Papa sa kaniya. Mukhang hindi rin inasahan ni Papa na ganoon ang magiging reaksiyon ng kaniyang kapatid sa nangyari.On the other hand, Lara seemed to be ashamed of her father’s reaction. Nanatili siyang nakayuko at inaabot ang kamay ng kaniyang ama na kasalukuyang nakakuyom sa ibabaw ng lamesa.“What’s wrong with you, Regan?” pagalit na tanong ni Lolo sa kaniya.Tumuwid sa pagkakaupo si Tito Regan at tumikhim.“You can’t do this to
Lumawak ang ngisi ko nang marinig ko ang sinabi ni Anton. Who would’ve thought that Anton has the capability of friend zoning someone? Si Karina pa talaga huh? Samantalang noong nag-aaral palang kami ay si Karina ang hinahabol ng mga kalalakihan sa eskuwelahan dahil nga maganda siya at matalino. Ekis lang talaga sa ugali dahil bukod sa paasa siya sa mga lalaki, masama rin ang ugali niya dahil mahilig siyang mam-bully ng kaniyang mga kaklase. At siyempre, isa na ako roon sa mga na-bully niya noon.“Naks, ikaw ang nang-friend zone? Talaga? Eh dati iyan ang hinahabol ng mga lalaki sa UST eh.”Napasimangot naman si Anton dahil sa pang-aasar ko sa kaniya.“Pumunta ako rito para magpatulong, Gab, hindi para asarin mo. Malalagot ako nito kapag hindi ko ito naayos bukas. Kung bakit ba naman kasi ganito ang ginawa niyang floor plan, tsk!”“Dapat kasi, pinagawa mo muna sa kaniya ang floorplan bago mo binasted. Ewan ko ba naman kasi sa’yo. Buti pa ako, ang ganda ng araw ko ngayon.”Kumunot ang n
I was caught off-guard of what he did. Hindi ko man lang naisip na posible niya iyong gawin sa akin. Maraming buwan na ang lumipas at sa mga lumipas na buwan na iyon ay walang humalik sa akin. I never thought that we’ll kiss again ever. Kaya medyo bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Madali akong madala lalo na kapag ganito. Aminado naman akong namimiss ko siya. Ang amoy niya, ang malambot na labi niya, at mabango niyang hininga. Ah, lahat ng ito ay pinangarap kong muling madama.Kaya hindi ko alam kung dapat ba ay hayaan ko lang siya sa ginagawa niya o pigilan ko siya dahil unang-una, wala naman kaming relasyon dalawa kaya bakit niya ako hinahalikan? Pangalawa, ex ko siya, sa tingin ko ay hindi tama iyon. Ang ikatlong rason ang bahagyang nagpakirot ng puso ko, iyon ay dahil sa pagkakaalam ko ay may dini-date siyang babae.Bago pa man ako tuluyang madala sa init ng nararamdaman ko, humawak ako sa kaniyang balikat at saka tinulak siya palayo.“Ano ba?!” sigaw ko sa kaniya.Humihingal
Kagaya nang inasahan ko, tinadtad nga ng text ni Karina si Anton habang pauwi kami ng kaniya-kaniya naming unit.“Kasalanan mo ito, Gabriella. Kapag ako talaga hindi pinansin niyon bukas sa trabaho namin, ikaw ang sisisihin ko.”Mahina akong tumawa.“Bakit ano bang ginawa ko? Gusto ko lang naman malaman kung pupunta siya eh.”“Gab, pinahiya mo iyong tao.”Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.“I know. That’s my purpose of doing that. Dahil gusto ko siyang mapahiya sa akin. And I really think I did a good job there. Gusto ko lang maranasan ang ginawa niya sa akin noon. If you only knew how she spread fake information about when we’re still studying.”Kumunot ang noo ni Anton.“Akala ko ba nakaganti ka na sa kaniya? Hindi ba, noong sinampal mo siya sa loob ng unit ko?”Tumawa ako nang mapakla.“Nakaganti? She made my four years in college a living hell, tapos sa tingin mo okay lang iyong isang sampal na nakuha niya mula sa akin? Come on, Anton. Revenge isn’t like that. Gagan
“What? you’re asking me for a vacation? For what reason?” kunot-noong tanong ni Papa sa akin nang iabot ko sa kaniya ang letter na ginawa ko para sa hinihingi kong one-week leave sa pagta-trabaho sa kumpanya.Humugot ako ng malalim na hininga saka tumingin nang diretso sa kaniya. Sa totoo lang, gusto ko siyang diretsuhin at sabihin na alam ko na lahat kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan. Lahat ng plano niya. Lahat ng masasamang bagay na ginawa niya para lang siya ang ituring na mabait sa lahat ng mga anak ni Lolo Raoul.Nalaman ko iyon sa kaniyang bibig mismo. Kaya kung mayroon man akong nararamdaman sa kaniya ngayon, iyon ay galit at sama ng loob. Hindi rin maalis sa isipan ko ang sinabi niya kay Sabrina Acosta. Pakakasalan niya ang babaeng iyon? Gusto kong matawa. Mom is way better than her. Mom is smarter, prettier, and whole lot more.Pero kung sabagay, kung sino ang sa tingin mong makakatulong sa’yo, malamang yun ang pipiliin mo. Kagaya na lamang nang pagpili ni Papa kay Sabr
Pagdating ko sa mansiyon ay akong sinalubong ng mga helper para kunin ang mga gamit ko. Nasa living room na rin nakaabang sina Lolo at Lola, maging si Nana.Nagmano ako at saka yumakap sa mga ito. Bakas ang pagkatuwa sa kanilang mga mukha.“Nagpahanda ako ng ilang maraming pagkain para sa’yo apo. Mabuti nalang at naisip ko iyon. Tingnan mo nga iyang katawan mo, namamayat ka na sa sobrang pagtatrabaho mo riyan sa kumpanya ng ama mo. Para hindi ka na yata nagpapahinga.”Ngumiti ako kay Lolo. Hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan ang likuran.“Lolo, siya nga po pala, nagdesisyon si Lolo Raoul na ako muna ang humawak ng Centre Point sa susunod na anim na buwan.”Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata.“Talaga, apo? Naku, nakatutuwang malaman ang tungkol diyan. Kung pinagkatiwalaan ka na ni Raoul sa kaniyang negosyo, sa tingin ko ay magiging ligtas sa mga kamay mo ang shipping lines na ipinundar ko para sa ating pamilya. Tatanggapin mo naman siguro ang shipping lines bilang responsibil
Sa dami ng nangyari sa amin ni Jacob, halos makalimutan ko na kung ano ang pagkakaayos ng interior ng Lake House na ito. Pagpasok ko sa loob ay agad kong pinasadahan nang tingin ang palibot. Naroon pa rin ang mga painting na ginawa ko. Hindi kasi natuloy ang pagpapatayo ng bar sa General Luna kaya siguro kaysa itapon ang mga paintings na dapat ay para roon, pinili nalang ni Jacob na sa loob ng bahay isabit ang mga iyon.“Medyo binago ko ang style ng bahay. Palagi akong nandito noong panahong hiwalay na tayo. Halos bihira akong pumunta ng siyudad. Binago ko lang ito nang konti para mas maging malawak living room.”Marahan akong tumango.“Maganda ang ginawa mo. Mas naging maaliwalas sa paningin.”Itinuro niya ang kabilang sofa kaya doon ako umupo.“Nandito ka ba para—”“Makipagbalikan sa’yo?” Ako na ang tumapos sa tanong niya. Kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga alam kung anong itatanong niya. Sa totoo lang, bago ako pumunta rito, sinabi ko na sa sarili ko na kailangan kong maging