Pupungas-pungas ng mata si Yamirah habang kinakapa ang switch ng kanilang kuwarto. May dalawang kuwarto ang bahay nila ngunit nang namatay ang ama ay minabuti niyang tumabi sa kanyang lolo at lola.
Dahan-dahan siyang bumangon, sinubukang huwag makagawa ng ingay. Hirap ang kanyang lolo sa pagkuha ng tulog, madalas hatinggabi na itong dinadalaw ng antok. Dahil dito, hangga't maaari ay ayaw niyang magising ang sinuman sa kanila.
Nang makita ang phone na nasa ibabaw ng aparador, lumabas siya ng kuwarto gamit ang flashlight nito. Pumunta siya sa kusina at nagsaing. Isinabay niya naman na ang pagka-kape nang naisalang na niya ang ulam sa lutuan.
It has been her everyday routine for years. Maaga ang pasok niya dahil dadaan pa siya sa office ng dean. She is a college scholar. May mangilan-ilang trabaho ang ibinigay sa kanya ng dean na siyang ginagawa niya bago magsimula ang klase.
Sa hapon naman ay sasaglit siya sa Reading Center para magsinop ng mga librong hindi naibalik nang maayos at para maglinis ng anumang kalat. Paminsan-minsan din siyang inuutusan ng adviser ng Kapisanan ng Inang Wika, isa sa mga school organization, na bumili ng foundation sa Watson. At dahil madali namang nauutusan, madalas siya nitong ilibre ng tanghalian.
Her grandparents are not getting any younger. Bilang responsable at mapagmahal na apo, ginagawa niya ang lahat para matulungan sila. This is the least thing she can do—ang tumulong sa gawaing-bahay. Her lola is still working but oftentimes she stays at home when her arthritis keeps her in place.
Nakakatulong ang mga trabahong pinapasukan niya para sa kanyang allowance, pero halos isang buwan na siyang walang part-time. She really need to work.
Nang matapos sa mga gawain ay nagbihis na siya para sa pagpasok. She checked her grandparents one last time before finally leaving.
Kagaya niya ay panay hikab din ang kaibigang si Vera habang tinatahak nila ang kalsada papunta sa sakayan.
Pareho silang inaantok hanggang sa naramdaman niya ang biglaang paghampas sa kanya ng kaibigan sa braso.
"Bakla! Ano pala ang resulta ng interview mo? Sorry, kinailangan kong umalis. Natanggap ka ba?"
Parang gustong bumaliktad ng kanyang bituka sa narinig. Halu-halo ang nararamdaman niya tungkol sa nangyari kahapon, hindi niya tuloy mawari kung ano ang mas nangingibabaw—tuwa o pagkadismaya.
"Hindi. Nalaman nilang estudyante ako. Sinabi sa akin ang quota, at sinabi ko ang totoo na hindi ko kaya."
"Gaga ka!" react agad nito. "Um-oo ka na lang sana nang natanggap ka na. Saka mo na lang problemahin 'yang quota na iyan, ano ka ba?"
Ilang beses siyang umiling. "Hindi ako sumasang-ayon diyan. Lalo lang akong madidismaya at sila rin. Nakakahiya kapag sa huli ay hindi ko pala kaya. Naiintindihan mo?"
Lumiko sila at natanaw na niya ang himpilan ng mga tricycle. May mangilan-ilan nang estudyante ang kagaya nilang maaga rin pero sa ibang unibersidad nabibilang.
"Bahala ka," sa huli ay sabi na lang nito. "'Nga pala, nakita mo ba siya?" Biglang bumalik ang sigla sa boses nito.
"H-ha? Sino?" nauutal na tugon niya nang muling nagsumiksik sa kanyang memorya ang imahe ng binata. Hindi pa man sabihin ay alam niyang ito ang tinutukoy ni Vera.
"Sino pa ba? Si Ash Santillan! Iyong anak ng CEO?" Alam ko.
"Ah, oo, nakita ko," tipid niyang sagot kahit na ang dami nang nasabi ang puso niya sa bilis ng tahip ng kanyang dibdib.
"Ang guwapo, 'no?" Nagtitili ang kaibigan dahilan kung bakit nabaling sa kanila ang atensiyon ng ilan sa mga tricycle driver. "Sana all! Dapat naki-picture ka na. Kahit picture niyo na lang ang naiuwi mo, bakla!"
Halos lumaki ang butas ng ilong niya sa sinabi nito. "At bakit? Temporary lang naman ang lahat." Masakit, ha.
"Kaya nga, gaga ka. E di sana nag-uwi ka ng remembrance. Shunga naman, Yam!"
Nagkibit-balikat siya at sinabi sa tricycle driver ang destinasyon nila.
Pumasok siya sa loob. "Bakit pa ako gagawa ng alaala kasama ang taong hindi rin lang naman mapapasaakin?"
Sumunod namang pumasok ang kasama. "Ano?"
"Wala," iling na lang niya. "May nahanap ka na bang part-time?"
"Oo nga pala!" May kung ano itong naalala. "Iyong tita ni Haley na classmate ko, may shop malapit sa Hyper. Car wash daw."
"Tapos?"
"Nangangailangan ng trabahador. Nagsara na kasi iyong isa pang car wash na malapit din doon kaya dumami ang pumupunta sa kanya. Malas pa dahil sinesante niya iyong tatlo sa mga trabahador kasi nag-inuman ang mga ito nang wala siya."
Biglang natuwa si Yamirah at nagkaroon ng interes. Car wash? Not bad.
"Tayo ang papalit, kung ganoon?"
"Hindi, kakasabi ko pa lang kay Haley, e. Pero hopefully ay tayo nga ang makuha. Kung sakaling tayo nga, sa makalawa pa tayo magsisimula."
Tumango-tango siya. "Okay lang, may allowance pa naman ako. Binigyan ako ni Lola kagabi."
"Ayos. Sabihan na lang kita kung sakali."
Sakto namang natapos ang usapan nang tumigil na ang tricycle.
***
"Madalas naman ay nag-o-overnight ang mga sasakyan kaya ayos lang na pumasok kayo sa alas-cinco. Basta mag-double time na lang kayo para matapos ninyo bago mag-alas-otso."
Nandito na sila ngayon sa shop ng tita ni Haley at kasalukuyang nakikinig sa instructions na ibinibigay nito. Tuwang-tuwa sila nang nalamang natanggap sila kaya naman kahit pagod sa maghapong pag-aaral ay very excited silang pumunta agad dito.
"Nasa storage room lahat ng kailangan sa paglilinis. Ito naman ang mga remote para sa dalawang nasa gilid. 'Yung loob lang ang pinalilinisan ng mga may-ari, iwasan niyo na lang ang paghalughog ng kung anu-ano kung hindi kinakailangan."
Pagkatapos sabihin kung anong sasakyan ang lilinisan ng bawat isa, inutusan na silang magsimula.
Ingat na ingat siya sa paglilinis. Mahirap na, baka magasgasan niya ang nagkikintabang mga sasakyan na ito. Aniya sa sarili ay mas mahal pa ang bawat isa sa mga ito kaysa sa buhay niya.
Nang nakatapos na siya ng dalawa, pumunta na siya sa may pinakagilid na sasakyan para linisan ang loob nito.
Nang sinipat niya ang phone sa bulsa ay nakitang alas-sais y media na. Walang-duda kung bakit nagsisimula na siyang magutom at makaramdam ng panghihina.
Nakakapagod din pala. Siyempre, lahat naman ng trabaho ay nakakapagod. Minsan inuubos nito ang pisikal na lakas, mental, at minsan ay emosyonal. At sa estado niya, lahat na. Pagod na siya sa lahat, pero hindi pa ito ang panahon para tumigil at magpahinga.
Pinindot niya ang remote at narinig ang pag-unlock ng isang Fortuner na mukha na namang bago at kaunti pa lang ang natakbo.
Akmang bubuksan na niya ang pinto nito nang muli niyang sinipat ang kabuoan nito. Pamilyar sa mata. Nang buksan niya ito at ikinalat ang paningin sa loob, lalo siyang nagtaka. Pamilyar sa pakiramdam.
Ipingwalang-bahala na lang niya ito. Kailangan na nilang matapos agad ang lahat ng ito dahil pagod na pagod na siya. Medyo marami-rami rin kasi ang ibinigay na trabaho sa kanya sa Office of the Dean kanina kaya ramdam na ramdam na niya ang exhaustion.
Nang makuha na ang pamunas at ang maliit na vacuum cleaner, muli siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Napansin naman niya ang isang folder sa ibabaw ng shotgun seat at bigla itong rumehistro sa kanyang isipan.
Sabi ng may-ari ng car shop, huwag mangialam ng nga gamit sa loob ng sasakyan, pero ibang usapan ngayon dahil mukhang siya naman mismo ang may-ari ng folder na ito.
Nakumpirma niya iyon nang binuksan niya ito at nakita ang mga papel na ipinasa niya sa kumpanya ng TAP-application letter at resumé. Kahit umiikot na ang paningin niya ay sigurado siyang sa kanya ito.
Kung ganoon, sasakyan ito ng CEO ng TAP. Pero... ano ang mayroon sa folder ko?
Iwinaglit niya ang laman ng isipan. Nagsimula siyang naglinis, siniguro niyang maayos niya itong nagawa. Nang natapos na niya ay napaupo siya sa sahig ng passenger's seat. Hinanap niya si Vera mula sa bintana at nang makitang hindi pa ito tapos ay minabuti niyang sumandal muna sa pintuan.
Malamig pa sa loob ng sasakyan dala marahil ng matagal na paggamit sa air-con nito kaya hindi siya naiinitan. Kaybilis dumaan ang minuto at unti-unti siyang nakaramdam ng antok. Naisip niyang gigisingin na lang siya ng kaibigan kapag tapos na ito kaya pinagbigyan niya ang gusto ng kanyang katawan.
Ipinikit niya ang mga mata at dala ng matinding pagod at antok ay tinangay na siya sa isang malalim na tulog.
Pero bago iyon, may halos kasing-hina ng bulong ang dumaang boses sa kanyang tainga na nagmunula sa kung saan.
"There's an emergency, I need to take the car now."
Ikinalat niya ang tingin sa paligid. At first, she just shrugged the bright light coming from the dome lights few inches away from her. But when she gathered her senses, like being pulled by a string, she immediately stood up from laying."Oh my God," nanlalaki ang matang bulong niya sa sarili. "Oh my God."Bakit pa ako nandito?!Hindi niya alam kung ano ang nangyari, basta ang natatandaan niya ay nakatulog siya rito kanina dahil sa sobrang pagod. Wala na ito sa car wash pero siya, narito pa rin sa loob!"What... the... hell."Napansin niyang nasa ibabaw na siya ng passenger's seat, at lalo siyang nawindang nang makitang umaandar ang sasakyan at nakabukas ang air-con!Napahilamos siya sa mukha at kinapa ang phone. Nakita niyang wala man lang ni isang missed call mula kay Vera. Kahit hindi naman ito mayaman ay alam niyang lagi itong may pan-text sa dami ng textmate nitong nakuha kaka-plug ng number nito through group message.Nang umayos siya ng upo ay halos hindi niya pa maramdaman an
Dalawang-araw siyang hindi pumasok sa klase. Pinakaunang araw ng trabaho nila sa car wash ay nilagnat na siya. Kinabukasan paggising niya, sobrang sakit ng buong niyang katawan. Kung sakit lang sana sa ulo ay kakayanin niyang tiisin. Ang kaso, kaunting galaw niya lang ay halos maghingalo na siya sa sakit.Napakamalas ko, talagang-talaga. Iyong una niyang suweldo, naibili rin niya ng gamot para sa sakit ng ulo at katawan. Mas malas pa dahil hindi na niya matulungan ang kanyang lola sa mga gawaing-bahay. Sa halip na makatulong, mas lalo pa siyang naging pabigat.I better have nothing to eat than to get sick!Ikatlong-araw na ito na hindi siya pumasok. Ayos na ang pakiramdam niya pero hindi siya pinayagan ng lola niyang lumabas at baka mabinat siya.Buryong-buryo na siya sa loob ng bahay. Nakapaglinis na ang matanda at nakapagluto na rin ng ulam para sa buong maghapon, wala na siyang ibang puwedeng gawin. Napagod na ang mata niya kakabasa ng notes at kakatipa sa cell phone para sa bago n
Hindi siya umimik. Napasunod na lang ang kanyang mata sa pagbukas ng pinto ng sasakyan, at mula rito ay umibis ang lalaking gustong-gusto na niyang makita pero gusto niya ring iwasan.Pigil ang hininga niya nang inilibot ng binata ang tingin doon, hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa kanya.Her knees weakened... again. His presence, his stare, it's making all her senses go haywire. And the reasons of all these inner chaos she's trying to control is still vague. At first she thinks it is a reaction of the fact that Ash is a tycoon-the soon-to-be Chief Executive Officer. Then there are times she admits he is undeniably and inarguably admirable. Ah, the vagary of thoughts."Hello po, Sir Ash!" biglang nag-ingay si Vera. "Papalinis kayo ulit? He he."Pabebe. Gusto niyang sikuin ang kaibigan sa asal na ipinapakita nito, pero mukhang sanay na sanay naman na ang binata sa ganitong klase ng mga babae."Hindi, may iba akong sinadya rito," sagot naman ng binata habang nakatitig pa rin sa ka
Five years later..."Happy 24th birthday, Yamirah!""You know I don't celebrate birthdays."A slight chuckle came out from the speaker. "I miss you."Tipid siyang ngumiti nang marinig ang medyo nagtatampong boses ng kaibigan. "Miss na rin kita, oy.""My son wants to meet you. Alam mo naman kung gaano ako kabuting kaibigan, 'di ba? I told him a lot about you—pure positive."Hindi niya napigilang matawa nang malakas. "Kasi from the first place, wala ka namang masasabing negative tungkol sa akin.""Oh?" tunog unconvinced na tugon ng kaibigan. "E, ano ang tawag sa pagpunta mo riyan sa Bermuda nang walang paalam? At heto pa, LIMANG TAON NA, HINDI KA PA UMUUWI!"Nakabibingi ang lakas ng boses ng kaibigan, pero sa halip na sumagot ay biglang natahimik si Yamirah. Parang nagkakarerahang karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso niya at ninanakawan siya ng hininga."Yam, miss na talaga kita. But if you can't come home, I'll try to understand. Magkaibigan tayo since immemorial pero wala akon
"I'm sorry, Ma'am, pero hindi po tumatanggap ng bisita si Sir Santillan. You need to set an appointment with him.""Please," pakiusap ni Yamirah. "Tell him it's an important matter.""Hindi lang po kayo ang may importanteng rason para makipagkita sa kanya, Ma'am. Marami po ang gustong kumausap sa kanya, at ikalima na kayo sa araw na ito. Sir Santillan is a busy person. Even some of his recent appointments were cancelled.""Paano kung napakaimportante nito?" banat pa niya."If it's not the matter of life and death then I'm sorry, you better come the other day and have another try."Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Naiintindihan naman niya na busy ito. Isa pa, hindi rin naman siya importanteng tao para pag-aksayahan ng oras ng binata.Hindi niya lang alam kung bakit para siyang sinindihang gasolina na agad na nagliyab nang marinig ang kuwento ng kaibigan. Parang gusto niyang tumakbo palapit sa lalaki, yakapin ito, humingi ng kapatawaran, at sabihing huwag itong sumuko. Gusto
Happy isn't enough to describe her emotion right now. Her heart is in bliss, and a joy in her eyes.Binilhan siya ng kaibigan ng ticket para sa nalalapit na book signing ng mga TAP authors na may laman pang pera pambili ng mga libro. Bagong taon ngayon, hindi dudang nagbigay din ang kumpanya ng discount sa bawat libro.Hindi niya ito hiningi sa kaibigan o kahit binanggit man lang, pero kusa itong nakipag-agawan ng ticket sa ibang TAP fanatics para sa kanya. Indeed, it's easy to find a friend... but it takes a lifetime to prove how true they are. Vera never failed to prove so.The rectangular object in her hand right now carries more than just a money, but a chance. Posible nga bang makita na niya ang binata roon? Ayon sa narinig niya sa dalawang babae sa bookstore ay lagi itong present tuwing book signing ng nga authors nila. Pagkakataon na niya ito!Ginugol niya ang tatlong araw na paghahanda sa sarili. Ni hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang humarap sa salamin at pinagmasd
"Oh my God!" Napasigaw si Vera. "Sabi ko na nga ba, e! God will answer your prayers when you least expect it. You just have to wait!" Halos tumalon-talon siya sa harapan ni Yamirah na hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin makapaniwala.She is chosen. She's given a chance to work at TAP! They will let her work there for a month, and in that span of time she needs to do her best to show that she deserves the position. Hindi pa siya opisyal na miyembro nito pero ang katotohanang binigyan siya ng tyansang ma-evaluate ay napakalaking bagay na sa kanya."This is a dream," wala sa sariling wika niya."Your dream just come true! See? Some dreams take time, bakla!" Kanina pa nagsisisigaw si Vera sa sobrang excitement at tuwa para sa kaibigan.Tulala si Yamirah kaninang pauwi siya, at ngayong sinabi na niya sa kaibigan kung ano ang nangyari doon ay nagsimula na itong mag-ingay, ginigising ang tulala niyang kalukuwa.This is just... unbelievable."Vera, pakisampal ako. Pakisampal ako, bilis!"
"Aray!" malakas na daing ni Yamirah.Pabagsak niyang inilapag sa lamesa ang hawak niyang tasa ng kape. Sapat na ang pagkakapaso ng kanyang dila para magising ang natutulog pa niyang diwa.She didn't have a proper sleep, neither did she want to have one. Wala siyang ginawa kun'di ang isipin ang unang araw niya sa TAP at kung paano siya pinakitunguhan ng boss niyang si Ash Santillan.Depending on how everything went yesterday, she's a stranger happened to undergo an evaluation. Kung paano ito makisalamuha sa ibang writers ay gano'n din sa kanya. Not to mention, he doesn't usually show up during working hours.Ngayon parang mas gusto naman na niyang maging masungit ang boss niya sa kanya. At least ay alam niyang may pinaghuhugutan ito ng dahilan, kaysa naman sa pormal lang ito kung makitungo at wala ni katiting na palatandaan na naaalala siya nito.Napabuga na lang siya ng hangin. Hindi na sana niya pinoproblema ito. Limang taon na ang lumipas, dapat kasi ibinaon na lang niya ito sa limo