Share

Substitute Bride for Brother In-law
Substitute Bride for Brother In-law
Author: Yuri

Chapter 1

I'm Jessica Ramos, twenty two years old. Akala ko tahimik na kaming mamumuhay ni Papa. Kahit mahirap, ayos lang basta magkasama kaming dalawa.

Natanggal sa trabaho si Papa at dahil may edad na siya ay nahirapan ng makahanap ng trabaho kaya ng makahanap ng trabaho kaya naman third year high school palang ay naging working student na ako.

Caregiver lang ang natapos ko, dahil hindi ko kayang pag-aralin ang sarili ko sa mahal ng tuition fee sa mga universities. Masaya ako sa trabaho ko bilang personal attendant.

"Papa? May bisita po tayo?" Nagmano muna ako kay papa bago ako umupo sa tabi niya.

May babae kasing kausap si Papa pagdating ko galing sa trabaho.

"Anak..."

Teka, anak?

Ako ba ang tinutukoy niya?

"Ah, ma'am sorry po pero wala na po ang mama ko." Tumingin ako kay Papa na naguguluhan.

"Anak, Jessica... siya ang mama mo," sabi ni Papa habang hindi pa rin tumitingin sakin.

"Nagbibiro ba kayo, Pa? Patay na si Mama, hindi ba? Sabi niyo bata pa lang ako namatay siya sa sakit?"

"Hindi anak, patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko. Naghiwalay kami ng mama mo noon. Hindi kami magkasundo kaya naman minabuti naming maghiwalay, mataas ang pangarap ng mama mo."

Hindi ako makapagsalita. Parang hindi mag- sink in sakin ang mga nangyayari.

Buong buhay ko... akala ko wala nakong mama, pero ngayon? Bigla nalang siyang susulpot at sasabihing buhay pa siya?

"Noel, ako na. Anak patawarin mo ako, naging makasarilli ako. Naging kami ng Papa mo noon, mayaman ang pamilya ko pero minahal ko ang papa mo kahit mahirap lang siya. Nagtanan kami at nagbunga ang pagmamahalan namin. Pero hindi ako sanay sa hirap."

Nakita kong nagpapahid na siya ng luha. Okay I admit, may hawig nga kami. Pero... bakit pati ako iniwan niya?

"Kaya iniwan niyo si Papa? At ako? Hindi niyo ako naisip? Lumaki akong walang ina! Alam niyo ba kung gaano kahirap yun?!"

''Anak, hindi... Patawarin mo ako, pero nagkasundo kami ng Papa mo na maghiwalay. Maayos kaming naghiwalay noon, kaya nagulat akong ang alam mo ay patay na ako."

"Naiintindihan ko si Papa! Nasaktan siya! Mas pinili mo ang yaman kaysa sa kanya! Mas pinili mo ang maalwan na buhay kaysa sa magdildil ng asin kasama kami!"

Ngayon si Papa naman ang umiiyak.

''Anak, patawarin mo ang mama mo, at pati na rin ako, mali akong pibalabas kong patay na siya pe totoo nagkasundo kami ng maayos. Anak, nakikiusap ako, kailangan ka ni Maurene ngayon, kailangan ka ng kakambal mo!"

llang bomba ba ang sasabog ngayong araw?

Ngayon naman may kakambal ako?

"Kakambal? Para akong nasa Soap opera, ah?"

"Kambal ang naging bunga ng pag- mamahalan namin ni Cindy ng mama mo. Pero dahil ayokong sumama sa kanya sa pagbalik niya sa mga magulang niya, ay ako ang nakipaghiwalay, pero hindi ako punmayag na isama niya kayo ng kapatid mo. Pero hindi rin siya pumayag na mawalay siya sa inyo. Kaya nagdesisyon kaming ikaw ay mapupunta sakin at si Jessa ay si Mama mo..." sabi ni Papa.

"So all this time may kapatid ako pero wala akong alam? Akala ko patay na ang mama ko, pero heto at buhay na buhay? At may kakambal pala ako?!"

"Patawarin mo kami anak..." Umiiyak na sabi ni Papa.

"Yung kapatid ko? Alam ba niyang buhay ang Ama niya at alam din ba niyang may kapatid siya?"

"Alam niya, pero ang sabi ko ay hindi ko na alam kung saan kayo nakatira, alam ni Jessa ang lahat ng nangyari samin ng papa mo. Gusto ko kayong hanapin noon pero lumipat na daw kayo ng tirahan. Nahanap ko lang kayo dahil kay Mrs. Rivas. Yung matandang inaalagaan mo ay may anak na babae at siya kong kaibigan."

"Nasaan ang kapatid ko? Anong nangyari sa kanya? Dalin mo ako sa kanya!" Hindi ko mapigil ang emosyon ko.

"Comatose siya..." Parang biglang timigil ang mundo ko. Ngayon ko lang nalamang may kakambal pala ako tapos heto at comatose siya?

Matagal kong pinangarap na sana ay buhay pa si Mama, na sana may kapatid ako, may nakakalaro at inaalagaan. Pero heto, nagkatotoo na kikita?

Kahit wala sa wisyo ay pinilit ko puntahan kung nasaan ang kapatid ko. Gusto ko siya makita. Parang bigla akong nanlumo sa itsura ng kapatid ko. Hindi ko mapigilang mapaluha.

Yes, kakambal ko nga siya. Magkamukhang- magkamukha kami maliban sa aming mga buhok. Itim at unat ang buhok ko na hanggang baywang, samantalang blonde at hanggang balikat lamang ang buhok niya. Pero lahat ay magkamukha kami.

"Jessa, hindi man tayo sabay lumaki, malayo man ang loob natin sa isa't-isa, pero please lumaban ka. Kailangan mong lumaban."

"Anak, kailangan niya ng tulong mo." Biglang nagsalita si Mama sa likod ko. Oo, susubukan Kong patawarin si Mama. Kung ang Diyos nga ay marunong magpatawad ako pa kayang anak lang niya? Nagpapasalamat na lang akong buhay pa siya. Na mayayakap ko pa pala siya, na may kapatid pala ako.

"Bakit siya nasa ganyang sitwasyon?"

"Naaksidente siya habang pauwi. Galing siya sa isang kaibigan at napadami ang paginom niya, nagpumilit siyang magmaneho pero heto at naaksidente siya."

"Bakit kailangan niya ng tulong? Kailangan niya bang salinan ng dugo?" Ano bang tulong ang kailangan ni Jessa.

"Ikakasal na ang kapatid mo anak, at three weeks from now na yun. Pero paano? Heto at comatose siya. Mahal na mahal niya si Gerald. Sa England naka base si Gerald at one day before the wedding ang dating niya. Paano kung hindi magising si Jessa sa araw ng kasal nila? At kung magising man siya ay siguradong malulungkot siya dahil hindi matutuloy ang kasal nila."

"So ano ang maitutulong ko?"

"Be her substitute bride!"

"Ano?"

"Please, anak. Nakikiusap ako, ikamamatay ng kapatid mo kung hindi matutuloy ang kasal nila nila Gerald..."

"Ma, kung hindi ba naaksidente at na-comatose si Jessa hahanapin niyo ba ako? Kamini Papa?"

Bigla siyang natigilan. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Hinanap niya ako hindi dahil gusto niya, kung hindi dahil sa kailangan niya ang tulong ko. Bigla na namang bumangon ang galit sa dibdib ko.

"Anak, oo naman! Nagkataon lang ang lahat..."

"Talaga?"

"Oo, anak.." Pero naisip ko, kapatid ko pa rin si Jessa, kakambal ko siya at kahit ano pa ang dahilan ni mama, kailangan niya ng tulong ko.

"Pwede bang pagisipan ko muna?"

"Nakikiusap ako, anak. Kahit para nalang sa kapatid mo. Nakikiusap ako." Binalingan ko si Jessa na maraming nakakabit na tubo sa kaawan. "Babalik ako, ha? Magpahinga ka muna. Babalik ako." I kissed her forehead. "Alis na po ako."

"Anak, sana pagbigyan mo ako, mani-wala ka... matutuwa ang kapatid mo kung gagawin mo ito para sa kanya."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status