Share

Chapter 2

"Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong sakin ni Papa. Ano pa bang magagawa ko kailangan ng kapatid ko ng tulong.

"Gusto niyo rin namang tulungan ko ang kakambal ko, hindi ba?"

"Anak, patawarin mo ako. Nilihim kong may kapatid at buhay pa ang mama mo. Ayoko lang kasing masaktan ka kung bakit niya tayo iniwan, ayokong mamuhi ka sa kanya dahil ipinagpalit niya ang buhay kasama ko sa buhay na mayroon siya noon."

Ang totoo, hindi naman ako galit kay papa. Naiintindihan ko siya. Kay Mama? Galit? Siguro, masama ang loob dahil natiis niyang maghirap kami—ako. Lumaki akong salat sa yaman. Naiinggit ako kay Jessa, hindi niya naranasan ang mga naranasan ko, sigurado akong sa Pribadong Unibersidad siya nakapag-tapos. Samantalang ako? Isang Caregiver lang. Pero kahit ganun ay masaya ako, at proud ako sa sarili ko. Kung mayaman talaga sila mama, bakit hindi siya umupa ng private investigator para mahanap kami ni papa? Bakit nasaktong kung kailan niya kailangan ng tulong ko ay tsaka siya nagpakita, tiyaka niya kami nahanap? Nagkataon nga lang ba? O mas mahal niya talaga si Jessa? Ayokong magselos sa kakambal ko pero hindi ko maiwasan.

"Papa okay na po yun, ang mahalaga alam ko na ang totoo." 

Agad akong pumunta sa Hospital kung saan naka-confine si Jessa.

"Anak, mabuti at dumating ka. Gusto na talaga kitang puntahan e, kaso walang magbantay sa kapatid mo."

"Bakit ho?" Binalingan ko ng tingin ang kakambal ko. Kambal talaga kami. Para siguro akong nananalamin kung gising siya ngayon.

"Anak, hindi ka pa ba nakakapagdesisyon?" Bakit ba parang tensed si Mama?

"Ang totoo kaya ako nandito ay para sabihing pumapayag na po ako sa gusto niyong mangyari."

"Talaga, anak?" Bigla niya akong niyakap. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Ang tagal kong pinangarap na sana ay buhay ang mama ko at mayakap ko ng ganito. Pero heto at yakap niya na ako.

"Bakit ka umiyak?"

"Masaya lang po ako, hindi ko kasi akalaing mayayakap ko pa kayo ng ganito."

"Huwag kang mag-alala, anak, simula ngayon lagi na tayong magkakasama."' Napangiti ako, parang biglang napalis ang mga hinanakit at tampo ko kay Mama.

"Pero anak may problema tayo."

"Kasi mapapaaga ang dating ng fiancee ng kapatid mo, sa makalawa na ang dating ni Gerald at kailangan mo ng maghanda."

Bigla akong kinabahan.

Tama ba itong gagawin ko?

Magiging Substitute Bride ako ng kapatid ko at magpapakasal ako sa isang taong ngayon ko lang makikita. Parehas kaming estranghero sa isat-isa. Pero mas malamang sa ako, dahil ang alam niya ay ako si Jessa.

"Kinakabahan ako Mama..."

"Ako man anak, pero gawin natin ito para kay Jessa."

Tumango na lang ako.

"Bukas ay maghanda ka, ipasusundo kita sa Driver. Kailangan nating paputulan at pakulayan ang buhok mo. Kailangan mo ding baguhin ang pananamit mo."

"B-bakit po? Matagal ko na pong inaalagaan ang buhok ko! Hindi po pwede."

"Anak, magpapanggap ka bilang kapatid mo, kailangan ay mula ulo hanggang paa ay magkamukha kayo."

"Sige po."

"Hindi mo naman na problema ang mga damit, marami si Jessa at tingin ko ay magkakatawan lang kayo."

"Sige po." Ano pa bang isasagot ko? Pumayag ako sa ganitong set-up e!

"Pero Mama, hindi ko kilala ang pakakasalan ko. I mean ang pakakasalan ni Jessa. Baka mabuko tayo. Ni hindi ko alam ang monthsarry nila kung paano sila nagkakilala. Kung ano ang paborito nilang pagkain." May inabot sakin si mama, pagtingin ko hindi naman siya masyadong handa?

"Here, yan ang lahat ng tungkol sa kapatid mo, mainam na rin yan para makilala mo si Jessa dahil hindi kayo lumaking magkasama. Kung pinoproblema mo naman si Gerald, huwag kang magalala dahil wala siyang masyadong alam sa kapatid mo ang tanging alam lang niya ay ang itsura ni Jessa." Natigilan ako, pwede ba yun? Wala siyang alam kay Jessa? Pero bakit sila magpapakasal?

"Mama..."

"Anak I know, nagtataka ka na. Pero kasi arrange marriage lang ang kapatid mo at si Gerald. Pero mahal na mahal ni Jessa si Gerald, pero si Gerald ay lagi nalang siyang ilag sa kapatid mo, pero dahil utos ng lola niya na pakasalan ang kapatid mo ay wala na siyang magawa." Napatingin ako kay Jessa. Bakit magpapakasal siya sa taong hindi naman pala siya mahal?

"Please anak, ngayong alam mo na ang lahat pakiusap huwag sanang magbago ang isip mo, ikamamatay ni Jessa kung hindi matutuloy ang kasal nila. Ganun niya kamahal si Gerald, believe me nag-attempt na siyang mag-suicide. Nakikiusap ako Jessica, anak. Para sa kakambal mo, gawin mo ito. Kung malalaman ni Gerald na naaksidente si Jessa, ikatutuwa non na hindi na matutuloy ang kasal pero baka paggising naman ng kapatid mo ay hindi na niya gustuhing mabuhay pa." Nakita kong napaiyak na si mama. Pero si Jedsa nagtangkang magpakamatay? Ganun niya kamahal ang lalaking yun? Pero paano kung masama pala ang ugali non? Paano ang kapatid ko? Ako? Paano ako? Ako ang magpapakasal sa kanya habang wala pang malay si Jessa.

"Huwag kayong mag-alala mama, gagawin ko po ito para sa kapatid ko." Niyakap ako ni mama, at gumanti ako ng yakap.

"Salamat, Jessica anak. Salamat. Napakabuti mo."

**

Gumising ako ng maaga, ngayon kasi ang usapan namin ni Mama.

"Anak, nandyan na ang sundo mo."

"Papa inumin niyo yung vitamins at gamot niyo ha? Baka atakihin na na man kayo."

Bukod kasi sa rayuma ni papa, may sakit din siya sa puso kaya nga kayod kalabaw ako. Kung minsan ay nagpa-part time job pa ko para makabili ng mga gamot niya.

Pero ngayon magpapanggap ako bilang si Jessa si Mama na muna ang bahala sa mga gastusin namin, pati na ang mga gamot ni Papa. Nung una ay ayoko, pero tama si Mama habang nagpapanggap akong si Jessa hindi ako makakapag-trabaho para samin ni Papa. Isa pa, isipin ko nalang daw yun na pagbawi sa mga panahong wala siya sa tabi ko.

"Naku ma'am kamukhang-kamukha nga po pala kayo ni Miss Jessa, ako nga po pala si Edgar."

"Mang Edgar. Jessica po ang pangalan ko."

"Ah, Ma'am Jessica."

"Jessica na lang po. Tara na po?"

"Sige po. Nauna na nga po pala ang Mama niyo sa Salon." Agad akong sinalubong ni Mama.

"Trixie ikaw na ang bahala sa anak ko."

"Yes, Madam Cindy!"

"Anak, may bibilin lang ako ah? Dont worry subok ko na yang si Trixie."

Hindi na ko kumibo. Nakapikit lang ako the whole time. Ayokong makita kung paano puputulin ang buhok ko. Mahal na mahal ko ang buhok ko. Unat na maitim na hanggang bewang ang buhok ko. Pero ngayon magiging hanggang balikat na lang.

"Girl bakit ka ba nakapikit? Look at yourself! Ang ganda mo lalo, bumagay sayo ang maikling buhok." Pagdilat ko, tama siya, mas bumagay nga sakin. Pero nanghihinayang pa rin ako sa mahaba kong buhok.

"Girl hahaba pa ulit yan huwag kang matakot!"

"Pwede bang huwag mo ng kulayan? Ang totoo kasi, hindi ako nagpapakulay, ngayon pa nga lang yan nagupitan ng ganyan kaikli."

"Girl, kaso bilin ng mama mo..."

"Ako na ang bahala kay mama, please?"

"Basta sagot mo ako, ah?"

"Oo, thank you!"

Nung makabalik si Mama kitang-kita ko ang pagtaas niya ng kilay.

"Oh, Trixie, bakit hindi pa siya tapos?"

"Mama, pwede bang huwag na akong magpa-blonde? Pwede namang sabihing nagpaitim ako ng buhok, hindi ba? Tsaka sabi mo wala namangalam yung Gerald na yun kay Jessa. Di na niya mapapansin kung maging itim ang buhok ko."

Halatang napaisip si Mama.

"Okay, Jessica basta ah? Ikaw na ang bahala aralin mo lahat ng tungkol sa kapatid mo, baka magduda yun, masyadong tuso ang Gerald na yun." Para akong kinabahan.

"Opo Mama ako na pong bahala."

"Anak, simula nga pala bukas sa bahay na kayo muna titira ng papa mo, nagpapanggap ka bilang kapatid mo kaya magtataka si Gerald kung sa ibang bahay ka titira, ipasusundo ko nalang kayo ni Noel kay Edgar." Bukas ay magkikita na kami. Ano kayang itsura ng Gerald Alonso na yun.

Nandito na kami ni Papa sa bahay nila Mama at talaga nga palang mayaman siya. Walang-wala sa tinirhan namin ni Papa. Ang kwarto ni Jessa ang inokupa ko sa kagustuhan ni Mama tutal naman daw ay mga gamit din daw ng kakambal ko ang gagamitin ko. Samantalang nasa guest room si Papa.

Naisip ko lang. Wala na bang pag-asa na magkasama ulit si Papa at Mama? Hindi na ba nila mahal ang isa't-isa?

Ayoko naman silang pangunahan, matatanda na sila. At isa pa mas malaki ang problema ko kaysa sa kanila.

Napansin ko ding nagkalat ang litrato ni Jessa sa buong kabahayan. Ang totoo ay kung hindi itim ang buhok ko ngayon ay mapagkakamalang isa nalang talaga kami. Halos wala kaming pinagkaiba. Napakaganda niya sa lahat ng litrato niya. Yun nga lang ay sa pananamit kami hindi magkakasundo at makiki- lanlan. Mukhang mahilig siya sa mga dress at mga susyal na pananamit. Samantalang ako ay ayos na sa jeans at t-shirt, kung minsan ay madalas pa nga akong naka-short lang kung nasa bahay. Pero iba na ngayon.

Simula ngayon ay ako na si Jessa Ramos. Kailangan kong magpanggap bilang substitute bride kay Gerald Alonso para sa aking kakambal. Kailangan kong manamit at umakto gaya ni Jessa upang hindi makahalata ang Gerald na yun na ibang tao na ang pakakasalan niya.

"Anak, buti naman at nakabihis ka na. Nandyan na si Gerald, bumaba ka na. Nag-aantay siya sa sala. Kukunin niyo daw ngayon ang iyong traje de boda."

Bakas sa mukha ni Mama ang labis na saya.

"Opo Mama, si Papa po painumin niyo siya ng gamot..."

"Pinainom ko na siya, huwag kang mag-alala ako ng bahala kay Noel."

Napangiti ako, sana lang may second chance pa sila. Kinakabahan ako. Ang totoo ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay o. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito. Huminga muna ako ng malalim bago lapitan ang lalaking nakatalikod ngayon sa akin.

"Ehem." Tawag pansin ko. Hindi ko kasi alam kung may endearment ba si Jessa para sa lalaking ito, hindi rin daw alam ni Mama dahil hindi masyadong palakwento sa kanya si Jessa about kay Gerald.

Nung lumingon siya, mas lalong nagwala ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil pa rin sa kaba pero napahawak ako sa dibdib ko. Kaya naman pala mamahalin siya ng kakambal ko. Ngayon ay alam ko na. Towering height. Physically fit. Devilishly handsome. At lahat na ata ng magagandang adjective ay pwedeng ikapit sa lalaking ito. Hindi nakapagtatakang nahulog si Jessa sa kanya. At itanggi ko man ay lumalabas na mukhang nakuha niya ang atensyon ko. He's damn hot sa suot niyang long sleeves na bukas ang unang tatlong butones nito. Halatang alaga ang katawan niya sa gym. Pero mali... Magiging asawa siya ng kakambal mo kaya nararapat na pigilan mo ang paghangang namumuo ngayon palang.

"Hindi mo ba ako yayakapin? Tititigan mo nalang ba ako?" Bigla akong nagising. Kumilos ako at niyakap siya.

"What happened?"

"Ha?" Parang nalunok ko ang dila ko.

"Usually ay ikaw ang unang humahalik sakin tuwing magkikita tayo."

Alam kong pinamulahan ako ng pisngi. Si Jessa ang unang humahalik? Ganun niya ba talaga kamahal ang Gerald na ito? Paano ko gagawin yun kung kahit kailan ay hindi pa ako n*******n ng kahit sino? Ni hindi nga ako nagpapaligaw!

Pero lumapit parin ako sa kanya upang halikan siya. Dahil mataas siya ay kailangan ko pang tumingkyad para maabot siya. Smack lang naman pero bakit ganito ang kabog ng dibdib ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status