Share

Chapter 70

Penulis: cute_cassie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-23 09:10:57

Biglang bumilis ang paghinga ni Cheska. Napatingin siya sa paligid, tila hinahanap kung may makakatulong sa kanya. Pero wala. Wala siyang ibang kasama—kami lang dalawa ang naroon.

"Tangina mo, Dark," bulong niya, matalim ang tingin. "Hindi ka makakalusot dito."

Ngumiti ako, isang mabagal at nakakatakot na ngiti. "Subukan mo akong pigilan."

Bago pa siya makapagsalita, agad akong humakbang papalapit, ang anino ko ay halos bumalot na sa kanya. Ramdam ko ang kaba niya, kahit pa pilit niyang tinatago ito.

Sa pagitan naming dalawa, ang hangin ay mabigat, puno ng panganib. Isang maling galaw, isang maling desisyon—at maaaring matapos na ang buhay niya, dito at ngayon.

Mabilis akong lumapit kay Cheska, ang mga daliri ko ay handang dumapo sa kanyang leeg. Kita ko sa mga mata niya ang takot, pero hindi siya umurong. Hinanda na niya ang sarili niya sa maaaring mangyari.

"Hindi ka pwedeng mabuhay," malamig kong bulong habang unti-unti kong i
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Sucked Me, Mafia Dark   Chapter 70

    Biglang bumilis ang paghinga ni Cheska. Napatingin siya sa paligid, tila hinahanap kung may makakatulong sa kanya. Pero wala. Wala siyang ibang kasama—kami lang dalawa ang naroon."Tangina mo, Dark," bulong niya, matalim ang tingin. "Hindi ka makakalusot dito."Ngumiti ako, isang mabagal at nakakatakot na ngiti. "Subukan mo akong pigilan."Bago pa siya makapagsalita, agad akong humakbang papalapit, ang anino ko ay halos bumalot na sa kanya. Ramdam ko ang kaba niya, kahit pa pilit niyang tinatago ito.Sa pagitan naming dalawa, ang hangin ay mabigat, puno ng panganib. Isang maling galaw, isang maling desisyon—at maaaring matapos na ang buhay niya, dito at ngayon.Mabilis akong lumapit kay Cheska, ang mga daliri ko ay handang dumapo sa kanyang leeg. Kita ko sa mga mata niya ang takot, pero hindi siya umurong. Hinanda na niya ang sarili niya sa maaaring mangyari."Hindi ka pwedeng mabuhay," malamig kong bulong habang unti-unti kong i

  • Sucked Me, Mafia Dark   Chapter 69

    So hello nanaman po, huwag po nagustuhan niyo po ba yung update ko na POV ni Dark? Ano kayang feeling ma traydor? Naiyak ba kayo? HAHAHAH deserve! Charoot! So isa nanaman pong Chapter para sa kay dark kaya ito n apo hehe, pagbibigyan ko kayo, para naman maka draw na kayo ng conclusion sa pagkatao ni Dark.Yhlorie "Dark" Salves POVNaglalakad ako sa mahabang hallway ng paaralan, tila isang ordinaryong araw lamang, ngunit sa loob-loob ko, alam kong malayo ito sa pagiging normal. Tahimik akong naglakad, hindi nagmamadali, hindi rin bumabagal. Ang bawat yapak ko sa makintab na sahig ay may tiyempo, may bigat—tila nagpapakita ng awtoridad at misteryo na matagal ko nang isinusuot bilang maskara.Habang lumalapit ako sa unang grupo ng mga estudyante, nag-angat sila ng tingin at agad akong binati."Good morning, Sir Dark!" masiglang sabi ng isang estudyante mula sa ikatlong taon."Good morning po, sir!" sagot naman ng isa pang estudyante, sabay b

  • Sucked Me, Mafia Dark   Chapter 68

    “Wala akong ginagawang masama kay Cheska!” sigaw niya habang hinahabol ang hininga, may dugo na sa labi niya.“Hindi ba't ikaw ang pumigil sa plano ko?! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko siya maituloy!” sigaw ko pabalik, may apoy sa boses ko. “Ngayon lalabas kang inosente?”“Hindi ako ‘yan! Hindi ako ang nasa larawan! Niloloko ka lang ng mga mata mo—” sagot niya, pero hindi ko na siya pinatapos. Isa pang suntok ang binitiwan ko.Bagsak siya sa semento, nanginginig ang kamay, pero hindi pa rin siya sumusuko. “Hindi ako traydor. Sana malaman mo ‘yan habang may oras pa.”Tumigil ako. Nakatingin sa kanya. Sa kabila ng galit, may bahagi sa akin ang nagdududa… paano kung totoo ang sinasabi niya?Sumabog ang galit ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman kong sama ng loob at pagkabigo. Ang mga salita niya parang kutsilyong tumusok sa puso ko. "Limang taon na tayong magkaibigan, tapos mas tutulungan mo siya kaysa sa akin!" ang sigaw

  • Sucked Me, Mafia Dark   Chapter 67

    So hello everyone POV muna tayo ni Dark! Dahil alam niyo na. Matagal tagal na rin kasi na hindi niyo nababasa ang POV ni Dark at diyo niyo malalaman kunv ano ba talagang iniisip ni Dark sa mga panahon na yun? Like, namiss kaya ni Dark si Quicee? Nagkauspa kaya si Dark at cheska? At sa tigin niyo, na inlove ba talaga si Dark kay Quice o wala?Anv lahag ng tanoh na yan ah sasagutin natin maya maha kaya keep reading!!Thank you nga po pala sa lahat ng support at pagbabasa niyo, malaking utang ko po yan sa iny9. And kung nagustuhan mo ang kwent pwede niyo po yan I recommend sa mga kaibigan niyo. Need ko kasing maka top 1 sa nova, pagod na kasi akong maginb second option, like 2nd nanaman? Charizzz mwah mwah kayo sa akin!! Happy ungulan!!Yhlorie "Dark" Salves POVTahimik lang akong nakaupo sa loob ng itim kong SUV, naka-park sa tapat ng cafe kung saan malinaw kong natatanaw si Cheska. Hawak ko ang manibela, pero ang mga mata ko — malamig at walang emo

  • Sucked Me, Mafia Dark   Chapter 66

    Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto kong sabihin sa kanya na susundin ko siya, na lalayuan ko si Mr. Dark, na hahayaan ko na lang ang lahat. Pero kaya ko ba talaga? Kaya ko bang basta na lang isantabi ang nararamdaman ko, kahit alam kong mali na?Pumikit ako sandali, humugot ng malalim na hininga bago bumukas muli ang mga mata ko at tumingin sa kanya."Susubukan ko, Cheska," mahina kong sagot. Hindi ko maipangako, pero susubukan ko.At sana, sapat na iyon—for now.Hindi ko na siya pinansin habang nasa klase. Kahit pa ilang beses niyang sinubukang kunin ang atensyon ko, nanatili akong walang kibo."Ms. Smith, can you answer this?" tanong niya habang nakatingin sa akin, hawak ang marker at nakaturo sa equation na isinulat niya sa pisara.Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin, hinihintay ang isasagot ko. Dati-rati, tuwing tinatawag niya ako, may halong kaba at kilig ang nararamdaman ko. Pero ngayon, wala na akong ibang g

  • Sucked Me, Mafia Dark   Chapter 65

    Nagising ako sa pakiramdam ng bigat sa kama, at nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Cheska na nakaupo sa tabi ko. Nakakunot ang noo niya, halatang nag-aalala."Na-convince mo siya?" tanong niya, pero alam kong may bahid ng kaba sa boses niya.Napailing ako, pakiramdam ko ay parang pinapagod lang ako ng tanong na 'yon. Ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko, at kahit anong pilit kong itago, naroon pa rin ang kirot."Iiyak ba ako kung oo?" sagot ko nang walang kagatol-gatol, matigas ang boses ko pero basag ang loob ko.Napabuntong-hininga si Cheska. Alam kong hindi siya sanay na makita akong ganito—durog, basag, at walang lakas. Hinawakan niya ang kamay ko, pinisil ito ng mahigpit na para bang sinasabi niyang hindi ako nag-iisa."Quice..." mahina niyang bulong, pero hindi ko siya tiningnan.Alam kong may sasabihin pa siya, baka sermon o kaya naman ay payo, pero wala na akong lakas para pakinggan pa. Hindi ko alam kung

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status