Share

Kabanata 1

Nakahiga ako sa sun lounger malapit sa pool ng tinutuluyan kong hotel nung tumawag si Zeri. Ang akala ko ay magtatanong lang siya kung bakit hindi ako nagpaalam na aalis pero iba iyon sa mga narinig ko.

"Chio...what should I do ngayong wala ka rito? You know me, I am not good in making decisions," pagmamaktol niya sa kabilang linya na para bang maiiyak na.

I sighed. Ibinaba ko sa mata ang suot na wayfarer. Masyado na akong nasisilaw sa liwanag ng araw.

"Isipin mo kung ano ang mga posibleng mangyari kung sakali mang susundin mo ang sarili mo. Do it to the other option too and evaluate the situation once again."

Sandaling natahimik si Zeri. Ilang saglit pa ang lumipas bago ko muling narinig ang boses ng kaibigan.

"What if the possible consequence that I like is being happy with him? Even if it means that I'll be hated by my own family..."

"Why does family always go against love?" tanong ko sa mahinang boses.

"Kung susugal ka, maaaring magustuhan o pagsisihan mo ang dulong naghihintay sa'yo. Ready yourself, Zeri. Iyon lang ang maaari mong gawin sa ngayon."

Ilan sandali pa kaming nag-usap ni Zeri bago tuluyang nagpaalam sa isa't isa. I sighed when her worry knocked on my mind again.

Isyu ng kanyang pamilya tungkol sa nobyo. A very common scene in a family set up. What's the difference? You love your family and you also love that man.

It feels like a war in between your loves.

Sometimes people choose lover over family. Others may not understand that, but I do. The reason could be this; not all family feels like home. How could someone lack of those feelings be contented with the family?

And what just Zeri told me earlier bothers me more. Pwede ko na iyong maging rason para pagsisihan ang biglaang pagpunta ko rito sa Priacosta.

But no, I should not think like that. I must not regret.

May mga bagay na pwede kong gawin dito. One of that is to finally live with my father. Ilang taon na rin kasi mula nung huli ko siyang nakita. Wala akong ina. Maaga siyang kinuha sa akin, at ang sana'y ama na kasama ko sa paglaki ay bigla nalang umalis.

Nagpalipat lipat ako ng tirahan. Minsan kina Auntie at madalas na kina Tita. Pero hindi ko maiwasang mahiya lalo pa kung inaabot na ako ng buwan sa kanila. Sa huli ay kumukuha nalang ako ng maliit na apartment para may tirahan.

I grew up living like that. It was hard. Maraming responsibilidad, pero wala kang magawa kundi harapin iyon at bigyang solusyon.

Napaahon ako mula sa pagkakahiga at sandaling naupo sa sun lounger. Girls in their bikinis walked past me with their long hair swaying against their back.

Hinawakan ko ang dulo ng buhok. Limang buwan na rin ang nagdaan nung pinaputol ito ni Auntie pero hanggang ngayon ay di ko pa rin masyadong pansin ang paghaba nito.

Tumayo na ako at umalis na roon para magtungo sa room ko nang makaramdam ng pagkabagot. Inihanda ko ang susuotin para sa opening mamaya. Kailangan maayos at pormal. Babalik si Tita mamayang ala singko para i-check ang paghahanda para sa opening.

Nagpresinta naman akong tutulong pero ayaw niya. Maghanda nalang daw ako at makikita ko na si Papa mamaya.

The idea got me excited a bit. Gano'n pa man ay di maialis ang kaba sa akin, nababahala sa magiging katapusan ng araw na 'to.

Kinuha ko na ang iba pang kakailanganin ko para mamaya. Nasa kalagitnaan na ako ng paghila ng isang maroon bohemian dress mula sa maletang dala nang biglang sumingit ang malakas na tunog ng phone.

Naupo ako sa kama saka sinagot ang tawag. Nilagay ko ito sa pagitan ng tenga at balikat, marahang hinihigit ang isusuot.

"Polona..." tawag ko sa kaibigan matapos ang ilang sandaling pananahimik niya.

"Chio...nasa Priacosta ka?" nahimigan ko ang pagtataka sa kanyang boses.

I bit my lower lip to contain my smile.

"How did you know that?"

"Narinig ko ang alon sa background mo," I can imagine her frowning. "You didn't tell me na magbabakasyon ka pala."

"Mali ang iniisip mo, Polona. This is more of a vacation..."

"I know. Nabalitaan kong pinahawak sa'yo ang branch ng Rouseau riyan."

Napaismid ako. Kinuha ko ang phone nang matapos kong makuha ang dress saka kapaayos ng upo.

"Kanino mo nalaman?" I asked, almost laughing.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Kay Vanesa. Kilala mo ako, Chio. I have my ways to know things."

Doon ako natawa.

"Yeah, Primelle Polona Ferodiaz, the girl who knows everything," I mocked and let out another chuckle.

Naaliw ako sa ginawang pang-aasar sa kanya. Pero sa tingin ko ay hindi ang kaibigan. Polona fell into an awkward silence. Sa biglang pananahimik ay alam ko na kung ano ang itinawag niya.

"May nalaman ka na naman bang bago tungkol sa kanya?" tanong ko, iniiwasang magtunog tsismosa.

"Currently residing in Puerto Alegre...with a girl..."

Bumuntong hininga ako. Tumayo ako at nagtungo sa may bintana. Tanaw ko mula rito ang mahihinang alon na humahalik sa dalampasigan. May mga tao rin na nakikipaglaro sa alon. Maybe I should go there later and have some fun. Mas masaya nga lang pag may kasama.

"How did you confirm that? Reliable source? Baka kapatid lang?" sunod-sunod kong tanong sa kaibigan.

"I got it confirmed for how many times, Chio. Kulang nalang ay ubusin ko ang pera sa pagpapahanap sa kanya," si Polona na medjo naiirita na. Hindi ko lang alam kung sa akin o sa ideyang naiisip niya.

"Ayos lang iyan, Polly. Summer na, marami rami ang magpapakasal. Kikita ka na naman para panggastos sa lalaking iyon."

"Chio..." she called out of frustration.

Muli akong natawa. Ako lang ata ang nakakagawa ng ganito kay Polona. She is known for having the authority and power. Halos lahat ay takot sa kanya. And yet I am throwing jokes at her.

A smile crept on my lips as I watched how the waves kissed on the shore.

"Hi," napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ng isang lalaki. "Are you alone?"

Matagal pa bago ako nakasagot. Baka hindi ako ang kinakausap niya.

I pointed myself, shy. "Oo?"

His eyes widened and a fraction. Bumaba ang kamay ko sa suot na dress at pasimpleng naikuyom ang kamay roon.

"Nagtatagalog ka pala! Mukha kang taga-Spain kaya nag-english ako," sambit niya at napapahiyang napakamot sa batok.

I smiled. Iyon ang madalas na sinasabi ng mga tao. Siguro dahil sa mata ko? I don't think having a pair of brown eyes would make me look like a foreign.

Umurong ako ng kaunti. Pansin ko ang paghakbang niya papunta sa aking tabi. Nahihiwagaan man ay hinayaan ko siya.

"The waves are gentle today. Nakakapanibago," sabi niya saka sumulyap sa akin.

"Hindi ba ganito rito?"

Inalis niya ang tingin para tanawin ang mga naliligo sa may malalim na parte ng dagat.

"Hindi..."

I nodded. "Maybe the sea found its peace."

Nagtama ang paningin namin. Sandali akong natigilan nang mapansin ang kanyang mukha. The guy noticed how I stared at him. Natawa siya at pumameywang. Nagparte ang kanyang labi, binabasa ito ng kaunti.

"Remember me?"

Ngumiti ako. "Ikaw iyong bumili sa Rouseau kahapon, tama?"

An amazed smile crept on his lips. ‘Di kalaunan ay naging ngisi ito.

"Nakuha mo!"

"Nasaan na pala iyong kasama mo?" naitanong ko nang maalala iyong lalaki.

"Nakita ko siya sa MEU kahapon. Medjo mabenta sa mga estudyanteng babae. Malapit sa tukso, habulin ng kasalanan," I then laughed.

Nakitawa rin iyon lalaki na animo'y sang-ayon sa mga sinabi ko.

"Si Weino ba kamo? Totoong habulin iyon ng mga babae. Pero sa lahat ng humabol at tumakbo walang nakaabot sa finish line. Ni hindi pa nga siguro nangangalahati, kusa nalang tumitigil."

Nangunot ang noo ko.

"Bakit?"

The man glanced at me, wearing a small smile.

"He is not the good man like what others believed him to be. Weino is dangerous."

Binisita ko ang mga ala-ala kahapon. Naitanong nga niya sa akin kung hindi ba ako takot sa kanya. Being Chio, it is not my thing to just judge people in one glance. Hindi rin ako naniniwala sa first impression.

Nung sinabi ko sa kanyang mukha naman siyang 'di nananakit, totoo ako roon. Iyon ang nakita ko sa sandaling nagkaharap kami. But those words aren't my verdict for the entire moment. May itinatagong ugali ang mga tao. Alam ko iyon.

It is not that I expect them to be consistent with what they are during our first meeting, but it is my own instinct telling me that one day they will surprise me for that dark side of theirs.

"Imbitado ba ako sa opening mamaya? Kasi kung hindi, iimbitahin ko ang sarili ko."

Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Sa ilang sandaling nag-usap kami ay nalaman ko na sa hotel din pala siya nase-stay. Sinamahan niya ang kaibigan at bukas pa ang balik nila pa San Hartin.

Hinatid niya ako sa lobby. Dito kami maghihiwalay ng landas. May lakad pa kasi siya at ako naman ay magbibihis na para sa opening. Mag-aala singko na rin. Kailangan ko pang kitain si Tita sa Rouseau. Mabuti nalang at malapit lang ito rito sa hotel.

"Sure! Kung magiging suki kita, bakit hindi?" I tried to joke back.

"I actually got an invitation. Maging si Weino ay meron din. Gusto ko sana na sabay na tayo pero kailangan ko pang sunduin ang maarte kong kaibigan na 'yon," ibinulong niya ang huling sinabi.

Naiiling akong tumawa. Nagpaalam na ako bago tuluyang pumasok ng room para maghanda.

Tita advised me to wear my corporate attire instead of a cocktail dress. Nagtaka ako. Gusto kong magtanong pero mukhang nabasa niya ang iniisip kaya pinangunahan na niya ako.

"I will introduce you as the handler of this branch. You need to make an impact. You need to look powerful so people will acknowledge you as the authority in charge of this."

Gaya ng sinabi ay kulay maroon na corporate attire ang suot ko. Naglagay ako ng kaonting make up. Inayos ko rin ang pagkakalugay ng buhok na bahagyang ginulo ng hangin kanina.

The preparation went on. Sinigurado ko na walang mali na makikita sa akin. Ngayon ko pinagmukhang perpekto ang sarili. Kahit malabo, sinubukan ko.

I was told to look perfect. Nilagyan ko ng mukha ang ideya ng babaeng maawtoridad. The essence of independence should be seen in me. Ipininta ako sa larawan na gusto ng iba ngunit taliwas sa kagustuhan ko.

They used black and dark colors to portray me but I want light colors to paint myself with the colors in accordance to my likes.

Humugot ako ng malalim na hininga bago nilisan ang inuukupang silid. Nahagip ng mga mata ko ang maliit na dumi sa suot na blazer na mabilis kong pinagpagan.

I wore my confidence as I walked on the hallway. Ayaw kong makuha ang atensyon ng iba ngunit hindi iyon maiiwasan. My heels clicked against the tiled floor, making people's head turned to me.

Binilisan ko nalang ang lakad. Saka lamang ako napahinga nang maluwag nung narating ko ang parking area ng hotel. Hindi pa man lubos na nakakalapit ay sinalubong na ako ni Tita saka iginiya sa sasakyang dala niya.

"That's the woman I want you to be," komento niya nang makasakay kami sa sasakyan.

Tipid akong ngumiti at nagsuot na ng seatbelt. The engine roared to life. Nagsimulang magmaneho si Tita patungo sa Rouseau, wala man lang sinasabi.

Nanatili kaming tahimik sa buong biyahe. Pakiramdam ko ay pareho kaming kinakabahan. It is not the first time to open a business branch but this hit different. Parang may kakaiba.

Siguro ay dahil iyon sa presensya ni Papa. Ayokong pangunahan ang mga mangyayari. Binuhusan ko na ng tubig ang mga ideyang mag-aapoy na sana. Overthinking covers up confidence.

Pagkarating ng Rouseau ay mapapansin na ang pagdagsa ng mga bisita. May mahabang pila sa isang gilid. Karamihan sa nakapila ay mga bakasyonista na mukhang nahimigan lang ang pagbubukas ngayon. Sa tapat ng shop ay mga taong kakikitaan ng karangyaan. Binaha rin ang paligid ng mga sasakyan na sa tingin ko ay pag-aari ng mga narito.

Fear swallowed me as I scanned the place. Everyone looks stunning and powerful. Lalo na ang mga pamilyar na mukha sa larangan ng politika. I can't help but to hide my fear through a fake smile. Sana nga lang ay hindi halata iyon.

"Let's go," aya ni Tita na bahagya pa akong tinulak pasulong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status