Share

Sunset Behind Waves
Sunset Behind Waves
Author: Penrose Raegan

Simula

"You should get yourself a boyfriend. Ilang taon ka na ring naghihintay," si Zeri nang magawi sa bakeshop ni Tita.

Matingkad ang sikat ng araw nung araw na 'yon. Nasa Rouseau ako--- bakeshop ni Tita. Dumaan si Zeri para makita ako dahil madadaanan niya rin naman pauwi ang Rouseau.

"It's been years, and still counting," I said, almost laughing.

Sumama ang tingin niya sa akin saka sumimsim sa juice niya. I cut a small slice on my cake and ate it. Napangisi ako dahil sa mukha ni Zeri na ngayon ay pekeng nakangiti sa akin.

That's it! Naiinis na naman siya dahil sa katigasan ng ulo ko. Matagal niya ng pinagpipilitan na maghanap na ako ng nobyo. Sa aming dalawa, mas may pakealam pa siya sa buhay pag-ibig ko kesa sa akin. I just don't think that having no boyfriend should stress me.

Wala naman akong nakikitang mali sa pagiging single. Isa pa, mas maganda iyon para mapagtuonan ko ng pansin ang mga bagay na ginagawa ko at gusto ko pang gawin. For me, being in a relationship is like being married on the inside.

"C'mon, Chio! Ayaw ko namang tumanda kang dalaga!" muling reklamo niya nang 'di mapakali sa naisagot ko kanina.

"Ako rin naman, Zeri. But do you think it can be a reason for me to rush?" umiling ako. "Kung mamadaliin ko ang pagnonobyo ay pareho kaming mahihirapan sa huli. Hindi pa ako ganoon kahanda para sa bagay na 'yan."

"Kailan ka magiging handa aber? Pag nasa trenta ka na?"

I smiled. "Why not? Marriage has no age limit, Zeri."

Suminghap siya at ‘di kalauna'y nailing. Tuluyan nang nawalan ng pag-asa na ligawan ako tungkol sa usaping iyon. Ibinaba ko ang hawak na tinidor saka pumangalumbaba.

"If I'm going to ask you, would you like to marry yourself?" tanong ko na nagpatigil sa kanya.

Zeri fell into silence. Kalaunan ay bumuntong hininga siya kasabay ng marahang iling. Tinapik ko ang kamay niya upang mag-angat siya ng tingin. I smiled.

"See? That question got you. Kahit ako ay napapaisip na rin sa tanong na iyan. Hindi pa ako handa, Zeri. I need to value myself first. I need to equip myself before entering a relationship. With this state, I will not be able to handle my man."

Sana nga lang ay nakuha ni Zeri ang gusto kong ipunto. I am not rushing love. When it is time, it will surely happen. Alam ko ang punto ni Zeri, pero hindi ko lang magawang sumugal sa ngayon.

Pinutol ni Tita ang usapan namin. Pagkalapit sa akin ay yumuko siya para magpantay ang mukha sa lebel ng aking tenga. May ibubulong ata.

"Can you help at the counter? I have something important to do right now," she whispered before straightening her body.

Sandali kong sinulyapan si Zeri. Nakita ko ang pagtango niya kaya muli kong binalingan si Tita.

"Sure! Tapos na rin naman siguro kaming mag-usap ni Zeri."

"Yes, we're done actually," singit ni Zeri saka tumayo na. Hinagip nito ang bag na nasa katabing upuan bago tuluyang nagpaalam sa amin ni Tita.

I was left on the spot when Tita rushed herself out of Rouseau. Nagmadali akong pumasok sa staff room para magbihis ng uniporme.

Sanay ako sa kalakaran ng Rouseau. Minsan ay ako ang inaatasan ni Tita na tumulong dito lalo na sa mga araw na abala siya sa kaliwa't kanang conference. Sa dami ng pamangkin niya ay ako lang ang nagkaroon ng hilig sa pagbe-bake. Some of my cousins know how to bake but they are not interested about it. Kaya ako lang ang maaasahan sa bagay na ito.

Lumabas ako na pilit sinisikop ang aking buhok. Tumunog ang pinto hudyat nang pagpasok ng customer. Dumiretso sila sa counter na tila ba alam na ang i-oorder.

Kagat kagat ko ang pantali nang maaninag ko ang nasa harapan. Dalawang lalaki. Ang isa ay nakikipag-usap kay Linda na kasama ko habang ang isa ay nakatingin sa kung saan. Ramdam ko ang pangangalay ng kamay kaya minadali ko itong tapusin.

"Good morning!" I greeted followed by a smile.

Nilingon ako nung isa. Saka ko lang napansin na nasa akin pala ang tingin ng kasama. He was a tall man, looking so stiff when our eyes met. Pasimple kong pinunasan ang mukha sa pag-aakalang may dumi ako roon.

My eyes became slits when his gaze remained on me for a couple of seconds. Ngumiti ako sa kanya bago inilipat ang tingin kay Linda na katatapos lang mag-punch ng order.

"Anong kailangan pa?" tanong ko sa kanya.

Pinutol niya ang resibo saka isinilid ito sa supot na inihanda niya. Nang bumaling ay may ngiti ito sa labi.

"Sticky notes nalang po, Miss."

Kaagad akong kumuha ng dalawang piraso ng sticky notes na magkaiba ang kulay. Ginandahan ko ang pagkakasulat sa word of the day na madalas naming ginagawa ni Linda pagkami ang nasa counter.

Binasa niya ang nakasulat matapos kong maidikit iyon sa itaas na bahagi ng supot. Then she turned to me, smiling from ear to ear.

"Naks, love pala ang word of the day ngayon?"

"Oo, e. The world is in chaos. I think it needs love to assure people that there is still love in the midst of troubles."

"Sentimental," sambit niya.

Kumindat ako na bahagya niyang ikinatawa. Hinayaan ko siyang iabot sa dalawang customer ang order nila na parehong natigilan. Siguro ay nagtataka sa inaasta namin ni Linda.

"Thank you!"

Pagod ang inabot ko matapos ang kalahating araw na pamamalagi sa Rouseau. Kung hindi lang tumawag ang pinsan ko para papuntahin ako sa Montresor Est University ay tiyak na nandoon parin ako hanggang ngayon.

Inayos ko ang suot na maroon blazer na nakapaibabaw sa itim na sando. Kasabay ng paghakbang ko ay ang paghugot ng malalim na hininga. MEU is still the same. Nothing much changed since the last day I visited this.

Ang pagiging pasaway ng pinsan ko ang laging rason kung bakit ako napapabisita rito ng wala sa oras. Kung hindi man nam-bully ng kaklase ay dahil sa sunod-sunod na pagliban sa klase. She was a rebel in everyone's eyes. The MEU society painted her a bad image. Ayaw kong isipin nila na kinakampihan ko ang pagiging pasaway ni Vanesa pero naiintindihan ko siya.

Growing up without any parent figure is one of the reasons why she acts like this. Maaaring kayang tumino nung iba pero mahirap iyon para sa pinsan. Idagdag pa ang pangungutya sa kanya ng ibang pinsan. Paano niya kakayanin ang hirap kung mismong sa loob ng ginagalawang pamilya niya pa nararamdaman ang mga bagay na dapat walang bata ang nakakaranas?

I think she has the reasons. But those were bad reasons for her to consider in deciding.

Lumiko ako, didiretso na sana sa office of the dean nang may natanggap akong text. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ng dalang bag para tingnan ito.

It was from Vanesa. Huwag na raw akong pumunta dahil wala ang dean ngayon. Magkikita kami sa cafeteria para doon mag-usap.

Pumihit ako ng daan patungo sa cafeteria. Maingay at magulong cafeteria ang bumungad sa akin pagkarating ko. Nagkalat ang mga estudyante sa bawat parte ng lugar. Ang iba ay kumakain at ang iba ay nag-uusap lang sa tabi.

Nagtipa ako ng mensahe. While waiting for her reply, I decided to sit somewhere. Halos puno na ang lahat ng mesa. Sa may dulo ay may okupadong mesa na isang tao lang ang nakaupo. He is eating. Nakapaikot sa kanya ang mga babaeng kulang nalang ay manginig sa kilig.

They are holding their phones. Lowkey hoping to have a picture with him. But the man seems irritated. Magnanakaw ito ng tingin sa mga babae at pailing na mag-iiwas ng tingin. Sa tingin ko ay Senior High students ang mga iyon. Kung ako ang makikiupo ay baka ayos lang. Iniisip ko lang na papayag siya dahil mas matanda ako sa kanya.

With the courage I gathered, I walked towards him. Kita ko kung paano ako pinagtinginan nung mga babaeng nakapalibot sa kanya. Paugong na ang tsismis ng iba. Ang paghinto sa harap ng lalaki ang pumigil sa mga salita nila, naghihintay sa magiging reaksyon nung lalaki.

"Hi," bati ko sabay kaway, nahihiya. "I can see that you are alone. May I share with you?"

A collecting gasp can be heard from the crowd. May halong tili at panghuhusga pero isinantabi ko iyon. Mas malakas ang kagustuhan kong makaupo dahil nararamdaman ko na ang pangangalay ng mga paa.

Nag-angat ng tingin ang lalaki. My eyes widened a fraction when I noticed that he isn’t a student just like me. Medjo pamilyar din ang kanyang mukha.

"It's you...?" naguguluhang tanong niya saka ako pinasadahan ng tingin.

I take that as a yes. Mabilis akong umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harap, bahagyang nakapilig ang ulo at inaanalisa ang kanyang mukha.

"You're not afraid of me?" his words snapped me!

Siya iyong lalaki kanina sa Rouseau. Iyong madalas na nakatitig sa’kin.

"You can't harm, I can tell," makatotohanang tugon ko.

His brows furrowed.

"You think?"

"Uhuh...those girls won't admire you if you can."

Itinuro ko sa kanya ang gawi ng mga kababaihan. Sinundan niya ito ng tingin, naguguluhan.

"Nasaan na nga pala ang kasama mo? Naghiwalay ba kayo ng daan?" dagdag ko na nagpabaling sa kanya.

"Yeah, we did."

Ngumiti ako kasabay ng marahang tango. Then the conversation drifted off. It's okay. May pagkakataon akong bawiin ang nawalang lakas.

I waited there patiently. Girls from somewhere were giggling over someone. Sigurado akong ang kaharap kong lalaki ang pinanggagalingan ng kilig nila.

Naisip ko lang kung bakit. Halata naman siguro sa itsura niya na hindi na siya estudyante ng MEU. O baka mahilig lang sila sa lalaking mas matanda ng ilang taon?

Nagkibit ako ng balikat. I should start minding my own business. Kung ano man ang rason nila ay sa kanila na 'yon. We all have our own wills and likes anyway.

Maya maya pa ay napansin ko ang babaeng lakad takbo na ang ginawa patungo sa akin. Nilingon ko siya. Habol ang hiningang naupo si Vanesa sa tabi ko. Nababasa ng pawis ang kanyang mukha at ang mga mata ay medjo namumula na.

Nag-abot ako ng panyo, nakakunot ang noo.

"Ate..." sambit niya saka mabilis na tinanggap ang panyo at pinunasan ang mukha.

"Umiyak ka ba?" I asked, worried.

"Nope, napuwing lang."

Iyon ang sabi niya. She lied, I know. Ayaw niyang ipakita ang mga mata. Sa tuwing hinuhuli ko iyon ay iniiwas niya na para bang may mabibisto ako na kung ano.

"Vanesa," tawag ko sa isang madiing boses.

Tumigil siya saglit sa pagpupunas at napatungo. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na nakapatong sa kanyang kandungan. Palihim niya itong ikinukuyom. 'Di kalauna'y may maliit na butil ng likido ang tumulo roon.

Na-iangat ko ang tingin. Vanesa was trying so hard to stop the tears from falling. Ngunit sa bawat subok ay lalo lang na nagtataksil ang mga luha.

Walang pasabi ko siyang ikinulong sa mga braso, hinahagod ang likod para aluin siya. I don't care if we are making a scene. The situation doesn't invalidate her tears.

"Ano’ng nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Si...si Josh..." hirap siyang ituloy ang sasabihin. "He...he broke up with me."

Mariin kong naipikit ang mga mata. Humugot ako ng malalim na hininga saka kumalas sa yakap. I wiped the tears on her face, hushing a little to calm her down.

Dati pa lang ay alam ko na na mangyayari ito. I met that Josh before. Sa unang beses na nakita ko siya ay alam ko na kung ano ang pwede niyang gawin sa pinsan. Yes, I was against their relationship. Alam iyon ni Vanesa pero sinunod niya pa rin ang puso. Hindi ako gumawa ng aksyon para sirain ang relasyon nila. I can see that she's happy with him. And I am not that evil to stop her from being happy.

Kaso nga lang ay tumama ang hula ko. Pero sisihin ko man ang pinsan dahil sa nangyari ay wala na kaming magagawa para ibalik ang panahon na pwede pa sana naming pigilan ang nakaambang sakit.

"A girl should feel safe and not sorry when being with a boy. We should be happy instead of shedding tears, aren't we?"

Humugot ako ng malalim na hininga. Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"You hate me for being a fool now, Ate?" she asked, her little voice almost hid behind her shy tongue.

"I don't, for now. But if you won't learn from this mistake, maybe."

Pinisil ko ang kanyang pisngi dahilan kung bakit namutawi ang tipid na tawa mula sa kanya. I smiled and hugged her for the last time. Sandali pa kaming nag-usap bago tuluyang naghiwalay ng landas.

She will head home while I'm heading back to Rouseau to meet Tita. Halos mailing nalang ako sa tuwing naiisip ko ang ginawa ni Vanesa. It wasn't the dean who texted me. Nagpalit siya ng bagong number at iyon ang ginamit para papuntahin ako sa MEU.

"Oh, kumusta naman si Vanesa? Suspended na naman ba?" kaagad na tanong ni Tita pagkapasok ko ng Rouseau.

Lumapit ako sa kanya para magmano. She stopped for a while as her eyes scanned my being. Sa pagod na paraan ay naupo ako sa upuan malapit sa kanya.

"Hindi naman, Tita. Si Vanesa ang nakausap ko dahil wala ang dean nung pumunta ako. Pero ang sabi ay ayos na raw lahat," tugon ko at napaiwas ng tingin.

Pinili kong mabuti ang mga sasabihin. Ayokong madulas at baka kung saan pa umabot ang usapang ito.

"Ganoon ba? It's good to know that. Magagalit na naman si Lurie pag na-suspend na naman ang anak," naiiling niyang wika saka ipinagpatuloy ang papeles sa mesa.

"Kumusta naman po ang conference?" pag-iiba ko ng usapan.

"Oh, about that..." sumulyap siya sa akin, "It ended so well. Naipasok ko rin ang business plan ng itatayong Rotenus sa San Costa."

"Rotenus? Iyon ba yung restaurant ni Tito?"

She nodded and got her eyes off me.

"Yes, the first branch will be in San Costa's boundary. Sa pagitan ng San Costa at San Lorenzo."

"Medjo malayo rin, Tita."

"Right, but we are after the Alveo's stock, Chio. Malaki ang epekto no'n pag nagkataon. They own the biggest farm in San Lorenzo. Mababa rin ang presyo kumpara sa karatig nayon."

I nodded in agreement. Kung sabagay ay malaki nga ang tulong ng mga Alveo sa Rotenus.

"Chio..."

"Hmm?"

I shifted to my seat, trying to feel comfortable. Hinarap niya ako.

"You heard about Rouseau's branch in Priacosta, right?"

Tumango ako. "Opo, bakit?"

"I can see that you have the qualities needed in order to manage the shop. Also, you possess a great potential in the field of business. I was just thinking that maybe you should handle the branch in Priacosta," she smiled. "What do you think?"

My eyes widened in surprise. It was hard for me to digest her words since I wasn't expecting this news. Kaya kong hawakan at patakbuhin ang shop sa isang araw o dalawa. Thinking of handling it for about months or years? Hindi ko alam. Pagiging abogado ang propesyong nakikita ko para sa sarili. Kung iibahin ko ng landas, baka hindi ko kayanin.

Nanatiling tahimik si Tita. Ang buong akala ko ay hinihintay niya lang ang sagot ko pero may iniisip din pala siya. Tulad ko ay inaalala niya rin pala ang tungkol sa pangarap kong maging abogado.

"It's a big risk, Chio, I know. If I can only find someone who works like you do, hindi ko hihilingin sa'yo ang bagay na 'to. None of your cousins will accept this, you are my only hope."

Bumuntong hininga ako saka nakagat ang pang-ibabang labi. Nahihiya akong tumanggi kay Tita. At kung papayag man ako ay pangarap ko naman ang madedehado.

Kailangan kong pumili. Sa pagitan ng pangarap at pamilya, mas malaki ang posibilidad na susundin ko ang pamilya. Kailangan ko ng panahon para mas makapag-isip.

My heart is for the poor. Gusto kong maging abogado dahil may tinatanaw akong pangarap para sa mga pinagkaitan ng boses para lumaban. But I can’t decline her offer.

Handa na akong magsalita. Nahanap ko na ang boses para sana humingi pa ng dagdag na panahon para makapag-isip. But when I was about to say something, Tita interfered.

"Nasa Priacosta ang papa mo. Pwede kang manirahan do'n kung sakali."

I was caught off guard. Nangapa ako ng mga salitang itutugon. Looking for some words to utter, I said something without even thinking.

"Sige po."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sky Purple
goods wow ganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status