Share

Kabanata 6

A long stretch of silence followed his words. Hindi kami nagkibuan. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para balikan ang lahat ng nangyari, baka sakaling maalala ko kung paano kami nauwi sa ganito.

The first time I met him, he was so oblivious of his surroundings. And even if he knows what's going on, Weino will never care. That's it! 

That man is also dangerous. Ilang beses nang inulit ni Richard sa akin iyon at wala akong pag-aalinlangan na maniwala sa kanya. Weino is his best friend. He knows him well and there is no certain reason for him to lie and say that he is indeed dangerous when he isn't. What would be his benefit for damaging his best friend's image, right?

And it did not surprise me. Sa mukha niya palang ay alam ko na iyon. His eyes are too strong, enough for them to scream the darkness he might hold inside. The danger is present in his every move. Ang intimidasyong nararamdaman ko ay pinapaalala sa akin ng kanyang maliliit at mararahang galaw. 

Ngunit higit sa lahat, ang ideyang may mga kaibigan siyang totoo ang gumulantang sa akin. Richard told me about their 'squad'. Pabiro ang pagkakasabi niya pero alam kong seryoso ang bawat detalyeng nabanggit niya.

A pilot of National Aviation for Royal Flight, an architect on its way to international projects, a well-known model of his batch, and a CEO of Zaldego Sea Transport shipping lines and heir of Zaldego Chain of Hotels.

A squad of most sought young bachelors.

Kaya ganoon nalang ang pagtataka ko sa biglaan niyang paglapit sa akin. The care and concern of Weino really brings me chills. And that idea alone is enough for me to panic. 

He approached me first. I let myself entertain him. Hindi ko nga lang inasahan na magiging ganito siya kalapit sa akin. 

Paying a spot here in Rouseau, without even ordering something, and just to stare at me is a crazy thing a person would do! 

Para sa akin ay pag-aaksaya iyon ng pera. Tama naman, hindi ba? 

"Marchioness!" 

Napapitlag ako sa sigaw ni Calin. My breath hitched for some time together with the wild beating of my heart.

Nahanap ko ang sarili na nakaupo sa harap ng kanyang mesa. Tapos na pala siya sa pinipirmahang papeles kaya naman ay nasa akin na ang buong atensyon niya.

"Anong iniisip mo? Tulala ka na naman diyan!" tanong niya na animo'y hindi ito ang unang beses na natulala ako.

I sighed my frustration. Binawi niya ang tingin sa akin at binalingan ang kung sino sa likod ko.

 

I don't need to follow his gaze. Ang pagkurba palang ng ngiti sa kanyang labi ay sapat na para malaman ko kung sino ang tinutukoy nito.

"Nanliligaw ba iyan sa'yo?" may malisyang tanong niya.

Umiling ako ngunit hindi na nagulat sa kanyang pag-ismid.

"E, bakit lagi mong kasama?" he rested his back on his swivel chair. "Alam mo iba na ang feeling ko sa inyo."

I hit his harm when he was about to scream on top of his lungs. Nilingon ko si Weino at napahinga nalang nang malalim. Buti at abala siya sa kausap sa phone. 

Ibinalik ko ang tingin kay Calin.

"Calin, kasama ko siya dahil iyon ang gusto niya. Pakiramdam ko nga ay lagi siyang absent sa hotel para lang sumama sa akin."

"You can't say that, Marchioness. Iba gumalaw ang mga Zaldego. The way they handle and rule their business is incredibly great!"

Nangunot ang noo ko.

"Are you trying to say that I'm guilty for having him following me wherever I go?" I concluded.

At sinagot na iyon ng kanyang ngisi. Tumango tango siya at pinaikot ang kanyang swivel chair. His hand was busy playing with his pen.

"Yes!" lumapad ang kanyang ngisi. "Nagtunog guilty ka kanina!" 

Humalakhak siya sa napagtanto. Halos mag isang linya na ang mga kilay ko. Pero ayokong magtanong. Ayos na sa akin na ganito ang dating ni Calin kesa naman gatungan pa ang isyu niya ng kuryusidad ko.

"I need you to check something, Richard...No, I can't do that with this state...Just do your research...If you need Amiel to work with you tell me and we'll let him have an emergency landing..." sunod-sunod na sabi ni Weino sa kausap. 

Just when our eyes met, he put his phone down and ended the call. Tumayo siya at lumapit sa akin. 

Binigyan ko ng nagbabantang tingin si Calin na muntik na sanang tumili dahil sa ginawa ni Weino. 

If teases like this continues to grow everytime he is near, I might...

"Lumalalim na ang gabi. Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong niya bago binalingan si Calin.

"Oh, tayo...You forgot to spill the tea, Chio!"

And there is Calin. Kaya ko nga pala ito naging kaibigan dahil sa kadaldalan niya sa tuwing nasa foundation ako. He is different from Polona and Zeri. Mas madaldal siya at mas observer kesa sa dalawa. Kahit maliit na bagay ay napapansin.

"Can we stay here for a little longer? Wala pa naman si Papa sa bahay," tugon ko.

"Then let's have our dinner first?" agap niya.

I badly want to make a protest. Handa na ako sa sasabihin ngunit bago pa man ako maka-angal ay dinala na niya ang kanyang phone pabalik sa kanyang tenga.

Nagkatinginan kami ni Calin. He shrugged his shoulders before biting his lower lip to contain a smile.

Bumagsak ang balikat ko. Nilingon ko si Weino. Nilakad na niya ang inukupang upuan kanina saka ito marahang hinila sa aking tabi.

"...and a club sandwich."

Iyon ang narinig ko nang nakalapit siya sa akin. Kalaunan ay pinatay na niya ang tawag saka ibinaba ang phone sa kandungan.

Weino's large body occupied the seat next to me. He draped his arm on the backrest of my chair, facing me a little.

"How's the hotel? Lumiban ka ba para samahan ako rito?" tanong ko na bahagya niyang ikinagulat.

I can't blame him. I haven't thrown a casual question at him before. Laging siya ang nag-iinsist ng pag-uusapan. At kung mag-usap kami ay apat o limang sagutan lang pagkatapos ay namamatay na ang ingay sa pagitan namin.

"No..." tipid niyang tugon nang makabawi. 

"I work during night, Chio. Tinatapos ko na ang lahat ng trabaho bago pa ako sumama sa'yo."

I jumped mid-air due to Calin's violent reaction. Marahas siyang napatayo at basta nalang itinaas ang dalawang kamay.

"I can't believe this! I need to find someone who would do the same for me!" he hissed out of frustration.

Nagkatinginan kami ni Weino. Now his eyes are dark. Nagtatanong ito ngunit hindi ko mabasa kung ano.

"Uh...CR lang ako," paalam ko at kaagad na tumayo.

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at basta nalang nilagpasan si Calin na nauunahan ko pa sa paglakad.

I chased my breath when I closed the door behind me. Napahawak ako sa leeg gamit ang nanlalamig na kamay. 

Weino is intense.

Nagpalinga linga ako. Patay na ang iilang ilaw sa pasilyo. Ang mga pinto ay nakasara narin. Ang pinakamaliwanag na silid ay ang opisina. Sa kaliwang dulo ay naroon ang CR. 

Pinuno ko ng hangin ang baga saka sinimulang tahakin ang daan patungo roon. My heels clicked against the marble floor. Tila bolang pinagpasapasahan ng mga dingding ang tunog na iyon.

I should be feeling chills right now. But I wonder why the chills in me was the chills Weino had put in me earlier.

Ilang hakbang nalang ay nasa dulo na sana ako. Pero sa pangalawang hakbang ay may sumalubong sa akin. Isang lalaki na may katangkaran. 

He almost have the same height with Weino. Malaki rin ang kanyang katawan at halata na ang edad na mas matanda sa akin sa kanyang mukha. 

I tilted my head to have a better observation on him. Weino has this beautifully sculpted body. His large frame could draw you in a sensual thought of him. He can effortlessly make you think of some wild thoughts. But the guy right here looks innocent. 

Mapapansin na iyon ang pinagkaiba nila ni Weino. Pero bago pa man ang lahat, bakit ko ba iniisip si Weino?!

I shook my head to get rid of those thoughts. Masyadong mahal ang imahe ni Weino para isipin ko. Lalo na kung ang kabayaran nun ay ang tibok ng puso.

"Sorry...Did I scare you?" his deep voice lingered in my ears.

Napaayos ako ng tayo at umiling.

"Hindi naman. Medjo nagulat lang."

Tumango ito. Humakbang ako sa kabila para matunton ang pinto ng CR. When I was about to take a step, he halted me by his words.

"Wait..." 

Binalingan ko siya.

"Do you know where's the office? Hinahanap ko kasi si Calin..."

"Uh...just go straight and---" natigil ako sa sinasabi nang biglang sumingit ang pamilyar na boses.

"OMG! Hi, Engr. Altezano!" bati ni Calin bago kami dinaluhan.

His eyes almost sparkle when the guy faced him. Binigyan niya ako ng isang nanunukat na tingin. Tumaas ang kilay ko dahil doon.

"Marchioness, this is Engineer Altezano. The assigned engineer for the renovation of this foundation."

Hinarap ako nung lalaki at naglahad ng kamay.

"Engineer Jaeous Riz Altezano, Miss."

I accepted his hand.

"Chio Ghabila Alcoreza..."

Nakipagkamay ako sa kanya. He freed my hand from his grip. Kaya naman ay todo lingkis na itong si Calin sa braso ni Jaeous.

Right, I suggested a renovation for the foundation. Pera naman din ni Mama sa bangko ang gagamitin kaya dapat ay sigurado kami sa tatrabaho at mga gagamiting materyales. This building is too old for the growing family of House of Maidens. 

With Jaeous as the engineer, dapat siguro akong makampante. By just staring at his view right now, alam kong kaya niya itong ayusin at pagandahin. At hindi rin mukha ang pinagbabasehan ko. I surely did my research about the most trusted engineers here in Priacosta. 

His record was all good. Hindi ko nga lang nakilala kanina dahil pangalan lang naman niya ang alam ko at hindi ang mukha.

"Bakit ngayon ka lang? Gabi na, Engr. Buti nalang at nandito pa kami. You should join us for dinner," si Calin na bahagya pang hinila si Jaeous patungong office.

My plan to go to the restroom to fix myself vanished. Sa huli ay sumunod nalang ako sa kanila, nakikinig lang kay Calin.

"I went to Puerto Alegre this morning to check my project. As much as possible I don't want to start anew when the previous is not in a good condition..."

"I have no doubt, Engineer! Sinisigurado mo ang construction ng bawat project. Kaya nga ikaw ang most trusted engineer ng Priacosta!" 

Calin would throw so much compliments on him. Nakalimutan niya pa ngang buksan ang pinto ng opisina sa sobrang pagpuri sa lalaki.

Jaeaous insisted to open the door for us. Naunang pumasok si Calin habang hinintay naman ako ni Jaeous. 

"Thank you..."

He smiled. 

"You're welcome...Chio."

Pumasok narin siya. Magdidire diretso na sana ang lakad ko sa gawi ni Weino nang natigilan. Weino's eyes were darker than the usual. His bloodshot eyes rerouted to see the man behind me.

Mukhang napansin din iyon ni Calin. I can sense that he is trying to create a question. Ngunit bago pa man makapagsalita ay binasag na ito ng katok mula sa labas.

Calin hurried to the door. Isang delivery man ang bumungad pagkabukas niya dala ang dalawang cellophane ng pagkain.

"Oh, Weino's order?" tanong niya saka binalingan si Weino.

Sinulyapan ako ng kanyang madilim na mga mata bago tumayo. He walked past Engineer Altezano and went directly to the delivery guy. 

Nag-abot siya ng bayad. Si Calin na ang kumuha ng mga pinamili at tinakbo ang maliit na mesa sa gitna. Hinanda guro ni Weino kanina nung wala kami.

"Weino..." I called for his name. 

Napaismid ako. Para namang maririnig niya ako. 

Pumihit siya pabalik sa akin. When he reached my side, he stopped and whispered something.

"Gear up, we'll talk later."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status