Share

CHAPTER 3

Hapon na rin nang makauwi ako rito sa bahay namin sa Tagaytay. Pakiramdam ko ay naninigas na ang aking katawan dahil sa lamig kahit na naka-long sleeves naman ako.

Marami naman akong makapal na jacket ang kaso ay tinatamad akong maghanap pa kanina sa condo. Alanganin na rin kasi ang biyahe ko dahil galing pa ako sa isang meeting.

Napakunot-noo ako dahil hindi naka-lock ang main door namin. Marahan akong pumasok.

"Where's your wife? Bakit ikaw lang ang nandito?" Boses iyon ng ina ni Grantt.

Mula sa kinatatayuan ko ay parehong nakatagilid na anggulo nila ang nakikita ko. Hindi ko masabi kung kakarating lang ba nito rito.

"Mom, I told you nasa trabaho si Yongsann."

Sa tono ng pananalit nito ay alam ko na kaaagad kong saan na naman patutungo ang usapan na ito. Matagal naman na akong aware na ayaw talaga sa akin ng biyenan ko ito.

Well, naiintindihan ko naman dahil nga naging boyfriend ko ang isa niyang anak na basta na lang nawala na parang bula samantalang naging asawa ko naman ang isa niya pang kugtong na anak na akala mo ay palaging may dalaw dahil mainitin lagi ang ulo kapag ako ang kaharap. .

Ano bang klaseng sitwasyon itong napasok ko? Ni hindi ko naman pinangarap ang maging ganito eh.

"Trabaho? Na naman? Nakailang punta na ako rito at palagi siyang wala, Grantt. Sigurado ka bang walang lalaki ang asawa mo?"

Napakuyom naman ako. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ay mas lalong pinag-iinitan ako nito. Wala naman akong ginagawang masama.

Tsaka kasalanan ba ang magkaroon ng regular na trabaho? Hello? Ang iba nga diyan ay halos palayasin na sa pamamahay nila dahil sa pagiging tambay eh.

Kapag naman mahirap at jobless ang naging asawa ng kanyang anak ay paniguradong mas mai-stress siya. Baka nga isumpa niya pa.

"Mom! Ayan na naman tayo eh! Paulit-ulit na lang ho. Bakit ba gusto ninyong pahintuin ng trabaho si Yongsann? Eh ayaw nga, 'diba?"

Halata sa boses ni Grantt na naiirita na rin sa kakulitan ng kanyang ina. Gusto kong makisali na sa usapan nila pero hindi ko alam kung bakit parang napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan.

"Eh bakit ayaw niyang huminto sa trabaho? Sinabihan ko na siya na dumito na lang sa bahay, diba? Kaya hindi kayo nagkakaroon ng anak dahil palagi siyang walang oras sayo."

"Anong koneksyon, mom? Pareho naming ayaw magkaroon ng anak. Alam niyong hindi ganon kasaya ang marriage namin at isa pa hindi ba at si Dad naman talaga ang nagpumilit na ipakasal kami sa isa't-isa?!"

Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko. Gusto kong mag-walk-out para hindi ko na marinig pa ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig ngunit hindi ko magawa. Curious pa rin talaga ako.

"Gusto mo bang kumuha ako ng katulong ninyo para naman may mag-asikaso sa bahay na ito? Eh parang wala ka naman kasing asawa eh. Kung hindi na ninyong kayang panindigan ang pagiging mag-asawa ninyo, mag-divorce na lang kayo!"

"Mom!"

"Nag-asawa ka lang ba talaga para gawing miserable ang buhay mo, Grantt?!"

Katulong? What the hell?

Hindi na ako nakatiis pa at sinadya kong gumawa ng ingay nang isara ko ang pinto. Pareho naman silang napalingon sa akin.

Nagtama ang paningin namin ni Grantt. Blangkong tingin lang ang ibinigay ko sa kanya at ibinaling ang aking atensyon kay Mommy Gretchen. Pinilit kong ngumit at nakipag-beso rito.

"I'm sorry kung nahuli ako ng dating Tita Gretch," magalang kong saad ngunit sinadya ko talagang bwisetin siya.

"Tita? Bakit ba ganyan pa rin ang tawag mo sa akin kahit ilang taon na kayong kasal ni Grantt? Pinagloloko mo ba talaga kami Yongsann?"

Nahilot pa nito ang noo. Eh anong magagawa ko? Mas komportable akong tawagin siyang ganon. Tsaka alam naman nila ang totoong sitwasyon namin ni Grantt eh.

"Hindi ko po alam na pupunta ka ngayon," iba ko sa usapan. Sinuyod pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang pa sabay pagak na natawa.

"Kasi kung alam mo ay hindi ka naman talaga uuwi rito. Hindi ka ba marunong sa gawaing-bahay, Yongsann? Ang gulo ng kitchen ninyo pati na rito sa sala. Baka gano'n din sa kwarto ninyo? Naku naman, kaya nga nag-asawa itong anak ko para may mag-alaga sa kanya, 'diba? Tapos..."

"Mom, ako ang may gawa..."

"I'm sorry, Mom. Hindi na ito mauulit pa. I'll make sure na maaasikaso ko ang bahay na ito kahit na may trabaho ako," putol ko sa sasabihin ni Grantt. Mag-aaway at mag-aaway na naman sila dahil sa akin. Masyado na akong pagod sa work ko kaya baka pati mental health ko ay bumigay na rin.

"Mabuti naman at naiintindihan mo ako. Baka ka'ko may lalaki ka na? Aba naman, Yongsann."

Mukha ba akong malandi? Kung meron mang may gumagawa ng kalokohan dito ay ang anak mo po 'yon at hindi ako!

"Wala rin po akong lalaki, busy akong tao para sa ganon. Excuse me po, magpapalit lang ako ng damit," agad na paalam ko at tinalikuran sila.

"Mabuti naman kung ganon kasi kapag meron, maiintindihan ko si Greel kung bakit umalis ng wala man lang paalam sayo."

Parang isang martilyo iyon na pinukpok sa aking dibdib. Isa iyon sa pinakamasakit na salita na aking narinig sa tanang buhay ko.

Alam nating nasasaktan tayo kapag walang salita tayong makapa pero merong luhang kusang lumalabas mula sa ating mga mata.

Nasaksihan ko ang pagnginig ng aking kamay na nakahawak sa doorknob ng pinto ng kwarto namin. Pinilit kong huwag ipahalata sa kanila na namamasa ang aking mga mata at malaki ang epekto ng sinabi ng ina ni Grantt sa sistema ko.

Bakit ba may mga taong hindi man lang alam kung paano maging considerate sa pu-pwedeng maramdaman ng ibang tao?

"Sino nga ulit iyong sinasabing girlfriend mo, Grantt? Wendy ba? Bakit hindi na lang kasi iyon."

See? Ayaw niya akong magkaroon ng ibang lalaki pero parang gusto at suportado niya pa ang kanyang anak na magkaroon ng babae.

Wow! Just wow. Kakaiba talaga ang pamilyang ito. Ano bang nagawa ko sa past life ko para maging miserable ang buhay ko sa kasalukuyan.

"Huwag mong mamasamain ang mga sinabi ko Yongsann."

Ganyan tayo eh. Pagkatapos nating saktan ang damdamin ng iba ay umaakto tayong parang wala tayong nasabing masama.

"Ma, tara na po. Ihahatid ko na kayo sa labas," rinig kong saad ni Grantt at narinig ang mga yapak nila palabas. Nakahinga ako nang maluwag.

Agad akong pumasok ng kwarto at nagpalit ng pambahay na damit. Isang oversized shirt at shorts. Basta ko na lang din itinali ang lagpas balikat kong buhok Lumabas din naman agad ako at pumunta ng kusina.

Parang gusto kong hilutin ang aking sentido dahil sa kalat sa mesa. Kaya naman pala na trigger na naman ang galit sa akin ng ina ni Grantt.

Aish, thas jerk! Pasalamat ka at wala ako sa mood na makipag-argumento dahil pagod ako.

Sinimulan kong damputin sa sahig ang mga plastic ng frozen goods na nakakalat at inilagay iyon sa basurahan. Pati ang shell ng itlog na nasa lababo.

Sunod kong sinamsam sa mesa ang mga, plato, platito mangkok, kutsara't-tinidor, sandok, baso at kung ano pang gamit ang nakakalat lang. Inilagay ko iyon lahat sa lababo at binuksan ang faucet. Hininaan ko lang muna para lang matanggal ang mga tira-tirang pagkain.

Pagpihit ko ay halos mapamura ako dahil sa gulat. Kamuntik pang maglapat ang bibig ko sa dibdib ni Grantt.

"What the hell are you doing? Doon ka na para matapos agad ako rito," sermon ko sa kanya.

Sinadya ko ring magdabog nang bahagya. Siya naman pala talag ang may kasalanan kung bakit nanermon ang kanyang ina. Wala na siyang ambag sa buhay ko kundi ang bigyan ako ng sakit sa ulo.

Nag-angat ako ng tingin para suriin kung ano ba ang kanyang ginagawa. Nang magtama ang aming mga paningin ay hindi siya umimik. Ni hindi gumalaw mula sa pagkakatayo niya. Pati mga mata niya ay hindi kumukurap, titig na titig lang sa akin.

"Anong problema mo?" asik ko sabay iling. "Ano ba kasing pinaggagawa mo para maging ganito kagulo ang kusina? Nag-cooking show ka ba ng mag-isa?" talak ko na talaga.

"I'm sorry," seryoso niyang saad. "Sa mga nasabi ni Mom sa'yo," dagdag niya pa.

Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na seryoso ang paghingi niya ng sorry. Masyado na ba siyang nakokonsensiya sa mga paghihirap na ipinaparanas niya sa akin sa loob o labas man ng pamamahay na ito?

"It's fine. May point naman ang mama mo. Wala akong karapatan na sisisihin o magalit sa kanya. Tsaka aware naman akong gusto niyang huwag na akong magtrabaho para maalagaan kita at ang bahay mong ito."

Babysitter pala ang kailangan niya para sa anak niya at hindi manugang. Tsk.

"Let's make it then," suhestiyon niya pa.

Napataas-kilay naman ako. "Make what?"

"Let's make a baby," dagdag niya pa.

Pakiramdam ko ay saglit akong nabingi dahil sa aking narinig. Heto na naman at nagiging unpredictable na naman ang kugtong na ito.

Hindi ko alam kung bakit automatic na napatingin ako sa mapula-pula niyang lips. Napansin kong nakatitig din siya sa labi ko.

Pull yourself together, Yongsann. Nakokonsensiya ang siya kaya niya nasasabi ito.

Bahagya ko siyang hinawi para makadaan ako. "Kung nandito ka para asarin ako ay huwag muna ngayon. Wala ako sa mood, Grantt."

"Bakit ayaw mo? Eh asawa naman din kita tsaka mayaman ako para suportahan kayo."

"Suportahan? Hindi ko pinangarap na maging isang single mom or divorced mom. Tsaka huwag ka ng magpadala sa udyok ng ina mo, may one month na lang din naman tayo eh," paalala ko pa sa kanya.

Hindi naman siya nakaimik. Naghanap ako ng basahan para punasan ang mesa. May nakita akong pot holders na nakasalansan sa isang tabi. Kumuha ako ng isa.

Napahinto ako sa pagpupunas ng mesa nang maalala kong wala naman akong biniling ganito. Napatingin ako sa kanya habang nasa kamay ko ang isang pot holder.

"Did you buy this?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Yeah, maglilinis na rin naman ako kaso dumating si Mommy."

"Ahh," tipid kong sagot at ipinagpatuloy na ang paglilinis habang nakamasid lang siya sa akin. Itong basahan palang yata ang ambag niyang gamit sa kitchen namin.

Saglit akong huminto nang maramdaman ko na naman ang pangangalay ng kamay ko. Sinikap ko rin hindi niya iyon mahalata.

"Aren't you tired?" tanong niya pa.

"I am but it's okay. This is a wife's duty," pabiro kong sambit.

Hindi naman siya umimik pa. Hanggang sa matapos ako sa paglilinis sa buong kitchen ay hindi pa rin siya umalis. Kahit na naiilang ako ay mas pinili ko na lang na huwag siyang pansinin.

Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa sala. Agad din akong umupo sa sofa at hinawakan ang remote sabay bukas ng TV. Ipinatong sa sa sofa pati mga paa ko at niyakap ang isang unan.

Naramdaman ko ang pagod sa buong sistema ko. Saglit ko munang ipinikit ang aking mga mata para ikalma ang aking kalooban at sistema.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Sa totoo lang ay wala na talaga akong maintindihan pa sa sitwasyon namin ni Grantt. Gusto ko na lang matulog at huwag na sana akong magising pa.

Marahan kong naimulat ang aking mga mata nang marinig akong pamilyar na boses. Saktong pagtingin ko sa TV ay lumabas din ang magandang mukha ni Wendy. Nasa isang exclusive showbiz report ito.

Well, I must admit that she's pretty.

"Grantt!" tawag ko sa lalaki na nasa kusina pa rin. Hindi yata ako narinig kaya tinawag ko ulit siya.

"Oh?"

"Come here! Hurry!" pasigaw kong asik.

Agad naman siyang lumabas ng kitchen. "Why?" nakataas-kilay niynag usisa.

"Look, it's Wendy," saad ko sabay nguso pa.

Napatingin siya sa TV at nakita ko kung paano siya ngumiti habang nakatitig sa babae.

"She's damn pretty, right?" komento ko.

Bukal sa puso ko ang purihin ang babae dahil totoo naman iyon. Tsaka wala naman talaga akong isyu kay Wendy. Totoo mang may relasyon sila ni Grantt o wala ay hindi rin ako interesado..

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang titig niya sa akin kahit na nasa TV ang aking paningin.

"Wala ka bang inggit sa sistema mo?" usisa niya pa sabay palatak.

"Wala. Bakit? Akala mo ba maiinggit ako sa kanya? Si Wendy ay si Wendy at si Yongsann ay si Yongsann. Kahit na mamatay ako sa inggit ay wala pa ring mangyayari."

Dinutdot niya naman ang aking noo at umalis na. Bumalik na naman siya sa kitchen.

"Huwag ka ng magluto, mag-order na lang tayo! Treat mo!" sigaw ko pero hindi ako sigurado kung narinig niya ba.

Tinapos ko ang news at nang mag-commercial ay tumayo na at iniwang nakabukas lang ang TV. Sinundan ko naman ang lalaking busy sa kanyang sariling mundo.

"I told you not to cook," puna ko sa kanya nang makita kong ready na ang mga lulutuin niya. Mukhang nag-groceries din siya dahil wala namang laman na ang fridge namin kanina.

"Tapos ako ang magbabayad ng pagkaing o-order-in natin?"

"Eh bakit? Ang yaman-yaman mo eh, hindi naman siguro iyon ikakasira ng future mo with Wendy, diba?" pang-aalaska ko pa. Saglit siyang napatitig sa akin sabay ngisi.

"Nagseselos ka ba kay Wendy?"

Namilog naman ang bibig at mata ko dahil sa tanong niya. Ako? Magseselos? Bakit? Eh girlfriend lang naman niya iyon at ako pa rin ang legal niyang asawa.

"Hindi, ah?"

"Are you sure?"

"I'm 101% sure, Grantt. Wait, I'm a little bit curious too about this. Girlfriend mo na ba talaga si Wendy?" pangungumpirma ko pa.

Actually, hindi rin naman kasi ako sigurado sa real score nila. Ina-assume ko lang na magkasintahan na sila. Ever since ay hind ako interesado sa love team nila, ngayon lang.

"Sabi mo nga," kaswal niyang sambit. Napanganga naman ako habang nakatitig sa kanya. Parang sumama lalo ang tipla ng sistema ko. "Why? Para namang hindi mo inaasahan iyon."

"I thought magiging loyal ka for at least one month," kunwari ay madrama kong saad. Sarkastiko naman siyang natawa.

"Hindi ka talaga marunong magsinungaling. Halata namang binubwiset mo lang ako eh."

Hindi na ako umimik pa. Pinagmasdan ko na lang siya habang naghahanda ng makakain namin. Hindi ko alam na magaling naman pala siyang magluto. Hindi lang pala pambubwiset ang pwede niyang ipang-ambag sa mundo.

"Wow," mahinang sambit ko ng may bicol express sa recipe niya. Isa iyon sa paborito kong dish. Hindi ko naman iyon nabanggit sa kanya kaya paniguradong paborito niya rin ito kaya siya magluluto nito.

"Paborito ba ni Wendy 'yan?" tanong ko. Gusto kong tutupin ang bibig ko dahil mali pa yata ang tanong ko. Gusto kong itanong kung paborito niya pa iyon at hindi paborito ng girlfriend niya.

"It's my favorite. It's spicy kaya paniguradong kakain ka rin naman nito. Napansin ko lang kasi na kapag kumakain ang team natin sa resto ay puro spicy ang in-order mo."

Wow huh? Observant din naman pala siya.

Muli na naman akong natahimik. Tumunog ang kanyang cellphone na nasa mesa at isang pulgada lang ang distansiya nito sa siko ko na nakapatong din sa mesa.

"Wendy is calling," bigay-alam ko sa kanya. Napatingin naman siya sa cellphone niya.

"Answer it," nag-uutos niyang saad.

"Are you crazy?"

"Just press the answer button and shut your mouth up. Ako naman ang kakausap." Napairap naman ako at sinunod na lang ng sinabi niya.

"Grantt," bungad ng babae. Hindi ko alam kung kailangan ko bang umalis para makapag-usap sila o okay lang na manatili ako habang nakikinig sa usapan nila.

"Wend, how's your feeling now? Masakit pa ba ang ulo mo?"

Masakit ang ulo? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw niya itong payagan pumunta ng party ni Melendrez?

"Yeah but hindi na ganon kasakit. Kumain ka na ba?"

Nang mapansin kong mukhang magiging personal na ang usapan nila ay tumayo ako at lumabas ng kitchen. Sa sala na lang muna ako tumambay.

Kinuha ko ang aking gitara at umupo sa sofa. Mahina kong kinaskas ang strings nito. Inaalala ko ang lyrics at tono ng chorus part ng isa sa paborito kong kanta. Matapos ang isang minutong adlib ay sinimulang kong sundan ang totoong tono at sinabayan din ng kanta.

"Kung iisa lang ang aking pangarap. Mahalin mo ako ang nais kong matupad." Napailing ako dahil parang pati boses ko ay wala sa kondisyon. Hindi naman ako sintunado pero parang may kulang.

Saglit akong huminto at in-adjust-an ang strings ng gitara. Baka kasi hindi ko na ito nagagamit na kaya iba na ang tunog.

Muli kong kinaskas ito at napangiti ng maging okay na ito. "Mahalin mo ako ang nais kong matupad," ulit ko. Ngayon ay mas dama ko na ang emosyon ng kanta.

"At kung sa habang buhay ikaw ang kapiling..." Hindi ko alam kung bakit namasa ang aking mga mata eh kanta lang naman ito.

Kugtong ka talaga, Yongsann.

"Wala nang kahit na ano pang nanaisin." Napapikit ako para pigilan ang aking luha pero mas lalo lang akong naiyak. "Ikaw ang panaginip at laging nasa isip.

Nag-iisa lang."

Isang minuto pa akong nakapikit at nang kumalma na ako ay tsaka ko palang idinilat ang aking mga mata. Pinunasan ko rin ang bakas ng aking luha na sa aking pisngi.

Tumayo ako at isinauli na ang aking gitara. Pagpihit ko ay bumungad sa aking paningin ang madilim na mukha ni Grantt. Hindi ko na lang ito pinansin at baka ako na naman ang pagbuntungan ng sama ng loob dahil sa kung anumang pinag-awayan na naman nila ni Wendy.

Tahimik akong nahiga sa sofa. "Gisingin mo na lang ako kapag kakain na," usal ko, nagbabakasakaling marinig ako ni Grantt.

I missed you, Greel. Gusto kitang makita, hindi dahil gusto kong ituloy kung anumang meron tayo noon kundi para ipaalam sayo na kinaya kong mabuhay na wala ka. Na hindi naman pala kita kailangan.

Nakapikit ang aking mga mata pero ang lalim ng sisid ng aking utak. Inaalala ang taong hindi na dapat pang alalahanin.

Bakit hindi ka magpakita? Bakit hindi ka umuwi sa Pilipinas kung totoong nasa ibang bansa ka? Move-on na ako sayo, wala na ang pagmamahal ko sayo, tanging sakit na lang ang natitira sa puso ko. Hindi ko pa rin tanggap na pinaglaruan mo lang pala ako!

Naramdaman ko ang init ng aking katawan. Marahil ay baka kanina pang umaga wala sa kondisyon ang katawan ko.

"Yongsann," rinig kong untag sa akin ni Grantt. Napadilat naman ako. Napagtanto kong nakabihis pang-alis ito.

"Saan ang punta mo?"

"Kay Wendy, siguraduhin ko lang kung totoong okay na siya at kung totoong nasa condo niya siya ngayon."

Aish, this jerk! Wala pa yatang tiwala sa girlfriend niya.

"Okay," tipid kong saad at bumangon.

Nakaramdam ako ng hilo pero ininda ko lang. Tumalikod na siya sa akin kaya tumayo naman na ako para sana pumunta ng kusina pero bumagsak lang ako sa sahig dahil sa biglaang paghina ng tuhod ko.

"Yongsann!" rinig kong sambit niya. Baka nakita niya kung paano ako natumba. Pinilit ko namang makatayo agad.

"I'm fine, Grantt. Sige na, umalis ka na dahil gabi na. Malayo-layo pa ang biyahe mo. Bilhan mo rin ng gamot at pagkain si Wendy dahil paniguradong walang lakas iyon para lumabas," mahinang suhestiyon ko sa kanya. Nakatitig lang naman siya sa akin. Pinilit kong umaktong normal at naglakad papasok ng kusina.

Napakapit ako sa mesa nang maramdaman kong nahihilo na naman ako. Hinila ko ang isang upuan at agad akong umupo. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong hilo na para bang pati paghinga ko ay nasusuka ako.

"Shit! I hate this feeling, damn it!" asik ko habang naka-obob sa mesa.

Nang mabawasan ang pagkahilo na nararamdaman ko ay tumayo ako. Kamuntik na naman sana akong sumubsob sa sahig kaya lang ay may mga kamay na sumalo sa akin.

"Yongsann," may diin na asik ni Grantt. Buong akala ko ay umalis na ito.

"You should go," mahinang sambit ko. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Ayaw ko siyang abalahin at ayaw na ayaw kong magpakita siya ng pakialam sa akin.

Binubat niya ako at naglakad papuntang kwarto namin. "Tapos ano? Kapag namatay ka ngayon ay konsensiya ko pa? At kapag namatay ka rito sa pamamahay ko ay ako pa ang magiging prime suspect sa pagkamatay mo, mahahatulan pa ako ng death penalty dahil sayo."

"Ang OA mo, ang pagkakaalam ko ay singer ka at hindi author para magplot ng ganyang kwento," mahinang tugon ko habang nakapikit.

Naramdaman kong lumapat sa malambot naming kama ang aking likuran.

"Ikukuha lang kita ng pagkain at gamot," paalam niya pa.

"Alam ba niya na pupuntahan mo siya?" usisa ko. Narinig ko ang kanyang buntong-hininga.

"Oo pero okay lang naman kung hindi ako matuloy."

"Tawagan mo, sabihin mong hindi ka matutuloy para hindi umasa ang girlfriend mo."

"Look who's talking. May sakit ka na nga at lahat pero ganyan ka pa rin? Ibang tao pa rin ang iniisip mo? Fine, tatawagan ko na."

Narinig ko ang kanyang yapak papalabas ng kwarto namin. Ngayong nakahiga na ako sa kama namin ay nilalamig naman ako. Kahit nakakumot ako ay hindi ko pa ring mapigilan ang nginig ng kalamnan ko.

Marahan kong idinilat ang aking mga mata para suriin kong nakabukas ba ang aircon namin. Pinilit kong bumangon para sana i-off ito pero bumukas ang pinto at pumasok si Grantt bitbit ang food tray. Maingat niya iyong inilapag sa working table ko.

"Ano bang gagawin mo at bumabangon ka na naman? Hindi mo ba kayang manatili diyan sa kinahihigaan mo?"

"Turn off the aircon please? Nilalamig ako," reklamo ko. Sinunod niya naman agad ang utos ko.

Binuksan niya ang drawer ko at parang may hinahanap. Nahilot ko ang aking ulo nang makitang ginulo niya ang pagkakasalansan ng mga damit ko.

"Hoy, Grantt!"

"Just shut up, naghahanap lang ako ng jacket mo pero mukhang wala kang ganon dito," dismayado niyang sambit. "Wala rin ako dahil nasa condo ko lahat."

"Hayaan mo na."

Lumapit siya sa akin at hinipo ang aking noo. "Jesus! Sobrang init mo ah?"

"Anong mainit nilalamig ako, Grantt. Hug me please?" puno ng pakiusap kong saad. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kakayanin ko ang hiya pagkatapos nito pero ang lamig ay hindi.

Maagap naman siyang sumampa sa kama at niyakap nga ako. Ipinaunan niya pa ako sa braso niya. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya dahil sa lamig na nararamdaman ko.

"Okay na?" usisa niya. Umiling naman ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. "Hindi mo ba kayang kumain para makainom ka ng gamot?"

Umiling na naman ako. Kahit kumain ako ay masusuka lang din naman ako. Minsan lang akong dapuan ng sakit pero sobrang lala naman kapag ganon.

Nakatulog ako na nakaunan sa kanyang braso habang niyayakap niya ako. Ito ang kauna-unahang beses na sobrang dikit namin sa isa't-isa sa ibabaw ng kamang ito. Kapag normal ang pakiramdam namin pareho ay tiyak na sandamakmak na unan ang magiging harang sa pagitan namin.

Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras ba akong nakatulog. Basta pagkagising ko ay okay na ang pakiramdam ko at wala na siya sa tabi ko.

Bumangon ako at dumiretso sa table para uminom ng tubig. May nakita akong post it kaya kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

Drink your medicine and don't go to work tomorrow. Just rest. Uuwi ako agad. Kailangan ko lang kitain si Wendy.

Napabusangot ako sa hindi ko alam na dahilan. Nabalik ko ang post it sa pinagdikitan niya at bumalik sa kama. Matutulog na lang ulit ako hanggang sa dumating siya. Magpapanggap na hindi ko nabasa ang kanyang note.

This is the reality, Yongsann. Don't expect too much because too much can kill someone. Mas matimbang pa rin si Wendy kaysa sayo at kailangan mong tanggapin iyon.

Vote. Comment. Follow.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status