Share

CHAPTER 2

"Have you gone mad?" asik ni Grantt nang makita akong lumabas ng kwarto. Inayos ko naman ang sling bag kong dumudulas sa naka-expose kong balikat.

Naka-short shorts lang ako na pinaresan ng sando crop top. Uso naman na ito ngayon kaya walang may pakialam kung ganito ang suot ko.

Well, except for this annoying guy who always interferes in my life. Jeez.

He pretends to be concerned, but he just wants to make it clear to me that he dislikes everything about me—my actions, my clothes, my way of speaking, and everything else about me.

What a jerk!

Who would have thought that I would end up being married to this heartless man instead of his asshole brother?

Kung nasaan man ang lalaking iyon, wether he is still breathing or not, I hope that he is miserable as he should be. I hate him as much as I despise this man in front of me.

"Not really, pero kung makakausap kita minu-minuto ay baka higit pa roon ang mangyari sa akin. Why? Ano na namang problema mo ha? Pasensiya naman at wala akong ballpen na mahanap, tsaka isang buwan pa naman..."

"Ganyan ang suot mo papuntang studio? Are you kidding me?" Halos magsalpukan na ang kanyang kilay.

Agad ko namang sinuri ang sarili ko sa salamin na nasa bandang likuran niya mismo. Wala namang problema sa suot ko. Ang sexy ko nga eh. Once in a blue moon lang din ako magsuot ng ganito gawa ng isang akong desenteng manager nila.

"Hindi naman ako didiretso ng studio, magkikita kami ni Kenth at isa pa, dadaanan ako mamaya ng condo ko para magpalit bago pumunta ng studio. Relax, huwag kang mag-alala na baka maagaw ako ni Kenth sayo," pang-iinsulto ko sa bandang huli.

"You sure are insane. Gustong-gusto mo talagang naiisyu kayo ni Kenth 'no?"

"Eh ano naman? May gawin ako o wala, naiisyu ako. Wala ng mawawala sakin Grantt. Mind you own life. Tsaka sabi ni Wendy ay naiwan mo raw ang laptop mo sa condo niya. Like seriously, boy? Gusto mo bang ako pa ang kukuha ng gamit mo sa lugar ng girlfriend mo? Ilang beses na bang pumunta ako roon para kunin ang ganito at ganon mo? Aish, I'm sick of it. C'mon, marami na akong iniisip kaya maging masinop ka naman sa gamit mo," sermon ko sa kanya.

Hindi ko rin maintindihan ang babaeng iyon kung bakit tuwing may naiiwan na gamit ang bwiset na ito ay ako ang tinatawagan agad. Hindi naman ako yaya ng isang ito ha?

"Ginagawa mo iyon dahil manager kita hindi dahil sa asawa kita. Huwag kang magreklamo dahil sinasahodan ka naman."

Tuluyan akong napataas-kilay at parang gusto ko na naman siyang sugurin. Pasmado talaga ang bibig ng lalaking ito eh. Wala ba talaga siyang konsensiya?

"At sa tingin mo naman papayag ako na mapunta sa condo ng babae mo ang mga gamit mo kapag tunay na mag-asawa tayo? In your dreams, Grantt. Baka noon palang ay napatay ko na kayo pareho."

"Harsh, tsk," aniya sabay bahagyang tumawa. Hindi ko masabi kung sarkastiko ba iyon o hindi. "Hindi tunay na mag-asawa? C'mon, Yongsann. Legal ang kasal natin. Anong pinagsasabi mo? Fine, isang buwan lang naman na at malaya na tayo sa isa't-isa."

Napairap na lang ako sa hangin at mas minabuting talikuran na siya. Lugi lang ako kapag nakipagbangayan pa ako sa kanya gayong may lakad ako at siya ay wala.

Nahirapan akong magmaneho dahil sa sakit ng pulso-pulsuhan ko. Hindi ko rin maintindihan ko bakit nitong mga nakaraang araw ay madalas akong makaramdam ng hilo o kaya ay panghihina.

It's not like I'm pregnant because fingers can't get you pregnant, right? I mean, that jerk always uses that method to heat my nerves up, but we haven't had sex, and it won't happen at all.

Matapos ang mahaba-habang biyahe ay narating ko rin ang parking lot ang building kung saan naroon ang condo unit ni Wendy. Nakaabang na ito at agad na inabot sa akin ang laptop ni Grantt.

"Thank you for picking up this, Ma'am Yongsann," nakangiti nitong saad. Pinigilan ko ang aking sarili na titigan ito mula ulo hanggang paa. Kahit wala itong make-up ay maganda pa rin ito. Kaya siguro patay na patay sa kanya ang baliw kong asawa.

Matatanggap pa kaya nito si Grantt kapag nalaman nito ang katotohanan patungkol sa amin?

Sana nga matanggap pa kasi kahit naman abnormal ang isang iyon ay sakin lang naman siya ganon. He's kind to everyone except to me and I am like that too so I do understand him when it comes to dealing with people around us.

Mukha namang magiging mabuting boyfriend o husband siya sa kay Wendy. Kung hindi dahil sa punyetang marriage contract namin ay baka official na silang couple ngayon.

Pero kahit ganon ay sinasabi pa rin isip ko na hindi deserve maging masaya ng lalaking iyon pagkatapos ng annulment namin kaya binabawi ko na agad ang sinabi kong dapat na tanggapin nito ang lalaking iyon.

"Ma'am Yongsann?" untag sa akin ni Wendy.

"Ah, sorry. Thank you for returning this also. That jerk... I mean, sumasakit ang ulo ko sa alaga kong iyon."

Tumawa lang naman ito at napatango. "Totoo po, nakailang punta na kayo rito para kunin ang gamit niya rito."

"How old are you, Wendy?" biglang liko ko sa usapan. Halata namang saglit itong natigilan dahil sa tanong ko.

"I'm 28 already."

"Magkasing-edad lang pala tayo, huwag mo na akong pino-po. Mas lalo akong tumatanda," biro ko pa. Tila nahihiya naman itong napakamot sa batok. "Sige na, Wend. I gotta go."

"Thank you po, ingat sa biyahe." Nagkangitian pa kami. Nang makaalis na ako sa parking lot ay napabuntong-hininga na lang ako.

Bakit ako ang nakakaramdam ng konsensiya? Hindi ba dapat ang lalaking iyon ang mas na makonsensiya?

Hay naku, Grantt. Hindi kita maintindihan. Tsk. Kung mahal mo si Wendy noon pa man, bakit ka nagpakasal sa akin? In the first place ay hindi naman ikaw ang boyfriend ko noon.

Ipinarada ko sa LC resto parking lot ang aking sasakyan dahil dito kami magkikita ni Kenth. Komportable akong lumabas. Hindi nakaligtas sa akin ang kislap ng camera mula sa kung saan. Hindi lang isa kundi nasa tatlo sila.

Nasanay na ako sa ganitong senaryo lalo na kapag kasama ko si Grantt tuwing may meeting o event kaming pinupuntahan. Mabilis na lang sa akin na pakiramdaman ang mga reporter na nakabantay lagi sa kilos ng artista.

Aish! Hindi naman ako sikat para magkaroon ng paparazzi ah? O baka nandito na si Kenth kaya may ganito?

Pasimple akong napabalik ng sasakyan ko. Tinted ang glass ng sasakyan ko kaya walang makakakita sa ginagawa ko sa loob. Agad na dinial ko ang phone number ni Kenth. Sumagot naman ito.

"Where are you?" bungad kong tanong.

"Nasa loob na ako ng LC resto. Ikaw ba? Nandito ka na..."

"Huwag kang gagalaw o lilingon man lang sa kinaroroonan mo ngayon. Um-order ka ng pagkain na para sayo lang at pagkatapos ay umuwi na. Huwag ka na munang pumunta ng studio ninyo."

"Hey, Yongsann. Akala ko ba ay..."

"I want to have lunch with you but I can't. Maraming paparazzi sa labas ng LC resto. Naiintindihan mo naman siguro ang punto ko..."

"Fine, fine, fine. Next time na lang. Pakisabi rin sa asawa mo na tigil-tigilan niya ako."

Napataas-kilay naman ako at pinaandar na ang sasakyan ko. "Bakit? Anong kasalanan sayo ni Grantt?"

"Siya ang tanungin mo kung anong problema niya sa akin. Palaging mainit ang ulo niya sa akin eh. Siya itong tumatawag tapos siya pa ang galit? Pinatayan pa ako ng linya?"

Tinawagan niya pa talaga si Kenth? Takot ba siyang maging cheater ako kagaya niya?

"Ganon na talaga ka arogante ang lalaking iyon . Mai-stress ka lang kapag pinatulan mo pa."

"Sinasabi mo bang ako na ang lang ang mag-adjust? Na naman?"

Natawa naman ako at napailing. "Relax, Kenth. Ikain mo lang 'yan. Pagsasabihan ko ang kugtong na iyon, okay? Tsaka ikaw din naman, iwasan mong bwisetin si Grantt. Malakas ang saltik niyon kaya hindi ka uurungan ng abnormal na 'yon."

"Whatever, ingat ka sa biyahe."

"Thank you. Ikaw din."

Pinatay ko na ang tawag at in-on ang speaker para makinig ng kanta. Dahil palaging nasa unahan ng playlist ko ang 'Till my heartaches ends na kanta ay iyon ang pumapailanlang ngayon.

Matagal-tagal na rin na hindi ko naa-update ang playlist ko kaya halos lumang kanta ang naka-save dito.

I was afraid this time would come, I wasn't prepared to face this kind of hurting from within...

Napailing ako dahil sa lyrics ng kantang iyon. Hindi para sa akin ang kanta pero tuwing naririnig ko ito ay naaalala ko si Greel. Kahit anong pilit kong kalimutan ang lalaking iyon ay hindi ko magawa. Minsan ay naitatanong ko rin kung naaalala pa ba ako nito o kung nasaan na ba ito ngayon.

Wala na akong balita sa kanya at kahit sino sa pamilya nito o pamilya ko ay walang bumanggit sa pangalan ng lalaking iyon. After years, kanina ko lang ulit narinig ang pangalan nito at dahil iyon sa punyetang kapatid nito na si Grantt.

Aish, that jerk again!

And I pray that you would stay

But then you're gone and, oh, so far away...

Hindi na ako natutuwa sa kantang ito. Mas lalo lang sinisira ang sirang-sira ko ng araw.

Sa inis ko ay dinial ko ang number ni Grantt kahit na may usapan kami ma bawal naming tawagan ang isa't-isa kapag hindi naman related sa work. I'll cross the line too this time. Hindi iyong siya lang ang nakakagawa niyon.

"Sagutin mo na, kugtong ka!" asik ko dahil nakalimang ring na ay hindi niya pa rin sinasagot.

Tulog kaya? Ay ewan ko!

Pinatay ko na lang. Mamaya ko na lang aawayin kapag nakauwi na ako ng condo ko.

I'm a Barbie girl, in the Barbie world

Life in plastic, it's fantastic...

Napapitlag pa ako dahil sa malakas na tunog na iyon. Iyon ang call ringtone ko. Napaismid ako nang makitang si Grantt ang nasa caller ID. Pinaabot ko rin muna sa limang ring bago ito sinagot.

"Damn you woman!" galit na asik niya. Walang tunog na tumawa ako. Masaya talaga ako kapag nagagawa kong bwiset iyon.

Deserve.

"Ikaw pa ang may ganang magalit diyan eh ikaw na nga itong hindi sumagot ng tawag eh."

"Alam mo namang kailangan kong magpahinga, diba?"

"Ay hiyang-hiya naman ako sa part na kailangan mo ng pahinga dahil pagod ka sa outing ninyo ni Wendy pero hindi ka napagod pagkatapos ng concert mo. Great," puno ng pang-iinsulto kong saad.

Binagalan ko ang takbo ng sasakyan ko dahil nararamdaman ko na naman ang pangangalumbaba ng pulso-pulsuhan ko.

"Tumawag ka ba para bwisetin ako?"

"Hindi, dahil na miss kita."

"You and your annoying sarcasm."

"I'm glad that I annoyed you."

"Ano bang itinawag mo ha? Sabihin mo na at para makatulog na ulit ako."

Walang tunog na napasinghap ako at humigit ng lakas para itanong ito sa kanya. "Nasaan si Greel ngayon?"

Isang katahimikan sa kabilang linya ang sumagot sa akin. Binusinahan ko ang motor na bigla na lang nag-overtake sa akin. Mabuti na lang at mabagal ang takbo ko.

"At bakit mo hinahanap? Hindi ka namimiss ng isang iyon kaya huwag mo ng hanapin pa."

"Hindi ko naman sinabing hahanapin ko. Tinatanong ko lang naman..."

"I am your husband, Yong at hindi si Greel!"

Napahinaan ko bigla ang speaker dahil sa pagsigaw niya. Naihinto ko rin ang sasakyan dahil sa paraan ng pagkabanggit ng pangalan ko.

Yong. How did he know that I hate that nickname of mine so much?

"Stop calling me, Yong! Idiot!" sigaw ko rin. Ito ang kauna-unahang sinigawan ko siya gamit ang lahat kong lakas.

"Relax, calling you by that name can't kill you, okay? Bakit? Hindi ka pa rin ba move-on sa kapatid ko? It's been years already for hell's sake."

"I wanna slap you hard for saying that. You don't know my struggle, Grantt," may diing kong sambit. Mula na namang nabuhay ang galit ko sa kanya.

Ang trauma ng iba ay parang biro lang din iyon sa iba. Hindi kasi nila alam kung anong pakiramdam niyon hangga't hindi rin nila nararanasan.

Kahit kamuhian man natin ang mga taong ginagawang katawa-tawa ang sakit na nararamdaman natin ay wala tayong magagawa.

May sari-sarili tayong nararamdaman at pananaw. Hintayin na lang natin na mangyari sa kanila ang naranasan natin para maintindihan tayo nila ng lubusan.

"Come home and slap me hard, Yong."

Nagtagis ang bagang ko dahil sa tawag niya na naman sa akin.

"Don't provoke me, Grantt. Baka umuwi ako diyan at hindi lang sampal ang maabot mo sa akin."

Natigilan ako dahil bigla na lang siyang tumawa. Mukhang tuwang-tuwa na naman ito na naasar niya ako.

"I dare you, Yong," may diin na naman ang pagkakasabi niya ng huli.

"Aish shit!" usal ko dahil halos kakausad ko pa nga lang ng sasakyan ay may bigla na namang sumingit na motor sa unahan.

"Why? Nagmamaneho ka pa ba?" tanong ng kugtong sa kabilang linya. Hindi ko siya sinagot. Ipinukos ko ang aking atensyon sa kalsada. Maraming drivers na pasaway ngayon.

"Ouch," imbit na saad ko dahil sumakit bigla ang braso ko. Binuksan ko ang bintana at sinenyasan ang kotse ba nakasunod sa akin na mauna. Hinintay ko munang mawala ang sakit ng braso ko bago nagpausad ulit. Minuto lang din naman ang itinagal niyon.

"Yong? What happened?"

"None of your business, Grantt."

Pinatay ko na ang tawag at binilisan ang takbo. Maya-maya ay narating ko rin ang LC Condominiums Building. Maayos kong ipinarada ang kotse ko at pumanhik diretso sa loob.

Hinarangan naman ako ni Mela na siyang nakatoka sa front desk ngayon. May bitbit itong isang bouquet ng bulaklak at iniabot ito sa akin.

"For me? From whom?"

"I don't know either. Basta iniabot lang iyan dito, ang sabi ay para sayo raw."

"Okay, thank you," saad ko at nginitian ito. Bitbit iyon ay pumanhik na ako sa elevator at pinindot ang 3rd floor button.

Nang makarating na ako sa unit ko ay pabagsak akong naupo sa sofa at basta na lang itinapon sa center table ang bulaklak.

"Is life this bitter huh?" himutok ko. Tumunog na naman ang cellphone. Tinatamad na kinuha ko ito sa bulsa ng shorts ko.

Kung hindi si Wendy ang nasa caller ID ay baka hindi ko ito sasagutin.

Bakit naman kaya napatawag ito?

"Wendy?" agad kong usisa. Hindi kami masyadong close para magchikahan.

"Hello po, Ma'am Yongsann. Itatanong ko lang sana kung nasaan ngayon si Grantt."

Nakagat ko naman ang dila ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot. Hindi ko pwedeng sabihin na nasa bahay namin sa Tagaytay. Walang ibang nakakaalam doon maliban sa akin, kay Grantt at sa pamilya namin.

"Ah, hindi ko alam kung nasaan ngayon si Grantt. Tawagan mo na lang."

"Kanina ay in another call siya," tila malungkot nitong saad.

Kanina? Ako ba ang kausap ni Grantt ng tumawag ito?

"Tawagan mo ulit, baka makontak mo na."

"Hindi na, galit din naman iyon sa akin eh."

"Eh? Why?"

"Ayaw niya kasing pumunta ako ng party ni Meledrez mamaya eh kaso namilit ako."

Ang alam ko ay hindi maagan ang loob ni Melendez kay Wendy. Kaya naman naiintindihan ko si Grantt kung ayaw nitong payagan ang babae. Overprotective pa naman iyon kapag si Wendy na ang usapan.

Aish, that jerk! Bakit sa akin ay hindi naman siya ganon? Eh ako naman ang asawa niya.

Kahit siguro mawala na lang ako ng bigla ay hindi niya ako hahanapin. Baka matuwa pa siya kapag nawala na ako sa buhay niya. Tanging kahinaan niya ang pagiging asawa ko kaya malamang sa malamang ay mas gusto niyang mabura ako sa buhay niya.

"Tatawagan ko na lang. Susubukan ko kung makontak ko si Grantt. Wendy, hindi ba at alam mo namang mainit ng dugo sayo ni Melendez? Kung ako sayo ay hindi na ako pupunta pa."

Hindi naman ito umimik. Napataas-kilay na lang ako ng bigla nitong pinatay ang tawag.

That bitch. May attitude rin pala talaga eh.

Naiinis kong tinawagan ang lalaking puro sakit ng ulo ko na lang ang ambag.

"Ano na naman? Hindi ko nga alam kung nasaan si Greel, okay? Kung gusto mo ay si Mommy ang tanungin mo!"

"Bwiset ka! Tinawagan ako ni Wendy!" bulyaw ko rin sa kanya. Saglit siyang natahimik.

"Bakit daw?"

"Aba'y ewan ko sa inyo. Huwag niyo nga akong idamay sa problema ninyo. Pinayagan kitang gustuhin mo ang babae mo but please? Sabihin mo sa kanyang huwag ako 'yong hinahanapan niya sa tuwing may alitan kayo!"

"Galit 'yan? Nagseselos ka na ba Mrs. Gomez?"

Isang sarkatikong tawa naman ang pinakawalan ko. "Selos? Me? Wake up, Mr. Grantt Gomez. Hindi pa ipinapanganak ang taong magti-trigger ng insecurities ko sa katawan. Si Wendy? Lang? I am hotter than her and I know that you know that," nangungutya kong saad. Hindi naman agad siya nakasagot. Malamang sa malamang ay nagtatagis na naman ang panga nito dahil sa sinabi ko.

"She's the hottest woman I've ever known," may diin niyang sabi.

Natawa ako sabay palatak. "Okay? Bakit tila sarili mo ang kinukumbinsi mo?"

"Yongsann Lim!"

"Yes, baby?" malambing kong saad para asarin pa siya lalo.

"Fuck you!"

"Fuck you too," kalmado kong saad. Wala ng sasarap pa sa pakiramdam na naaasar sayo ang taong pinakaayaw mo sa mundo.

"Huwag kang bumalik dito. Gusto kong magpahinga at hindi ako mapapanatag kapag nandito ka."

"Kapal ng mukha mo, dahil sinabi mo 'yan ay uuwi ako diyan sa ayaw at gusto mo."

"Yongsann!" Halata sa boses nito na ayaw niya talaga akong makita ngayong araw. Dahil badtrip siya sa naging bangayan nila ni Wendy?

Ohh... Ganito pala magselos ang isang Grantt Gomez ha? Bakit kasi hindi niya na lang din sabihin kay Wendy ang totoong dahilan niya?

"Ayaw mong papuntahin si Wendy sa party ni Meledrez dahil baka nandon ang ex-boyfriend niyang si Nikki, right?"

"Huwag kang gumawa ng kwento, wala kang alam kaya manahimik ka na lang."

"Ohh, how so sweet of you. How I wish na may boyfriend din akong kasing protective me. Sino kaya ang ganon? Si Maxwell, Tyron o Adrienne?" banggit ko pa sa mga nanliligaw sa akin dahil hindi alam na may asawa na ako. Nasa showbiz industry din sila.

"Hindi ko alam na ang baba pala ng taste mo sa lalaki. Kaya ayaw ko sayo eh, hindi ako kabilang sa standards mo." Nanliit naman ang aking mga mata.

Kailan ba ako mananalo sa asaran namin ha? Nakakainis naman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status