Share

CHAPTER 32

Author: LovieNot
last update Last Updated: 2023-10-26 22:46:24

"Kinakampihan mo ba ang manager mo?" liko ko sa usapan namin. "Gusto mo ba talagang umakyat sa stage ng mukhang pupunta ng festival, ha?" dagdag asik ko.

Bahagya namang napaawang ang kanyang bibig. "Wala naman akong sinasabing..."

"Huwag mong kakampihan kung ayaw mong pagbuhulin ko kayo pareho," seryoso kong saad at hinawi na siya para makadaan ako.

Sakto naman ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Wendy. Pasimple akong napabuntonghininga, halos makalimutan ko na ang existence nito. Rinig ko ay may duet sila ngayon.

"Grantt! Hindi ka pa ready? What the hell? What happened to you? Bakit hindi ka pa rin ready? Malapit na tayong magsimula," agad na asik ng babae.

Pasimple akong natawa, kahit ito ay halatang hindi sang-ayon sa suot ng lalaki. Sinulyapan ko si Olive at hindi na maipinta ang mukha nito. Ngayon niya sa'king sabihing ito na ang pinaka-best outfit na recommended niyang suotin ni Grantt. Kahit sino ay makakapagsabing baduy na baduy ito.

"Magpapalit na nga," tugon ni Grantt
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Superstar's Secret Wife    EPILOGUE

    "Ito ang bahay mo?" tanong ni Grantt nang makababa na kami. Dinala ko siya rito sa bahay ni Sabrina sa Antipolo. Ang totoo ay kanina pa ako kinakabahan. Ngayon ko sa kanya ipapagtapat ang tungkol sa kay Graxylla. "Ah, kay Sabrina bahay ito," sagot ko habang kinakalma ang aking sarili."Oh, pwede na tayong bumalik sa bahay natin sa Tagaytay. Nakausap ko na si Mommy and she's fine with that. Gusto ka rin niyang makausap at mag-sorry sa'yo."Ngumiti naman ako at tumango. May natanggap din akong message kahapon mula sa kanyang ina. Hindi ko na lang muna ni-reply-an dahil gusto ko munang malaman nilang lahat ang tungkol sa anak namin."L-Let's get inside," saad ko na lang at hinawakan ang kanyang kamay."Nanlalamig ang kamay mo, ayos ka lang ba? May sakit ka ba, Yong?"Nakagat ko naman ang pang-ilalim na labi ko para hindi niya mahalatang nangangatal din ako. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang kabang mararamdaman ko."I'm f-fine," simpleng sagot ko at binuksan na ang main door. Igin

  • Superstar's Secret Wife    CHAPTER 50

    Kinakabahan na pumasok ako sa venue ng event ni Grantt. Hindi naman ako mag-isa dahil kasama ko sina Wendy, Judie at Venice. Si Grantt ay nasa backstage na, naghahanda para mag-perform. Naka-set up na rin nang maayos ang sikat na banda na kilala sa MoonSun na magiging ka-collab diumano niya ngayon. Nararamdaman ko rin ang titig ng mga taong nandidito, mas lalo lang na dumadagungdong ang aking dibdib.Umakyat na si Grantt sa entablado at nagsimula na rin ang banda na tumugtog."First time I laid my eyes on someone like you..."Gamit ang aking paningin ay agad na hinanap ko ang may-ari ng boses na pumailanlang. Natagpuan ko ang main vocalist ng banda sa kaliwang bahagi ng stage na siyang kumakanta ngayon."Hey, Yongsann Lim!" Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtawag sakin ni Grantt, idagdag pa ang paraan ng pagkakatawag niya sakin. Parang asong siga sa kanto."Aish, this jerk!" naiusal ko rin, nakalimutan kong maraming tao pala sa kinaroroonan namin.Pumailanlang ang tawanan habang a

  • Superstar's Secret Wife    CHAPTER 49

    "OMG, Yongsann Lim! Finally, you're back!" malakas na sabi ni Judie. "Oh my goodness! So, totoo ngang nakabalik ka ng bruha ka! Welcome back to the Philippines, ang bansang mataas pa sa kalawakan ang requirements sa mga job hiring!" segunda ni Lou na ikinatawa ko pa. Hindi pa ang mga ito nakontento at niyakap pa ako nang mahigpit."Aray ko naman, dahan-dahan lang," reklamo ko pa dahil hindi na halos ako makahinga. Agad naman silang kumalas. "Ay, sorry! Masaya lang talaga kaming makita ka."Mas nakakaganda ba talaga ang mangibang bansa? Parang kailangan ko na ring idagdag sa bucket list ko," tudyo pa sa akin ni Lou. "Kugtong 'to! Huwag mo ng pangarapin na manirahan sa ibang bansa. Mahirap.""Really? Sabi mo, eh. So?""So, what?""Balik ka na ba sa career mo?""I don't know. Sa ngayon ay wala pa akong plano. May natanggap akong offer na work from home mula sa company na pinagtrabahuan ko sa Canada.""Ohh, iba talaga ang isang Yongsann. How about you, Grantt and Graxylla?"Hindi nam

  • Superstar's Secret Wife    CHAPTER 48

    "Uhm, dito ka na lang matulog. Doon ako sa kwarto ni Lovi," saad ko kay Grantt. Lumabas din kami kanina para kumain at bumili ng damit niya dahil ayaw niya na talagang pumunta ng hotel kung saan sila naka-check in.Bilang respito na rin sa kay Apple bilang manager niya ay ako na rin ang tumawag sa babae para ipagpaalam siya. Mabuti na lang at mabait din ang bago niyang manager at alam din pala nito ang tungkol sa amin. "Stay here," puno ng pakiusap niyang sabi at hinawakan ang aking kamay para hindi ako makalabas ng kwarto."Grantt...""Please? I missed you so much," parang bata niya pang sabi. Napabuntonghininga na lang din ako at sumusukong naupo sa kama."Fine," tipid kong sabi.Kaagad niya akong hinila pahiga sa kanyang tabi at walang salita na ipinikit ang kanyang mga mata. Niyakap niya rin ako at tila ba komportableng-komportable siya na katabi ako kahit halos dalawang taon din kaming hindi nagkaintindihan. Para bang walang nangyaring samaan ng loob sa isa't-isa. Marahil ay pa

  • Superstar's Secret Wife    CHAPTER 47

    Naghahanda kami ni Lovi para um-attend sa concert ni Grantt. Eksaktong 7:00 p. m ang start pero dapat mga 5:00 p. m ay nasa venue na kami. May dalawang oras pa naman kami bago tuluyang pumanhik ng venue."This is me praying that, this was the very first page. Not where the story line ends. My thoughts will echo your name, until I see you again," rinig kong kanta ng alaga ko mula sa kabilang kwarto. Natawa na lang ako. Mas excited pa ito kaysa sa akin, eh. "Tama na 'yan, baka mamaya ay wala ka ng boses para maki-jamming!" sigaw ko para marinig ako nito. Ang lakas pa naman ng volume ng music player nito. "Ay naku, Ate Yongsann! Bilisan mo na diyan!""Ako pa talaga? I'm done, ikaw na lang hinihintay ko diyan. Huwag ka ng magpaganda pa. Hindi ka papansinin ni Kuya Kenth mamaya dahil may girlfriend na iyon!" Ang alam ko kasi ay mag-on na rin sa wakas si Sab at ang kanyang Grayson. Nasabi sa akin ni Kenth na plano niyang mag-propose kay Sab ngayong taon. Naghahanap lang siya ng tamang ti

  • Superstar's Secret Wife    CHAPTER 46

    ~ 12 MONTHS LATER~["You have Broken Heart Syndrome, Ms. Yongsann Lim. You must take excellent care of your heart. This is your final opportunity to survive."]Napabuntonghininga ako. Ang sakit kong iyon ang isa sa dahilan kung bakit napaka-protective ni Sab sa akin at kung bakit pinilit ako ng mga magulang ko na umalis na muna ng Pilipinas. Noong nalaman ko ang tungkol kabuuang kwento ng pagkawala ni Greel sa pamamagitan ng letter at video na ibinigay sa akin ni Sab nang araw na iyon ay nalaman din ng mga magulang ko ang tungkol sa sakit ko. Hindi na rin ako nakabalik ng trabaho ng araw na iyon dahil isinugod na nila ako hospital. Ayaw ko mang iwan si Graxylla sa Pilipinas pero in-advise ng doctor ko na dito magpagamot sa Canada. Pasalamat na lang talaga ako at may private plane si Sab kaya sa tuwing gustong-gusto ako makita ni Xylla ay kaagad silang bumisita rito. Dito rin siya nag-celebrate ng first birthday niya. Maging sila Judie at Lou ay pumunta rin dito. Noong bago pa lang a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status