Share

CHAPTER 4

Walang gana habang nag-aayos ako ng aking sarili. Hindi pa rin nakauwi si Grantt at hindi na ako umaasa pang uuwi pa talaga ito rito. Baka sa studio ko na lang ito makikita mamaya.

Kahit sinabi niyang kailangan kong magpahinga at huwag ng pumasok ay hindi ko iyon masusunod. Meron akong appointment mamaya kasama ang pinakabata kong alaga na si Venice.

Balik na naman ako sa pagiging manager ni Grantt. Mas mabuti na lang siguro ang ganon para tahimik ang kaluluwa ko.

Lumabas na ako ng bahay at sumampa sa sasakyan ko. Napapitlag ako ng tumunog ang aking cellphone. Si Grantt ang tumatawag. Hinayaan ko na lang na patayin niya iyon. Wala ako sa mood makapag-usap at asaran sa kanya.

Mula sa bahay ay dumiretso ako ng studio. Magdadalawang oras din ang naging biyahe ko dahil sobrang traffic. Rehearsal day pala ngayon kaya naman maraming tao sa company.

Dumiretso ako sa rehearsal room ng mga alaga ko. Marami ang RR dito at bawat manager ay may sariling office na siyang nagiging meeting room para hina-handle-an nilang artists. Itong Big&High Entertainment ay isa sa pinakamalaking studio sa buong bansa. Halos 70% ng A-listers celebrity ay nasa amin din.

"Hey, pretty Yongsann!" bati sa akin ni Judie, kaibigan ko sa industry at kapwa manager ko rin. Sinasabi nilang kaming dalawa ang may mga alagang big time kaya maraming naiinggit kapag nagkakaroon kami ng collaboration sa isang variety show.

"Hey, gorgeous Jud! Kamusta?"

"Ito, stress sa mga alaga ko. How about you? Maghapon kitang hindi nakita rito kahapon ah?"

"Ahh, may meeting ako kasama ang alaga kong si Sebastian eh."

"I'm sure mas stress ka ngayon dahil sa nangyari kay Wendy."

Pinigilan ko namang mapakunot-noo. Anong nangyari kay Wendy? Bakit naman ako mai-stress?

"Mabuti na lang talaga at maagap na partner ang alaga mong si Grantt eh no? So, kamusta naman ang singing partner ng alaga mo?"

Hindi ko naman alam kung anong dapat kung isagot dahil wala naman akong alam. Naalala kong tumawag si Grantt kanina. Ngayon ay nagsisisi akong hindi ko iyon sinagot.

"Honestly, hindi ko alam. Hindi ko pa nakakausap si Grantt."

Bahagya naman itong napanganga at natutop ang bunganga. "Hala, sorry. Hindi ko sadyang sabihin sayo ito ha? Akala ko ay alam mo since manager ka ni Grantt. Baka ayaw kang stress-in dahil labas ka naman na sa usapan nila ni Wendy."

"No, it's fine. Bakit? Anong nangyari kay Wendy?"

"May nanloob sa condo ni Wendy. Mabuti na lang at naabutan ni Grantt. Nakatakas daw ang salarin at nasa hospital ngayon ang babae."

Kumalabog naman ang aking dibdib. Kaya pala umalis si Grantt. Ngayon ay nakaramdam ako ng konsensiya. Sumama pa man din ang loob ko sa kanya, iyon pala ay napaka-emergency ng dahilan niya.

"May sugat ba si Wendy?"

"Wala naman daw pero baka after shocked ang dahilan kung bakit nasa hospital siya ngayon."

Napabuga naman ako ng hangin. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may text ba si Grantt pero wala.

"Saang hospital daw ba?"

"Ay, iyan ang hindi ko na alam. For sure ay nasa private one sila. Anyway, mauna na ako at may meeting pa kami."

Tumango naman ako at ngumiti. "Sige, thanks for the info."

Pagkaalis ni Judie ay pumasok na ako sa pumaroon ako sa office. Hindi ko magawang i-dial ang number ni Grantt kahit na nag-aalala ako sa sitwasyon nila.

Kung bakit kasi kinalimutan kong kailangan ko itong kausapin bilang artist ko at hindi bilang asawa. This is exactly why they often say that we shouldn't mix our personal issue with our work.

Pwede mo rin naman siyang tawagan ngayon bilang manager niya, Yongsann. Walang na mangyayari kung papairalin mo ang pride. Isa pa ay kung hindi ka nagkasakit din eh di sana natuloy siya sa pagpunta niya kay Wendy kagabi.

Is life this bitter huh?

Kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang Dial icon. Nasa pinaka-uhanan naman ang number niya. Akmang pipindutin ko na rin naman iyon ng bumukas ang pinto. Bumungad ang mukha ni Grantt. Pasimple akong napalunok.

Sana naman hindi siya bad mood.

"Grantt, I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo, nasa biyahe kasi ako kanina," agad na palusot ko.

Sarkastiko naman siyang natawa at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat na maging reaksyon ko. Wala naman akong naisip na pagkakamali sa kanya ngayong araw kaya bakit siya ganito kung tumitig?

"Sinabi ko na sayong huwag kang magpalusot dahil hindi ka marunong magsinungaling," asik niya at lumapit sa akin.

Napaatras naman ako kaya napakunot-noo siya. "What are you doing?" tanong niya pa.

"Just," mahina kong saad. Just in case na tampalin mo ako.

Tuluyan siyang nakalapit sa akin. Nang akmang aatras na naman ako ay hinapit niya ang bewang ko at kinabig papalapit sa kanya. Bigla namang bumilis ang tibok ng aking puso. Wala kami sa bahay ngayon kaya hindi malabong may makakita sa amin. Mahirap na kapag nabunyag ang sekreto namin. Pare-pareho kaming mawawalan ng career nito.

"What are you doing, Grantt?" asik ko at bahagyang itinulak siya pero hindi man lang nagpatinag. Nagkatuosan pa kami ng paningin. Sadyang wala siyang balak na bitiwan ako.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Kahapon pa siya ganito ha? Naumpog ba ito at parang bigla na lang nag-iba ang pakitungo niya sa akin.

"I locked the door, don't worry," aniya pa at hinipo ang noo ko. Napansin kong nakahinga siya nang maluwag at binitiwan na ako. "Hindi ba at sinabi ko sayong huwag ka munang pumasok ngayon?"

Ah, chineck niya lang pala ako kung okay na ba matapos niya akong ewan para puntahan ang babaeng mahal niya.

Bigla ay parang gusto ko siyang sambunutan. Bakit ba parang concern siya sa akin? Bakit ba napaka-kugtong niyang nilalang?!

"Mas madaling pumasok sa trabaho kaysa sa ang kumansela ng mga appointment. Tsaka baka kasi ayaw mo lang na malaman ko ang nangyari kay Wendy."

Mataman naman siyang napatitig sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang itago ang konsensiyang nararamdaman ko. Kung bakit kasi hindi niya na lang ako iniwan agad eh di sana ay walang nangahas na manloob kay Wendy dahil nandoon siya.

"Stop blaming yourself. It wasn't your fault, neither I. Okay naman na si Wendy. Mamaya ay magdi-discharge na siya."

Napatango naman ako. Kahit ganon ay hindi pa rin ako mapanatag. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Nawawalan ako ng rason para tarayan siya.

"Did you eat?" tanong niya.

Sinalubong ko naman ang kanyang tingin. "Yeah."

"Okay, good. Aalis na muna ako."

"Kung pupuntahan mo si Wendy ay sasama ako." Agad akong tumayo at lumapit sa kanyang kinatatayuan. "Gusto ko lang kamustahin ang girlfriend mo."

"Can you really handle it?" tila nang-aasar niyang saad.

Napakunot-noo naman ako. Ano na namang iniisip nitong kalokohan? Bakit pilyo na naman ang kanyang ngisi. Tsk.

"Handle, what?" asik ko at isinukbit ang aking bag. Inayos ko rin ang aking buhok para namang desente akong tingnan sa harap ni Wendy. Nakakahiya na magmukha akong bruha na haharap sa isang maganda.

"Nevermind. Okay, kung gusto mong sumama," sukong saad niya pa.

Nagpatiuna na siya. Agad naman akong sumunod. Maaga pa naman kaya bago ang meeting ni Venice ay tiyak nandito na rin ako.

Lumabas kami ng studio at napansin kong ang paborito niyang sasakyan ang gamit niya ngayon.

"Get in," aniya pa.

"Hindi na, may sasakyan naman ako."

Hindi niya naman ako pinilit. Sumakay na lang din ako sa sasakyan ko at sinundan ang daan na kanyang binabaybay.

Ilang minuto pa ay huminto kami sa LC Exclusive Hospital. Ang alam ko ay lahat ng pasyente rito ay mayayaman o kaya naman ay sikat. Tama si Judie, ganitong hospital nga ang babagsakan ni Wendy.

Hindi na ako nagtaka kung pagbaba ni Grantt ay meron na siyang suot na mask. Allergy pa rin siya sa mga paparazzi na posibleng pumuslit sa lugar na ito para lang makahagilap ng chismis.

Hindi na rin akong nag-atubiling kausapin siya hanggang sa marating namin ang hallway kung saan nasa isa sa room nito ang babae.

"Pwede ba akong pumasok?" tanong ko nang nasa bungad na kami ng kwarto ni Wendy. Saglit niya pa akong tinapunan ng tingin bago tumango.

"Sure. Wala namang limit dito tsaka kasama mo naman ako," aniya at binuksan na ang pinto.

Tahimik akong sumunod sa kanya sa loob.

Nakahiga lang si Wendy at nang makita kami nito ay napabangon kaagad. Agad naman itong inalalayan ni Grantt.

Aish, gentlem. naman pala ang kugtong na ito.

"Be careful," saad niya sa babae.

Pasimple akong napakamot sa noo dahil sa awkward na nararamdaman. Hindi ko alam na aabot ako sa ganito, na masasaksihan ko kung paano alagaan ng asawa ko ang girlfriend niya.

Wow ha? Kung seryoso kami sa married life namin ay paniguradong ni kalingkingan ni Grantt ay hindi mahahawakan ni Wendy. Pero hindi eh. Hindi kami iyong typical na mag-asawa. Sa papel lang kami binansagan Mr. and Mrs. at hindi sa totoong buhay.

Oh, anong ipinuputok ng sistema mo, Yongsann?

"Ma'am Yongsann, nandito ka rin po pala," mahinang sambit ng babae.

Ngumiti naman ako at naupo sa isang couch. Samantalang si Grantt ay nakaupo sa bed mismo nito. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa posisyon nilang dalawa. Nagmumukha akong third wheel samantalang ako naman ang legal na asawa dito.

Relax, Yong. Ano bang problema mo sa kanila? Wala naman silang ginagawa at normal naman na sa kanila ang ganyan.

"Ah, yeah. Huli ko na rin nalaman ang nangyari. Ang dapat siguro ay higpitan mo pa ang security tools sa condo mo. Bakit hindi ka lumipat sa LC Condo? Mas mahigpit ang security nila kaysa sa iba," suhestiyon kong saad.

Napangiti naman ito na para bang iyon ang pinakamagandang suhestiyon na kanyang narinig sa tanang buhay nito.

"Iyon din ang sinabi ni Grantt. Pakiramdam ko ay mas lumakas ang telepathy ninyo ni Grantt dahil matagal ka na rin niyang manager."

Pinigilan kong mapaismid. Manager huh? We are more than that tho.

Tsaka baka kaya niya rin ni-recommend para magsama na talaga sila sa iisang building lang. Bakit hindi na lang sila ang nagpakasal, diba?

Ngumiti na lang ako nang pilit at hindi na nagsalita pa. Mataman na lang akong nagmasid sa kanila habang nag-uusap.

"You have to eat para makabawi ka agad ng lakas," ani Grantt at binigyan ng makakain si Wendy.

"Feed me," malambing na saad ng babae. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Kinilabutan din ang batok ko.

Titig na titig lang ako sa kanila. Hinihintay ko ang magiging tugon ni Grantt sa sinabi ng babae. Wala namang salita na sinunod ng lalaki ang gusto ng kanyang girlfriend.

So, ganito pala sila. Ganito pala maging responsableng lalaki si Grantt. Kinda cute.

Cute? Hoy, Yongsann! Pull yourself together!

Pagkatapos kumain ni Wendy ay pinainom niya rin ito ng gamot. Parang ayaw niya ring alisin ang kanyang paningin sa babae.

Ganon siya ka-inlove?

Nagulat pa ako nang bigla na lang siyang hinalikan ni Wendy. Napaiwas tuloy ako ng tingin pero sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko pa rin kung paano nila lamunin ang bibig ng isa't-isa.

Shit ka Grantt! Sa harap ko pa talaga?! How dare you!

Napailing ako at tumayo. Hindi ko na kaya pang pakisamahan sila. Ang pangit nilang ka-bonding. Lumabas ako ng kwarto at minabuting sa upuan na nasa labas na lang maghintay.

Bakit pa ba ako sumama rito? Para maging witness sa pagmamahalan nila? Ito ba ang tinatanong niya kung kaya kong i-handle. Well, I can't.

Parang gusto kong pukpukin ang aking dibdib dahil bigla-bigla ko na lang nararamdaman ang paninikip nito. Hindi ko alam kung bakit. Ang bigat ng pakiramdam na naramdaman ko kahapon ay parang bumalik sa sistema ko.

Magpa-check up kaya ako since nandito rin naman ako sa hospital na 'to?

Eh kaso kailangan ko pang magpa-set ng appointment eh. Baka sa susunod na lang. Stress lang ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng text sa kay Grantt.

Mauna na pala ako, may meeting pa kaming pupuntahan ni Venice...

Hindi ko pa man iyon nai-send ay bumukas na ang pinto. Kaswal kong tinapunan ng tingin si Grantt at tumayo na rin mula sa pagkakaupo.

"I gotta go, kita na lang tayo sa studio bukas kung pwede na kayong mag-rehearse ni Wendy," deklara ko habang hindi makatingin ng diretso sa kanya. Mas nadagdagan lang ang inis ko dahil sa kanyang pagmumukha.

"Bukas?" wala sa mood niyang saad. Siya na nga itong lumandi sa harap ko mismo tapos para siya pa itong dehado. Kugtong talaga.

"Bukas, hindi mo naman kayang pabayaan si Wendy, diba? Siya ang priority mo sa buhay kaya I'm sure bukas ka pa makakapagtrabaho. Hindi ko pwedeng antabayanan kayo. I have my own life too," pandidirekta ko pa sabay irap sa kanya.

Hindi ko na kayang itago pa ang frustration na nararamdaman ko. Parang ito yata ang kauna-unahang naramdaman ko ito.

"Are you mad..."

"I am not, why would I?"

Pagkasabi ko niyon ay agad ko siyang tinalikuran. Tahimik akong sumampa sa elevator at pinindot ang G button. May mga kasabay ako kaya pahinto-hinto pa ito sa ibang floor.

Nagulat pa dahil pagbukas ng elevator sa Ground Floor ay si Grantt ang sumalubong sa akin. Napakurap-kurap ako dahil sa gulat.

Paanong nandito na kaagad siya?

Bigla kong naalala na dalawa nga pala ang elevator dito. Pang VIP members iyong isa kaya malamang ay mas mabilis ang usad niyon at malaya siyang sumakay doon dahil VIP din siya rito.

Hinawakan niya ang aking kamay at kinaladkad papunta sa isa pang elevator. Gulong-gulo naman ako sa kanyang naging gawi kaya hindi ako naka-angal nang pindutin niya ang rooftop button.

"What are you doing, Grantt?!" Sa wakas ay naitanong ko rin ngunit hindi niya ako sinagot. Maya-maya pa ay narating din namin ang rooftop.

"Ano bang vang problema mo?!" naiirita kong tanong ulit sa kanya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo."

"Totoo? Ha! Anong totoo ang pinagsasabi mo? Alam mo, may meeting pa akong dapat na puntahan kaya please lang! Huwag ka ng magdrama, Grantt. Let me go, okay? Please?!"

"Answer my question then."

"Ano ba kasi 'yon? Direktahin mo kasi ko kasi lutang ako ngayon, Grantt! Hindi kita maintindihan!"

"Nagseselos ka ba kay Wendy? Galit ka ba dahil sa halikan namin? Ano?!"

Pagak naman akong natawa. Bakit ba ang insensitive ng taong ito? Bakit na ang slow niya mag-isip.

"Hindi," kalmado kong sagot habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. "Grantt, hindi ako nagseselos sa inyo pero nabastosan lang ako sa ginawa ninyo sa harap ko. Like, alam mo namang nandon ako, diba? Asawa mo pa rin ako, anong gusto mong maging reaksyon ko?"

"Nagseselos ka nga..."

"Grantt, hindi! Hindi ako sabi nagseselos! I'm just mad because you disrespect me! Kahit saang anggulo tingnan ay mali... Whatever! Just let me go, hmmm? Sa bahay na lang tayo mamaya mag-usap. Magpokus ka na lang muna kay Wendy."

"Yong..."

"Please? Mali-late na ako sa meeting ko. Please? Huwag muna ngayon," puno ng pakiusap kong sabi. Halata ring kumalma siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Iniwan ko na siyang mag-isa sa rooftop. Mula LCEH ay dumiretso ako sa studio. Pagkarating ko ay naghihintay na rin pala sa akin si Venice. Siya kasi ang kasama ko sa appointment ko maghapon.

"I'm sorry, Ven. May pinuntahan lang ako," agad kong paumanhin.

"It's okay, Ma'am Yongsann. How's Ate Wendy?"

Hindi ko alam kung bakit tila tuluyang nawalan ako ng gana na tapusin ang araw na ito. Kahit saan ako magpunta ay naririnig ko ang pangalan na iyon. Nagsisimula na akong marindi. Hindi ko maamin na nagseselos ako pero sa pagiging moody ko ngayon ay mukhang ganon na nga ang nararamdaman ko at hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Hindi.

"She's fine," tipid kong sagot.

Fine with my jerk husband.

"Tara na, baka ma-late tayo," yaya ko sa dalagita. Sumunod naman agad ito sa akin.

Kinita namin ang isang producer na gusto mag-produce ng second album ni Venice. Isa itong well-known producer at minsan na ring nakatrabaho namin ni Grantt noon.

Pero unlike Grantt, mukha unfair ang treatment na natanggap ni Venice galing  dito. Baka dahil ay hindi ganon kasikat si Venice dahil rookie ito. Hindi ko iyon ma-voice out dahil inaalala ko mararamdaman ng bata. Napaka-humble pa naman din nito.

Kaya ang ginawa ko ay pagkatapos ng discussion namin ay pinalabas ko na muna ito sa meeting room para masinsinan na kausapin si Sir Allan.

"Bakit hindi si Director Hannah ang kinuha ninyo? Hindi ba at siya ang ibinigay ninyo kay Grantt noon? Mas mapapaganda ang music video kapag ganon."

"Look here, Ms. Yongsann, hindi ganon karami ang supporters ni Venice. Baka malugi lang tayo. Alam mong mahal ang talent fee ni Hannah," pabirong saad nito pero nababakas ko pa rin ang pang-iinsulto nito.

"Paano maggo-grow si Venice as soloist kung hindi natin ibibigay ang best natin para mas dumami pa ang supporters niya? Normal lang iyon dahil nagsisimula palang naman siya. Walang nag-uumpisa na sikat kaagad. Tsaka ang first album niya ay napakaganda ng feedback. Deserve niya ng expert team ngayon comeback niya."

"Ms. Yongsann, business is business. Nasasabi mo lang iyan dahil alaga mo si Venice. Kung alaga ni Judie ang pinag-uusapan natin, sasabihin mo pa rin ba ang mga iyon?"

"Oo, pinaghirapan nilang makapasok sa industriyang ito kaya deserve nilang tratohin ng pantay. Palibhasa ay pera lang ang iniisip ninyo," pandidirekta kong saad. "Di bale, gagawa ako ng paraan para makuha si Director Hannah."

"Sinasabi ko sayong mahal ang..."

"Huwag niyo ng problemahin, magagawan ko ng paraan iyan. May pera ako. Kaya ko maglabas kahit magkano kung alam ko namang worth it iyon. Magkita-kita na lang tayo next week."

Kailangan ko si Grantt para dito. May mga koneksyon ang kugtong na iyon sa industriyang ito.

Tumayo na ako at lumabas ng meeting room. Natigilan ako dahil mukhang narinig pa rin ni Venice ang usapan namin ni Mr. Allan.

Ngumiti ako at hinaplos ang likuran nito. "Let's go," yaya ko rito. Wala namang imik na sumunod ito sa akin. Sa studio na kami dumiretso.

"Baka next week ay kikitain na natin lahat ng magiging staff sa filming ng MV ng song mo. Be prepared, okay? Do maintain your figure. Huwag ka ring mag-over think. Chill lang tayo," saad ko.

Tumango naman ito. "Okay lang sa akin kahit hindi si Director Hannah ang magdi-direct ng MV ko. Tama naman si Mr..."

"Huwag kang mag-isip ng ganyan, Venice. Deserve mo ang kung anumang hinihiling ko kay Mr. Allan. Hindi ka lang maganda kundi may talent ka. Tandaan mong kahit saan ka pa mapuntang agency in the future ay deserve mo ang fair treatment, okay? Huwag mong ibaba ang pagtingin mo sa iyong sarili dahil lang mababa ang tingin sayo ng iba. Huwag ding masyadong mataas to the point na may maaapakan ka na. Balance attitude and great mindset. Yong ang pinakasekreto para tumagal at maging successful sa industriyang ito."

Natural na ngumiti dahil sa sinabi ko. Mukhang nawala rin ang alinlangan na nabasa ko sa mga mata nito kanina.

"Thank you po at sinabi ninyo 'yan. I'll always remember that."

Tumango ako at ngumiti rin. Nauna na rin itong umalis. Nakatayo lang ako ng ilang minuto sa labas ng rehearsal room at kinukumbinsi ang aking sarili na makakaya kong dalhin sa team ni Venice si Direktor Hannah.

Napabuntong-hininga ako at tinawagan ang kugtong na Grantt kahit labag man sa aking kalooban. Mabuti na lang at kaagad ako nitong sinagot.

"Yong?" bungad nito sa tonong parang walang nangyaring bangayan kanina sa pagitan namin.

"I need your help."

"What is it?" mahinahon niyang tanong.

"Kailangan ko si Director Hannah."

"For?"

"Venice."

"Ohh, alright. Let's talk about it in person."

"Thanks!"

"Ako na ang bahala, umuwi ka na lang muna. Magpahinga ka at alam kong hindi ka pa ganon kagaling. Huwag ka na munang magtrabaho."

"Okay," sagot ko kahit wala akong balak na sunding siya. Marami pa akong dapat gawin ngayon. Isang krimen ang magpahinga.

Agad na pinatay ko ang tawag at baka mamaya ay sa bangayan pa kami mapunta. Wala na talaga kaming peace of mind pareho.

Napangiti ako at dumiretso na sa office. Sa studio na lang din ako nagpalipas ng oras. Kasama ko sima Judie na kumain ng tanghalian.

Pagsapit ng 1:00 p.m ay nakipag-ugnayan naman ako sa designer na siyang gagawa ng outfits ni Venice. Naging mahaba ang usapan namin dahil sinigurado kong magiging maganda ang kinalabasa ng proyektong ito.

Gusto kong sa comeback na ito ay maipakita ni Venice ang kung anumang meron siya at kung ano ang kaya niya pang gawin. Ayaw kong may nangmamaliit sa mga alaga ko.

Sabihin na natin hindi ko ito ginagawa para lang sa artists ko kundi para rin sa reputasyon bilang manager nila. It's a win-win situation tho.

Nang matapos ang appointment ko ngayong araw ay mas minabuti kong umuwi ng Tagaytay. Hindi naman uuwi si Grantt kaya ako na lang. Baka mamaya ay bigla na naman lang sumulpot ang ina niya roon, huhusgahan na naman ako.

Nang makarating ako sa bahay at dumiretso ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Iba pala talaga ang lakas ko noong teenager palang ako kumpara ngayong tatlong taon na lang ay lagpas na ako sa kalendaryo.

"Nandito ka na pala," saad ng boses lalaki.

"Ay kabayo ka!" hiyaw ko dahil sa gulat. Kamuntik pa akong malaglag sa kama dahil sa biglang pagpaimbabaw ng boses na iyon.

Si Grantt iyon at kakalabas niya lang ng shower room. Wala rin siyang pantaas na damit at tanging tuwalya lang ang pambaba niya. Tumutulo pa ang tubig na galing sa kanyang buhok papunta sa kanyang mukha.

Why so hot? Damn it!

Bago pa man tuluyang lamunin ang isip ko ng tukso ay hinila ko na pabalik sa aking katawan ang diwa ko.

"What the fuck, Grantt? Anong ginagawa mo rito?" dagdag asik ko habang madilim ang paningin na tinititigan siya. Akala ko pa naman ay hindi siya uuwi eh. Sana pala ay sa condo ko na lang ako muna dumiretso. Pagod ako ngayon kaya wala akong lakas na maki-usap sa kugtong na kagaya niya.

"Baka nakakalimutan mong bahay ko ito, Yong. Uuwi at aalis ako kung kailan ko gusto. Tsaka sinabi ko naman sayong huwag kang papasok ng trabaho, 'diba? Magpalit ka ng damit mo bago ka humiga diyan. Hindi mo ba napansin na bago ang bedsheet na 'yan?"

Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Bagong palit nga at bago lang din sa paningin ko ito. Nanliit ang mga mata ko ng mapagtantong masyadong girly ang design. Kahit na nagustuhan ko ay sigurado akong hindi siya bibili ng ganito.

Lumapit ako sa kanya, iyong pulgada na lang ang agwat namin sa isa't-isa. "Huwag mong sabihin galing kay Wendy ito? Bakit? Pati ba bedsheet ay couple din kayo? Hoy, Grantt Gomez ha? Hindi pa tapos ang one month kaya huwag mo munang burahin ang bakas ko sa pamamahay na ito. Be patient naman. Masyado kang excited na mawala ako rito."

"Anong pinagsasabi mo? Pwede na at huminahon ka rin? Sabi mo kanina ay hindi ka nagseselos pero tunog nagseselos ka ngayon."

Mas nairita pa ako lalo sa sinabi niya. "Sinong nagsabi sayo na nagselos ako ha? Kahit naman kasi sino ay maiinis na ka-clingy-han ninyo sa isa't-isa. Tama bang maghalikan kayo sa harap ng manager mo? Really, Grantt..."

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang akong hinalikan. Kinabig niya ang bewang ko para hindi ako makapalag pa.

Nang pinigilan ko ang aking sarili na gantihan siya ng halik ay marahas niyang kinagat ang labi ko. Nang bahagyang umawang ang bibig ko ay iyon ang kinuha niyang pagkakataon para tuluyang ipasok ang dila niya sa bibig ko.

With that, I lost my control too. I kiss him back. Sinundan ko ang bawat ritmong ginagawa ng kanyang bibig.

Hindi ko inaasahan ang kanyang sunod na galaw. He pinned me down as he use his thigh to support my back. In a blink of an eye, he manages to strip my clothes out and playfully suck my sensitive part right down on my chest while gently palming the other one. He made a circular motion around my nipples using his tongue. That made me moan his name for the first time.

"G-rantt... Ugh," mahina kong usal. "Wendy," dagdag ko para agawin ang kanyang atensiyon. Buong akala ko ay hihinto siya sa kanyang kabaliwang ginagawa kapag narinig niya ang pangalan ng kanyang girlfriend pero mali ako. 

Tila ba wala siyang narinig. Nagawa niya pa akong buhatin papunta sa kama namin. Sinikap kong salubungin ang kanyang tingin. I feel so confused. Ngayon ko lang nakita ang ganitong titig niya sa akin. Titig na kay Greel ko lang noon nakita.

"Hindi ako si Wendy," paalala ko pa sa kanya nang magkaroon ako ng pagkakataon na magsalita.

He presses his lips to mine. He successfully gets access to my most sensitive part down there, rubbing it slowly with his fingers while looking directly into my eyes. I bite my lips to stop myself from moaning. The work of his fingers never fails to give me so much pleasure.

"Hindi mo kailangan ipaalala 'yan. Kilala kita kahit nakapikit pa ang mga mata ko. That stare, breathe, smell, taste, warmth, I know it's you, Yong. This bed is ours. Me and only you," bulong niya sa akin.

"G-rantt!" impit na usal ko. I can't believe that he actually put his tongue into my hidden entrance. I want to curse but the leisurely feeling is making my mouth say his name instead. This leisurely pain is a mind-blowing one.

"I'll make you sore so you have no choice but to stay here. Siguraduhin ko ring ako lang ang iisipin mo sa oras na umalis at bumalik ako rito. I'm tired of waiting for you. Ubos na ang pasensiya ko. I'll make you mine tonight, Yong."

Ang sinabi niyang iyon ay naging palaisipan sa akin.

Did he really wait for me? Why?

Vote. Comment. Follow.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status