LOGIN“Cheeee!” singhal ni Ivy sa lalaking estranghero.
Ngumisi lang ang gwapong lalaki, parang wala lang sa kanya ang taray ni Ivy. “Alam mo ba, miss… mas lalo kang nakakaakit kapag nagsusungit ka. Para bang ang bawat salita mo, bulaklak na kahit may tinik—mas lalo lang nakakadagdag sa ganda mo.” Napailing si Ivy pero hindi niya napigilang mapatingin saglit sa lalaki. “Ako na ang bahala sa kaibigan kong ito,” dagdag pa ng lalaki, sabay tingin kay Ivy na parang siya lang ang tao sa paligid. “Medyo pagod lang siya sa trabaho, tapos nakainom pa. Pero kung ako tatanungin mo, kahit pagod ako buong araw, mawawala lahat ng bigat kapag tinititigan ko ang mga matang katulad ng sayo.” “Ganyan naman kayong mga lalaki!” singhal ni Ivy, sabay taas ng kilay at madiing tingin sa gwapong estranghero. “Kapag nakuha niyo na ang gusto niyo, iiwan niyo na kami! Mga pa–sweet talk lang, bolero!” Hindi na niya hinintay ang sagot ng lalaki, agad niyang pinaandar ang sasakyan, halos umusok ang gulong sa bilis ng pag-alis. “Kainis!” mariing sabi ni Ivy habang hawak ang manibela. “Minamalas ata ako ngayong araw! Kanina sa office, ngayon naman lasing na lalaki… at dinagdagan pa ng isa pang bolerong lalaki na akala yata mabobola ako!” Napairap siya nang malakas, sabay kagat ng labi. “Hmp! Kung akala niya madadaan ako sa ngiti at banat niya, nagkakamali siya. Hindi ako ‘yung tipong babae na basta-basta nalulunod sa matatamis na salita!” Habang papalayo ang sasakyan ni Ivy, napatingin siya sa rearview mirror. At doon, muntik na siyang mabilaukan sa sarili—nakita niyang nakatitig pa rin sa kanya ang bolerong lalaki. At hindi lang basta nakatingin… kumindat pa ito na para bang alam niyang eksakto na tinitingnan siya ni Ivy. “Huh?!” halos mapasigaw si Ivy, sabay malakas na tapak sa preno bago muling umarangkada. “Sanay na sanay ba siya sa kilos ng mga babae?! Ano ‘yon, may radar ng mga suplada?!” Napakunot ang noo niya at napailing, pero ramdam ang init ng pisngi niya. “Grabe ‘yon ah! Wala pang isang minuto, binola na ako, tapos ngayon, kinikindatan pa? Aba’t feeling James Bond sa karisma!” Mariin niyang hinampas ang manibela. “Kainis! Kung may award para sa pagiging bolero ng taon, siya na ang panalo! Pero hindi niya alam, immune ako sa ganyang estilo. Hmp! Hindi ako matitinag sa kindat-kindat na ‘yan!” Pero kahit anong sabi niya sa sarili, hindi niya maiwasang mapahawak sa dibdib niya sandali. “Argh! Bakit parang may kung anong kumalabit sa puso ko?!” bulong niya, sabay irap sa rearview mirror na para bang naroon pa rin ang lalaki. Pero sa muli niyang pagsulyap sa rearview mirror, wala na roon ang bolerong lalaki. Parang bula itong naglaho. Napasinghap siya ng malalim, pilit pinapakalma ang dibdib na kanina’y kumakabog sa inis at kaba. Kasabay ng paghinga niya ay bumalik ang alaala—mga salitang tumatak at sumugat ng paulit-ulit. “Talagang sila ang pinili ni Papa… at hindi kami ni Mama!” sigaw ng isip niya, sabay pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela, halos maputol ang pagkakakapit. Ramdam niya ang kirot ng pagtatakwil—hindi lang basta sakit kundi isang sugat na paulit-ulit niyang pilit tinatabunan, pero laging bumabalik tuwing mag-isa siya. “Paano niya nagawang ipagpalit kami? Hindi ba kami sapat?” bulong ni Ivy, halos maiyak habang pilit pinapawi ng mabilis na pagmamaneho ang pait sa puso. Ngunit kahit gaano siya kabilis tumakbo, hindi niya matakasan ang mga salitang iyon na parang sirang plaka na paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan. At sa likod ng kanyang supladang anyo, nakatago ang isang pusong sugatan—isang pusong naghahanap pa rin ng kasagutan at katarungan mula sa sariling ama. ……… “Anong problema, Jaime? Ex-girlfriend mo ba ‘yung magandang babaeng kaaalis lang?” nakangising tanong ni Dominick, sabay kindat at mahinang tawa na parang nang-aasar lang. Agad namang napasimangot si Jaime, inalog pa ang bote ng beer bago sumagot. “Ex… yun?! Hoy Dom, anong ex-ex sinasabi mo? Hindi ko nga siya kilala, no! Bigla na lang nag-park dito sa parking area ko, akala mo naman kung sino!” Napailing si Dominick, halatang kinakalikot ang dila sa pisngi niya para pigilan ang tawa. “Hala ka, bro… defensive agad! Baka naman nawindang ka lang kasi maganda, kaya nagkakaganyan ka.” Umirap si Jaime at lumagok ng isang mahaba sa bote ng beer, halos maubos sa isang inuman. “Tang*na, Dom, huwag mo akong biruin ngayon ha. Stress na stress na nga ako. Kanina pa ako nababadtrip, tapos biglang may supladitang babae pa na akala mo may-ari ng mundo! Kung makasigaw sa akin kanina, parang ako pa ‘yung may kasalanan.” Tumawa si Dominick, malakas at walang pakialam kung marinig man ng iba. “Ayos ah! First time ata na may babaeng hindi nagpa-charm sa’yo. Usually, ikaw ang laging may pahabol na ngiti, pero ngayon—ikaw ang iniwan ng naka-irap!” Halatang nag-init lalo si Jaime, pero may halong inis at tawa na rin. “Dom, put*ng ina, wag mo na akong asarin. Hindi lahat ng babae dito nadadaan sa ngiti at kotse, okay?” sabay hampas ng bote sa mesa. “Relax, bro,” sabay tapik sa balikat ni Jaime. “Pero aminado ka, diba? May dating ‘yung babae. Kasi kung wala, hindi ka ganyan kagalit ngayon.” Napakurap si Jaime, saka mabilis na umiwas ng tingin. “Tch. Hindi nga. Wala akong pake. Malas lang talaga na dito pa siya napadpad.” Ngumisi si Dominick, alam na tama ang kutob niya. “Oo na, oo na. Pero sa tingin ko… hindi pa d’yan nagtatapos ang encounter niyo.” “Oh, baka naman ikaw, Dom, ang nagkagusto sa babaeng ‘yon?” sarkastikong tanong ni Jaime, sabay lagok ng beer. Ngumisi lang si Dominick, nakasandal pa at parang chill na chill. “Pwede na rin… pero teka, hindi ba’t ako ang may karapatan pumili, hindi siya?” sabay kindat at tawa. Napangiwi si Jaime. “Bolero ka talaga! Lahat na lang ng babae, akala mo bagsak sa charm mo.” “Hindi ‘akala,’ bro,” sagot ni Dominick habang nakataas ang kilay. “Sigurado. Kasi kapag ako na ang kumindat, madalas bumibigay agad. Eh siya? Hmm… ibang klase. May apoy sa mata. Para bang challenge na gusto kong suungin.” “Challenge agad? Gusto mo lang ata masaktan,” singhal ni Jaime, pero halatang naiinis sa mga banat ng kaibigan. Dominick tumawa nang malakas. “Masaktan? Hindi ah. Mas lalo akong nabubuhay kapag may supladang babae na gaya niya. Ang sarap ligawan ng tipong hindi madaling mapasagot. Kasi kapag nakuha mo ‘yung oo niya—jackpot ka na, bro!” Napailing na lang si Jaime, sabay irap. “Tsk! Kaya pala tinatawag kang hari ng mga bolero. Wala ka talagang tatalab sa’yo kundi ‘yung tipong imposible.” “Exactly!” mabilis na sagot ni Dominick, sabay taas ng bote ng beer na parang nag-toast. “Ang imposible… mas lalong nakakaexcite habulin.” To be continuedBiglang bumukas ang malalaking pinto ng Lusffer Mansion, at isang binata ang pumasok—matangkad, naka-itim, matapang ang tindig na parang sanay humarap sa panganib. Kahit hindi Lusffer ang dugo, may presensya siyang kayang magpatahimik ng buong hall. Tumigil ang musika. Napalingon ang mga tauhan. Napatayo ang board members. At si April… napasinghap, parang tumigil ang mundo. Dahan-dahang lumapit ang binata. “Pasensya na sa biglaang pagpasok,” mahina niyang sabi pero solid ang boses. “Pero kailangan n’yo akong pakinggan.” Napakunot ang noo ni Ethan. Nagtaka si Domerick. Lumapit si April, nanginginig ang kamay. “Maddox…” bulong niya. Napangiti ang binata—hindi yabang, kundi lungkot na may halong pangungulila. “Ako nga, Ma.” ANG PAGLILINAW Lumingon si April kay Domerick, at sa unang pagkakataon mula nang bumalik ito sa Lusffer Mansion… nakita niyang kailangan niyang sabihin ang katotohanang matagal niyang tinago. “Dom…” Halos maputol ang boses niya. Hindi
Sa pagdating nila sa Lusffer Mansion, parang rumagasa ang lamig ng nakaraan sa balat ni Domerick. Sa sandaling tumapak siya sa marmol na hagdan, isang malakas na pintig ng alaala ang bumalik sa kanya—ang huling gabi bago siya mawala, ang mga sigaw, ang pagtataksil, ang pagkalunod ng sarili niya sa isang utos na hindi sa kaniya nagmula. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni April. “April…” mahina pero puno ng bigat. “Naaalala ko na lahat.” Nanginig ang babae, napahawak sa dibdib. “Ano… ano ang naaalala mo?” Napapikit si Domerick. “Lahat. Paano ako nilason ng mga kapatid ko. Paano nila inayos na mawala ako para makuha nila ang buong Lusffer Empire. Paano nila pinaghiwalay tayo… at si Ethan.” At parang sinindihan ang hangin, bumukas ang malalaking pinto. Sumalubong sa kanila ang tatlo—si Kenneth, ang panganay, si Shannara, ang babaeng puno ng lason ang dila, at si Renzo, ang pinakatuso. Nakatayo sila na tila may pag-aari sa buong mansyon, nakapangiti nang mapanlait, nakasuot ng mga br
Narinig ni April ang mahina ngunit nanginginig na buntong-hininga ni Domerick. Para bang bawat salitang binitawan niya ay may kumakaluskos na alaala sa loob ng isip ng lalaki. Kumapit ito sa gilid ng mesa, tila nahihilo, ngunit hindi na niya maitanggi ang pag-igting ng panga, ang pagbilis ng paghinga—mga senyales na may gumigising sa loob niya. “April…” basag niyang bulong, parang batang naliligaw. “Bakit… bakit parang ang sakit sa dibdib ko kapag sinasabi mong bumalik ako?” Lumapit si April, hawak ang nanginginig nitong braso. “Kasi,” mariin niyang sabi, “hindi ka ipinanganak para alipin nila. Isa kang Lusffer… asawa ko… at hindi ako papayag na mawala ka ulit.” Nanigas ang mga balikat ni Domerick. Parang biglang may sumiklab na init sa likod ng batok niya—isang pamilyar na apoy na matagal nang tinakpan ng takot at manipulasyon. Napatingin siya sa ama ni April, sa kabit nito, sa mga batang nakanganga pa rin sa gulat. Ngunit iba na ang tingin niya ngayon—hindi na pag-aalangan,
Hindi niya kailangang magsalita. Sapat na ang nakita niya. Dahan-dahang tumalikod si Dominick, marahang isinara ang pinto na para bang wala siyang nasaksihan. Pero ang bawat hakbang niya pababa sa hallway ay puno ng kontrol—ng plano—ng matagal nang hinihintay na pagkakataon. “Kung katawan ang puhunan nila…” mahina, halos pabulong niyang tawa, “…hindi ako matatalo sa ganyang laro.” Huminto siya sa likod ng malaking salamin na salamin din ng lungsod sa gabi. Kita niya ang repleksyon ng sariling matang hindi na inosente—kundi nanlilisik sa ambisyon. April… Maddox… Ethan… “Panahon na,” mahinang anunsyo niya. At ang susunod na galaw niya— Hindi na para makita. Kundi para maramdaman. Samantala… Nakarating kay April ang balitang kinampihan ni Mr. Elite ang anak niyang si Ethan. Parang biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi pa man nauubos ang hinga niya, ramdam niyang unti-unting sumisikip ang paligid—parang may gumagapos sa kanya. Ano nanaman ang plano mo, Mr. Elite? Madiin ang b
Sa tahimik na lounge, marahas na sinara ni Shannara ang pinto. Mabibilis ang paghinga niya, galit ang nangingibabaw. “Bryan,” madiin niyang bulong, “bakit nagkaganoon ang papeles? Ikaw ang huling humawak. Anong ginawa mo?” Nakasandal lang si Atty. Bryan Contie sa mesa, mga kamay nakasuksok sa bulsa, pero ang tingin niya ay parang punyal. “Hindi ako ang nagpalit,” malamig niyang tugon. “Pero alam ko kung saan nangyari ang pagbabago.” Lumapit si Shannara, halos sunugin siya ng tingin. “Sabihin mo. Aayusin natin agad. Hindi puwedeng mawala kay Renzo ang kontrol. Hindi puwedeng si Ethan—” “Kayang-kaya kong ibalik ang original document,” putol ni Bryan, mabagal, malinaw. “Kayang-kaya kong burahin ang audit trail. Pati ang log history. Gagawin kong parang walang nangyari.” Napahinto si Shannara. Umaangat ang pag-asa. “Then gawin mo.” Pero hindi gumalaw si Bryan. Bagkus, siya ang lumapit. Hindi mabilis. Hindi marahas. Pero sapat para magdikit halos ang pagitan nila.
Biglang nanigas ang panga ni Renzo. Naputol ang ngiti. Si Shannara, bahagyang napaatras—parang may tumama sa sikmura niya. “Hindi mo naiintindihan—” pilit niyang sabi, mababa. Pero hindi siya pinatapos ni Ethan. “Ang nakalagay dito,” ulit ni Ethan, boses ay walang pakiramdam, “kapag pumirma ako, ako ang heir… oo.” Dahan-dahan niyang inilapag ang papel sa mesa. “Pero wala akong tunay na kapangyarihan. Ako lang ang mukha. At ikaw,” tumingin siya kay Renzo, diretso, walang takot, “ang may hawak ng lahat ng desisyon.” Tahimik ang buong opisina. Hangin lang ang narinig. At ang pagbitak ng isang imperyo na akala nila’y hawak nila. “Atty. Dominick Elite! Ano ito? Bakit ganito?! Bakit ganyan ang nakalagay sa papeles?!” Hindi na naiwasan ni Renzo ang pagtaas ng boses, nanginginig ang kamay habang hawak ang dokumento. “Sino ang nag-utos sa’yo para palitan ang mga papeles?!” Tahimik si Atty. Elite sa loob ng ilang segundo, bago niya mahinahong isinara ang ballpen na hawak, para bang







