LOGIN
“Please… let the result be negative,” bulong ni Alexi sa sarili. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang nanginginig na mga kamay habang taimtim na nagdarasal.
Nasa loob siya ng klinika ng doktor, kung saan sumusulasok sa kanyang ilong ang matapang at tila ba nanunuot na amoy ng disinfectant. Ang malamlam na huni ng mga fluorescent light sa itaas ay nagbibigay ng masakit sa matang liwanag sa loob ng maliit na silid. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga palad, habang ang kaba sa kanyang dibdib ay tila karerang hindi matapos-tapos.
Sa kanyang tabi, ang asawang si Martin Villafuerte ay tuwid na tuwid ang upo sa gilid ng silya. Naka-cross arms ito at kanina pa walang kibo. Mula nang dumating sila, hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin o binigyan ng kahit anong senyales ng pag-alo. Hindi na niya kailangang tumingin pa rito para maramdaman ang namumuong galit na nagmumula sa katawan ng lalaki.
Bahagya siyang sumulyap kay Martin. Mariin ang pagkakatama ng panga nito, hanggang sa makita na niya ang bahagyang pagkirot ng mga kalamnan sa mukha nito. May kung anong emosyon sa mga mata ni Martin na mas nakakapanginig ng laman kaysa sa kahit anong banta, poot na walang halong pag-aalinlangan.
"Does he think I cheated on him?"
Alam niyang iyon ang tumatakbo sa isip nito, pero hinding-hindi niya magagawa iyon. Pero paano kung paano kung buntis nga talaga siya?
Baog si Martin, kaya paanong mangyayari iyon? Anong gagawin nito sa kanya kapag nagkataon? Palalayasin ba siya? Sasaktan? Hindi naman siguro magagawa ni Martin iyon o baka naman kaya nito?
Nanginginig ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang kandungan kaya mabilis niya itong itinago sa ilalim ng kanyang hita. Dinilaan niya ang kanyang nanunuyong labi bago naglakas-loob na basagin ang katahimikan.
“M-Martin…” nauutal niyang tawag, halos pabulong na ang boses.
Dahan-dahang lumingon ang lalaki. Ang kanilang mga mata ay nagtagpo, at doon ay tila tumigil ang mundo niya sa takot. Ang tingin nito sa kanya ay tila ba siya ay isang dumi, isang bagay na nakakasuka. Sa bigat ng titig nito, parang pinipiga ang kanyang dibdib.
“Ano?” matigas at mababa ang boses nito, ang uri ng boses na mas nakakatakot pa kaysa sa pasigaw na bulyaw. Muling gumalaw ang panga nito, isang babalang kabisado na niya.
“A-ano kasi, ang totoo niyan…”
Biglang bumukas ang pinto. Napatalon si Alexi sa gulat, pakiramdam niya ay lulukso ang kanyang puso palabas ng kanyang lalamunan. Mabilis na lumingon si Martin sa pinto.
Pumasok ang doktor, bahagyang humahampas ang suot nitong white coat sa bawat hakbang. Masyadong kalmado ang mukha nito, walang mababakas na emosyon, at iyon ang mas lalong nagpatindi ng kanyang kaba.
Dahan-dahang lumapit ang doktor, bawat tunog ng takong nito sa tiles ay tila bilang ng mga sandali ng kanyang hatol. Papabilis nang papabilis ang tibok ng kanyang puso.
Tumingin ang doktor sa kanya, pagkatapos ay kay Martin. Bahagyang bumuka ang mga labi nito na tila may gustong sabihin, pero walang lumabas na salita.
Bakit hindi ito nagsasalita? Nanginginig ang kanyang mga daliri habang nakabaon ang mga kuko sa silya.
“Magsalita ka!” biglang bulyaw ni Martin sa doktor, ang boses nito ay matalas pa sa talim ng patalim.
Napaurong siya sa gulat. Huminga nang malalim ang doktor at pilit na ngumiti bago direktang tumingin sa kanya.
“Congratulations,” malumanay nitong sabi. “Buntis po kayo, ma’am.”
Tila gumuho ang mundo niya sa narinig.
“Ano?!” bulalas niya, nanlalaki ang mga mata habang umaalingawngaw ang salitang iyon sa loob ng silid.
Buntis? Anong pinagsasabi nito? Paanong nangyari iyon?
Napahakbang si Alexi pabalik, ang kanyang mga kamay ay kusa nang dapo sa kanyang tiyan. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang nakahawak sa sariling puson. Bahagyang nanghina ang kanyang mga tuhod habang nakatingala sa doktor, umaasang sasabihin nitong nagbibiro lang siya, pero hindi ito kumibo.
Lumingon ang doktor kay Martin. “Magiging magulang na kayong dalawa.”
Nagdilim ang anyo ni Martin. Ang tensyon sa mukha nito ay napalitan ng wagas na poot. Nagngitngit ang mga ngipin nito, nagbabaga ang mga mata sa galit, at tila umuusok ang ilong habang ibinabalik ang tingin sa kanya.
Nanatili siyang nakatayo sa kanyang pwesto, nanginginig ang mga labi habang may butil ng pawis na gumagapang sa kanyang mukha.
“Buntis?” mahinang bulong ni Martin, pero bawat letra ay puno ng talim. “Buntis ka?”
Nanigas ang dugo niya sa tono ng asawa. Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas sa kanyang bibig. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang nakatingin sa lalaking puno ng pagkamuhi.
“Hindi… hindi maaari,” bulong niya habang umiling. “This isn’t possible.”
Mabilis siyang humarap sa doktor at mahigpit na hinawakan ang braso nito. “Please… check it again,” pagmamakaawa niya, basag ang boses. “Baka nagkamali lang kayo. It’s impossible for me to be pregnant.”
Napa-kurap ang doktor, halatang nagulat sa naging reaksyon niya. “Mrs. Villafuerte—”
“Hindi nga posible!” sigaw niya, mas lalong humigpit ang kapit sa braso nito. “Please, repeat the test. There has to be a mistake.”
Bumuntong-hininga ang doktor at dahan-dahang inalis ang kanyang kamay. “Propesyonal ako, ma’am,” mahinahong sagot nito. “Tatlong beses naming sinusuri ang resulta bago namin ito ibigay para siguradong walang mali. At base sa resulta, limang linggo ka nang buntis.”
Napaatras siya.
Limang linggo?
Nagkagulo ang kanyang isipan sa paghahanap ng lohika. Wala siyang ibang lalaking nakasiping kundi ang kanyang asawa. Paanong nangyaring limang linggo na siyang buntis?
Halos buong oras niya ay kasama niya si Martin. Binabantayan niya ito sa tabi ng kama, inaalagaan araw at gabi. Tatlong taon. Tatlong taon ng kanyang buhay ang ibinigay niya para alagaan ito, linisin, at pakainin noong panahong may sakit ito sa bato na naging sanhi ng pagkabaog nito. Kahit noong gumaling na ito, ni katiting na pasasalamat ay wala siyang natanggap. Sa halip, naging malamig at malupit ito sa kanya, itinuring siyang pabigat sa halip na asawang nagsakripisyo ng lahat.
Pero nanatili siyang tapat. Hindi siya tumingin sa ibang lalaki kahit marami ang nagpapakita ng motibo at nag-uudyok sa kanyang iwan na ang asawang nakaratay. Tinanggihan niya silang lahat. Dahil si Martin lang ang mahal niya.
Kaya paano? Paano siya nabuntis?
“Hindi…” muli niyang bulong kasabay ng paghikbi. “I would never do that…”
Biglang tumayo si Martin.
“Tama na, Alexi!”
Dumagundong ang boses nito sa buong silid, dahilan para tumahimik ang lahat. Bahagyang napaatras ang doktor sa takot.
Napaigtad si Alexi, nanginginig ang buong katawan. Nagtagpo ang kanilang mga mata, ang mga mata ni Martin na namumula sa galit at puno ng pandidiri. Tumingin ito sa kanya na tila ba siya ay isang basura.
“You’re a whore,” uyam nito. “I should’ve known what kind of woman you really are. Hindi na sana kita hinayaang pumasok sa buhay ko.”
Nangatal ang kanyang mga labi. “Martin, please—”
Hindi na siya pinatapos nito. Nang walang pasabi ay mabilis na lumabas si Martin ng klinika at ganoon na lamang kalakas ang pagbalibag nito ng pinto, dahilan para mayanig ang mga dingding.
Naiwan siyang nakatayo, ang bawat bahagi ng kanyang katawan ay tila naninigas sa lamig. Nagsimulang umagos ang mga luha sa kanyang mukha, malabo at hindi mapigilan. Nanghina ang kanyang mga tuhod kaya napaupo siya sa silya, itinago ang mukha sa nanginginig na mga palad.
Paano nito naisip na magagawa niya ang ganoong bagay? Ganoon lang ba kababaw ang tiwala nito sa kanya? Matapos ang ilang taon na pagsasakripisyo, matapos niyang mawalan ng ina habang nasa tabi nito?
Parang pinupunit ang kanyang puso. Mas masakit ang hapding nararamdaman niya ngayon kaysa sa anumang hirap na pinagdaanan niya noon.
Bigla siyang napatayo. Kailangan niyang habulin si Martin at magpaliwanag.
Mabilis siyang tumakbo palabas, hindi na pinansin ang tawag ng doktor. Tinahak niya ang mahabang hallway ng ospital.
“Martin!” tawag niya, gumaralgal ang boses habang tumatakbo. Pero nasa elevator na ito at nakatalikod sa kanya.
“Martin, please!” sigaw niya ulit, nakikipagsiksikan sa mga pasyente at nurse na nagugulat sa kanya. “This isn’t what you think!”
Hindi man lang ito lumingon o nagbagal ng lakad. Pagdating niya sa pinto ng ospital, nasa parking lot na ito at binubuksan na ang sasakyan.
“Martin!”
Kumaripas si Alexi ng takbo, pilit na tinitingnan ang dinadaanan sa kabila ng malabong paningin dahil sa luha. Noong sumakay na ito sa driver’s seat, humarang siya sa harap ng kotse at mabilis na kinatok ang bintana.
“Please! Just listen to me!” pagmamakaawa niya, desperadong kinakalampag ang salamin. “Wala akong ginawang masama. Ikaw lang ang minahal ko. Please, listen to me!”
Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Martin. Nanatiling diretso ang tingin nito, malamig at puno ng poot. At nang walang pag-aalinlangan, pinaandar nito ang makina.
“Martin, please, don’t do this!” sigaw niya habang muling kinakalampag ang bintana.
Dahan-dahang umabante ang kotse kaya napilitan siyang umatras para hindi masagasaan. Pagkatapos ay bigla nitong tinapak ang gas at mabilis na humarurot palayo, iniwan siyang mag-isa sa gitna ng daan.
Habang humihina ang tunog ng makina sa hangin, napatulala siya sa semento. Dahan-dahang nalaglag ang kanyang mga kamay mula sa pagkaka-diit sa salamin, at nanginginig ang kanyang mga labi.
“Hindi, hindi pwedeng umalis si Martin nang ganoon lang,” bulong niya habang umiiling. “Kailangan kong masundan siya.”
Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang nanginginig na mga daliri at pumara ng taxi.
“Sa Number 23, sa Makati Estate po,” bulong niya sa driver, halos hindi na makahinga sa tindi ng emosyon.
Sulyap sa kanya ang driver sa salamin na tila nag-aalala, pero hindi na ito nagtanong at nagsimula nang magmaneho.
Pagdating niya sa harap ng kanilang bahay, bumungad sa kanya ang kanyang mga maleta at damit na nakatambak sa labas ng gate na parang mga basura. Nakatayo si Martin sa pintuan, may hawak na namang isang kahon.
Namanhid ang buong katawan niya sa lamig.
“Martin!” habol-hininga niyang tawag habang tumatakbo papalapit. “Anong ginagawa mo?!”
Hindi ito sumagot, sa halip ay tumalikod ito para pumasok muli sa loob. Mabilis siyang humarang sa pinto.
“Bahay ko rin ito!”
Isang malamig at matalim na tingin ang ibinigay nito sa kanya, sapat na para mapatigil siya sa kinatatayuan. Marahas nitong isinara ang pinto, ang mga mata ay naglalayab sa galit.
“Nawalan ka na ng karapatan sa bahay na ’to sa sandaling ibinuka mo ang mga binti mo para sa ibang lalaki, hayup ka!” dura nito ng masakit na salita.
“Paano ka mabubuntis kung baog ako?!”
Ang mga salitang iyon ay mas matalas pa sa anumang patalim na pwedeng i****k sa kanya.
“Martin, please, listen to me…”
“Enough!” bulyaw nito. May kinuha itong sobre sa bulsa ng kanyang jacket at ibinalibag iyon sa kanyang mukha.
“Alam ko nang mangyayari ang ganito,” sabi nito habang nagngangalit ang mga ngipin. “Iba na ang kinikilos mo nitong mga nakaraang araw. Kaya inihanda ko na ’yan.”
Napatingin si Alexi sa makapal na letra na nakasulat sa itaas ng dokumento.
DIVORCE AGREEMENT.
Nanlambot ang kanyang puso. “Martin…” bulong niya.
Kumuha ito ng ballpen sa bulsa at isinubsob iyon sa kanya. “Sign it.”
“Wala akong ginagawang masama,” paghikbi niya. “Hindi ako nagtaksil. Hindi ko rin alam kung paano ako nabuntis. Martin, I—”
“Itago mo ’yang drama mo!” sigaw nito. “Do you think I’m stupid?”
Muling umapaw ang luha sa kanyang mga mata habang umiiling. “Martin, please… mahal kita…”
“Mahal?” mapait na tawa nito. “I could never love someone as disgusting and filthy as you.”
Parang binaliktad ang kanyang sikmura sa sakit. Tumagos ang mga salitang iyon sa kanyang pagkatao.
Lumabo ang kanyang paningin. Nanginginig ang kanyang kamay habang dahan-dahang inilalapat ang ballpen sa papel at lumagda.
Hindi pa man niya napupunasan ang huling luhang pumatak sa kanyang pisngi nang biglang hablutin ni Martin ang papel mula sa kanyang mga kamay.
“Umalis ka na,” malamig nitong utos.
“Martin, please—”
“Sabi ko umalis ka na!”
Tumalikod ito at marahas na isinarado ang pinto sa harap niya.
Napaupo si Alexi sa lupa, tuluyan nang bumuhos ang lahat ng sakit na kanina pa niya kinikimkim.
Mabilis ang tibok ng puso ni Alexi, tila ba gusto nitong kumawala sa kanyang dibdib.Hindi. Hindi maaari ito.Nanghina ang kanyang mga tuhod at bigla siyang dinaluyong ng matinding hilo at pagsusuka. Nanginginig ang buong katawan niya habang nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan.Si Marco Villafuerte.Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit siya pa?Ang malamig at tila walang emosyong kakambal ng kanyang dating asawa. Ang pinakamakapangyarihan at kinatatakutang bilyonaryo sa buong bansa.“I-ikaw,” pabulong niyang sabi, halos hindi lumalabas ang boses. “Are you saying… the embryo is yours?”Sandaling tumingin si Marco sa doktor bago ibinalik ang paningin sa kanya. “Yes,” malamig nitong sagot. “You’re carrying my child, Alexi."Napaigtad siya. Hindi agad nagproseso sa utak niya ang mga salitang iyon. Nanatili itong nakabitin sa hangin, mabigat at nakakapanghina.Humarap siya kay Dr. Rosales, punong-puno ng galit at kalituhan ang kanyang isipan. “How could you mix up something this se
Bumuhos ang ulan mula sa langit na tila ba walang katapusan, basang-basa ang mga damit ni Alexi habang naglalakad siya nang walang direksyon sa madilim na kalsada. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang sarili dahil sa panginginig, ngunit tila humahagupit pa rin ang ginaw hanggang sa kanyang buto. Ang mga luha ay humalo na sa tubig-ulan, kaya naman malabo na ang kanyang paningin at halos hindi na niya maaninag ang dinadaanan.Hindi na niya alintana ang lahat. Gusto niyang hayaan ang ulan na hugasan ang kanyang pagkatao, na pawiin ang hapdi sa kanyang dibdib at ang tindi ng pagkakanulong nararamdaman na unti-unti nang nagiging manhid.Ang tanging lalaking minahal niya, ang kaisa-isang pamilyang natira sa kanya matapos mamatay ang kanyang ina, ay tinalikuran siya. Hindi lang asawa ang turing niya kay Martin, ito rin ang dahilan kung bakit pumanaw ang kanyang ina. At sa kabila ng lahat, itinapon pa rin siya nito na parang walang kwentang bagay.Sumikip ang kanyang lalamunan nang magsimulang
“Please… let the result be negative,” bulong ni Alexi sa sarili. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang nanginginig na mga kamay habang taimtim na nagdarasal.Nasa loob siya ng klinika ng doktor, kung saan sumusulasok sa kanyang ilong ang matapang at tila ba nanunuot na amoy ng disinfectant. Ang malamlam na huni ng mga fluorescent light sa itaas ay nagbibigay ng masakit sa matang liwanag sa loob ng maliit na silid. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga palad, habang ang kaba sa kanyang dibdib ay tila karerang hindi matapos-tapos.Sa kanyang tabi, ang asawang si Martin Villafuerte ay tuwid na tuwid ang upo sa gilid ng silya. Naka-cross arms ito at kanina pa walang kibo. Mula nang dumating sila, hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin o binigyan ng kahit anong senyales ng pag-alo. Hindi na niya kailangang tumingin pa rito para maramdaman ang namumuong galit na nagmumula sa katawan ng lalaki.Bahagya siyang sumulyap kay Martin. Mariin ang pagkakatama ng panga nito, hanggang s







