Share

Prologue 1.2

Inalis niya sa isip ang posibilidad na isa iyon panaginip. She's sure now that it wasn't a dream or hallucination when Gen. Tamayo introduce him to them.

Napilitan siyang tumayo ng dumating na sa puntong ipapakilala na siya ng Heneral dito kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod.

With dark piercing eyes, he stood infront of her. Walang kangiti-ngiti sa mga labi. Obviously, naalala rin siya nito.

She smile bitterly.

Paano siya nito makakalimutan kung siya ang pinakamalaking pagkakamali na nangyari sa buhay nito?

"Andrea, this is Attorney Zethrius Miranda, a dearest friend and also my  lawyer. Zeth this is Andrea, a very dear friend too." pagpapakilala ng Heneral habang namumungay ang mga matang nakatingin sa kanya.

She swallowed hard. Biglang-bigla ay parang nabingi siya. The inside of the room suddenly seems dark. Kasing dilim ng aura ng kanyang kaharap.

Nakita niya ang paglahad nito ng palad.

"Ikinagagalak kong makilala ka miss Andrea.." he said with emphasis on her name. Nakangiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. His eyes shows no humor and his voice was cold as ice.

Atubili siyang iangat ang kanyang kamay. She was shivering and her knees were melting. If only she could run away.

Muli siyang napalunok. "M..Me too, Atty. Miranda." pilit niyang inangat ang kanyang kamay at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Ang balak niya ay bawiin iyon agad. But he didn't let her.

He hold her hand hard and firm to the point of hurting. Mariin nito iyon pinisil. Kulang nalang hilahin siya nito at sakalin hanggang tuluyan siyang mawalan ng hininga. The wrath in his raging eyes were so visible she thought she'd burn.

"Maupo na tayo Zeth."

Kung hindi pa umalingawngaw ang boses ni Gen. Tamayo ay hindi pa nito binitiwan ang kanyang kamay.

Wala sa sariling napaupo siya. She smile and muttered her thanks when Andro support her back to the couch.

Mas lalo lang siyang nawindang ng makitang doon ito umupo sa harapang bahagi ng couch, sa harap niya kung saan ang mahabang lamesa lang ang pagitan. Kung sinadya nito iyon o hindi.. hindi niya sigurado.

"I'm glad you came Zeth, I am asking you this for ages and finally, pinagbigyan mo rin ang imbitasyon ko."

"Naging busy lang ako nitong nakaraang buwan but I'm glad I came now." Makahulugan nitong Sabi. Nakadirekta pa rin ang mga madidilim nitong titig sa kanya.

Pilit niyang inabala ang sarili sa paglalagay ng alak sa baso ng mga ito kahit halos mabitawan na niya ang bote dahil sa panginginig ng kanyang kamay.

"Balita ko naipanalo mo naman yung kaso ni Don Sebastian? Bilib na talaga ako sayo, wala pa yata akong narinig na natalo ka sa mga hinahawakan mong kaso."

"I just did my job as their lawyer." He answer in baritone.

Isa pa iyon sa higit na ikinagulat niya. Ang malamang isa na itong abogado.

Hindi naman iyon imposible. She knew it then that he'll become one in the future because he was a hard-working and ambitious man. Puno ito ng determinasyon at mga pangarap.

Siguro nagulat lang siya dahil hindi na niya inaasahan na magkikita pa silang muli kahit na kailan.

He make sure of that.

Pinagsisisihan ko ang araw na nakilala kita, umalis ka na at huwag na huwag ng magpapakita sa akin kahit na kailan!'

She shiver at the thought. Kapag naaalala niya ang sinabi nitong iyon ay parang hinihiwa ang puso niya.

Walong taon.. walong taon ng nagdaan pero hanggang ngayon sariwa pa rin sa isip niya ang masakit na ala-alang iyon.

"Andrea!"

"Huh..? oh my God!" natataranta niyang iniwas ang bote ng alak na hawak ng makitang umaapaw na iyon sa baso and to her horror.. not just the glass but the whole damn table!

Napatayo pati yung lalakeng nasa gilid ni Gen. Tamayo at yung apat sa kabilang couch ay napabaling na rin sa banda nila.

"Oh Andro, I'm so sorry.." hinging paumanhin niya saka dali-dali na pinunas ang basang lamesa. Tinulungan naman siya nito.

"Are you okey?" He asked.

Natigilan siya.

"You're spacing out, may problema ba Drey?"

Huli na para umiwas ng hawakan nito ang kanyang kamay. Hindi niya alam kung ano ang nag udyok sa kanya para agad ding iangat ang tingin.

Zethrius eyes was more darker now,  tiim na tiim ang labi nitong nakatingin sa kanila partikular sa mga kamay niyang hawak ni Andro.

Palihim niya iyon hinablot.

"I..I'm sorry.." she stammered. "M..Medyo masakit lang kasi ang ulo ko.. pasensiya na."

"You could have said earlier, ipapaalam kita kay Arrielle.. then ihahatid na kita."

Agad siyang umiling. "Okey lang ako Andro, mild headache won't kill." pinilit niyang haluin iyon ng mahinang tawa.

Tumayo siya. "I'll get another bottle of whiskey."

Hindi na niya hinintay ang pagpayag nito. She walk out the door without looking back.

Hindi na niya kakayanin pa kung mananatili pa siya doon kahit isang segundo. Nasa lalamunan nalang niya ang kanyang hininga at masu-suffocate na siya kapag patuloy siyang mananatili doon.

Now she knew what it's like to live in hell!

Hindi muna siya dumeretso sa wine bar bagkus umakyat siya papunta sa rooftop. Kailangan niyang kalmahin ang kanyang sarili because if she won't, she's sure she'd go insane.

Eight long years..

Of all places, bakit sa lugar na ito pa sila muling nagkita?

"Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang ginagawa mo sa ganitong klaseng lugar?"

Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Hindi na niya kailangan alamin kung sino ang may ari ng boses na iyon. How could she ever forget those voice when it always haunted her even in her sleep?

Mariin siyang napalunok. Heto siya at pilit itong nilalayuan pero sinundan pa talaga nito!

Pinuno niya ng hangin ang dib-dib bago nagsalita.

"Bakit mo ako sinundan?" Tanong niya na hindi lumilingon.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.. Anong ginagawa mo sa ganitong klaseng lugar?" Ulit nito.

She bit her lip.

"H..hindi mo ba nakikita, nagtatrabaho ako rito."

"Nagta--" He stop midway and became speechless.

Hindi niya magawa ang lumingon. Hindi niya gustong makita ang disgustado nitong mukha.

Bago siya nagdesisyon na magtrabaho doon tinanggap na niya sa sarili ang magiging tingin sa kanya ng mga tao. How they will judge her and how they will going to treat someone like her. Nakikinita na niya iyon at wala siyang  pakialam.

Pero ngayon ito ang nakaalam non bakit tila nanliit siyang bigla sa kanyang sarili?

"K..kung sinundan mo ako para sa tanong iyon.. then nasagot ko na. A..aalis na ako."

Nang tumalikod siya, siniguro niyang hindi siya magkakaroon ng pagkakataong masulyapan ang mukha nito kaya iniwas niya ng husto ang mga mata sa direksyon nito.

She can't look straight at his face. Hindi lamang dahil nanliliit siya sa natuklasan nito kundi natatakot siyang makita ang poot at pagkasuklam sa mga mata nito.

Hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay inabot nito ang palapulsuhan niya at hinila pabalik. At hindi na siya nakaiwas. Diretso ang mga mata niya sa madilim na madilim nitong mukha.

Pero sandali lang iyon. Iniwas niya din pagkatapos. She really can't stand looking at him in the eyes.

"Bakit kailangan mong magtrabaho?" Matigas nitong tanong.

She gave a bitter laugh. What a question? Pero sinansala niya iyon. Paano ito hindi magtataka kung sa pagkakaalam nito hindi ganito ang klase ng buhay na meron siya noon?

It was just a curious question pero bakit parang insulto ang dating sa kanya?

"Bakit ba nagtatrabaho ang isang tao Mr. Miranda.. oh-- attorney Miranda na nga pala.. Bakit ba nagtatrabaho ang isang tao Atty. Miranda?"

Mas lalo lang nangalit ang bagang nito. Mas lalo lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Tulad ng iba, nagtatrabaho ako para kumita ng pera.. So please, bitiwan mo na ako.. hinihintay na ako ni Andro!" piglas niya.

"Hindi ka na babalik doon!" his voice thundered.

Maang siyang umangat ng tingin.

"May trabaho akong naiwan doon!"

"Trabaho?" He gave a mocking laugh na lalo niyang ikinanliit.

"W..waitress ako dito.. I serve drinks and--"

"Oh yeah.. waitress.. kasama ba sa binabayaran sayo rito ang hawakan at hipuan ka?"

"C.. Club ito,  hindi mo maiiwasan ang--"

"Magkano ba?"

Gulat siyang napatingin rito.

"Magkano ang ibinabayad sayo ni Andro at dodoblehin ko? Five thousand? Ten? Twenty? Sabihin mo sa akin at babayaran kita!"

Lihim siyang napalunok. Pigil na pigil niya ang pamumuo ng kanyang mga luha. Sana'y na siyang minamaliit, sanay na siya sa mga insulto, sanay na siya sa mga taong napakababa ng tingin sa kanya pero bakit napakasakit na marinig iyon mula dito?

Mapait siyang ngumiti.

"Pasensiya na Atty. Miranda, pero sa gabing ito, pag-aari na ako ng iba. Binayaran na ni Andro ang serbisyo ko kaya hindi pwede ang gusto mo.." Inangat niya ang mukha sa mukha nito. "Kung gusto mo.. bukas, available ako."

Kitang-kita niya kung paano nangalit ang mga bagang nito at kung nakakamatay lang ang tinging ipinukol nito ay kanina pa siya humandusay.

Parang napapasong unti-unti siya nitong binitawan.

Ginamit niya ang pagkakataong iyon para tumalikod.

Malalaki ang hakbang na lumayo siya sa lugar na iyon. At nong nasa hagdan na siya ay saka pa lang niya pinakawalan ang kanyang mga luha.

At kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha ay ang muling pagbalik sa kanya ng mga ala-alang hindi na siguro niya makakalimutan habang buhay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status