Share

Sweet Flames Of Vengeance
Sweet Flames Of Vengeance
Author: Shanelaurice

Prologue 1.1

Madilim, magulo, mausok at maingay. Iyon ang senaryong bumungad sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa lugar na iyon. Tiningnan niya ang kanyang wristwatch, alas ocho y kinse na ng gabi. 

Kung para sa iba, oras na iyon ng pagtulog o kaya'y pagsisiyesta.. Para sa kanila ang oras na iyon ay indikasyon pa lang ng pagsisimula ng kanilang gabi. 

Nagmadali siyang pumasok sa kwartong nagsisilbing dressing room nila. Nadatnan niya pa sina Stefanie at Mae doon na abala sa pag me-make-up. 

"Akala ko hindi ka na makakapasok ngayon, may nangyari na naman ba?" Si Stefanie na tinapunan siya ng tingin.

Umiling siya. "Wala naman, hindi lang ako nakauwi ng maaga. Marami kasing customer sa coffee shop." sagot niya saka tinungo ang silyang nakatalaga sa kanya. Sa gilid non ay naroon na ang damit na isusuot niya para sa gabing iyon. Tulad rin iyon ng suot ng dalawang kasama.

"Kung bakit ba kasi pinagtiyatiyagaan mo pang magtrabaho doon sa coffee shop e ang liit naman ng sweldo. Bakit hindi ka nalang mag focus dito?" Si Mae na nakatingin sa kanya sa salamin habang nagsusuot ng hikaw. 

Hilaw siyang ngumiti. "Napamahal na kasi sa akin ang coffee shop Mae." iyon ang palagi niyang sinasabi sa mga kasamahan niya kapag nagtatanong o nag-uusisa ang mga ito. 

It was partially the truth pero..

"Kailangan mo ng pera.. at nasa harap mo na ang solusyon. Pinag-aagawan ka nila Drey lalo na ni Gen. Tamayo alam mo ba iyon? Ilang gabi lang at tiyak kong solve ang problema mo.. magpraktikal ka na kasi, hindi na uso ang hiya at kiyeme sa panahon ngayon! Hindi mo iyan mapeperahan!"

"Hayaan mo na nga si Drea Mae, " saway ni Stephanie. "Itigil mo na ang kaka-kumbinsi sa kanya dahil hindi iyan makakatulong!"

Nagkibit balikat ito. "Bahala kayo, suhestyon lang naman yong sa akin" sabi pa nito saka tumayo. "Mauna na 'ko sa inyo." dugtong pa nito saka nagpatiuna ng maglakad papunta sa pinto. 

Dinig na dinig pa nila ang tunog ng takong nito kahit nakalabas na ito ng dressing room.

"Huwag mo nalang pansinin ang bruhang iyon Drey."

Nagkibit balikat lang siya saka ngumiti.

"Wala sa akin iyon.. sanay na naman ako sa kanya." 

"Kumusta na si Daisy?" Tanong nito. Pumunta ito sa likod niya at tinulungan siyang ibuhol ang laylayan ng suot niyang t-shirt. Tapos na itong magbihis at mag ayos ng sarili.

"Sa awa ng diyos hindi na siya sinumpong nitong linggo." 

"Mabuti naman kung ganoon."

"Sana nga tuloy-tuloy na.." sabi niyang puno ng pag-asa ang boses. 

"May awa ang diyos Drey.. hindi ka niya pababayaan."

Marahan siyang tumango. Sandali pa siya nitong minasdan sa salamin, puno ng simpatya ang mukha. 

Pilit naman siyang ngumiti saka pinasigla ang boses.

"Hintayin mo na ako Step, Sabay na tayong lalabas." pag-iiba niya ng usapan.

Marahan naman itong ngumiti at tumango bago na napadiretso ng tayo saka tinungo ang upuan nito. 

Hindi siya nagme-make-up na tulad ng mga ito. Foundation at lipstick lang ang nakasanayan niyang ikolorete sa mukha kaya hindi tumagal ang paghihintay nito. 

Nang tumayo ay tiningnan niya muli ang sarili sa salamin. Puting t-shirt na binuhol sa likod ang suot nila kaya kita ang kani-kanilang mga pusod at itim na short shorts na tinernuhan ng tatlong pulgadang heels. 

Iyon ang attire nila para sa gabing iyon bilang mga waitres.. waitres sa club na iyon!

KANYA-KANYA na silang tungo sa pwestong nakatoka sa kanila. Naroroon na rin ang iba pang waitress na inaasikaso na ang ibang mga customer. They were eight of them at sa walo, si Mae at Stefanie ang naging close niya sa loob ng tatlong buwan niyang pagtatrabaho doon. 

She was not working there regularly. Ume-ekstra lang siya tuwing byernes at sabado kung kailan maraming customers. 

It was Stefanie who offer her the job. Nagkakilala sila noong lumipat ito sa katabing apartment kung saan sila nagrerenta. 

Noong panahong iyon mag iisang taon na siyang nagtatrabaho sa Julie's cafe bilang server at cashier na rin. Sa trabahong iyon niya natagpuan ang peace of mind kaya kahit hindi masyadong malaki ang sweldo ay ninais niyang manatili doon. 

Kaya lang...

"Miss tatlo ngang bote ng beer at isang sisig!"

Napapitlag siya ng marinig ang tawag na iyon. Agad siyang nagkumahog at lumapit sa mesa ng tatlong lalaking di kalayuan sa kanya. 

Habang papalapit ay hindi na nakaligtas sa kanya ang nanunuot at malisyosong titig ng mga ito. They stare at her from head down to her legs as if she was naked. Binalewala niya iyon at nakangiti pa ring lumapit sa mga ito. 

Sa tatlong buwan niyang pagtatrabaho doon hindi na bago sa kanya ang mga ganoong titig at malisyosong ngisi. Noong una halos masuka siya at halos hindi niya kayang gawin ang ganoong uri ng trabaho pero dahil sa wala siyang choice ay pinilit niya iyon sikmurain. Kalaunan ay nasanay na rin siya. Hindi niya nalang pinapansin ang advances ng ibang mga customer. 

Kailangan niya ng pera at sa ngayon iyon lang ang tanging mahalaga sa kanya.

"Ano pong order natin sir?" Hinalo niya pa ng lambing ang ngiting ibinigay niya. Kinuha niya ang isang maliit na notepad at ballpen sa likod ng bulsa ng short niya. Kilala na niya yung isa sa tatlo. Regular customer ng club.

"Ikaw... pwede ba?" Natatawang biro nung isa na pinakabata sa tatlo.

Alam niyang nagpapalipad-hangin lang ito kaya sinabayan niya ito sa pagtawa. "Sorry sir but I'm not for order.." Biro din niya saka ito nginitian. "And not for sale also."

"Sabi ko sayo Roge eh.." anang katabi nito. 

Ipinagpapasalamat niya ng hindi na nagpumilit o nangulit ang kaharap. Nakuntento nalang ito sa mga nakaw na tingin at manaka-naka'y ngisi na hindi nalang niya binigyang pansin habang sine-serve niya ang order ng mga ito.

Sanay na siya sa mga customer na ganoon. Mas malala pa nga ang iba lalo na kung lasing. Ang iba idinadaan sa kunwaring di sinasadyang paghipo o kaya mga manaka-naka'y paghimas na noong una ay halos hindi na niya gustong bumalik kinabukasan. Kaya lang may nangyari kaya kahit diring-diri siyang bumalik doon sa club ay wala siyang naging ibang choice kundi ang bumalik at magtrabaho doon. 

She needs money and it was all that matter to her kaya pilit niyang binalewa ang mga advances ng mga manyak na customer. Inisip niya nalang na wala namang mawawala sa kanya as long as they will never hit her below the belt. Kaya okey lang. At kung dumadating naman sa punto na sobrang bastos na, meron naman silang mga security at mga bouncer doon na sa laki ng mga katawan ay kayang-kaya iitsa ang bastos na customer sa labas sa pamamagitan lamang ng isang kamay.

Pabalik na siya ng counter ng salubungin siya ng kanilang manager na halos mabali ang baywang kung makakembot. Daig pa nito ang mga sumasali sa mga beauty contest kung rumampa. Well, hindi na nakapagtataka, Manager Arriella is a woman trap in a man's body. 

"Drea.. nandito na siya at hinihintay ka na niya doon." 

Marahan siyang tumango saka pabuntong-hininga na tumalima. Inaasahan na niya iyon. Narinig niya pa ang pagtawag ni Manager Arriella sa isa niyang kasamahan at sinabihang ito na muna ang magsisilbi sa naiwan niyang pwesto.

Marahan siyang umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang mga VIP room. 

Kumpara sa ibaba mas pribado at mas tahimik ang sa itaas. Mostly kasi mga taong may sinasabi sa lipunan ang umookupa doon like politicians and Executives.

Marahan muna siyang kumatok bago itinulak ang pinto.

"Andrea!"

In a excited voice, the man infront greeted her.

She smile. "Good evening Gen. Tamayo." She greeted back bago na inikot ang mata sa loob ng kwartong iyon. 

Anim lahat ang naroroon. Apat ang lalaki kasali na si Gen. Tamayo. At dalawang babaeng marahil kasing edad niya lang. Katabi ng mga ito ang dalawang lalake sa bandang kanan ng mahabang sofa. Hindi ito ang palaging kasama ng Heneral sa tuwing pumupunta roon.

Gen. Tamayo is a regular customer at the club. Naging regular mula ng magtrabaho siya doon and she was his favorite server since then. Nasa late forties na ito at sa pagkakaalam niya isang na itong byudo at may tatlong anak.

Hindi naman nito ikinakaila ang pagkakagusto sa kanya. He is vocal about his feelings pero pinakatanggi-tanggi na niya iyon una pa lang. 

"I can give you the world if you'll only give me a chance Drey." 

She remember him offering her that the second time he went to the club. Dalawang linggo pa lang siyang natatrabaho doon noon. It was a tempting offer Lalo na sa mga sandaling iyon ay nangangailangan siya ng malaking halaga. But never even in her worst dream that she'll wake up one day to be a mistress.

"I'm sorry Gen. Tamayo. If you think I'm like those woman who'll heartedly jump in your bed because of money.. ngayon pa lang sinasabi ko na sayo.. hindi ako ganoong uri ng babae."

She said that with head up high. Nakita niya ang sandaling pakakatigil nito. Hindi siguro inaasahan na marinig sa isang tulad niyang nagtatrabaho sa club ang ganoon. Siguro sanay ito sa mga babaeng offeran lang nito ng pera ay agad susunggaban.

At kahit noong nalaman niyang isa na itong byudo ay hindi pa rin nagbago ang desisyon niya. It won't change even if he'll tell her that his intentions were pure.

She was a fool. Swerte na.. nilalayuan niya pa. Yun ang palaging sinasabi sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa club. She could live in luxury kung bibigyan niya lang ito ng pagkakataon. Mapera, may magandang trabaho at kung itsura naman ang pagbabasehan ay hindi naman ito dehado. Ni hindi ngang mahahalatang lagpas kuwarenta na ang edad nito. But she's really not into him or the like's of him.

Okey she's desperate to earn money.. but not to the extend that she'll exchange her freedom and her dignity to achieve it. Malakas pa siya and she can still work to save. Bahala na magkandakuba-kuba siya.

Dignity was the only thing left in her. Hindi man iyon maisip ng mga tao sa uri ng trabaho niya at least alam niya sa sarili niya na meron siya non.

"As usual po ba Gen. Tamayo?" Tanong niya ng makalapit rito.

He smile and urge her to come closer.

"Yes please, Andrea.. but before that ipakikilala muna kita sa mga kasama ko." 

Isa-isa nga nitong ipinakilala sa kanya ang naroroon. She just courteously smile kahit na hindi rin naman niya natandaan ang pangalan ng mga ito. Tantiya niya ka edad ng Heneral ang dalawa sa kabilang sofa na may mga kaharutang babae at mas bata naman ang nasa tabi nito.

Sanay na siya na kapag nandon ang lalake ay naroroon din siya sa loob ng VIP room. She was always requested by him to be inside. Taga silbi ng alak and because he paid double ay hindi iyon sinansala ng kanilang manager. Actually gustong-gusto pa nga. 

She also like it that way too. Maingay at crowded sa ibaba at mas maraming manyak na mga lasing. Unlike here in VIPs. Although there are some advances hindi naman iyon kasing lala kung naroroon siya sa ibaba.

At ang higit na dahilan kung bakit gusto niya sa VIP's ay dahil malaki kung magbigay ng tip ang mga nag ookupa doon. 

She pour another shot. As usual their topic was politics. Noon pa man ay alam na niya ang plano ni Gen. Tamayo na tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon kaya sa tuwing pumupunta ito doon, pulitika ang palaging topic nito at kung sino mang kasama nito.

A few shots more and they are starting to get groggy. Nagiging maingay na sa loob. Napupuno na ng tawanan at harutan.

"Try this Drey.." 

Mariin siyang umiling ng iabot sa kanya ni Gen. Tamayo ang baso na may lamang alak. 

"Alam mong hindi ako umiinom Genaral." Ganting bulong niya. 

"Just this once. I'll assure you magugustuhan mo ang lasa nito."

Umiling siya ulit. Kinuha niya ang bote ng whisky "I'll just pour you another shot."

Mahina itong tumawa.

"Okey, hindi na kita pipiliting uminom but in one condition.."

Taas kilay siyang nagtaas ng tingin.

"Stop calling me Gen. Tamayo. It's too formal for our three months acquaintance. Andro nalang, pwede ba iyon Drey?" 

She smile and raised her brows but after a while she nodded. "Andro then.."

Bahagya pa siyang napapitlag ng inilapit pa nito lalo ang mukha sa bandang teynga niya.

"Kita mo na, pati pangalan natin halos magkapareho na.. Andrea and Andro. Hindi pa ba ito takda ng tadhana para sa atin?" He chuckled.

She laugh at his remarks. Siya naman ang lumapit sa bandang taynga nito.

"Destiny is not in the name Andro.."

"Wala ka talagang planong bigyan ako ng pagkakataon huh?" 

"Wala rin akong planong magbigay ng pagkakataon sa iba."

Andro's laugh fill the room. Pati mga kasamahan nito ay napatingin sa gawi nila.

"I'm sorry I'm late.. Did I miss something?" 

Mula sa kanila, bumaling ang tingin ng mga kaharap sa may pinto. 

And she did too. 

And who she saw there standing almost made her faint!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status