Humalik siya sa akin noo, “sa totoo lang. Ako ang lalaking naka hood na sumagip sayo, pati na ang lalaking kasama mo sa resto na tumabig ng kinakain mo. Ako rin ang minsang sumagip sayo ng matangay ka ng malakas na agos dahil tinuro ni Jackie sayo ang perfect spot daw pero sa totoo yun ang pinaka delikadong lugar na languyan. Xyrille, gusto kong malaman mo na noon pa man, bago pa dumating sa buhay mo si Tim ay nandyan na ako para sa’yo. Hinihintay sana kitang makapag tapos, dahil ng ipakita ka sakin ni Lolo noon, nagustuhan na kita. Kaya lang out of respect kay Tim ay nagparaya ako sa pinsan ko.” Tinanggal ko ang pagkakayapos niya sa akin at humarap sa kaniya ng litong lito “teka, hindi ba si Tim ang sumagip sa akin nung minsan muntikan na kaming malunod noon?” Umiling siya sa akin, “nope, Si Tim ay tila na istatwa ng makita niyang inaanod ka na ng tubig. Ako ang lumangoy sa current kahit na delikado para mailigtas ka.” Nabigla ako sa sunod sunod na rebelasyon ng pamilyang i
Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Jackie bago pa man niya natapos ang kaniyang sasabihin. “Manahimik ka! Hindi mo alam? Sige, para maliwanag sa lahat. At para malinis ang pangalan ni David. Bago ko pa man i check ang CCTV nung araw na yun ay alam ko na ang kasagutan, ilang beses ko nang minamanmanan itong si Jackie at alam kong ilang beses na niyang muntik ipahamak itong si Xyrille dahil sa ayaw niyang makatuluyan ito ng anak niya. Nang araw na hinaluan niya ng kung ano ang iniinom nitong si David at Xyrille ay nahuli na ako ng dating. Kaya nangyari ang mga bagay na ito. Apo, Tim. Alam kong matalino kang bata. Sana ay wag mong sisihin ang pinsan mo at si Xyrille. Parehas silang biktima sa ginawa ng Mommy mo.” halos maluha luhang sabi ni Don Victor. Hindi ako makapaniwala na lahat pala ng kamalasang nangyari sa akin noon ay gawa iyon lahat ni Jackie. Hindi pala iyon disgrasya lang. Napapailing ako ngunit matatag ang pagkakakapit sa kamay ko ni David. T
XYRILLE POV (AT LOYOLA ANCESTRAL HOME) Isa isa nang nagdatingan ang miyembro ng Loyola. Lahat ay nakasuot ng mga simple pero mahahalatang mamahalin na mga pananamit. “Its okay! Relax.” Sabi ni David sa akin. Ngumiti ako pero sa totoo lang ang kaba sa aking dibdib ay abot hanggang langit. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Tim para kay David. Kahit pa alam naman ng lahat kung gaano katakot si Tim kay David. Maya-maya pa ay nagsipagdatingan na ang lahat ng miyembro ng Loyola clan. Sinalubong ni Don Victor ang kaniyang mga anak, lumapit kaagad si David sa kaniyang lolo. Malapit sila sa isa’t isa. Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating na din si Jackie kasama si Tim, ang laki ng ngiti ni Tim ng makita niya ako na naruruon. Lumapit siya sa akin at sinuggaban ng mahigpit na pagkakakapit ang kamay ko. Agad ko naman itong binawi at saka ako nagtungo sa likod ni David. “Ano ka ba Xy, bakit ka nagtatago sa likuran ni David? Wag ka ng mahiya sa akin. Alam kong hindi mo a
Nang mag okay ang mga kaibigan niya ay ngumiti siya ng parang tanga at magiliw na nagsalita. "Xyrille, Mahal! Alam mo bang matagal ko ng gustong gawin ang bagay na to? Alam kong nitong mga nakaraang araw ay may hindi tayo naging pagkakaunawaan. At alam kong nagalit ka sakin ng husto pero babawi ako. Mahal, wala akong ibang hinihiling—-“ Bago pa man siya matapos sa sasabihin niya ay agad ko na itong piniit. “Tim! Please stop this okay. Tama na—- Anumang meron tayo noon, matagal na yung tapos! Hope you get it! Kasal na ako, tigilan na natin to. I’m sorry!” Pero parang walang naririnig si Tim sa lahat ng sinasabi ko. Kahit pa ang mga kaibigan nito ay nagbubulungan na. Hindi ako makaalis dahil kinapitan niya ang kamay ko ng mahigpit. "Xyrille, huwag mag-alala. Alam kong galit ka lang sakin kaya mo yan nasasabi. Pero mahal, matagal kong pinag isipan ito. Hindi ako naniniwalang naikasal ka ng ganun kabilis. Hehe imposible. Kaya—“ Ngumiti si Tim ng tila
“Okay lang naman pero medyo stress napaka daming problema sabagong account na hinahandle ko.”“Hmmm ganuon ba?! Gusto mo bang masahihin kita?”Tinignan ko siya ng may pagbabanta pero bigla din akong ngumiti. “Wag na love, alam ko na ang kasunod niyan. Pero alam mo love grabe.Sobrang maSherry issue ang problema sa account na yan.Alam mo bang mismong ang team leader ang late. Hindi updated ang coaching logs? May weekly review na kami. Bagsak ang quality score? Pero atleast ngayon unti-unti na kaming umaangat. Walang sales conversion? Hindi pa perfect, pero lumalaban na kami.”“Edi good din, kausapin mo na lang yung team leader kasi siya ang ginagayahan ng mga staff.”“Kaya nga. Ayun nga ang plano ko. Kung hindi siya makikinig sakin mapipilitan akong tanggalin siya at palitan ng ibang mas deserving sa posisyon at sahod na ibinibigay sa kaniya.”Napangiti sa akin si David sabay halik sa aking noo. Kinabukasan ay pumasok na ako sa office kagaya ng nakagawian isang hamon na naman ang
XYRILLE POVMas lalo akong naging determinado. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumilinaw sa akin ang mga problemang matagal nang binabalewala ng iba kaya naman pala ganito ang account na ito na tila hindi umuusad. Binuksan ko ang notebook ko at sinulat ito isa-isa:– Late ang team leader. – Hindi updated ang coaching logs. – Bagsak sa quality scores. – Halos walang sales conversion.Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang listahan. Ang dami palang issue sa account na ito. Mga major issue na dapat pagtutuunan ng pansin. Lalo na ang mga staff na wala sa focus.Kinabukasan, nag-set ako ng alarm ng alas-sais ng umaga. Maaga akong naligo, nagkape, at lumabas ng bahay. Pagdating ko sa opisina, 8:00 AM pa lang. Tahimik pa ang floor, maliban sa ingay ng aircon at scanner. Kinuha ko ang performance reports, inayos ko ang daily goals, at nag-print ng motivational quotes na ididikit ko sa paligid.Pagdating ng 9:30 AM, unti-unti nang pumasok ang mga agents.“Uy, ang aga mo, Ms.Xyrill