HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging sagot ni dad patungkol sa larawan ko. Isang linggo na rin ang nakalipas pero patuloy pa rin iyon na sumasagi sa isip ko.Ilang buntonghininga na ang pinakawalan ko simula pa kanina ngunit hindi ko talaga magawang mag-focus sa trabaho ko. Maging ang layout artist ng Book Spine Publishing ay hindi ko mareply ng maayos. Nagtatanong na ito sa gusto kong lay out ng aking book na ire-release next week pero wala akong maibigay na suhestiyon. Lumilipad ang isip ko sa kung saan. Dumagdag pa sa isipin ko ang kaarawan ko ngayon. Masamang-masama ang loob ko sa kanila lalo na kay Stacey dahil hindi man lang ako nito nagawang batiin. Samantalang dati-rati ay siya ang kauna-unahang bumabati saakin."Hey! Wala ka bang balak na mag-celebrate ng birthday mo?" Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Kapagkuwa'y halos maluha ako nang makita kong nakatayo si Nicolo sa pintuan ng opisina ko. Hindi ko inaasahan na si
KINAKABAHAN'G binuksan ko ang gate ng bahay ni Alas.Alas otso na iyon ng umaga kaya't batid kong nasa clinic na si Alas. Dahan-dahan akong humakbang papasok. Kapagkuwa'y kinuha ko ang card sa aking bag upang mabuksan ko ang pintuan. Nahihiya kasi akong tawagin si Tita Ester kaya't maingat akong pumasok. Nagpalinga-linga ako sa sala at sa kamalasan ko'y si Alas mismo ang unang nahagip ng tingin ko. Naroon ito sa couch at tahimik na nagkakape.Kahit kinakabahan ay pikit matang tumikhim pa rin ako upang maagaw ang kanyang atensiyon."Oh, buti pinayagan ka pang umuwi ng pamilya mo?" puno ng sarkasmo sa kanyang tinig. Kaagad akong dumilat at kitang-kita ko kung gaano kabusangot ang kanyang mukha. Kaya't mas dumoble pa tuloy ang kaba na kasalukuyan kong nararamdaman."So-sorry, Alas." Nakayukong wika ko."Oh, c'mon! Just like what i've said before, hindi mo kailangan'g humingi ng sorry sa'kin everytime na may gagawin kang desisyon. Nagulat lang talaga ako sa bigla mong
Disclaimer:This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidentalThe story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading! TULALA at nangingilid ang aking mga luha habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa vanity mirror na naroon sa silid ni mommy. Matapos kasi akong sampalin at bugbugin ng aking ama ay halos mapuno na naman ng latay ang buo kong katawan pati na rin ang aking pisngi.''Jela, anak!'' dinig kong sigaw ni mom kaya't dali-dali kong pinalis ang aking mga luha.''Mom, ba-bakit niyo po ako hinahanap?'' garalgal ang tinig na t
LATE na nga ako ng limang minuto nang makarating ako sa unibersidad. Mabuti na lang at late na rin dumating ang aming professor kaya naman wala na akong dapat na alalahanin pa.Tahimik akong naupo sa aking upuan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hindi ko man lang nahagilap ang aking kaibigan'g si Stacey.Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Tanging siya lang kasi ang kaibigan ko simula pa no'ng first year ako at hanggang ngayon na malapit na akong gumraduate.Tinatamad kasi akong makisalamuha sa iba lalo pa't wala naman akong kalayaan sa buhay. Ayoko rin'g dumating sa puntong pati ang mga kaibigan ko ay idamay ni dad sa galit niya saakin.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil sa malakas na sigawan nina mommy at daddy sa kabilang silid.Napilitan akong bumangon. Lumabas ako at nilapitan ko ang pintuan ng kanilang silid. Idinikit ko ang aking tainga sa pinto upang malinaw kong marinig ang kanilang pinagtatalunan. Napatakip pa ako sa aking bibig matapos kong marinig na may ibang babae pala ang aking ama."Napakasama mo talaga! Mabuti pa 'yong anak ng kabit mo, sobrang mahal na mahal mo! Samantalang ang sarili mong anak ay parang hayop kung iyong tratuhin!" sigaw ng aking ina."Sinabi ng manahimik ka na eh!" sigaw rin ng aking ama na sinundan pa ng malakas na tunog ng pag sampal niya kay mommy.G
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Stacey ay dumiretso kami sa isang mall upang bumili ng mga kagamitan na kakailanganin namin para makapag-disguise. Napagdesisyunan namin na sundan si dad nang sa gayo'n ay mabantayan namin ang mga kilos niya."Sure ka bang uubra 'tong plano natin?" pangungulit ko kay Stacey na abala sa paghahanap ng magandang wig."Gaga! Magtiwala ka lang sa'kin at paniguradong magiging successful ang plano." Nakairap niyang tugon."Oo na! Sandali nga at naiihi ako. Iwanan ko muna sa'yo 'tong pouch ko, huh.""Akin na! Bilisan mo lang para makapagsimula agad tayo ng plano!" habilin niya na kanina pa akong iniirapan.
NANGANGATOG ang aking mga tuhod habang nilalapitan ko ang kabaong ng aking ina. Pagdating ko kasi kahapon sa hospital ay hindi ko na ito naabutan'g buhay.Sinabi ng mga doctor na dead on arrival ang naganap kaya't kaagad ng inasikaso ng aking ama ang burol nito. Ngayon ay naririto na ito sa aming mansiyon at pinaglalamayan na ng ilan namin'g kamag-anak at kakilala.Karamihan sa mga naroon ay mga kasamahan ni dad sa kompanya.Simula pa kahapon ay walang humpay na ako sa pag-iyak. Mabuti na lang at nariyan pa rin si Stacey sa aking tabi. Kaninang umaga lang ito umalis upang maligo at makapagpalit ng damit. Hindi rin ako makakain. Pakiwari ko ay tuluyan ng gumuho ang aking mundo. Wala na rin kasi akong naiisip na dahilan para lumaban pa sa buhay. Wala na ang aking ina na siyang naniniwala at nagtitiwala saakin. Kaya't parang wala na rin'g silbi kung magpapatuloy pa ako.Niyakap ko ang kabaong ng aking ina at doon ay mas lalo pang luma
BUONG maghapon akong nanatili sa bahay nina Stacey. Kaya naman kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam ko. Gabi na rin ng magpasya akong umuwi kaya heto at muli na naman akong nilamon ng kalungkutan habang nagmamaneho.Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho nang sa gayo'n ay hindi agad ako makarating sa bahay.Subalit hindi naman nakiayon ang tadhana. Malinis ang kalsada. Walang traffic kaya mabilis pa rin akong nakauwi.Pagtapak ko pa lang sa pintuan ay madilim na anyo agad ni dad ang sumalubong saakin."Where have you been?" aniya."Stacey." Tipid kong tugon at pagkatapos ay humakbang na ako paakyat sa aking silid. Ngunit agad rin niyang nahagip ang aking braso."Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong layasan."Mariing sambit pa nito dahilan upang mapatingin ako sa aking braso na bahagya ng namumula dulot ng mahigpit niyang pagkakahawak rito."Nasasaktan ako dad." Reklamo ko."Mas masasaktan ka kung p