Share

Chapter Eleven

PAKIRAMDAM ko ay mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Habang nakaupo ako sa gilid ng aking kama ay napadako ang tingin ko sa orasan na naroon sa dingding. Kapagkuwa'y namilog pa ang aking mga mata nang makita kong alas diyes na pala ng umaga.

Nagmadali akong lumabas ng silid at muntik ko pa nga'ng mabunggo si Tita Ester.

"Oh, gising ka na pala! Kumusta na ang pakiramdam mo?" anang matanda.

"Uhm..o-okay lang po ako tita."

"Sigurado ka? Halika nga muna, may niluto akong sopas na paniguradong makakatanggal ng hangover mo."

"Salamat po. Uhm tita, nasaan po si Alas?"

"Naku, maagang umalis. Nagbilin nga pala iyon na kapag magising ka raw ay sabihan kita na huwag ka daw munang pumasok sa opisina."

"Po? Eh, okay naman na po ang pakiramdam ko."

"Yeah pero, mukhang galit na galit si Alas do'n sa Nicolo eh, pati na rin sa'yo."

"Ba-bakit daw po?"naguguluhan'g usisa ko.

"Sino bang kasama mo kagabi, Jela?" anang matanda.

"Si Stacey po. Tita, nagtataka po ako kung bakit po b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status