Share

Chapter Seven

ISANG buwan na lang at ga-graduate na ako sa kolehiyo. Kaya naman pinakiusapan ko si Stacey na dito muna ako sa bahay nila pansamantalang mag-stay. Sa katunayan ay isang linggo na rin ako dito buhat ng umalis ako sa bahay. Ilang araw kong hinintay kung hahanapin man lang ba ako ni dad , ngunit labis lamang akong nadismaya dahil hindi man lang iyon nangyari. Pakiwari ko ay mas lalo pa nga itong natuwa sa aking pag-alis.

"Hoy, ang lalim na naman ng iniisip mo diyan!" bahagya pa akong nagulat sa biglang pag sita saakin ni Stacey.

"Sorry. Naalala ko lang kasi si dad eh."

"Sus, miss mo na ba?"

Sunud-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko.

"Hmm, hulaan ko iniisip mo na naman kung bakit hindi ka man lang niya hinanap, right?"

"Yeah. Pero okay na ako Stacey." walang gana'ng sambit ko.

"Siya nga pala, paano ang pambayad mo sa tuition at 'yong sa graduation natin?"

"Hindi ko poproblemahin 'yon. Saakin nak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status