Share

Chapter Nine

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kaya naman nagmadali akong pumunta ng kusina para sana magluto ng almusal namin. Subalit, laking gulat ko nang maabutan kong naroon na rin si Tita Ester. Mas maaga pa pala itong nagising kaysa saakin.

Tumikhim ako dahilan upang mapalingon ang matanda. ''Oh, ang aga mo yata ngayon ah." Aniya na ibinalik rin kaagad ang tingin sa kanyang niluluto.

"Uhm, balak ko po sana'ng magluto ng almusal kaya lang eh, mas nauna ka pa po pala saakin." Pilit ang ngiting sagot ko.

"Naku, sabi ko naman sa'yo, kayang-kaya ko na ang mga gawain dito. Sige na, hintayin mo na lang ako doon sa hapag. Tutal patapos naman na ako rito."

"Ay, sige po."

Ilang minuto lang ay nakapaghain na nga ang matanda. At sabay na rin kaming nag-almusal.

"Jela, may itatanong sana ako sa'yo, pero huwag kang magagalit, huh."

"Ano po 'yon tita?"

"Eh kasi, himala yata na hindi sumabay saatin si Alas. Nag-away ba kayo kahapon?"

"Hi-hindi naman po. May napag-usapan lang po kami kagabi na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status